Ch 8

BAD CHICK

I walked inside the cafeteria alone coz Jisoo and Seul left me. Pagpasok ko agad kong nakita yung mga barkada ni Jennie sa usual na table na inuupuan nila pero wala siya dun. Hindi rin siya pumasok sa mga sumunod na klase namin. Hindi ko tuloy maiwasang maguilty dahil alam kong ako yung dahilan kung bakit wala siya ngayon dito. 


Pagkaorder ko ng lunch ko ay agad akong pumunta kung saan nakapwesto sina Seul habang tinitignan naman ako ng masama ng mga kaibigan ni Jennie. Di ko na lang pinansin at nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad. Pagdating ko sa table kung saan nakapwesto ang mga kaibigan ko ay inisnob lang nila ko pero hindi naman nila ko pinaalis. Though alam kong galit pa rin sila sakin, hinayaan pa rin nila akong sumabay sa kanila. Tahimik lang kaming tatlo habang kumakain ng tanghalian pero hindi ko maiwasang mapatingin sa pinto ng cafeteria hoping na baka pumasok siya. Di ko na din tuloy maiwasang mag alala kung saan kaya siya nagpunta o kung kumain na ba siya? 


Hindi na ko na natiis at tumayo ako sa kinauupuan ko. Napatingin naman sakin si Seul at Jisoo. 


"Saan ka pupunta? Malapit na yung next class natin ah" seryosong sabi ni Jisoo. 


"Hahanapin ko si Jennie" maikling sagot ko. 


Kita kong napataas ang kilay nilang dalawa sa sinabi ko. 


"I know... I've been an . I just realized na tama kayo. Kaya hahanapin ko siya para magsorry. Don't worry, this time it's for real" 


Nagkatinginan muna silang dalawa bago sila muling tumingin sakin. 


"Sige. Kami nang bahalang magdahilan sa mga prof natin" nakangiting sabi ni Jisoo habang nakangiting tumatango lang den si Seulgi. 


Di ko naman naiwasang matuwa at mapangiti. Sa sobrang saya ko nga niyakap ko pa sila.


"Sige na hanapin mo na si Jennie. Pero Lisa sinasabi ko sayo ayusin mo na this time ha!" sabi ni Jisoo while tapping my back.


Tumango ako. Papatalikod na sana ko nang bigla akong may naalala kaya napahinto ako. 


"O bakit?" tanong ni Seul.


"Pano pala pag di niya ko pinatawad?" nag aalalang tanong ko. 


Seul walked towards me sabay akbay niya sakin. 


"Just tell her how sorry you are with pure sincerity. Aminin mong may mali ka at kung tatanggapin niya ang sorry mo, edi mabuti. But if not, then tanggapin mo. Ganun talaga, nakasakit ka eh. Ang mahalaga nagsorry ka ng maayos" nakangiting sabi niya. 


I heave a deep sigh and nod. 


"Yeah, you're right. Thank you so much guys" 


They smiled and nod their heads as well. 


"Pano? kayo nang bahala ah. Alis na ko" 


Tumango naman sila kaya nagtuloy tuloy na ko kong umalis ng cafeteria para hanapin si Jen.


"Goodluck Lis!" sigaw nila sabay kaway. 

 

 

 

 

Paglabas ko ng cafeteria ay hindi ko naiwasang mapasapo na lang sa ulo ko. Pano ko pala siya hahanapin at saan? Hindi ko naman siya ganun kakilala para malaman ko kung saan siya madalas nagpupunta. Pano kung lumabas na pala siya at umuwi?


Palabas na sana ko ng campus ng biglang magvibrate ang phone na nasa bulsa ko. Agad kong kinuha at tinignan kung sinong nagmessage. Pag open ng screen ay pangalan ni Jisoo agad ang kong nakita.  


Napangiti naman ako ng mabasa ko yung laman ng mensahe niya para sakin. 


Jisoo: Jennie's number - 0956xxxxxxx


I have no idea kung paano nakuha ni Jisoo ang number niya pero hindi na muna mahalaga yun sa ngayon. Ang mahalaga may maliit na chance nang makita ko siya. Hindi na muna ako nagreply kay Jisoo dahil naisipan ko na unahing itext si Jennie. 


Me: Jen where are you?


I sent the text message ng hindi nagpapakilala sa kanya, dahil baka pag nakita niya yung pangalan ko eh baka mas lalong hindi siya magreply. Hinintay ko na lang muna yung sagot niya pero napagdesisyunan kong pumunta na muna sa kotse ko para mabilis akong makakaalis if ever man na wala na siya dito sa university. Habang nag- aantay sa reply niya ay naisipan kong bilhan siya ng pagkain. Naisip ko kasi na baka hindi pa siya naglalunch. Kaya lang wala akong idea kung anong pagkain. Bigla namang pumasok sa isip kong istalk yung social media accounts niya, baka sakaling makakuha ako ng konting impormasyon. 


I started scrolling on her IG account, kaya lang nakaprivate yung account. Napakunot noo na lang ako hanggang sa naisip ko na baka may twitter account siya. So, I tried typing her name. Napangiti naman ako ng makita ko yung account ni Chaeng. I have no idea na finafollow pala ni Jisoo si Chaeng sa twitter. Panigurado na kung may twitter si Chaeng, meron din si Jennie. 


I scrolled through her tweets and BINGO! Finally, I found Jennie's twitter account. Thankfully, nakapublic! Lumaki yung ngiti sa mga labi ko. I scrolled through her tweets and there I saw her wild and soft side. Napailing ako ng makita kong mahilig pala siyang uminom at pumarty. Sobrang kabaligtaran ko naman na mas gugustuhin pang magkulong sa kwarto ko kesa pumunta sa maingay at magulong bar na tulad ng pinupuntahan nila ng barkada niya. Pero di ko inaasahan na sa kabila ng strong personality niya na yun may softie side din naman pala siya. I didn't know na ganito siya maglambing kay Chaeng. She's so clingy to her. I guess they are really bestfriends. I continue scrolling hanggang sa makita ko na yung hinahanap ko. Mahilig pala siya sa milk flavored ice cream and fries. She always tweet, asking Chaeng to buy her that. Siguro yun na lang ang bibilin ko. About sa lunch ako na lang bahalang pumili kung ano since wala siyang tweet kung anong paborito niya. 


Tapos na kong bumili ng food na pang lunch niya and I was in the middle of buying her favorite ice cream na ng biglang nagvibrate ang phone ko. After almost 30 minutes, finally, nagreply na rin siya.


Jennie: Who's this?


Should I tell her I'm Lisa? Pero baka pag sinabi ko baka hindi na to magreply. Napahilamos na lang tuloy ako sa mukha ko. 


"Ahh! Bahala na!"


I heave another deep sigh and started typing my reply. Napahinto pa ko ng ilang segundo bago ako nagdesisyon to tap the send button.


Me: It's me Chaeng. Nalowbat ang phone ko kaya nakitext lang ako. Where are you Jen? I'm worried. 


Yes, I decided to lie kasi malakas talaga ang kutob ko na kapag sinabi ko na it's Lisa, sigurado iignorin ako nito at hindi pwede yun. I need to talk to her and I need to apologize. Nakokonsensya kasi talaga ako eh. 


"Please magreply ka. Please" bulong ko ulit sa sarili ko. 


Di naman nagtagal at muling nagvibrate ang phone ko.


Jennie: Don't worry Chaeng andito lang ako sa usual, sa grandstand. Di muna ko papasok sa next class, I just need to breathe.


"Yes!" napalakas na sabi ko kaya napatingin sakin yung kahera dito sa convenience store na binilhan ko ng ice cream. 


I just looked at her and gave an apologetic smile. 


Good job Lisa! I smiled in my head. Ngayong alam mo na kung nasaan siya ayusin mo na. Just be sincere. Kaya mo yan. 


Matapos kong bayaran yung ice cream na binili ko ay agad akong bumalik sa university. I parked my car near the grandstand tapos kinuha ko na yung mga peace offering na food na binili ko para sa kanya. Sana tanggapin niya. Pagdating ko ng grandstand ay dahan dahan akong umakyat. Walang gaanong estudyante dito ngayon dahil alanganing oras at malamang nasa klase na ang mga yun.


Inilibot ko naman ang mga mata ko and there I saw her sitting at the far end. Nasa may bandang tuktok siya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon eh magsosorry lang naman ako. Daig pa ng kaba ko ngayon yung kaba ko nung nangangampanya ko as student council president eh. Huminga ako ng malalim bago ako lumapit sa kanya. Dahan dahan at tahimik akong naglakad papunta sa kinauupuan niya. Nung malapit na ko, napansin kong nakapikit siya na tila ba dinarama lang yung sariwang hangin dito sa lugar. 


Dahil dun sandali kong natitigan ang mukha niya. She's really beautiful. Nakangiti akong pinagmamasdan siya habang papalapit ako sa kanya. Sa sobrang titig ko sa mukha niya hindi ko nakita yung bote ng maliit na mineral water sa lapag. Natapakan ko yun at nag- ingay na naging dahilan ng pagmulat ng mga mata niya. Napalingon siya sakin at agad na sumimangot ang mukha. 


Okay, she's really not happy to see me. I swallowed a lump in my throat ng bigla siyang tumayo. 


"What are you doing here?" 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author