Ch 41

BAD CHICK

"Li--Lisa?"


Ilang beses kong paulit na ikinurap ang mga nanlalabo kong mga mata para makita kung si Lisa nga ba talaga yung bumubugbog dun sa bastos na lalaki. Ilang sandali pa ay nagdatingan na rin ang mga bouncers para umawat. Kasunod nun ay sila Chaeng. 

 

"Are you okay?" I blinked twice and nod. 

 

"Hanbin" I muttered the moment my eyes clearly see the person who saved me from that maniac.

 

I was a bit disappointed kasi umasa akong si Lisa yung sumagip sa akin but to my disappointment it's not her. But I was thankful that Hanbin came. Kung hindi siya dumating baka kung ano nang nagawa sakin ng lalaking yun. 

 

"Thank you" sabi ko at saka siya nginitian.

 

"Jen are you okay? Nag alala ako nung bigla ka na lang nawala sa paningin ko" nag aalalang sabi ni Chaeng after hugging me. 

 

"I'm fine Chaeng. Gusto kong umupo nahihilo ako"  I pressed the side of my head dahil nagsisimula nang sumakit ang ulo ko at umikot ang paningin ko. 

 

Agad naman akong inalalayan ni Hanbin pabalik sa pwesto namin at iniupo. Chaeng sat beside me and gave me a glass of water. Dahil sa sobrang kalasingan ni hindi ko magawang makainom ng maayos kaya inagaw na ni Hanbin sa kamay ko ang baso ng tubig at siya na mismo ang nagpainom sa akin na para akong bata. 

 

"Thanks" wika ko matapos kong uminom.

 

"Alam mo mas mabuti pa iuwi mo na siya Chaeng. Sobrang lasing na siya oh" utos ni Hanbin sa bestfriend ko.


Tumayo si Chaeng at saka nagsabing, "Mabuti pa nga" 

 

Hinawakan nila ako sa braso at inalalayang tumayo nang biglang dumating ng humahangos si Joy sa harapan namin. 

 

"Chaeng help! Si Irene nakikipag away na dun. Ayaw paawat dahil masyado na ring maraming nainom" 

 

"Ha eh paano to si Jen?" tanong niya sabay tingin sa akin. 

 

Nagkatinginan lang kami at nginitian ko lang siya. The ! I really am drunk. Ni hindi ko magawang magsalita. 

 

"Sige na Chaeng, ako nang bahala kay Jennie" Hanbin volunteered.

 

I saw the hesitation in Chaeng's eyes and she stared at me as if she's asking me if it's fine with me. Hindi na ko nagsalita at tumango na lamang. 

 

"Don't worry, wala akong gagawing masama sa kanya"

 

Bumuntong hininga ang bestfriend ko at saka siya tumango. 

 

"Ingatan mo yan Hanbin ah. Sinasabi ko sa'yo pag may nangyari dyan---" but Hanbin cut her off. 

 

"I will Chaeng, don't worry"

 

"At ikaw naman Jennie Kim, text me when you get home, okay?"

 

I smirked and salute at my bestfriend before I kissed her cheeks. 

 

Dahil pasuray suray ako sa paglalakad, marahil ay nahirapan na si Hanbin kaya binuhat niya na lang ako na para kaming bagong kasal. I rested my head on his chest at amoy na amoy ko yung mabango niyang pabango pero siyempre mas gusto ko pa rin ang amoy ng mahal ko. Mas gusto ko pa rin ang amoy ni Lisa. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil hindi ko na nakayanan ang antok na nararamdaman ko. Hindi ko na rin namalayan na nakarating na kami sa bahay ko. 

 

"Jen wake up. Andito na tayo" sabi niya habang tinatapik ang pisngi ko.

 

Iminulat ko ang mga mata ko at salamat sa power nap na nagawa ko at medyo nahimasmasan na ang pakiramdam ko. Hindi na umiikot ang paningin ko, di tulad kanina. I looked in front of my house bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanya. 

 

"Thanks Hanbin" 

 

I am about to open the door when he reached for my hand and stopped me. 

 

"Jen sandali"

 

Humarap ako sa kanya at hinintay siyang magsalita. 

 

"Why?"

 

I watched him swallowed the lump in his throat before he speaks again. Ramdam ko yung kaba niya at basang basa yun sa mukha niya. 

 

"Let's try it one more time. Jen nagbago na ko, hindi na kita sasaktan at lolokohin ulit. Mahal na mahal pa rin kita, Jennie. Please, kalimutan mo na siya" 

 

I can feel the sadness and sincerity in his eyes. Ramdam ko na gusto gusto niya kong bumalik. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. 

 

"I'm sorry Hanbin. Kung dati mo siguro hiniling sakin yan baka tumakbo pa ko sa'yo pabalik pero kasi... iba na kasi ngayon. I love her. Sobrang mahal na mahal ko na siya" 

 

A tear escaped from his eyes but he wipe it fast. 


"Pero sinaktan ka lang niya" katwiran nito.

 

"Pero sinaktan mo rin ako" bwelta ko.

 

Yumuko siya. 

 

"I know. Pero I've changed, for you. Handa akong gawin ang lahat para sa'yo Jennie, bumalik ka lang sakin" 

 

He grabbed my left hand and kissed it. 

 

"I'm sorry Hanbin but I can't give you want you want. Mahal ko si Lisa. In fact hindi pa kami hiwalay. We're just... we're just going through a storm right now, pero alam kong maaayos din namin 'to. I hope you understand"

 

Binitawan niya ang kamay ko at saka pinahiran ang luhang bumabagsak mula sa mga mata niya. Iniiwas niya pa ang tingin niya sa akin habang ginagawa niya yun. Matapos ang sandaling katahimikan ay muli siyang tumingin sa akin suot ang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. 

 

Tumango siya at sinabing, "I'm sorry. I just want to let it all out. Gusto ko lang sabihin sa'yong mahal pa rin kita pero mukhang huli na talaga ako. I'm sorry kung nasaktan kita at I'm sorry kung ginugulo pa rin kita hanggang ngayon. Sobrang miss na miss lang kita, Jen" 

 

I smile sadly and pulled him for a hug to comfort him. 

 

"It's fine. I'm sorry rin kung hindi ko kayang ibigay ang gusto mo. But I wish you all the best. Alam ko mahahanap mo rin yung taong para sa'yo someday" sabi ko habang hinahagod ang likod niya. 

 

I feel him nod and heave a sigh bago siya tuluyang kumawala sa pagkakayakap ko. Bumaba na kami sa kotse at nagpaalam na ako sa kanya para pumasok sa loob. 

 

"Dito na ko. Ingat ka pauwi. Salamat ulit sa paghatid" tinalikuran ko na siya pero bigla niya ulit akong tinawag. 

 

"Ahm... Jen wait" 

 

Hinarap ko siya nang nakangiti. 

 

"Allow me to do this one last time before I totally let you go" 

 

Pagtapos niyang sabihin yun ay nagulat na lang ako sa mga sumunod na pangyayari. He caught me off guard when he kiss me. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat at hindi agad ako nakapag react hanggang sa bigla na lang humandusay si Hanbin sa kalsada.

 

"AHAS KA! PAPATAYIN KITA!" sigaw ni Lisa habang walang habas na pinauulanan ng suntok ang mukha ni Hanbin. 


Mas lalong nawala yung kalasingan ko when I realized what's happening. 


"LISA!" sigaw ko. Ilang sandali akong hindi nakagalaw ngunit nang makita kong duguan na ang mukha ni Hanbin ay bigla akong bumalik sa katinuan. 

 

I grabbed Lisa's waist and pull her hard away from him. 

 

"Tama na please, tama na" pag mamakaawa ko pero dahil sobrang lakas niya wala akong nagawa nang bigla niya na lang akong itulak. Bumangga pa ang katawan ko sa gate at tumama ang braso ko roon. 

 

"Ano bang nagyayari di--- Diyos ko po! Jen napano ka? Hanbin? Lisa?"

 

Lalapit pa sana sa akin si Tita Belle pero agad kong itinuro yung dalawa sa kanya at pinakiusapang awatin sila bago pa sila tuluyang magpatayan. 

 

"Diyos ko! Lisa! Hanbin! Pwede ba tumigil na kayo! Mga kapitbahay patulong naman" 

 

Yung mga taong kanina ay nakikiusyo lang ay agad nang umawat ng marinig nila ang paghingi ng tulong ni Tita.

 

Habang hawak hawak ng mga kapitbahay ko at pinaglalayo ang dalawa, ay tinulungan ako ni Titang tumayo at saka siya pumagitna sa dalawa. Pinagmasdan ko si Lisa at kitang kita sa mga mata niya ang galit habang marahas na nakatingin kay Hanbin. Habang si Hanbin naman ay hinahabol ang kanyang paghinga habang tuluyang dumadaloy ang dugo sa basag niyang mukha. Pinanood ko si Tita Belle na may kausap sa cellphone at nung ibinaba niya yun ay muli niyang itinuon ang atensyon sa dalawa. Inutusan ni Tita Belle ang mga kapitbahay namin na bitawan na ang dalawa at saka niya pinasunod kaming tatlo sa loob ng bahay. 

 

"Ano bang nangyayari rito? Bakit nagpapatayan kayo sa harap pa talaga ng bahay ko? Para kayong mga bata!"

 

Tahimik lang sila at wala ni isa ang may lakas loob na sumagot kay Tita. 

 

"Nakakahiya kayo! Hindi niyo na ko nirespeto!"

 

Ilang sandali pa at may dumating nang ambulansya. Yun siguro ang kausap ni Tita kanina. Inalalayan niya si Hanbin palabas ng bahay samantalang naiwan kaming dalawa ni Lisa sa sala. Nagkatinginan kami at parehong masama ang tingin namin sa isa't isa. Matagal ko siyang hinintay tapos ganito lang. 

 

"Ano kayo na ulit?" nagpanting ang tenga ko sa mga salitang yun. 

 

I scoffed and looked at her with dismay.

 

"Anong sinasabi mo?" inis na tanong ko. 

 

"Stop playing dumb Jennie! I saw what I saw!" galit niyang tugon. 

 

Kababalik niya lang and yet she's already accusing me of cheating on her. I can't believe her. I shook my head out of frustration and bit my lips dahil sa sobrang inis. 

 

"Sandali lang akong nawala tapos pagbalik ko ganito yung madaratnan ko?" dagdag niya pa.

 

"Wala akong ginagawang masama Lisa. Kung anuman yung nakita mo kanina wala akong alam dun at mas lalong hindi ko yun ginusto! Hindi ko alam na hahalikan niya ko, okay!" 

 

"And you expect me to believe that? Umalis ako Jennie para kausapin si Dad. Para piliting iparealize sa kanya na ikaw ang mahal ko at ikaw ang gusto kong makasama. Alam mo ba kung gaano kahirap kong kinumbinsi si Dad na worth it ka. Na hindi ka katulad ng iniisip nila pero mukhang mali nga ata talaga ako at tama talaga sila sa pagkakakilala sa'yo. Hindi pa nga tayo naghihiwalay nakikipaglandian ka na sa iba!" 

 

PAK!

 

That's it! Hindi ko na napigilan at nasampal ko siya. Sobrang sakit ng mga salitang binitawan niya sa akin na kahit kailan hindi ko inexpect na magagawa niyang sabihin sa akin yun. Nagulat at nagalit siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. 

 

"Alam mo wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao sa akin dahil ang mahalaga lang para sa akin ay yung iisipin mo, yung tingin mo sa'kin. Pero lumabas na rin yung totoo. Katulad ka rin ng iba at katulad ka rin ng tatay mo. Pare- pareho kayong mapanghusga! Alam mo hindi ko na dapat pang ipilit na maniwala ka sa akin dahil kung talagang kilala mo ko at kung talagang mahal mo ko hindi mo ko pag iisipan ng ganyan. Lisa alam mong simula nang naging tayo, I never flirted to anyone. Kasi ikaw lang naman ang gusto ko eh at sa'yo lang kuntento na ko. Ako nga yung dapat magalit sa'yo dahil throughout our relationship wala na kong ibang ginawa kundi intindihin ka, pagbigyan ka. Sa tuwing iindianin mo ko tuwing may date tayo, sa tuwing inuuna mo yung trabaho kaysa sa mga lakad natin, sa tuwing hindi ka tumutupad sa mga pangako mo, wala kang narinig sa'kin, at nung nagsinungaling ka tungkol sa engagement niyo ni Snow, halos ikamatay ko yun Lisa. Pero sinubukan ko pa ring intindihin kung ba't mo inilihim sa'kin. In fact, handa nga kong tanggapin ka ulit bumalik ka lang sa'kin. Ganun ako karupok pagdating sa'yo. Lahat ng rason mo kaya kong intindihin kasi mahal kita. Sana ganun ka rin sa'kin Lisa. Pero hindi eh. You don't trust me. Mawawala ka nang walang paalam tapos babalik ka para husgahan lang ako. Alam mo mas mabuti pa kung... kung tapusin na lang natin to"

 

Nanlaki ang mga mata niya. Masakit para sa akin na pakawalan siya pero mas masakit yung ganito. Yung hindi niya ko kayang paniwalaan. That she doubt my love for her. Tumayo ako at paakyat na sana papuntang kwarto ko ng bigla niyang hilahin ang braso ko. 

 

"Are you breaking up with me Jennie Kim?" 

 

"It's better this way Lisa" sabi ko at saka tuluyang tumakbo paakyat sa kwarto ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


----
Sorry guys. Naaawa na ko kay Jennie dito..  🤧😭 Pag sobrang toxic na nang relationship pahinga na muna...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author