Butil ng oras

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

Alam ng dalaga ang kaibahan ng pagtitiwala sa pananampalataya. Bilang diwata, gamay na niya ang mga konseptong iyon. Ang pinagkaiba ng mga ito, ay naaayon sa kung saan naka-depende ang pag-asa.

Itinuro ni Bathalang Libulan na kapag nakagapos ang mga kamay mo sa iyong likuran, at nasa bingit ng gumuguhong tulay ang buhay mo, hindi ka aasang makakahawak ka sa lubid bago ka pa tuluyang malaglag. Aasa kang sa pagkakataong mahulog ka sa rumaragasang ilog, sa malalim na parte ka babagsak, para hindi tumama sa batuhan ang katawan mo at magkalasog-lasog. May pag-asa kang mabuhay, kung mapagkakatiwalaan ang ilog. Dito niya natutunan ang ibig sabihin ng salitang tiwala.

Kung nasa parehong sitwasyon ka, at sa halip na magtuloy-tuloy kang bumulusok pababa, ay milagrong naipit ang mga paa mo sa siwang ng mahunang tabla na bumubuo sa tulay, dahilan upang mahila ka ng isa sa naghiwalay na parte nito at tumama sa bundok kung saan ito nakakabit, ibig sabihin ay umasa ka na nasa tamang lugar ka, sa tamang pagkakataon, at nagbunga ng positibong resulta ang pag-asang iyon. Nasa tsansang posibilidad nakasalalay ang kaligtasan mo. Iyon ang pananampalataya.

Pero para saan pa at naging diwata siya, ang anak mismo ng Bathala ng Buwan, kung iiwan niya sa pagkakataon ang pag-asa niyang mabuhay?

Kung ang kaibahan ng tiwala at pananampalataya ay nakabatay sa kung saan nakalugar ang pag-asa, ang pinagka-pareho naman ng mga ito, ay kaya niyang kontrolin kung saan iyon ilalagay.

Parang nangyari na ito dati, naisip ni Mariya. Tumingin ang prinsesa sa hawak na nagliliwanag na puting puso. Sa unahan, ang napipintong paglapit sa kanya ng isang anino, na sa sobrang bilis ay hindi na makita ng dalaga ang mga mukha nito. Walang pag-aalinlangan, inilapit ni Mariya sa kanyang bibig ang hawak na puso, saka ito isinubo, at nilunok. Hindi na naramdaman ng prinsesa ang pagbagsak niya sa lupa, o nakita ang pagharang ni Tomas sa pagitan nila ng anino. Ang tanging pumasok sa isip ni Mariya ay ang napakabagal na pag-usad ng oras. Naglaho sa likod ng mga segundo ang lahat ng sensasyon, tila tinatakasan ng mga ito ang Anak ng Buwan.

 

Nang pumatak ang sumunod na segundo, kung nasaan sina Tomas at ng parang kidlat sa bilis na si Datu Sinukuan—na naging tila isang aparisyong gawa sa pinaghalong alikabok at hangin, walang pormang papalapit sa kanya, hindi na anyong mala-tao kundi isa nang babala ng kalunos-lunos na pag-atake na wala siyang kakayahang mapigilan o maiwasan man lang—ay tila nangalahati nang nangalahati ang butil ng oras na iyon, na humaba na nang walang hanggan, at pareho silang ikinulong ng nakatigil na mundo sa kawalang katapusan ng panahon. Tumigil ang lahat. Nanahimik ang kaguluhan, at huminto ang oras. Sa kanyang isipan, narinig ni Tomas ang nagbabantang boses ni Sinukuan. “Wala ka pa ring kaalam-alam kung ano ang ginagawa mo.”

“Kailangan mong pagbigyan ang hiling ko. Hindi ba, you grant wishes? I want you to grant mine,” tila walang narinig si Tomas.

“Kaya mong bayaran ang katumbas na halaga ng hiling na hinihingi mo?” padurang inusal ni Sinukuan ang tanong nito. Hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ni Tomas na parang sarili niya lang ang kinakausap niya; na boses sa isipan niya ang sumasagot sa kanyang mga tanong. Nanatili roon si Sinukuan na parang binibigyan ng katauhan ang mga takot at pangamba niya. “O sa tingin mo ay sapat ang oras na mayroon ka sa buhay na ito para tubusin ka at ang lahat ng mga kaluluwang nais mong iligtas?”

Ano? Hindi magawang sabihin ni Tomas ang mga gusto niyang sabihin. Paano nito nalaman ang plano niya.

“Nais mong hilingin na mapasa’yo ang puso ni Mariya. Ang balak mo ay paibigin siya sa pag-asang kusa niyang ibibigay sa’yo ang kanyang puso nang hindi niya kinakailangang mamatay. Nang hindi kinakailangang mabuhay ang Bakunawa,” patuloy ng Datu. Dala ng gulat at kalituhan ay ang pagkamanhid ng buong katawan ni Tomas. Umuugong ang tainga niya. Naririnig niya rito ang nagwawalang kalabog ng kanyang puso. Hindi niya maigalaw maging ang mga mata niya. Ni hindi niya magawang pumikit para ibsan ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang utak.

“Hindi mo pa rin talaga naiintindihan, Tomas. Hindi ka kailanman mamamatay. Paulit-ulit ka lamang na mabubuhay, at paulit-ulit mo lamang itong gagawing lahat simula sa umpisa. Pero si Mariya, kakaunti na lang ang nalalabi niyang oras. Bakit mo nga ba siya gustong iligtas? Dahil minahal mo siya noon? Ni hindi mo nga iyon sariling alaala.”

Paano? Paano? Nais iyong ipagsigawan ni Tomas, pero walang lumabas na boses sa bibig niya nang subukan niyang magsalita. Sa planong ito nakasalalay ang pag-asa nilang mabuhay, silang dalawa ni Mariya. Pero tila hangin ito na gustong ikulong ni Tomas sa mga palad niya. Mabilis lang itong nakakawala sa mga pagitan ng daliri niya. Bumibigat na namang muli ang dibdib niya, na parang may nakadagan ditong malaking bato, at gusto siya nitong hilahin pababa. Pero parang itinat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet