Magkakarugtong na kamalayan

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

CW: Knife; blood.

 

Nagmamadaling umalis si Tomas. Nakadikit pa sa tainga niya ang cellphone, patuloy na pinapakinggan ang mga nangyayari kay Jao mula sa kabilang linya. Muntik pa nga niyang makalimutang magbayad kay Alas. Buti na lang at alisto ang bar owner. Sayang din ‘yun. Pilit niyang ibinabalik ang atensyon sa daang nilalakaran niya, para hindi siya madapa o makabunggo ng kung sinong makakasalubong. Walang gaanong background noise kung nasaan ang pinsan niya.

“Jao? Hello, Jao? Nandyan ka pa?”

Inisip niya kung nakita na ba ng pinsan niya ang tatlong diwatang kanyang iniwan kani-kanina lang. Ano na kaya ang nangyayari sa Ibayong Banua ngayong wala siya dun?

“Jao? Hello? Sumagot ka naman,” apuradong utos ni Tomas. Wala pa rin siyang ibang naririnig, maliban sa isang beses na may humarurot na sasakyan sa malayo. Na-pick up ng cellphone ang engine rev ng motor nito. 

“Kuya Tomas,” sa wakas ay pinansin na rin siya ni Jao. “’Asan ka ba ngayon?” naiinip na tanong nito.

“Papunta na ako dyan ngayon. Kakagaling ko lang sa Purok Nueve.”

“Ha? Anong ginagawa mo dyan? Bakit nandyan ka?”

“Wala. Wala. Basta, papunta na ako dyan. Hintayin mo ako. At huwag kang makikipag-usap kahit kanino, ha, Jao? Naiintidihan mo ‘ko?”

“Huh? Why?”

“Basta. Maghintay ka na lang,” diin ni Tomas. “Malapit naman na ako.”

Naguguluhan siya. Hindi niya natantya ang layo ng kanyang destinasyon. Kanina lang ay parang ilang kanto lang ang nilikuan niya para makarating sa Purok Nueve, mula sa cafe. Pero ngayon ay kahit ilang pasikot-sikot ang daanan niya, at ilang eskinita ang lusutan, ay hindi niya pa rin matumbok ang kinaroroonan ng Ibayong Banua. Pinaglalaruan na naman ba siya ng universe? Walang patid sa paghagilap sa naturang lugar ang kanyang paningin. Wala sa isip siyang napatingin sa relos sa kanyang kaliwang pulsuhan. Ayon dito, pitong minuto na lang ay alas dos na. 

Sigurado siyang malapit lang dito ang cafe. Alam niya ang daan na ito. Ilang beses na siyang nagpupunta dito, kaya hindi siya pwedeng maligaw. Ilang minutong lakaran pa ay narating niya ang coffee shop, kung saan niya unang nakilala si R-Ji. Malapit na siya. Patakbo na niyang tinahak ang daan mula rito. Ilang liko at lusot pa ay naabot na rin niya sa wakas ang kalye kung nasaan ang cafe. Sa ‘di kalayuan ay natanaw niya na rin ang Ibayong Banua.

“Jao!” sigaw ni Tomas, pareho sa cellphone na nakatapat sa tainga niya, at sa pinsan niyang nakatayo sa harap ng building. Nakita pa niyang inilayo ni Jao ang hawak nitong cellphone nang umalingawngaw mula dito ang makabasag-eardrums niyang boses. Pagkuwa’y agad na nakuha ng kanyang pagdating ang atensyon ng kanyang pinsan. Kunot-noo itong nakatingin sa kanya habang ibinababa ang cellphone, bago nito pinutol ang kanilang tawag.

“Palasigaw talaga?” angal ni Jao. “Bakit ba kasi alis ka nang alis? Kanina pa ako dumating dito.”

“Bakit ka ba kasi nagpunta dito?”

“In-assume ko lang na dito ka nagpunta,” sagot ni Jao. “Ang vague, vague kasi ng sinabi mo sa phone. Kaya umalis ako agad, pagkatawag ko sa’yo. Buti nga tama ako eh.”

Ibinulsa ni Tomas ang kanina pang hawak na cellphone. Nakatingin siya sa saradong pinto ng cafe. Nakapaskil dito ang closed door sign. 

“M-may...” inilakad muna niya nang ilan pang segundo ang mga mata, na tila may hinahanap. Nang walang matagpuan ay itinuloy niya ang kanyang tanong. “Mag-isa ka lang?”

“Malamang,” iritang saad ni Jao. “Sino naman ang sasama sa’kin, ‘Ya? ‘Di ba, kakasabi ko lang sa’yo kanina na nawawala nga si Teo.”

Nakuha ni Jao ang buong atensyon ni Tomas pagkabanggit sa pangalan ng nawawalang pusa. Napailing siya pagkaalala sa mga nangyari sa loob mismo ng cafe na katapat nila ngayon.

“Dapat kasi hinintay mo na lang ako sa bahay eh,” aburido niyang sabi.

Kakaiba ang katahimikan sa paligid nila. Hindi ito napapansin ni Jao. Siguro ay dahil malapit na naman siyang takasan ng ulirat, kaya parang lahat na lang ay napapansin ni Tomas. Pinagmasdan niya ang kanyang pinsan, binabasa ang mga galaw nito, at inaalam kung may nararamdaman din ba itong hindi pangkaraniwan sa nangyayari sa paligid nila. Pero nag-resulta lang iyon para wirdo siyang tignan ni Jao.

“Huy, Kuya Tomas! Anong tinitingin-tingin mo dyan? Okay ka lang ba? Hindi pa rin natin alam kung nasa’n si Teo. May idea ka ba?” ikinaway nito ang kamay sa tapat ng mukha ni Tomas para kunin ang kanyang atensyon.

Napapikit-pikit lang siya sa ginawa ng kanyang pinsan. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Pagkuwa’y nagpalinga-linga siya sa kanilang paligid, at ipnagpatuloy ang pagmamasid sa kakaibang paligid. “Jao, wala ka bang napapansin? Ang tahimik.”

Dala ng kanyang sinabi ay napalibot din ng mata si Jao. Kunot-noong tinapos ng kanyang pinsan ang paglingon-lingon nang tumapat sa kanya ang tingin nito. “Wala. Ano bang ibig mong sabihin? Malamang tahimik na, it’s midnight na kaya.”

“Tambayan at gimikan hotspot ‘tong street na ‘to, ‘di ba? Dun sa kabila, sa Purok Nueve, ang daming tao. Tapos dito, wala?”

Naguguluhan man ay unti-unti na ring napapansin ni Jao ang mga ipinupunto ni Tomas. Wala ngang tao sa kabuuan ng street kung nasaan sila. Bukas ang mga establishments, nakasindi ang mga ilaw sa loob ng mga building, pero walang tao. At kung hindi pa nakakapagtaka ‘yan, ang kaisa-isang establishment na nakasara ay ang Ibayong Banua cafe.

“Baka maaga lang kasi silang nagsara,” dahilan ni Jao.

“Alam kong maaga silang nagsara, Jao,” saad ni Tomas. “Pero kanina, may ilaw dyan sa loob. Ngayon nakapatay na lahat ng ilaw.” At parang wala na ring tao, na mas ikinagulo ng buong sitwasyon para sa kanya. Dito niya iniwan kanina ang tatlong diwata. Saan kaya nagpunta ang mga ito?

Sisilipin niya ba ang mga ito sa loob? Nagdalawang-isip siya. Sa isang banda, ay hindi niya mapigilang mangamba para sa mga ito. Alam niya rin kasi ang kinakaharap nilang mga suliranin sa kasalukuyan. Pero sa kabilang banda, ‘di ba wala naman siyang pakinabang sa mga ito? So, bakit pa siya mag-eeffort?

“Tara, Jao. Uwi na tayo,” mahinahong saad ni Tomas. Kinutuban siya, na parang ayaw niyang malaman ang sagot sa mga tanong na nabubuo sa kanyang isip.

“’Di pwede, Kuya. Hahanapin pa natin si Teo,” pagmamaktol ni Jao.

“Bukas na lang, Jao. Kahit ipa-blotter mo pa sa pulis ‘yang nawawalang pusa mo. Sasamahan pa kita.”

Ngumuso ang nakababata niyang kausap. Bakas ang dismaya at kagustuhang mag-protesta nito laban sa kanya.

“Jao,” pag-aalo niya dito. “Masama talaga ang kutob ko eh.”

“Bakit ba kasi? Maaga pa naman eh. Tsaka baka hindi pa nakakalayo ‘yun. Kung kanina lang ‘yun nakalabas sa condo, baka malapit lang ‘yun somewhere around here.”

Napabuntong-hininga na lang si Tomas. Paano niya ba sasabihin kay Jao ang totoo? Inisip niya ang mga posibleng kalabasan ng mga pwede niyang sabihin. Kung sasabihin niya ang katotohanan tungkol sa pagiging Sinag ni Teo, siguradong hindi ito maniniwala. Hihingi pa ito ng proof kahit na sabihin pa niyang naglahong parang bula ang munting kuting, kaya imposible na siyang magkaroon pa ng ebidensya. Kung magsisinungaling naman siya, ay ipipilit lang nito na ngayon na lang nila hanapin ang nawawalang alaga. At kung mananatili naman sila dito nang ganun katagal para maghanap, ay hindi alam ni Tomas kung anong klaseng sorpresa ang naghihintay sa kanila. At tiyak siyang hindi kabilang dun na muli nilang matagpuan si Teo.

Sa ilang segundong ginugol ni Tomas para mag-isip, ay nasayang niya ang mga mahahalagang sandali para makatakas. Huli na nang malaman niyang bumukas ang pinto sa Ibayong Banua. Sabay sa realisasyon niyang iyon ang paglabas nina Mo at Dayang Mariya galing sa madilim na building.

“Tomas! Pre, buti nandito ka na. Hahanapin ka sana namin ni Mariya eh. Pinadali mo ang trabaho namin. Thank you,” sunod-sunod na sabi ni Mo sa kanya.

Bakit naman nila hinahanap si Tomas? ‘Di ba ang usapan ay tapos na siya sa lahat ng ‘to? Quit na siya ah.

Lalo namang kumunot ang kanina pang nakakunot na noo ni Jao. Nag-aabang ito sa kanyang reaksyon.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet