Ch 45

BAD CHICK

"Jennie!" 


Jin, one of the student council officers called my name the moment he saw me walking inside their office. Gulat na gulat pa siya at di makapaniwalang andito ako pero hindi maikakaila yung ngiti sa mga labi niya. Isa si Jin sa mga estudyanteng nanligaw at nangulit sa akin dito sa university. Gwapo naman siya, kaya lang masyado siyang mabait para sa akin. Feeling ko lang hindi kami magkakasundo, kaya ayun binasted ko. 


"Si Lisa?" 


Nawala ang ngiti sa mga labi niya biglang kumunot ang noo. 


"Hey!" tawag ko dahil hindi niya ko sinagot. 


Tumayo siya sa kinauupuan niya at saka tumingin sa may pintuan. 


"Kakalabas lang di mo ba nakita?" 


I rolled my eyes and said, "Hindi naman siguro ako magtatanong kung nakita ko siya diba?" pagmamaldita ko sabay labas ng office nang hindi man lang siya tinitignan. 


Tinatawag niya pa yung pangalan ko pero di ko na siya inintindi. Hindi siya ang ipinunta ko rito. Teka nga, nasan na ba kasi yung babaeng yun? Akala ko ba dito ang punta nun sa student council office? Bakit bigla na lang nawala. 


Bumaba ako ng hagdan habang palinga linga sa bawat classroom na nadadaanan ko. Baka sakaling andito yung taong hinahanap ko. Inisa isa ko na ang bawat classroom sa building na to pero ni anino niya hindi ko man lang nakita. 


"Asan ka na ba Lisa?" bulong ko sa sarili ko nang may narinig akong nag uusap sa may likod ng music lab. Pamilyar yung mga boses kaya kahit na masama ang makinig sa pribadong usapan ng iba, hindj ko napigilan ang sarili ko para pakinggan ang pinag uusapan nila. Lumapit ako at nagtago sa may gilid ng pader. 


"I'm sorry if I made you cry. Don't worry, I won't let that happen again. Basta palagi lang akong andito para sa'yo. I'm happy for us. You know, I've waited for this moment to come. You just made me so happy, Snow"


Agad na tumulo ang mga luha ko nang marinig ko ang mga salitang yun mula kay Lisa, lalo na nung niyakap niya pa at hinalikan si Snow sa noo. Ibig bang sabihin nito na nahuli na ako? Na pumapayag na siyang magpakasal sila? Narealize niya na ba na sila talaga ni Snow ang para sa isa't isa? Na all this time, si Snow pala ang mahal niya? Ang sakit! Parang pinipilipit yung puso ko sa sobrang sakit. Halos hindi ako makahinga. Kung hindi lang sana ako nagmatigas. Kung binigyan ko lang sana siya ng chance na kausapin ako, hindi sana kami darating sa ganito. Kasalanan ko namang lahat to eh. Hindi ko pala kayang mawala siya sa akin. Hindi ko kayang marinig at makita na masaya siya sa iba. I cried so hard to the point na hindi ko na namalayan na napapalakas na pala ang paghikbi ko.  


"Jennie?" napalingon ako nang tawagin ni Snow ang pangalan ko. 


Nakita kong agad na bumitiw si Lisa sa pagkakayakap sa kanya at halata ang pagkagulat at pag aalala sa mukha niya. Agad kong pinahid ang mga luha ko at inayos ang sarili ko. Tumayo ako ng diretso at saka ako nagsalita. 


"I'm s-sorry... I... I d-didn't mean to listen" nauutal kong sabi dahil na rin sa sobrang pagpipigil ko nang iyak ko. 


Pagtapos kong sabihin yun ay dali dali akong tumakbo palayo sa kanila. I heard Lisa calling my name but I didn't bother to look back. Sobrang sakit ng puso ko at hindi ko kayang makipag usap sa kanya ngayon. Hindi ko kayang marinig kung anumang mga sasabihin niya. 

 

 

 

 

 

 

----

Lisa


Nagulat ako nang may mabangga akong estudyante habang naglalakad ako papasok sa university. Hindi kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko dahil nakalingon ako sa likuran habang nagpapaalam sa mga nakasama ko sa seminar na dinaluhan ng school namin. Pauwi na kasi sila samantalang ako ay may kailangan pang tapusin na task para sa inoorganize na event ng student council. Kaya kahit gaano ako kapagod sa byahe, hindi pwedeng umuwi agad ako dahil sa dami ng trabahong naiwan ko rito. 


"I'm sorry miss. Di ko sinasadya" paumanhin ko sa estudyanteng nabangga ko. 


"Miss okay ka..." tanong ko.


Agad akong yumuko para tulungan siya sa mga nalaglag niyang gamit at laking gulat ko nung iniangat ko ang ulo ko at makita ko siya. Biglang bumilis yung kabog ng puso ko at di ko maiwasang mapatulala lang sa sobrang ganda niya. Tatlong araw ko rin siyang di nakita at sa araw araw na di ko siya kasama ay sobrang namimiss ko siya. Pero ngayong magkalapit kami, hindi ko alam kung paano ko siya iaapproach. Gusto ko siyang yakapin kaya lang baka magalit siya sa akin at bigla na lang akong sampalin. Kaya taliwas na lang sa naiisip ko ang ginawa ko. 


"Jen" bulong ko. 


Nagkatitigan kami at sobra ang pagpipigil ko na halikan siya lalo na nung dumapo yung paningin ko sa mapupula niyang mga labi. Alam kong galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon at ayoko nang dagdagan pa yung galit niyang yun. Inalalayan ko siyang tumayo at saka ko ibinigay yung mga nahulog na gamit niya. Napansin kong parang namumula siya, baka hindi maganda ang pakiramdam niya. 


"You okay?" tanong ko na tinugon niya lang ng isang tango. 


"Kamusta ka na?" tanong ko ulit umaasang magsasalita na siya at maririnig ko ulit ang kanyang magandang tinig. Kaya lang biglang dumating si Hanbin. Hinihingal pa siya na lumapit sa amin. Maayos na ang itsura niya ngayon kumpara nung araw na binisita ko siya sa ospital. Mabuti naman. Sa tingin ko ay di niya napansin ang presensya ko dahil kay Jennie lang siya nakatingin. 


Napansin kong hawak niya ang phone ni Jennie. At di nga ako nagkamali ng iabot niya yun kay Jen. So magkasama pala sila kanina. Hindi naman maiiwan ni Jen sa kany ang phone niya kung di sila magkasama. Napaisip tuloy ako kung all this time ba na wala ako, si Hanbin ang kasama niya? Nakaramdam ako ng selos pero pilit kong itinago dahil wala naman na akong karapatan para pagbawalan siyang sumama sa iba dahil wala nang kami. Biglang kumirot ang puso ko nang maalala ko yung araw na nakipag break siya sa akin. Napabalik lang ako sa realidad nung napansin kong nakatingin na sa akin si Hanbin. Pinilit kong ngitian siya para wag magpahalata nang tunay kong nararamdaman. At dahil parang sasabog na ako sa sobrang selos ay nagpaalam na ako na umalis. I need some air coz I suddenly can't breathe. Dumiretso ako sa office ng student council at agad na naupo sa table ko. Huminga ako ng malalim habang nakasandal sa swivel chair.


Bumukas ang pinto at pumasok si Jin. Biglang sumama ang itsura niya at ang sama rin ng tingin niya sa akin nung makita niya ako. Simula kasi nung naging kami ni Jennie, palagi nang mainit dugo niya sa akin pero hindi ko na lang iniintindi. Alam ko naman kasi kung bakit. Oo, nakwento sa akin ni Jennie na binasted niya tong si Jin. Kaya nung nalaman niya na girlfriend ko na si Jen, hindi niya na ko kinausap at palaging parang gusto niya na kong patayin sa mga tingin niya. Imbes na intindihin ko siya at isipin ng isipin si Jen at Hanbin, binuksan ko na lang ang laptop ko para tapusin ang mga dapat kong tapusin. Magsisimula na sana akong magtype nang bigla namang may tumawag sa akin. 


"Lisa" 


Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Snow na nakatayo sa harap ng lamesa ko. 


"Can we talk?" 


Hindi ko alam kung ano pang dapat naming pag usapan dahil nung huling beses kaming nag usap ay nagtalo lang kami. Ayaw niya kasing pumayag na huwag nang ituloy ang kasal namin despite the request of my Dad. Pumayag na kasi si Daddy na itigil ang kasal but Snow and her dad didn't take it in a nice way. Nagalit si Tito Max kay dad dahil magiging mukhang kahiya hiya daw ang anak niya. Ano na lang daw ba ang sasabihin ng mga tao kapag nalamang umatras ako sa kasal. I tried to talk to Snow and told her na sabihin na lang niya na siya ang umatras para hindi siya ang magmukhang kawawa kundi ako. Wala naman kasi akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga sa akin ay ang maayos ang lahat bago ko muling suyuin si Jennie. Gusto ko kasi pag humarap ako sa kanya, wala na akong sabit. Kaya lang hindi pumayag si Snow at himdi ko inaasahan nang bigla siyamg umamin sa akin na matagal na siyang may gusto sa akin at sa ayaw at sa gusto ko raw ay magpapakasal kami. Hindi maganda ang naging pag uusap namin kaya iniwan ko na lang siya nung araw na yun. 


"About what?" tanong ko. 


Hindi siya sumagot at bagkus ay tumingin siya sa bandang likuran ko. Napalingon din ako sa kung saan siya nakatingin. There I saw Jin looking at us. Ni hindi man lang itinagong nakikinig siya sa pinag uusapan namin. I rolled my eyes at him saka ako tumayo at lumabas ng opisina. Agad namang sumunod sa akin si Snow. Naglakad ako patungo sa likod ng music room. Ito kasi yung lugar na walang gaanong estudyante. Swerte na rin dahil walang nagkaklase dito ngayon. Huminto ako at hinarap ko siya. 


"Anong pag uusapan natin?" I hissed. 


"Us" maikling tugon niya. 


"Walang tayo Snow" I harshly muttered. 


"I know" 


Nakayuko lang siya at di tumitingin sa akin. 


"I'm here coz I want to tell you something" iniangat niya ang ulo niya at tumingin na siya sa akin this time habang ako naman ay kunot noong nakatitig lang sa kanya at naghihintay sa mga sasabihin niya. 


"I want to say sorry. Nung mga araw na iniwasan mo ko pagtapos nating mag usap, na realize ko na hindi ko pala kayang mawala yung bestfriend ko sa akin. I can't afford to lose you Lis and all the happy memories we've had together in the past. Ayokong masira yung magandang friendship na nabuo natin. Ikaw lang yung nag iisang totoong kaibigan sa akin kaya sobrang tanga ko kung hahayaan kong mawala ka sakin. I'm sorry kung pinahirapan pa kita. I'm sorry kung ipinilit ko yung sarili ko sa'yo. Hindi ko naman ginustong mahalin ka eh, kaya lang hindi mo naman mapipili kung sino yung mamahalin mo diba? Bigla mo na lang mararamdaman na mahal mo na pala ang isang tao. Ang problema, nagmahal ako ng maling tao. Kasi yung taong mahal ko, may mahal ng iba. At nasasaktan ko yung taong mahal ko dahil sa pagiging makasarili ko. I'm sory Lisa. I'm so sorry for what happened to you and Jennie. I'm so sorry for hurting you. And I'm so sorry that she's also hurting because of me" she started to cry. 


I was speechless. Hindi ko ineexpect na ito yung sasabihin niya. But I am so happy right now dahil sa wakas she lets go of me. Sa wakas tanggap niya na rin na si Jennie ang mahal ko. I felt sorry for her kasi hindi ko kayang ibalik kung anong nararamdaman niya para sa akin. Kasi tulad nga ng sinabi niya, hindi mo mapipili kung sino yung taong mamahalin mo. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Mas lalo namang lumakas ang iyak niya. I chuckled and she punched my shoulder because of embarassment maybe. 


"Umiiyak na nga yung tao pinagtatawanan mo pa" reklamo niya na muling nagpatawa sa akin. Ang cute niya lang kasi kaya ako natawa. 


"Thank you, Snow. Thank you. I'm sorry rin dahil nasaktan kita" bulong ko habang yakap yakap ko siya. 


Ramdam ko yung pag iling niya. 


"No. Ako yung nakasakit sa'yo Lisa" 


Ngumiti ako saka muling nagsalita. 


"Oo nasaktan ako pero naiintindihan rin naman kita. Tama ka na hindi natin mapipili ang taong mamahalin natin kaya di kita masisisi. Ipinaglaban mo lang naman yung nararamdaman mo eh. But I'm sorry, if I can't give you the same kind of love that you have for me. Kasi si Jennie lang talaga eh" 


"I know. Tanggap ko na" she whispered against my chest while nodding her head. 


"I'm sorry if I made you cry. Don't worry, I won't let that happen again. Basta palagi lang akong andito para sa'yo. I'm happy for us. You know, I've waited for this moment to come. You just made me so happy, Snow"


I hugged her tight and kissed her forehead. Sobrang saya ko na okay na kami at tanggap niya na ang lahat. Naramdaman ko ang pag angat ng ulo niya at bigla na lang siyang nagsalita. 


"Jennie" bulong niya. 


Agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at napatingin sa direksyong tinitignan niya. There I saw the love of my life, crying and looking so devastated. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang tumakbo. Baka namisinterpret niya yung nakita niya. ! I can't let her go. Not again. 


"JENNIE!!!" sigaw ko but she keeps on ignoring me. 


Binilisan ko pa yung takbo ko para mahabol ko siya. Grabe naman tong mahal ko. Dati ba tong nasali sa track and field? Ang liit na tao, napaka bilis tumakbo. Nung malapit na ako sa kanya ay iniangat ko na ang braso ko para abutin ang braso niya. I pulled her a bit hard so she could stop. 


"Jennie sandali!" humihingal na sabi ko habang hawak hawak ko ang braso niya. Nakaharap na siya sa akin ngayon. My heart instantly broke when I saw her bloodshot eyes. Namamaga na yung mata niya kakaiyak.


"Ano ba Lisa let me go!" sigaw niya sa akin habang pilit na kumakawala mula sa pagkakawahak ko. Mas hinigpitan ko pa yung hawak sa kanya na mas lalong nagpakunot ng noo at ikinainis niya. 


"No!" sagot ko. 


Her jaw clenched as she pulled her hand hardly so she could let go but she failed. Hindi ko siya hinayaang makawala bagkus ay niyakap ko siya ng mahigpit. 


"No Jennie. Not again" bulong ko at saka ko ibinaon ang ulo ko sa gilid ng leeg niya. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Umiiyak na pala ako. Hindi na rin siya nagpumiglas pa.


"Hindi ko na hahayaang mawala ka ulit sakin, mahal. Mahal na mahal kita Jennie. Mahal na mahal kita. Kung anuman yung nakita mo kanina, walang ibig sabihin yun. Nag usap lang kami. Jen hindi na ko ikakasal. I finally convinced them na ikaw lang ang gusto ko. Na sa'yo ko lang gustong ikasal. Na ikaw lang ang mahal ko. Jen please... come back to me" nanginginig kong sabi habang nauutal pa dahil sa kakaiyak. 

 

Hindi siya kumikibo at hindi niya rin ako niyayakap kaya kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinignan siya. She's not saying anything but sadness is evident in her eyes. Bakit hindi siya nagsasalita? Wala na ba talaga? Ayaw niya na ba talaga sakin? Parang dinudurog na yung puso ko sa sobrang sakit habang nakatingin ako sa mga mata niya. Please naman mahal oh, magsalita ka naman. Ilang segundo pa ang lumipas na hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang umiiyak. Iniyuko ko ang ulo ko. Siguro nga talagang pagod na siya at ayaw niya na. Sobrang sakit kaya di ko na rin napigilan ang mapahagulgol sa harapan niya.


Iyak ako ng iyak hanggang sa naramdaman ko na lang ang maiinit na mga palad niya na nakalapat sa mga pisngi ko. Iniangat niya ang ulo ko at nagtama ang mga mata naming dalawa. Parang gusto nang sumabog ng puso ko ng maramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa mga labi ko. I automatically closed my eyes to savor it. It was so soft but it felt so nice. 


"Ang pangit mong umiyak, mahal" sabi niya matapos niya kong halikan. 


Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakangiti siyang nakatitig sakin. Hindi ko na rin naiwasang mapangiti dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko. Tinawag niya kong mahal at yun lang ang tanging tumatakbo sa isip ko. 


"Anong tawag mo sakin?" tanong  ko. Gusto kong marinig na tawagin niya ulit akong mahal. 


"Mahal" nakangiting ulit niya na mas nagpalapad sa mga ngiti ko. 


Agad kong hinila ang baywang niya at muling sinunggaban ang mga labi niya. This time it's very intimate and passionate. Hindi naman nagtagal and she started kissing me back with the same intensity. Grabe! Sobrang namiss ko to. Sobrang namiss ko siya. We kissed until we felt the need for air. 


As we opened our eyes I said, "I love you so much Jennie" 


"I love you too Lisa" she answered and claimed my lips for another kiss. 


Biglang nagpalakpakan yung mga tao na kanina pa palang nanonood sa amin. Nung imulat namin ang mga mata namin ay nagulat kami sa dami nila. Hindi ko napansin na dito pala kami umabot sa university field. Talagang maraming mga estudyante dito. At ngayon ko lang rin napansin na natigil yung practice ng football team dahil gumawa kami ng eksena sa gitna ng field nila. Yung ibang nagpapractice rin ng ibang sports andito rin. In short, sobrang dami pa lang tao ang nakakita sa eksena namin. Nakakahiya! Napalingon ako kay Jennie at nakita kong itinatago niya sa mga kamay niya ang pulang pulang mukha niya. Natawa ako kaya inakbayan ko siya at hinila paalis sa field. 


"Pasensya na" paumanhin ko sa mga players. Nagtawanan naman sila habang patuloy na naghihiyawan at nagchicheer para sa amin ni Jennie. 

 

 

 


"That was so embarassing!" reklamo niya. 


"Ikaw naman kasi ba't dun ka tumakbo?" tatawa tawang sabi ko. 


"Hindi ko alam okay! Wala ako sa sarili ko! Kasalanan mo yun eh!" paninisi niya sa akin. Halatang napipikon na siya. Pinilit kong wag tumawa dahil baka mas lalong magalit siya. 


"Come here" hinila ko siya at saka muling niyakap. 


"Oo na po. Kasalanan ko na. Wag na magalit yan" paglalambing ko sa kanya. 


I looked down habang yakap ko siya and I smiled when I see her pouting like a kid while leaning on my chest. Bumitiw ako sa pagkakayakap and I cupped her cheeks instead. 


"I love you" sabay halik ko sa noo niya. 


"I love you" this time I kissed her nose. 


"I love you" and kissed her lips. 


Nawala ang kunot sa noo niya at sa wakas dumungaw na ang ngit sa mga labi niya. She s her hands on my nape and carressed it with her thumb. Nakatingin rin siya ng diretso sa aking mga mata habang nakangiti. Hinapit ko ang baywang niya to close the gap between us that made both of us smile. 


"Hindi ka na talaga ikakasal?" tanong niya. 


Umiling ako. 


"Wala nang Snow?" tanong niya ulit. 


Umiling ulit ako. Pansin kong pinipigilan niya yung ngiti niya. 


"How about your dad? Pumayag na siya sa'tin?" this time, muling naging seryoso ang mukha niya. Halatang kinakabahan siya sa isasagot ko. 


Ngumiti ako at tumango. Dun niya na hindi napigilang ngumiti. She smiled with her gummy smile at halos mawala na ang mga mata niya sa sobrang saya niya. I love to see her smile this way. I love that she's smiling like this because of me. 


"I love you Lisa" she kissed my lips. 


"I love you too, Jen" 

 

 

 


End.

 

 

 

 

 

 

 

 

---

Thank you for patiently waiting!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author