Paglipad at paglutang

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

Tanghali na nang matagpuan ni Tomas ang sarili na nakatunganga sa pader ng kwarto niya, na ginawang makeshift movie screen gamit ang kanyang projector. Nakabulatlat sa kandungan niya ang isang notebook. Nakahayag sa kanya ang pahina nitong walang sulat. Kagat-kagat niya ang dulo ng hawak na ballpen. Nanonood siya ng episode one ng The Twilight Zone. Naisip niya kasi na gusto niyang mag-catch up sa classic series na ito. 

Pakiramdam ni Tomas ay panaginip na isina-pelikula ang tinutunghayan niya. Naalala niya tuloy ang sariling panaginip noong isang araw. Ang mga sigaw. Ang mga ritmikong pukpukan. Ang babae sa buwan.

At lalo na ang boses na tumawag sa kanyang anak. Isang boses ng lalaking hindi niya matandaan kung saan niya unang narinig.

Kumatok si Jao sa nakasaradong pinto ng kwarto ni Tomas.

“Kuya, gising ka?”

“Oo, Jao. Bakit?”

Tuloy na pinagbuksan ni Jao ang sarili. “Aalis lang ako, ‘ya. Pinapapunta na agad ako ni Alas sa shop eh.”

“Ah, ganun ba? Sige, ingat.”

“Sige, ‘ya,” kumaway kay Tomas ang kanyang pinsan. Dito na niya napansin ang bihis nito. Isang itim na long sleeves na nakapailalim sa puting croptop, gloves sa kamay, wide-legged pants at kung anu-anong chain accessories. Nakasuot na parang headband sa ulo nito ang sunglasses. May malaking hikaw din si Jao tainga. Kinumpleto ng platform shoes nito ang buong ensemble.

“Ingat,” sabi ni Tomas.

“Pakibantayan muna si Teo, ha? Behave naman ‘yun. Don’t worry.”

“Sure.”

With that, tumuloy na ang pinsan niya. Sinundan ng mahinang pagsara ng mga pinto ang pag-alis nito. Mag-isa na lang sa condo si Tomas. Siya, at siyempre, si Teo.

May naririnig na pagkaskas si Tomas. Sa pinto niya, kinakalmot ng kuting ang kahoy nito. Gusto yata ng pusa na pumasok sa kanyang kwarto.

Tumayo siya at pinagbuksan si Teo. “Meow,” bati nito, diretso lang ang mata kay Tomas.

“Tara, pasok,” anyaya niya, na sinunod naman ng pusa. “Mabait ka naman pala, Teo, eh. Pinakaba mo pa ‘ko. ‘Kala ko tuloy masungit ka.”

“Meow.”

“’Nood lang ako ng movie. Sama ka?”

“Meow.”

Inalalayan ni Tomas paakyat ng kanyang kama ang kuting. Nakahiga lang siya, unti-unti nang nakakalimutan na dapat ay may sinusulat siya, nang mapansin niyang hinahagud-hagod ni Teo ang nakabukas na notebook. Gusto yatang paglaruan. Bumalik ang atensyon niya sa mga blankong pahina.

“May sinusulat kasi ako,” napakwento na siya sa alaga ng pinsan. “Naisip ko, dapat bago ‘yung piece ko, if ever na sumali nga ako sa open mic. Kaso wala naman akong maisip.”

Bakas ang dismaya sa tono ni Tomas. Nginiyawan siya ng pusa, malumanay at tila nakikisimpatiya. Ngumiti siya sa cute na kasama.

“Alam mo, ang weird ng nangyayari sa’kin lately. May nagpakita sa’kin na lalaking ilaw—‘yun bang lalaki na naging ilaw. Weird talaga.”

Inalala niya ang mukha ng naturang lalaki. Kalaunan, muling bumalik ang isip niya sa nakatenggang papel. Naisip niyang iguhit ang imahe ng lalaki sa kanyang imahinasyon. O imahinasyon nga ba?

Sinimulan niya ang paglarawan sa hugis ng mukha nito. Sinundan ang porma ng katawan, ang suot nitong bahag. Pagkatapos ay iginuhit niya naman ang mahaba nitong buhok. Inilagay niya sa mukha ng lalaki ang determinado nitong mga mata na mataman kung makatingin. Ang ilong nito na katamtaman ang tangos. Ang mga labi nitong magkatiim, pinapasimangot ang buong ekspresyon. At siyempre, hinding-hindi niya makakalimutan ang hawak nitong kampilan.

Nang mabuo ang larawan ay halos mabitawan ni Tomas ang notebook at ballpen. Sa pagkagulat ay nawalan ng lakas ang mga kamay niya. Muling nagbalik sa kanya ang lahat ng naganap sa ilog na iyon, noong umaga ng isang araw.

Pakiramdam niya ay mabubuhay na lang bigla at lulundag sa kanya ang larawan ng lalaki anumang oras.

“Meow,” inusisa ni Teo ang iginuhit ni Tomas. Napanatag ang kalooban niya nang marinig ang munting tinig ng kuting.

“Tama ka. Drawing lang ‘yan. Imposibleng mabuhay,” hinaplos-haplos ni Tomas ang balahibo ng pusa.

“Ay, oo nga pala!”

Masyado nang nawiwili si Tomas sa nakakakalmang presensya ng kasama niya. Muntik na niyang makalimutan ang pinapanood niya. Pero imbes na maalalang manood, mas naalala niyang may isa pa pala siyang nakakaligtaan. Hindi niya pa pala natitignan ulit iyong social media post tungkol sa open mic night sa page ng cafe na tinutukoy ni Jao kanina.

Agad niyang hinagilap ang cellphone. Natagpuan niya itong nakapatong sa bedside drawer habang nagcha-charge. Tinanggal niya ito sa pagkakasaksak at binuksan. Nag-scroll siya hanggang makarating sa page ng Ibayong Banua, ang paborito niyang cafe.

SPOKEN WORD NIGHT - OPEN TO GUESTS. SUNDAY. 6PM TO 8PM, ayon sa nakasaad na caption.

“Bukas na pala ‘to, Teys,” lambing niya sa pusa. Sa sobrang feeling close niya ay ginawan na niya ng nickname ang nickname nito.

Bilugang mata na nakatingin sa kanya ang tangi niyang kausap. Walang response mula kay Teo.

“’Di bale. May maiisip pa ako niyan bukas, bago mag-ala-sais. ‘Di ba, ‘no?” pilit ni Tomas sa kausap para palakasin ang kanyang loob.

“Meow,” lang ang sinabi ni Teo, bago nito kinamot-kamot ang remote ng projector ni Tomas, parang sinasabi sa kanya na i-play na ulit ang movie para makapanood na ito.

 

Binalikan ulit ni Tomas ang post sa page ng Ibayong Banua cafe. Habang nakaupo sa loob ng coffee shop at naghihintay sa in-order niyang matcha latte, thoughtlessly siyang nag-sscroll-scroll sa naturang social media site. Maaga siyang lumabas kaya may oras pa siya para tumambay muna. Para na rin makaisip siya ng isusulat.

Habang patuloy sa pag-scroll sa feed ay asidente niyang napindot ang page ni Jao. Nakita niya ang latest post ng pinsan: ang tattoo work nito sa braso ng isang babae. Nakasulat sa caption nito ang pangalang Mariya.

Upper-arm piece on Ms. Mariya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet