Ch 20

BAD CHICK

"Seriously Chaeng?" taas kilay kong tanong sa bestfriend ko ngayong nakarating na kami sa lugar kung san niya ko isinama. 


"If I only knew na dito lang pala tayo pupunta edi sana nagbar na lang tayo" dagdag ko pa. 


"What's wrong here? Dati naman na tayong pumupunta dito diba? Saka miss ko na yung mga luto ni Aling Nene. Besides, I'm not in the mood to drink. Kung gusto mo may beer din naman sila dito" depensa niya na may pag irap pang kasama. 


Andito kami sa arcade slash bilyaran slash canteen na madalas tambayan ng mga estudyante ng university pagtapos ng klase. Madalas rin kami dito noon nung hindi pa kami natututong uminom at magbar ni Chaeng. Dito rin namin nakilala sina Irene noong first year college pa lang kami. 


"Hayaan mo na Jen. Ang tagal na rin nating di natambay dito. Nakakamiss rin pala" sabi naman ni Irene. 


"Oh andito din pala sina Jisoo eh" singit naman ni Wendy. 


Nagkatinginan naman kami ni Chaeng. Si Chaeng lang ang nakakaalam sa tropa na may usapan kami ni Lisa and she ditched me. 


Sabay kaming napatingin ni Chaeng sa direksyon kung saan nakatingin si Wendy and we saw Seulgi and Jisoo. Pero teka, silang dalawa lang? Sa pagkakatanda ko tatlo silang magkakasabay na umalis ng university kanina. Kung andito sila malamang andito rin si Lisa. Pero ang sabi niya may lakad sila? 


Napabalik naman ako sa realidad ng maramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko. Nang lingunin ko kung sino, I saw Chaeng and she's pointing to someone using her lips. Sinundan ko ng tingin yung tinuturo niya at napasimangot naman ako sa nakita ko. 


"Akala ko ba may importanteng lakad?" bulong ni Chaeng sakin. 


I clenched my jaw as I was watching her. So, it is confirmed, iniiwasan niya nga ako, but why? Wala naman akong ginawang mali. Hindi naman kami nagclash. 


"Ano na guys? Tara!" aya ni Irene. 


"Sige una na kayo, sunod ako. May kukunin lang ako sa kotse" pagdadahilan ko. 


Chaeng looked at me and she already knew what I am thinking. Chaeng nodded her head at me bago niya hinila papunta sa mga display ng pagkain siba Irene samantalang dahan dahan naman akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya. 


"May lakad?" panimula ko. 


"Importante pala ha" dagdag ko pa bago ako umupo sa tabi niya. 


Napatingin naman siya sa akin at halata kong gulat na gulat siya ng makita niya ko ngayon dito. For sure, di niya inexpect ang presensya ko dito ngayon. 


"W-what are you doing here?" nauutal niyang tanong sakin. 


"I should be the one asking you that question, didn't I?" sagot ko sabay ng pagtaas ng isanh kilay ko sa kanya. 


Hindi siya nakasagot agad kaya nagsalita ulit ako. 


"Akala ko ba may lakad kayo?" 

 

"Me-meron nga" sagot niya ulit. She's stuttering. Sign na kinakabahan siya. 


"So, ito na yung lakad niyo? You ditched our practice, you ditched me just to play here? Seriously?" I asked. Medyo tumaas na rin yung boses ko dahil hindi ko maiwasang mainis. I can't believe na ipinagpalit niya yung practice namin sa napaka walang kwentang paglalaro ng arcade. 


"So? Matagal pa naman bago natin yun iperform, we still have a lot of time to practice. Besides, I want to unwind that's why we came here. So, if you wouldn't mind, can you please leave me alone?" diretsong sabi niya sa mga mata ko bago niya ibinalik sa arcade yung tingin niya. 


I felt a pang in my chest we she said that. Why do I feel like I'm bothering her. What's wrong with her? I clenched my jaw while I am looking at her. 


"Why are you doing this to me? May nagawa na naman ba ko sayo para tratuhin mo ko ng ganito?" 


I can feel my heart clenched and my tears started forming in the corner of my eyes pero pinipigilan kong tumulo yun. Nilingon niya ko and somewhat, I don't know if I am right, but I saw her eyes softened when our eyes met, pero agad niya rin namang inalis ang tingin niya sakin. 

"Stop being a child Jennie. This isn't about you. This is me wanting to unwind. Wag mong gawing big deal" sabi niya bago siya tumayo para talikuran at iwanan ako. She didn't even finish playing her game. 


I watched her walking towards Jisoo and Seulgi's direction. Dun sa may bilyaran kung saan mas maraming estudyante ang nakatambay. Hinabol ko siya hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa likuran niya. Her friends noticed me but she didn't kasi nakatalikod siya sakin. Seulgi and Jisoo looked at me wearing a confused expression on their faces. They ate looking at me and Lisa sumultaneaously, but they are too afraid to ask their friend about what's happening. 


"Don't make this a big deal?" sabi ko. 


Napalakas ata ang sabi ko dahil nagsitinginan sakin yung mga estudyanteng naglalaro ng bilyar sa kabilang table pati na rin yung ibang estudyanteng kumakain at nag iinuman. Even my group of friends are looking at me now. 


"Uy it's Jennie pala" 

"Hi Jennie" 

"Hi Jen! Ang y mo ngayon" 


Mga salitang narinig ko habang nakatayo ako sa likuran ni Lisa. 


Ilang sandali pa and Lisa faced me. She's wearing her poker face on at hindi ko magawang basahin kung anong naiisip niya ngayon, pero ramdam ko yung tensyon sa pagitan namin ngayon. 


Lisa looked at me from head to toe at napalunok naman ako when our eyes met. Now, I can tell that she's mad. Kita ko sa mga mata niya, pero siyempre hindi ako pwedeng magpasindak. First of all, ako dapat yung galit dito hindi siya. So, I cleared my throat and started speaking. 

 

"How can I not make this a big deal? Isang araw mabait ka sakin, then after a couple of hours you're back to being mean? Tell me Lisa, ano bang problema mo sakin? I thought okay na tayo? then all of sudden eto ka na naman, back to being cold. Why? Can you please tell me why? Coz I don't understand you. Anong bang problema mo?" dire- diretsong tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya. 

 

 

 

 

 

-----
Lisa POV


Nagulat ako when I saw Jennie sitting beside me. Hindi ko alam kung bat siya nandito at kung paano niya nalamang nandito kami. Sinundan niya ba kami? 


Nagkasagutan kami kaya mas minabuti kong talikuran at iwan na lang siya dahil ayokong may masabi pa kong masakit. Hindi ko kasi mapigil yung inis ko sa kanya sa di ko malamang dahilan. I know I'm being unfair to her kasi wala naman siyang ginagawang masama sakin pero kapag nakikita ko kasi siya naaalala ko yung eksena sa kubo at kumukulo ang dugo ko. 


Bumalik ako sa bilyaran kung nasaan sina Jisoo when I heard her voice again. 


"Don't make this a big deal?" 


Napahinto ako. My friends are looking at me and questioning me what's happening using their eyes pero hindi ko magawang sumagot until I heard voices from my back na lalong ikinainit ng ulo ko. 


"Uy it's Jennie pala" 

"Hi Jennie" 

"Hi Jen! Ang y mo ngayon" 


Here we go again. Pinagpipiyestahan na naman siya ng mata ng mga lalaki dito. 


Hinarap ko siya at hindi ko maiwasang tignan siya mula ulo hanggang paa. I know it's rude to do that kaya lang di ko maiwasan. What I saw adds up to the irritation I'm feeling. I just realized she's wearing her favorite look again. She's wearing a super mini skirt revealing her creamy white legs and a fitted blouse that hugs her bossom well. Kaya naman tuwang tuwa na naman yung mga manyakis na estudyante rito. 


I glared at those students na nakatingin sa legs niya and they easily back off naman. So, after that I looked straight into Jennie's eyes. I saw her swallowed a lump before she started talking. 


"How can I not make this a big deal? Isang araw mabait ka sakin, then after a couple of hours you're back to being mean? Tell me Lisa, ano bang problema mo sakin? I thought okay na tayo? then all of sudden eto ka na naman, back to being cold. Why? Can you please tell me why? Coz I don't understand you. Anong bang problema mo?" 


Ano nga bang problema ko? Bat ba ko nagkakaganito ng dahil sa kanya? 

Iniwasan ko yung tanong niya at tatalikod na sana ko ng maramdaman kong hilahin niya ang braso ko para iharap ulit ako sa kanya. 


"Don't you dare turn your back at me. I'm asking you, ano bang problema mo sakin? Ha?" 

I clenched my jaw and answered,


"Do you really want to know what?" sigaw ko.


"Yes! Tell me!" she shouted back. 


"Ikaw! Ikaw ang problema ko Jennie! Tignan mo nga yang sarili mo, yang pananamit mo, yang make up, yang kilos mo, you're too loud. Pinagpipiyestahan ka na ng mga lalaki dito pero parang wala lang sayo! Parang tuwang tuwa ka pa! What are you a sl---"  


"Lisa!"  Jisoo shouted.

Then I felt a hand tapping my shoulder na umagaw ng atensyon ko. My eyes automatically went to Jennie, and  I saw her looking down. Ikinurap ko ang mga mata ko at saka ako napatingin sa paligid and I saw everyone glaring at me. 


Napalunok ako. Mukhang sumobra ata ako sa mga sinabi ko. Napatingin ulit ako kay Jennie and I was taken aback when she looked straight into my eyes. She looks very serious now and very intimidating. She walked towards me, hanggang sa napakalapit na namin sa isa't isa saka siya nagsalita. 


"You don't have the right to say that to me dahil hindi mo ko kilala" 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author