Ch 2

BAD CHICK

"Atlast natapos rin si panot!" sabi ko ng magpadismis ng klase ang prof namin sa Econ. 


Nagtawanan naman ang mga barkada ko habang isa isa kaming nagayos ng gamit. My eyes caught Lisa looking at me so I smiled, but she quickly averted her eyes and walk out of the room. I rolled my eyes at how she acted. Pahard to get pa kasi. 


Nung okay na ang lahat ay lumabas na kami ng room. Since it's lunch break, karamihan ng mga estudyante nagkalat sa hallway ng mga buildings. Katulad ngayon, kanya kanyang umpukan sila sa corridors. 


"Hi Jennie"

"Hey Kim"

"Jennie" 

Witwiw!!!


Ilan lang yan sa mga maririnig mo kapag napapadaan ako sa hallway. Boys are always gawking around just to take a glimpse of me. Ako naman, eto nginingitian lang sila. Natatawa na lang ako sa mga nagiging reaksyon nila. I am enjoying the attention but they will never get me. 


"Ano kayang pagkain sa cafeteria ngayon? Sana masarap. Nagugutom na ko eh" sabi ng bestfriend kong si Chaeng habang nakahawak pa sa tiyan niya. 


"Eh wala naman atang hindi masarap sayo Chaeng lalo kapag nagugutom ka" tatawa tawang sabi ko. 


"Oo nga!" sayang ayon naman ng iba naming tropa. 


"Hoy! Hindi totoo yan ah. Kahit gutom ako I will never eat avocado" nakapout na sagot niya . 


I smiled at her. Ilang minuto pa at narating na namin ang cafeteria. Agad naman kaming pumwesto sa isang bakanteng table. I roamed my eyes around to look for a certain someone and I smirked when I saw her na nakapila dun sa may counter. 


"What do you want Jen? Ako na bibili for you" offer ni Jackson but I refused. 


"No thanks Jack. Kaya ko na to" nakangiting sabi ko sabay tayo papunta dun sa may pila. 


Sumunod naman sila sakin. Medyo mahaba yung pila at kung maghihintay kami ng matagal it will take too much of our lunch break. Then an idea came into my mind. 


"Anong order niyo? Ako nang oorder para sa inyo. Umupo na kayo dun" tanong ko sa mga kabarkada ko na halatang ikinagulat naman nila. 


"Are you sure Jen? Ang haba ng pila oh mapapagod ka tumayo. Hayaan mo nang samahan ka namin" nag aalalang sabi ng bestfriend ko. 


I smiled at her and tap her cheeks that made her furrowed her brows. 


"Don't worry Chaeng, sino bang nagsabing maghihintay ako sa pila? Of course not!" 


"So, anong plano mo?" Irene asked. 


"Basta give me your orders na lang, ako nang bahala" nakangiting sabi ko. 


Isa isa naman nilang itinype sa cellphone ko yung mga orders nila at pagkatapos ay umupo na but there eyes are still on me. Alam kong hinihintay nila kung anong pinaplano ko. 


Sinilip ko yung pila to check kung malapit na ba sina Lisa. Kita kong may dalawa pang lalaking estudyante ang nauuna bago sila. So, ginawa ko na yung plano ko. Ako yung nasa dulo ng pila pero hindi yun hadlang para mapunta ko sa harapan. 


I looked at the guy in front of me. I tapped his shoulder. Napalingon siya sakin and he almost dropped his jaw when he saw me smiling at him. 


"Hi!" bati ko sa kanya. 


Pinigilan kong matawa nung makita kong halos manigas na siya sa kinatatayuan niya habang nakatingin sakin. I waved my hands in front of his face and he blinked twice. 


"H-hi Je-jennie, what's up" nauutal niyang sabi. 


I pouted my lips at him at nagpacute ng konti. I saw how he smiled and swallowed a lump in his throat. It only shows na effective ang ginagawa ko coz he's reacting like a high schooler na first time makita ang crush at sobrang kabado. 


"What's your name?" tanong ko. 


"Jeff" 


I smiled. 


"Ahm, Jeff okay lang ba kung mauna ako sa pila? Sobrang nagugutom na kasi ako eh" sabi ko habang nagpapacute. 


Agad naman siyang tumango ng walang pagdadalawang isip which made me grinned. 


"Oo naman walang problema!" nakangiting sabi pa nito. 


"Thank you Jeff!" sabi ko before giving him a wink. 


Hindi ko naman maiwasang matawa kung gaano siya namula sa simpleng wink na yun. No one can resist my charm talaga. Ginawa ko yun sa halos lahat ng nakapila mapa babae o mapa lalake at lahat sila pumayag, hanggang sa marating ko na yung pwesto nina Lisa. 


Pangatlo na siya sa pila ngayon. Nauuna si Seulgi then followed by Jisoo then her. Now let see kung uubra ang charm ko sa mga to. 


I tapped Lisa's shoulder and she looked at me. I smiled at her pero siya automatic na kumunot yung noo nung makita ako. Anong bang problema nito sakin?


"Hi!" energetic kong bati but guess what inirapan lang ako ng lola niyo at pagtapos ay tinalikuran. 


Napatingin ako sa table ng mga barkada ko at ang mfa walanghiya pinagtatawanan pa ko. I slightly frowned pero siyempre I tried to compose myself. Ngumiti ulit ako at muling tinapik yung balikat niya. 


Tumingin siya sakin at ngayon mas nakasimangot na siya. 


"What do you want Kim?" iritableng sabi nito pagharap sakin. 


Medyo napalakas din yung boses niya kaya napatingin samin yung mga estudyante including her two friends. Agad naman akong binatin nung dalawang kaibigan niya. 


"Oh hi Jennie!" sabay na sabi ni Jisoo at Seulgi na sinuklian ko naman ng matamis na ngiti. 


Halata namang kinilig yung dalawa pero sinaway sila nitong KJ na Manoban kaya biglang sumeryoso yung mukha nila. 


"Ano ba kasing kailangan mo Kim?" masungit na tanong ulit ni Lisa. 


"Well, may favor lang naman sana ko sayo, kung ok lang?" nakangiting tanong ko. 


"No" sabi nito at akmang tatalikuran ulit ako but I stopped her. Hindi ako pwedeng mapahiya dito. 


"Teka lang naman... hindi mo pa nga naririnig kung ako yung favor ko eh, no ka kaagad. Hear me out first" nakapout kong sabi habang hawak ko yung balikat niya.


"Oo nga naman Lis. Pakinggan mo kasi muna wag kang bastos" tatawa tawang sabi naman ni Seulgi.


Lisa glared at them first bago niya ibinaling sa kamay kong nasa balikat niya yung masamang tingin niya. Dahan dahan ko namang tinanggal yung mga kamay ko at ngumiti ng matamis sa kanya pero waepek kasi ang sama pa rin ng tingin niya sakin. 


"Talk" seryosong sabi niya. 


I mentally grinned coz finally she's ready to hear me out. Now, let's see if you can really resist my charms. 


"Gusto ko lang naman sabihin na baka pwedeng mauna na ko sa inyo sa pila kasi sobrang gutom na gutom na ko eh" I said before I intentionally bit my lower lip and do a puppy eyes habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya. 


Sandali siyang natahimik habang nakatingin siya sa mga mata ko then I saw how her gaze slowly went down to my lips. Tinitigan niya ng mga ilang segundo yung labi ko at napa smirk naman ako when I saw her swallowed a lump in my throat. Huh! I knew it! Hindi ka naman pala bato Manoban! Tinatablan ka rin pala sakin! Pero mukhang wrong move yung pagngiti ko kasi bigla niyang inalis yung tingin niya sakin. 


"No! Ayoko! Kanina pa kami nakapili dito tas sisingit ka lang. Saka hindi lang ikaw ang nagugutom dito no kaya maghintay ka dyan!" sabi niya ulit sabay talikod. 


I clenched my jaw and balled my fist. Ansarap banatan nitong Manoban nato. I looked around I see other students looking at us. Yung mga kaibigan ko naman tawa pa rin ng tawa. 


Okay Jennie chill! Wag kang magpapatalo dyan. Kung ayaw niya sa iba mo gamitin yung charm mo. 


Huminga ako ng malalim at saka ako sumingit sa harapan niya. 


"What the---" I didn't let her finish when I put my index finger on to shut her up bago ako humarap kina Jisoo. 


Napatingin naman sakin yung dalawa at sa daliri ko na nasa labi ni Manoban at saka sila tumawa. 


"Teka ano bang nangyayari?" tanong ni Jisoo. 


"Eto kasing kaibigan niyo napakasungit. Nakikiusap lang naman ako ng maayos na baka pwede mauna na ko sa inyo sa pila dahil gutom na gutom na ko pero ayaw ako pasingitin. Pumayag naman yung iba sa likod eh, siya lang talaga yung ayaw" nakapout kong sabi. 


Both of them glared at Manoban which made me laugh internally. 


"Yun lang naman pala eh. Oh sige na Jen una ka na. Pasensya ka na dyan kay Lisa kasi pinaglihi yan sa sama ng loob eh" sabi nila which made me chuckled. 


Bahagyang tumabi si Jisoo at Seulgi para paunahin ako. Bago ako pumunta sa unahan ay tinignan ko muna si Lisa. She my finger on and I smirked at her which made her frown more. 


"Ano ba guys dapat hindi kayo pumayag! Inuuto lang kayo ng babaeng yan eh!" reklamo niya. 


Hinarap ko sila. Nagtama ang mga mata namin at nagtinginan kami ng masama but I quickly averted my gaze at tumingin sa mga tao sa likuran niya. 

"Guys! Diba okay lang naman talaga sa inyo na mauna ako? Naistorbo ko ba kayo? Galit ba kayo?" nakapout ko uling sabi. 


"Naku hindi Jennie okay lang talaga" 


"Okay lang di kami galit" 


"Sus! Para yun lang eh, maliit na bagay Jen!" 


Sabay sabay nilang sagot sa tanong ko. 


"See Miss President? Okay lang sa kanila" I smiled sweetly and thank the people behind her bago ko siya tiningnan at inirapan. 

 

Kahit di ako sa kanya nakatingin kita kong nakasimangot siya sakin. Tinalikuran ko na ulit sila at ibinigay dun kay manamg yung order namin. 


Nagulat naman sila dahil sa dami ng inorder ko. 


"Akala ko para sayo lang. Di mo naman sinabi na buong tropa mo pala yung oorderan mo" sabi ni Seulgi. 


Lumapit ako sa kanya at ngumiti.


"Ay di ko ba nasabi? Naku pasensya na ha. Pero thank you talaga kasi pumayag kayo. Ang babait niyo di tulad niyang isang friend niyo" sabi ko then I caressed their faces with my hands. 

 

"O-okay lang walang p-problema" nauutal na sagot ni Jisoo samantalang si Seulgi nakatulala lang sakin. 


Ilang sandali pa ay nakaready na yung order namin. I called Jackson to help me at agad naman siyang pumunta saking para kuhanin yung tray nung mga pagkain namin. 

 

"Thank you ulit ha" sabi ko kay Seulgi at Jisoo and they just nodded their heads. 

 

Then I looked at Lisa. Nakasimangot pa rin siya but I just smiled at her sweetly. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author