Huling banta ng Sinag

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi na nakaimik si Tomas. Napuno siya ng pagsisisi. Pero wala rin siyang magawa dahil binubulag na siya ng sumusidhing damdamin.

 

“Paborito ko talaga ‘tong mga sinusulat mo, ‘nak. Lalo na kapag love story,” saad ni Milagros, pagkatapos nitong basahin ang ipinasa ni Tomas para sa short story writing contest sa kanilang school.

Nakaupo ang biyudang si Milagros sa lumang kahoy na upuan sa kanilang veranda. Mahinang napapasunod ng hangin ang itim at hanggang ibaba ng balikat nitong buhok. Batid na ang mga linya sa kanyang mga pisngi at gilid ng mata, itinatala ang mga panahong ngumingiti ito at tumatawa. Ang mga pahigang guhit sa noo naman ang indikasyon ng mga oras na ginugol sa pag-iisip at pangangamba. Manipis ang hugis-puso nitong mga labi. Malalim ang itim at bilugan na mga mata. Nangungusap ang mga ito, na parang kung tumingin ay isang-libong kwento na ang naibabahagi.

Mahiyaing ngiti ang itinumbas ng labing-pitong taong gulang na binata sa kanyang ina. “Siyempre, Ma. Mana lang ako sa’yo.”

“Sinungaling,” pinabulaanan siya nito. “Kailan ba naman ako nagsulat? Ni hindi nga ako mahilig sa ganyan-ganyan.”

“Eh kanino pa ba ako magmamana?”

Hindi naman pwedeng sa tatay kong hindi ko nakilala, ‘di ba?

Walang kahit isang alaalang pinanghahawakan si Tomas tungkol sa sariling ama. Ang apelyido lang nito ang naiwan para sa kanya. Kahit ang lugar ng kapanganakan nito, o kahit man lang birthday, ay hindi niya alam. Wala rin siyang maramdamang koneksyon sa pangalan nito, kahit na pareho lang silang Tomas. Hindi na siya nilagyan ng Jr. sa huli ng apelyido niya, dahil kagustuhan daw mismo nito. Para lang talaga siyang ipinanganak para pumalit sa pwesto ng tatay niya sa mundo.

“Ikaw lang idol ko, Ma,” pagpapanatag niya sa loob nilang pareho.

Pagkatamis ng ngiti ni Milagros sa kanyang anak. Taos sa puso ang pasasalamat sa pagmamahal na ipinapakita nito sa kanya. Wala itong ibang hiling sa buhay kung hindi ang makasama si Tomas, ang kanyang pinaka-iingatan. Kahit ano ay gagawin ni Milagros, makita lang ang paglaki ng anak, at makasama ito sa mahabang panahon, hanggang sa dumating ang araw na kailangan na itong tubusin sa kanyang mga pagkakautang.

Taimtim na binigkas ni Milagros sa kanyang isip ang mga gustong sabihin kay Tomas. Inialay ang mga salitang hindi nito magawang mabanggit nang harapan sa kanyang anak. Pero kahit na. Sapat na sa kanya na mag-isang pinapangalagaan ang mga salitang ito pansamantagal. Mahal kita palagi, anak. Maging ilang ulit man. Abutin man tayo ng daan-daan pang taon.

Binigyan nito ng mahigpit na yakap si Tomas. Niyakap ito pabalik ng binata.

“Mas mabuti na ang mga love story, ano?” ani ni Milagros. “Kaysa sa galit...”

Humiwalay sila sa bisig ng isa’t isa. Wirdong tinignan ni Tomas ang kanyang ina. Pinaanod ni Milagros ang mga huling sinabi na parang tubig sa mababaw na sapa. Sinubaybayan nito ng tingin ang patuloy na paglayo ng mga salita sa kanyang kinatatayuan.

“Normal lang namang magalit, Ma,” dahilan ni Tomas. Hindi niya alam kung ano ang pinanggagalingan ng Mama niya.

“Normal ang normal na galit. Kapag sobrang galit, nakakalason,” sagot nito, na mistulang ditiyak na paalala.

“Siyempre naman. You get consumed by too much resentment. Kahit din naman too much happiness, hindi rin mabuti para sa’yo,” sinigurado niya.

“Oo nga,” pagsang-ayon ni Milagros. “Ang talino talaga ng anak ko.”

Tinignan nito nang mataman sa mata ang anak. “Mahal na mahal kita, Tomas.” Palagi. Paulit-ulit. Habang ako ang iyong ina, at ikaw ang aking anak, bulong ng puso nito.

“Salamat, Ma.”

 

Hindi pa rin humuhupa ang matagal na katahimikan sa pagitan nilang apat. Pahina na nang pahina ang pagluha ni Mariya. Pinunas nito ang mga basang mata at pisngi gamit ang napkins. Hindi nito makuhang salubungin ang mga tingin ng emosyonal na si Tomas. Iba naman si R-Ji at Mo, na nakatitig sa kanya at pinapanood ang pagtulala niya sa kawalan.

Si Mo ang unang nagsalita. “Tingin mo ba, ‘yan talaga ang dapat mong gawin?” tanong nito kay Mariya. Sa pagkakataong iyon ay tila sumeryoso nang kaunti ang dating Datu.

“Alam kong desisyon ‘yon ni Lakan Bulan,” at alam nilang pare-pareho na tinanggap na ng kapatid ni Mariya anu’t ano man ang kahantungan ng desisyon na iyon. “Pero buong buhay ko, lagi na lang niya akong pinoprotektahan. Dapat siya ang mamumuno sa Tribu Libulan. Dapat siya ang magiging hari...”

“Gusto mong mamuno?” putol ni Mo sa mga sinasabi ng prinsesa.

Nagsalubong ang mga kilay ni Mariya sa sinabi nito. “Saan mo naman nakuha ‘yan?”

Itinuro ng dating Datu ang tatu sa braso ni Mariya. Isang dragon na kinakain ang sarili nitong buntot, sa ilalim ng liwanag ng bilog na buwan. “Marka ‘yan ng mandirigmang Banaag. Ang angkan ni Bathalang Libulan ang unang humarap sa halimaw na ‘yan.”

Hindi na naikaila ni Mariya ang katotohanan. Wala sa isip na napahawak siya sa kanang braso, kung nasaan ang tatu ng Ouroboros. “Hindi sa gusto kong mamuno... Siguro naiinggit lang ako sa kapatid ko.”

“Pwede ka namang mamuno, ‘di ba?” tanong ni R-Ji. Hindi naman na lingid sa lahat na pwedeng maging Hara ang isang babaeng diwata. Alam nito iyon, dahil nanggaling si R-Ji sa angkan ni Bathalumang Maguayan. “So, anong problema don?”

“Hindi ako pwede,” matipid na sagot ni Mariya.

“Bakit?” “Bakit hindi ka pwede?” halos magkasabay na tanong ni R-Ji at Mo.

“Ipinagkasundo na kami ni Rajah Taneo,” nalulumbay na tugon ng prinsesa.

“Oh? Anong problema don? Eh pwede ka pa rin namang maging pinuno ng Tribu Libulan? Karapatan mo ‘yon bilang susunod na tagapag-mana,” katwiran ni Mo.

Bumagsak ang mga balikat ni Mariya sa bigat ng mga iniisip. Bumuntong-hininga ito bago sumagot. “Dahil hindi na ako magiging kabilang sa Tribu Libulan. Kapag nag-isang-dibdib kami, magiging kabilang na ako sa Tribu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet