Masarap ang adobo

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

Nakakatatlong hikab na si Tomas sa nakalipas na limang minuto. Muli niyang inusisa ang suot na itim na bomber jacket na nakapaibabaw sa plain white shirt, na ipinares sa simpleng straight-cut jeans at itim na Converse high. Hinagod niya ng suklay ang itim at tuwid na buhok sa huling pagkakataon, pampaswerte lang, bago bumaba sa sala.

“Ang haba na pala ng bangs ko,” komento ni Tomas sa medium-length hair habang sinisigurong sarado ang lahat ng dapat ay nakasara at patay ang lahat ng dapat ay nakapatay. 

“Anyway.”

Kinaladkad niya palabas ang maletang may nakapatong na backpack na nakasandal sa pader malapit sa pinto. Nang makalabas dito ay iyon naman ang isinara niya. Dinouble lock pa niya ang doorknob at padlock para makasigurado. Isinukbit niya ang backpack sa likod at hinila ang maleta palabas. Nang makarating sa gate, ito naman ang ikinandado ni Tomas.

Huling beses niyang inilakad ang mata sa buong bahay at sa palibot nito. May kadiliman pa ang langit sa likod. Madaling araw pa lang kasi. Gusto niyang maagang bumiyahe para hindi hassle, at para na rin maaga siyang makarating sa Manila. 

“Ma. Ikaw kasi eh,” nagsisi siya agad nang sumbatan ang ina. “Charot lang. Pero ikaw naman talaga kasi eh.”

Alam niyang hindi ang Mama niya ang may kasalanan. Jusko naman. Nagpapahinga na ‘yung tao. Pero malay niya ba, baka sa lumipas na taon na sa Manila siya naglalagi, ay may nangyayari na palang kakaiba dito sa probinsya. Hindi naman siya sanay sa mga pamahiin dito. Baka bawal palang makipag-usap sa mga liwanag na nagta-transform bilang abs na tinubuan ng tao, ni wala man lang nag-inform sa kanya.

“Basta, Ma. Babalik pa rin ako...sana,” huminga siya nang malalim nang balutin ng kawalan ng kasiguraduhan ang kanyang dibdib. “Kailangan ko rin mag-decide kung anong gagawin dito sa bahay.”

Kailan ka ba magpapakasal, anak?

Gumapang ang cringe sa spinal cord niya nang maalala ‘yung favorite na sabihin sa kanya ng nanay niya dati tuwing umuuwi siya. As soon as he hit his early 20’s, hindi na pumalya sa pag-follow up ng tanong na ito ang Mama niya.

Parang nag-online shopping ka lang, Ma, tapos wala pa lang ‘yung package. Hindi naman ganun kadali ‘yun. 

‘Yan ang kadalasang sagot niya.

Ang arte mo kasi. Ano bang hinahanap mo sa mapapangasawa? Puro ka pag-ibig sa sinusulat mo, hindi ka naman marunong manligaw. Paano ka na lang kapag wala na ako?

“Tama na nga ‘yan,” bakas ang lungkot sa mga winika niya nang patahimikin ang umiingay na isip.

“Alis na ako, Ma, ah,” paalam niya. “Bantayan mo ‘ko. Baka mamaya may bigla na naman mag-appear out of nowhere. Tapos sugurin na naman ako. Hehe.”

Gusto niyang tumawa pero pakiramdam niya ay may konting katotohanan ang sinabi niya. Bago pa muling lumipad ang isip ay tumuloy na siya.

 

Mabilis lang ang biyahe ng jeep mula bayan hanggang pier. Mas mabilis ang naging pila sa bilihan ng ticket at pagsakay ng barko. Konti lang ang pasahero nang ganitong oras, wala ring malapit na okasyon kaya prenteng nakaupo na lang si Tomas na naghihintay sa pag-andar ng sinasakyan.

Ayun na ang araw, lumilitaw na sa langit. Walang building o matataas na puno para maharangan ang angking ganda nito. Nilapitan niya ito at pumwesto sa viewdeck ng barko. Malamig ang pang-umagang hangin. Maraming mga ulap. Kulay-kahel ang langit. Para siyang binabasbasan ng Maykapal at pinapapanatag ang kanyang kalooban. Ayos lang ‘yan, tila pinapaalala nito sa kanya. May halaga ang buhay. Maganda ang mundo. Hindi niya man maintindihan ngayon, may katuturan ang lahat ng mga pinagdadaanan niya.

Sa sobrang sentimiyento, parang gustong maiyak ni Tomas. “Grabe naman ‘tong sunrise, nakaka-emo.”

Ilalabas niya sana ang cellphone upang kuhaan ng litrato ang magandang view. Nakapa na niya ito sa bulsa ng kanyang jacket. Pero napansin niyang parang may kakaiba sa isang sinag ng araw sa gilid ng mata niya.

Una, paano niya napansin ‘yon, unless pisikal na humiwalay itong nag-iisang sinag na ito mula sa pinanggalingang source, ang literal na araw. Pangalawa, parang gumagalaw ito nang kusa at wala sa ayon, na aakalain mong may sarili itong buhay.

“Ang weird nun ah.”

Hati ang isip ni Tomas. Curious siya, pero may parte sa puso niya na parang ayaw nang umalam. At habang tumatagal na nakatingin siya sa sinag ay naramdaman niyang parang ang sikat nito sa balat niya ay nakatutok sa sugat niya sa pisngi. Kung kamay ‘yon, tiyak siyang kung hindi nito kukurutin ang pisngi niya ay nakasaradong kamao ito na mabilis na lalapat sa panga niya.

Kinilabutan siya nang maalala ang matalim na blade ng espada ng lalaki sa ilog.

“Imposible,” bulong ni Tomas sa ilalim ng kanyang hininga.

 

Buong biyahe na tuloy na hindi mapakali si Tomas. Hanggang sa makarating

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet