Ang paghihiwalay ng anyo at anino

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

TW: Gore descriptions.

 

“Sana talaga gumana ‘to,” bulong ni Tomas sa sarili, bago dinukot ang sariling puso gamit ang kanyang kaliwang kamay.

Walang paglagyan ang sakit na nararamdaman ni Tomas nang gawin ito. Habang unti-unting lumalalim ang bawat daliri niya sa pagkakabaon ng mga ito sa kanyang balat, laman, at buto, ay palala nang palala ang sakit na pumupuno ngayon sa kanyang isipan. Naranasan mo na bang bunutin ang sarili mong ngipin? Walang anesthesia. Walang anumang pampamanhid. Purong lakas ng loob at tindi ng toleransya sa sakit lang ang kakampi mo. May hindi maipaliwanag na pagkamanhid na sagad sa buto. Umaabot ang ngilo hanggang sa utak. Alam ni Tomas sa isip niya na nasasaktan siya, pero hindi niya ito mapanood o maobserbahan sa kanyang sarili habang nararamdaman niya iyon. Nasa pagitan si Tomas ng kanyang isip at ng kanyang katawan, at habang nakikipag-hilaan ang dalawang parteng iyon sa isa’t isa, ay naiiwan sa pagitan na parang gomang mapapatid na sa pagkakabanat si Tomas. 

Usok, imbes na dugo, ang lumabas sa mga butas na sugat na iniwan ng kanyang mga daliri. Isinagad pa ni Tomas ang kanyang kamay, hanggang sa lumubog na iyon sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang pulsuhan. Naramdaman niyang nagbibigay-daan ang kanyang mga buto at laman. Nakaramdam din siya ng basáng sensasyon, at mainit, na parang inilublob niya ang kamay sa isang tabo ng maligamgam na tubig. Kung makikita lang niya ngayon ang sarili, ay alam niyang nagbubutil-butil na ang malamig na pawis sa kanyang buong mukha. Alam niyang naliligo na siya dito ngayon, dahil dumidikit na sa likod niya ang tela ng suot niyang t-shirt. Hindi mapigilan ni Tomas ang panginginig ng kanyang kalamnan.

Patuloy na hinalukay paloob ng kanyang kamay ang sariling dibdib, hanggang sa maramdaman na niya ang kanyang pumipintig na puso. Para itong maliit na hayop na nangingisay sa kanyang palad. 

Pagsubok na ang pagkuha nito, kaya naman mas lalo itong mahirap ilabas. Hindi pangkaraniwan ang puso ni Tomas. Nabuhay ito bilang isang parte lang. Sa katawang-tao ni Tomas, kung susuriin ito, isa pa rin itong normal na puso, dahil hindi literal ang epekto ng sumpa ni Bakunawa. Pero sa mga matang may karanasan sa mundo ng mga diwata at bathala—at sa isang katulad ni Tomas na kalahating-tao at kalahating-dragon, ay alam na alam niya kung ano ang pagkakaiba. Kalahati lang ng tunay nitong liwanag ang naipapakita nitong kislap. Hindi ito sing-liwanag ng mistulang malaking alitaptap na nakita niyang ibinigay ng lalaking si Bakunawa kay Mariya noon.

Kung ipapaliwanag ito ni Tomas, kulay malamlam na asul ang kanyang bahagi ng puso. Hindi buong liwanag—hindi nakakasilaw na kaputian.

Dahan-dahan at maingat na inalalayan ng kanyang kaliwang kamay ang munting puso palabas ng mga buto, laman, at balat, hindi hinahayaang maapektuhan ito ng kung anuman. Dahil isa ito sa mga bahagi ng katawan na hindi tumitigil sa paggalaw, dapat ay mabilis niya itong mailipat sa palad ni Mariya nang hindi napapatid ang pagtibok nito. Agad na hiningi ni Tomas ang mga palad ni Mariya, at ipinuwesto ang mga nakasapo na mga kamay ng dalaga malapit sa kanyang dibdib. Nang maramdaman na wala na ang puso niya sa kanyang katawan, nagmamadali niya itong ipinatong sa magkadaop na kamay ni Mariya.

Simbigat ng isang mansanas ang puso ni Tomas. Para sa isang bagay na ganito kaliit, kaya nitong maapektuhan ang anumang aspeto ng kanyang buhay. Kaya nitong ipabawi kay Tomas ang mga pangakong hindi niya kayang tuparin. Kaya nitong biguin ang sinuman sa pabugso-bugso nitong damdamin. Kaya nitong dalhin si Tomas sa dulo ng kanyang galit, at itulak siya papuntang impiyerno, para gumawa ng maling desisyon. Pero kasabay niyan, ay kaya rin nitong pahangain ang Mama niya sa mga naisulat niyang tula at kwento, dahil na rin sa mga naramdaman nito na nagdulot sa kanya ng mga salita. Kaya nitong pagandahin ang isang nilalang sa mga mata ni Tomas nang sampung ulit. Kaya nitong bigyan si Tomas ng kagustuhan na bumangon tuwing umaga nang may ngiti sa mga labi. Kaya nitong pasarapin ang Tinola. Kaya nitong bigyang-buhay ang mga letra sa kanyang papel, at ipinta ang mga tunog nito gamit ang kanyang boses. 

Kayang paikutin ng mansanas na iyon ang kanyang mundo.

Nakatingin si Mariya sa puso ni Tomas, at napansin ng dalaga na unti-unting sinasabayan ng ritmo nito ang tibok ng kanyang sariling puso. Habang patagal nang patagal ang pagkakalapit ng dalawang parteng ito, ay isa-isa ring nagbabalikan sa prinsesa ang mga alaala.

Hindi nakilala ni Mariya si Tomas noong una silang magkita sa Kalupaan, dahil ang mga alaala ng pagkatao ng Bakunawa na nakilala ng Prinsesa ng Buwan noon, ay nakakubli sa bahaging ito ng puso—sa kalahati na na kay Tomas. Ngayong buo na ito, o kahit papaano ay magkalapit at hawak ng iisang nilalang, ay muli nitong nabuo ang lahat ng bahagi ng alaala ng nakalipas, at pinag-isa ito sa karanasan ng kasalukuyan.

Paano ba nakalimutan ni Mariya ang mukha ng lalaking ito? Napaka-masalimuot talaga ng paglimot, na kahit hindi mo pa nagagawa ang isang bagay ay pinagsisisihan mo na ito. Hindi na namalayan ni Mariya na kaytagal na pala nitong hinihintay ang pagkakataon na magkita silang muli ni Tomas.

At sa kanyang palagay, sa kung paano tignan ni Tomas ang dalaga na punumpuno ng pag-unawa, ay pareho lang ang nararamdaman nilang dalawa.

Gaya ng dati, nagbago ang paligid. Gumalaw ang espasyo sa pagitan nila na parang isang buhay na nilalang. Bumuntong-hininga ang lupa. Para namang mga talukap na unti-unting dumidilat ang mga alapaap. Ilang saglit pa ay nahati sa dalawa ang mundo kung nasaan sila Tomas at Mariya. Parang magkaiba ang mga nakikita ng dalawang pares ng kanilang mga mata—sa kaliwa ay itim-at-puti, at sa kanan naman ang kulay. 

“Mariya, kailangan kong sabihin sa’yo ang kabuuan ng plano ko,” sa tono ni Tomas ay animo’y namamaalam siya. “Maya-maya ay mabubuhay ang Bakunawa, pero don’t worry, kasi hindi ito ‘yung true form niya. Basta dito ka lang sa tabi ko. ‘Wag kang aalis, kahit anong mangyari.”

“Okay. Copy.”

“Hihiling ako kay Bakunawa. Ito lang ‘yung naisip ko. Paired with the favor I asked of you, if this goes right, we’d both be free.”

“Okay,” buo pa rin ang atensyon ni Mariya sa sinasabi ni Tomas. “What will you wish for?”

“Isang kwento,” sagot ni Tomas. Kumunot ang noo ni Mariya, pero hindi na ito nagtanong pa. Nakatuon na lang ang dalaga sa mga sinasabi ni Tomas.

“Okay. I trust you,” buong loob na pagtatapat ni Mariya. At kahit hindi timbangin ng dalaga ang mga salita, alam nito sa kanyang sarili na totoo ang mga salitang iyon.

“Isa pa, Mariya,” pahabol ni Tomas, habang unti-unti na nilang naririnig ang mga ungol sa ‘di kalayuan. “Ipikit mo ang mga mata mo. At kahit anong mangyari, kahit anong marinig mo, huwag na huwag kang didilat.”

Sabay ang pagpikit ng mga mata ni Mariya sa pag-angat ng tila manipis na telang lingid sa kanilang kaalaman ay nakabalot sa kabuuan ng lugar. Narinig nila ang matinis na tunog na tila may nagbasag ng salamin. Lumakas ang ihip ng hangin sa paligid. Pakiramdam ni Mari

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet