Ch 24

BAD CHICK

"So, pano yan, wala akong dalang damit kahit na isa. Anong pampalit ko dito? Hindi naman ako pwedeng manghiram sayo coz you're too small" seryosong sabi niya. 

 


Oo nga pala. Nawala na sa isip ko yung about sa damit niya, pero wala namang magiging problema eh. May alam akong pwede naming bilhan ng mga damit niya. 

 


"Don't worry, I know a place where we can buy your clothes. Tara!" sabi ko sabay hawak ko sa kamay niya para hilahin siya patayo ng kama. 

 


Hinila ko siya papunta sa kotse ko para dalhin siya sa lugar na sinasabi ko nang mapansin kong nakatingin siya sa magkahawak naming mga kamay. I looked at it also and I can't help but smile nang bigla naman siyang mapalingon sakin. Naramdaman kong pabitaw na siya sa kamay ko pero siyempre hindi ako pumayag, sa halip ay mas hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kamay niya. Akala ko nung una aalma pa siya but luckily she didn't at magkahawak kamay kaming naglakad hanggang makarating kami sa kotse ko. Grabe ang lambot ng kamay niya. Halata mo talagang anak mayaman at walang ginagawa sa bahay. Napapaisip tuloy ako, kasi baka mamaya hindi niya magustuhan kung saan kami pupunta para bumili ng damit niya. Pero bahala na! Mas mabuti na rin to para maranasan niya naman yung mga ganitong simpleng bagay.

 


Nang marating na namin yung kotse ko ay binitawan ko na yung kamay niya. Papunta na sana ako sa driver's seat ng bigla niya kong tawagin. 

 


"Jen, wait!" 

 


Napalingon ako sa kanya at saka nagtanong, "What?" 

 


"Kiss" dinig kong sabi niya. 

 


Nanlaki yung mga mata ko sa narinig ko at napalunok na lang ako dahil bigla akong kinabahan. Nakatitig siya sa mga mata ko nang hindi man lang kumukurap. 

 

 

"Wh-what?" nauutal kong tanong.

 

 

Naglakad siya palapit sakin at mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko maalis yung tingin ko sa mukha niya habang papalapit siya ng papalapit sakin. Nagpatuloy siya sa paglapit hanggang sa isang hakbang na lang yung pagitan naming dalawa ngayon. Kahit na di pa siya nakakapagpalit ng damit at maghapon niya nang suot yun, ambango niya pa rin talaga. I love her smell and I love her. Pero talagang hindi na ko mapakali kasi mas lalo pa siyang lumapit. Yung tipong halos wala nang space sa pagitan naming dalawa. Tapos she leaned forward na halos magdikit na yung dulo ng mga ilong namin. Take note pa ha, kanina pa kami nakatitig sa mata ng isa't isa. Sa sobrang kaba ko napapikit ako, mukhang may balak talaga tong halikan ako. 

 

 

! This is it! This is the moment I've been waiting for so long! Hindi ko inexpect na siya pa ang mag- iinitiate.

 

 

So, I closed my eyes and waited for her lips to be pressed against mine but to my disappointment hindi nangyari. Instead, I felt her right hand getting the car key to my left hand then I heard her burst out laughing. 

 

 

"HAHAHAHA!!! Do you seriously think I'm asking for a kiss? hahaha!! What I meant is car keys not KISS" tatawa tawang sabi niya habang nakahawak pa sa tiyan niya. 

 

 

I gritted my teeth and rolled my eyes on her. 

 

 

"Ewan ko sayo!" sabi ko sabay walk out papunta sa shotgun seat. Dali dali akong sumakay sa loob dahil sa sobrang kahihiyan. 

 

 

Pucha! Napakatanga Jennie! Napakatanga! Nakakahiya! 

 

 

Sumakay na rin siya and I saw her smiling widely from my peripheral, kaya naman agad kong ibinaling sa bintana yung tingin ko. Hindi ko siya kayang tignan ngayon dahil alam kong namumula na ko ngayon dahil sa sobrang kahihiyan. 

 

 

I still heard her chuckle pero halata mo yung pigil na pigil na tawa. Nakakainis! Then she cleared and started to speak. 

 

 

"Jen?" tawag niya but I didn't look at her. 

 


She cleared for the second time. 

 

 

"Jen?" 

 

 

Nilingon ko siya ng nakasimangot at kitang kita ko kung gaano siya nagpipigil ng tawa kaya mas lalo ko siyang sinimangutan.

 

 

"Sorry" sabi niya habang sinusubukan pa ring magpigil ng ngiti. 

 

 

Inirapan ko lang siya dahil alam kong deep inside pinagtatawanan niya pa rin ako. Babalik ko na sana ang tingin ko sa may bintana ng nagsalita ulit siya. 

 

 

"San pala tayo pupunta?" 

 

 

I looked at her again but still glaring at her samantalang ang loko mas ngumiti pa lalo, yung ngiting halos mawala na yung mga mata niya. 

 

 

Ang cute! Gosh! Ang rupok ko! 

 

 


Agad kong iniwas yung tingin ko sa mukha niya at agad na inilabas ang phone ko. I typed in the location ng pupuntahan namin sa waze saka ko ipinatong sa cellphone holder yung phone ko, pagtapos ay tumingin na ulit ako sa bintana. 

 

 

Nabalot ng katahimikan yung loob ng kotse at tanging si waze lang ang nagsasalita. I closed my eyes para isipin niya na tulog ako, pero alam ko namang alam niya na I'm not asleep. Kaya lang wala na kong ibang maisip na paraan para maiwasang kausapin siya eh. 

 

 

Nang banggitin ni waze na narating na namin yung destination namin ay agad kong iminulat ang mga mata ko. Pababa na sana ko when I felt a hand holding my left arm. 

 

 

 

 

 

 

 

-------

Lisa's POV

 


Pababa na sana si Jennie ng kotse when I reach for her arm to stop her. 

 


"Sandali" sabi ko. 

 

 

Nilingon niya naman ako but until now, nakasimangot pa rin siya sakin. Medyo naguilty tuloy ako kasi mukhang napikon talaga siya sa ginawa ko. Pero kasi... 

 


"I'm sorry" sabi ko ulit pero for the nth time inirapan niya na naman ako. 

 


Hinablot niya yung braso niya mula sakin at agad na bumaba ng kotse. Dali dali ko siyang sinundan. 

 

 

"Jen wait!" sigaw ko pero dire diretso lang siya kaya naman hinila ko ulit yung braso niya at iniharap siya sakin. 

 

 

Mas lalo namang nanlisik yung mga mata niya sa ginawa ko. Napalunok na lang ako sa takot dahil mukha siyang galit na tigre. Buti na lang kahit ganun, maganda pa rin siya. 

 

 

"Sorry na. Wag ka nang magalit please. Sobrang natuwa lang ako sayo kasi ang cute mo eh. Ang cute din nung reaksyon mo" sabi ko saka ko siya nginitian ng napakatamis. 

 

 

I saw how her face soften and her cheeks turned red in an instant pero agad niya rin namang binago ang ekspresyon niya at muling sumimangot. Pinigilan ko namang mapangiti kasi baka mamaya isipin niya hindi ako sincere sa pagsosorry ko. 

 

 

"Ewan ko sayo! Hindi naman sincere yang sorry mo!" kunot noong sabi niya at saka niya sinubukang kumawala sakin pero di ako pumayag. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa braso niya but I made sure na hindi naman siya masasaktan. 

 

 

"O sige ganito na lang. Just to prove to you that I'm sincere, lilibre na lang kita ng kahit na anong gusto mong pagkain" 

 

 

She looked straight into my eyes as if asking me if I'm serious or not. Agad ko namang itinango ang ulo ko at sinabing, "seryoso nga" 

 

 

"Sige, sabi mo yan ah" sagot niya naman. 

 

 

"Yes, promise!" sabi ko habang nakapanata pa. 

 

 

"Okay! let's go!" masiglang sabi niya na para bang walang nangyari sabay hablot niya sa kamay ko at hila sakin papunta sa kung saan man.

 

 

Pinagmasdan ko naman yung kamay naming magkahawak at di ko maiwasang mapangiti. She's annoying pero imbes na mainis ako, kabaligtaran yung nararamdaman ko. Ang saya ko. Ang saya saya ko ngayong kasama ko siya. 

 

 

I think I really like you Jennie Kim. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author