Ang babaeng nanggaling sa buwan

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

CW: Animal death; car accident.

 

Napaigtad si Tomas sa gulat. Bahagya siyang napaatras. Muntik pang mabuhol ang mga binti niya sa mga nakaharang na paanan ng mga lamesa’t upuan. Aligaga siyang lumakad nang patalikod sa kanyang dinadaanan, palayo kay Mo.

Nang makabuo ng ligtas na distansya ay muli siyang pumihit sa tamang direksyon papuntang pintuan. Pinapanood lang siya ni R-Ji habang nagkakandarapa siya palabas ng Ibayong Banua. 

 

Tumatakbo pa rin si Tomas kahit nakalayo na siya sa cafe. Malapit na siya sa crossing. Sa ‘di kalayuan ay nakita niya ang traffic lights na naka-kulay green para sa mga sasakyan, palatandaan na hindi pa pwedeng tumawid ang mga pedestrian.

Pagkahinto niya ay napatukod na lang siya sa sariling tuhod habang naghahabol ng hininga. Iniangat niya ang tingin upang makita ang senyales ng ilaw.

Nang maging pula ang traffic light ay akmang tatawid na sana siya nang biglang mahagip ng kanyang mata ang isang maliit na orange na bilog sa gilid. Nanggaling ito sa isa sa mga halamang nakahilera sa sidewalk, malapit sa isang eskinita. Nilingon niya ito at nakita ang isang pusang kamukhang-kamukha ni Teo.

“Teo!” sinubukan ni Tomas na kunin ang pansin ng kuting. Baka sakaling namalikmata lang siya at napagkamalan lang ang ligaw na pusa bilang alaga ng pinsan niya.

Pero nilingon siya nito. Alam ng pusa ang pangalang Teo. Tumigil sa paglakad ang pusa.

Huminto ito sa gitna ng kalsada. Pareho nilang hindi napansin ang papalapit na sasakyan.

“TEO!”

Walang naririnig si Tomas, kahit ang sariling mga sigaw. Bumagal ang mundo sa paligid niya.

Hindi namalayan ni Tomas na kusang gumalaw ang katawan niya at akmang tatalunin ang distansya sa pagitan ng sidewalk at ng paparating na kotse. Pero bigla siyang nabitin kalagitnaan nang may humila sa kanya pabalik mula sa likuran. Nakapalupot ang dalawang kamay ng kung sinuman sa ilalim ng mga braso ni Tomas. Hindi siya makapagpumiglas sa yakap nito.

“Bitawan mo ‘ko! Teo! Teo!”

Walang laban ang mga sigaw niya sa taingang nagbibingi-bingihan. Hinila siya ng taong iyon hanggang makarating sila sa mismong eskinita kung saan umutlaw si Teo kani-kanina lang.

Bumitaw ang mga kamay, ngunit inilipat lang nito ang mahigpit na yakap mula sa pagkakapalupot sa mga bisig niya, patungo sa pagdiin ng magkabilang kamay nito sa dibdib ni Tomas, itinutulak siya laban sa pader sa kanyang likuran.

Hindi pa ito nakunteto, itinupi pa nito ang mga siko upang lumiit ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Kinuwelyuhan nito si Tomas.

Una niyang nakita ang tatuang braso ng babae sa harap niya, bago ang mabini nitong mukha.

Tumambad kay Tomas ang anyo ng babaeng nagpabilog sa mga mata niya at nagpabilis sa tibok ng kanyang puso nang una niya itong masilayan.

Mariya...

“Pero...imposible,” bulong ni Tomas sa sarili.

Marahang tumakbo ang mga segundo, na halos matutukan na ni Tomas ang bawat galaw ng kumukunot na noo ng babae; ang paglingat nito mula sa pinangyarihan ng gulo sa kalsada—kung saan lumabas sa minamaneho nitong kotse ang driver para sumilip sa gulong ng sasakyan; kung saan nagtipon ang iba pang usisero sa lugar ng eksena; kung saan walang nakitang kahit ano ang mga ito: wala na ang pusa, walang dahilan ng lahat ng komosyon—paharap sa kanya. Pagkabagal na inangat ng babae ang kanyang kanang hintuturo sa sariling labi na mahigpit na nakatikom.

‘Wag kang maingay, tila sinasabi ng mga nanlilisik nitong mata kay Tomas.

Dito na bumalik sa normal ang lahat, nang matauhan siya at mapagpatantong kinakausap siya ng babae sa larawan, na bago ang lahat nang ito ay isang malaking palaisipan lang sa kanya. Hinawi ni Tomas ang kamay nito mula sa pagkakadagan sa kanyang dibdib. “Ano ba! Sino ka ba?”

“Shh! ‘Wag ka sabing maingay eh,” batid ang taranta sa boses ng babae.

Sinamaan lang niya ito ng tingin. Nang maaninagang muli ang nagbabalik-ayos na daloy ng trapiko sa gilid nila ay siya naman ang binalot ng taranta. “Teka, si Teo!”

Akmang tatakbo ulit papunta sa kalsada si Tomas nang muli na naman siyang harangin ng nakahabang kamay sa dibdib niya.

“Ano ka ba!? Nasagasaan ‘yung pusa ng pinsan ko!”

“Pusa ng pinsan mo???” hindi makapaniwala ang babae, na akala mo ay “walang lasa ang Tinola at sinungaling ang mga nagsasabing iyon ang paborito nilang pagkaing Pinoy” kung makasigaw ito sa kanya.

“Oo, bakit? Inampon niya si Teo. May problema ka ba dun? Nauubusan na ‘ko ng oras kaka-entertain sa’yo imbes na dapat inuuna kong intindihin ‘yung alaga namin!”

“Hindi niyo alaga ‘yun! Sinag ‘yon ni Rajah Taneo na inutusan niya para sundan ako dito!”

Ngayon ang babae na ang tinititigan ni Tomas na para itong isang Tinola hater. Itong mga pangalan na naman ito. Ang mga kung anu-anong kwentong barbero na mistulang lahat ng nakakasalamuha ni Tomas ay may contributing roles, at siya lang ang walang kaalam-alam kung ano ang script! ‘Yung pusa na nga lang ang tanging katinuan sa mundo ng kalabuan na ito, tapos heto at pinipigilan pa siya ng babaeng ito na iligtas si Teo.

“Miss, pwede ba? Busy ako!”

“Wala na ‘yung pusa, oh!” itinuro ng binibini ang malinis na aspaltadong daan. Tuloy-tuloy na ring dumadaan dito ang mga sasakyan. Walang dugo. Walang bangkay ng nagulungang pusa.

“Ano!?” ‘Wag niyong sabihing nababaliw na si Tomas?! Hindi siya nagbibisyo! Ayaw niya ng usok ng sigarilyo at allergic siya sa alak, kaya imposibleng pinaglalaruan siya ng isip niya. Walang kahit anong hallucinogenic substance sa sistema niya. O baka naman gusto niyong sabihing tinatakasan na siya ng bait?! Ano, suntukan na lang!

“Kung...” sinubukang mag-umpisa ng babae pero animo ay nag-aalinlangan ito. Sa huli ay pinili na rin nitong ituloy ang sasabihin. “Kung ikakalubag ng loob mo, hindi naman namamatay ang Sinag, eh. Wala silang totoong physical form, if you get what I mean...”

“Ano bang kailangan mo, ha, Miss? Bakit ang dami mong dadâ?” masungit na sagot ni Tomas, hindi pinapansin ang sinasabi ng binibini. Nakatingin siya sa ibang direksyon at hindi sa mukha ng kausap. “Huwag mong sabihing ikaw nga si Dayang Mariya na nanggaling sa buwan?” panunuya niya.

Napahakbang paatras ang babae, palayo kay Tomas. “Oh hindi... Ikaw ba si Tomas Francisco?”

“Maka-oh hindi ka naman. Luging-lugi?” napipikon na sagot ni Tomas. “Tsaka ano namang ibig sabihin n’yan? Eh ano ngayon kung ako nga? Dapat ba alam ko ‘yan? Hoy, miss. Nag-jojoke lang ako. Alam mo ba ang meaning ng joke—”

“Paano mo nalaman ang pangalan ko? Nagkita na ba kayo ni Rajah Taneo? Nasundan niya na ba ako dito?” hindi makapaniwalang saad ng babae.

“Ha? Ano bang pinagsasabi mo?” naguguluhang tanong ni Tomas.

“Ikaw ba talaga ang anak niya? Ikaw ba talaga si Tomas Francisco?” lubhang nagulantang ang babae sa nalaman. Bukod sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet