Ang awit ng mga nagmumultong anino

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

Namimitig na ang mga binti ni Tomas kakatakbo. Magkasinghapdi na ang sugatang pisngi at pagod na mga biyas. Tinahak niya ang kabuuan ng ilog. Sa pagkakatanda niya ay tulay ang pinakamalapit na dulo na mararating niya sa sinundan niyang direksyon. Inasahan niya ang mas malawak na parte ng ilog at ang mga kapunuan sa paligid nito. Kaya hindi malinaw kung paano, pero imbes na mga puno ay natagpuan niya ang sarili na kaharap ang malawak na dalampasigan.

Samyo ng malamig na hangin at amoy ng alat sa tubig ang bumati sa kanyang pagdating. Dumidilim na rin. Agad? Hindi na inalintana ni Tomas ang oras. Inilibot niya ang mata. Inihatid siya nito sa batuhang hinahampas ng mga alon. Sa abot-tanaw ay nakatanghod ang buwan na marahang lumilitaw.

Ilang sandali pa ay nakatingala na si Tomas sa bilog na buwan. Hindi niya maalis ang tingin niya dito. Makalipas ang ilang segundo ay sumunod ang mga tunog.

Sa likod ng mga batuhan, maging sa lugar na kanyang pinanggalingan na ngayon ay kahabaan na ng mabuhanging aplaya na nababalot na ng dilim, at pati sa magkabilaang direksyon, may umaalunignig na ritmo. Tunog ng mahinang tambol ng dalawang metal na pinagpupukpok.

Naririnig ni Tomas ang agos ng dugo niya sa sariling tainga, sabay ng tibok ng kanyang puso. Lalong dumidilim ang paligid. Sumisikip ang espasyo sa isip niya.

Ang laki na ng buwan sa ulunan niya. Iniangat niya ang kaliwang kamay. Hindi gumagalaw ang mga kamay ng relo. Nakapako lang ang mga ito sa 12 na numero. Pero hindi lang iyan ang nakakapagtaka. Mas ikinagulat ni Tomas na tila nangangapal ang balat niya sa kamay. Parang may kaliskis o balat ng buwaya, magaspang at kulay itim na kumikintab kapag tumatama sa liwanag. Nagsihabaan din ang kanyang mga daliri at nakausli sa dulo nito ang matutulis na kuko.

Lumalakas ang ugong. Lalong lumalaki ang buwan sa puntong parang madadaganan na siya nito. At ngayon ay natuklasan niya ring hindi siya makapagsalita.

Ma? Sinubukan niya ang kanyang boses. Walang lumabas sa bibig niya.

Ma…

“Tumakas ka na, anak,” ani ng isang nakalimutang tinig. Malalim, pang-lalaki, pero hindi matandaan ni Tomas kung kanino iyon. 

Tumingala si Tomas sa madilim na gabi. Sa maliwanag na buwan. Pero ngayon ay nawala na ito. Sa dapat kinalalagyan niyon ay nakapwesto ang nag-iisang ulap. May aninong gumagalaw sa likod nito.

Tila nangungusap ang anino. 

“Huwag mo akong kukunin!”

Hindi maipaliwanag ni Tomas, pero sa puso niya, alam niyang sa likod ng ulap na iyon nanggagaling ang panibagong boses.

Iba na ang narinig niyang tinig. Babae. At mas takot na ito. Mas galit. Mas malayo ang loob kay Tomas.

Lumalakas na ang mga tunog. Nagwawala na ang ritmo. Papabilis nang papabilis, inuusig siya. Sa pumapaligid na kadiliman ng gabi, may mga nagkikislapang ilaw. Nang tinitigan itong mabuti ni Tomas, nalaman niyang mga pares ito ng mata. Marami sila.

Naramdaman niya ang panganib bago pa maubo ang salita at kahulugan nito sa kanyang isip. Hindi niya namamalayang tumatakbo na naman siya ulit.

“Ayun! Ang Bakunawa! Palayasin niyo ang halimaw! Palayasin niyo ang Bakunawa!” sigaw ng mas marami at halo-halong boses.

Huhulihin nila ako. Kapag nahuli nila ako, siguradong ikukulong nila ako. Ikukulong nila ako.

Parusa ang pagtakbo sa buhanginan. Pero kahit na ganun ay parang wala lang ito kay Tomas. Sa katunayan ay parang lalo siyang lumiksi. Gumaan ang mga hakbang niya na para siyang nakakalipad. Ang tubig ang pakay niya. Kung mga tao ang humahabol sa kanya, malamang ay hindi nila gugustuhing sundan siya sa malamig na dagat.

Tinatanaw pa rin ni Tomas ang mga humahabol sa likod niya kaya nakaligtaan niya ang nakaharang sa kanyang dinadaanan. Malabong pigura. Aakalain mong usok lang, pero may parte sa utak niya na pinaglalaruan ang imahe at ginagawa itong grupo ng mga lalaking may hawak na mga iba’t ibang uri ng sandata. May mga kamay na humawak sa kanya. May humihila sa kanya pababa.

Bumigay ang lupang kinatatayuan ni Tomas. Una ay naging malambot na putik, at pagkatapos ay tuluyang naging walang hanggang tubig. Patuloy ang paglubog niya sa ilalim ng dagat.

Dito ako nakakulong.

Nagdilim ang lahat.
 

Nalulunod si Tomas sa hangin nang magkamalay siya. Natagpuan niya ang sarili sa kwarto. Nakahiga siya sa kama. Naglalapot sa pawis. Bukas ang bintana kaya nakita niyang madilim na sa labas. Mabilis ang tibok ng puso niyang kinapa gamit ang kaliwang kamay. Napabaling na siya sa relo. “Ala-sais?”

Hindi niya maalala kung paano siya nakauwi. Ang huling naaalala niya ay tumatakbo siya, tapos… tapos ang gulo-gulo na.

Dito ako nakakulong.

Napatigil siya sa mga salitang lumitaw sa isip niya. Nakakamangha ang pakiramdam, na may pagka-nakakabahala rin, dahil merong konteksto sa isip niya na hindi niya mapunto kung saan nagmula o ano ang tinutukoy, pero pakiramdam niya dito siya nakakulong, sa katawan na ito.

“Holy !” bulalas niya sa natuklasan. “Dito mismo ako nakakulong—sa buhay na ‘to! ‘Yun ‘yung ibig sabihin ng pana

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet