Isang bagyo ang paparating

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

Alas dos na ng madaling araw. Tahimik na sa paligid. Walang katao-tao sa kinaroroonan nila. Natatakpan ng mga ulap ang buwan sa gabing iyon. Tanging ang liwanag mula sa streetlights ang nagsisilbi nilang tanglaw. Patay pa rin ang lahat ng ilaw sa Ibayong Banua cafe. Nakatambay sa labas ng building sina Mo at Jao, na parehong nakaupo sa gilid ng sidewalk. Katabi ni Mo ang isang baso na puno ng tubig, na ngayon ay nagpapawis na, dala ng bumababang temperatura ng nilalaman nito.

“Oh, my God,” napabulalas si Jao nang wala sa isip. “Ngayon ko lang na-realize, si Mariya pala ‘yung girl na kasama mo.”

“Bakit, magkakilala kayo?”

“Not really. Naging client ko siya once. Ako ‘yung nag-tattoo sa kanya nung Ouroboros sa side ng arms niya.”

Tumango si Mo habang nakatingin kay Jao, bilang pag-apruba. Sa obra nitong tattoo, o sa pagka-alala ni Jao sa pagtatagpo nila ni Mariya, hindi na nito nilinaw. “Eh si Tomas, kakilala mo rin?”

“Pinsan niya ako. Sa mother’s side,” nakangiting paliwanag ni Jao. Muling tumango ang kanyang kausap.

Umihip ang hangin, kasabay ng biglaan nilang katahimikan. Nakatingin nang diretso si Mo kay Jao, hindi itinatago ang pang-uusisa nito sa kasama. Sa harapan naman nila nakatutok si Jao, sa walang taong kalsada, tila pinipilit maging interesado sa mangilan-ngilang basurang nagkalat, o ‘di kaya ay sa mga gamu-gamong nagkukumpulan sa mga bumbilya ng nakasinding mga streetlights. Basta, hindi makatingin si Jao kay Mo. Para kasing may mga sikretong nilalaman ang mga mata niyon, na iniiwasang malaman ni Jao.

“Alam mo, buti ka pa. Hindi ka pala-tanong, tsaka hindi reklamador. ‘Di kagaya nung pinsan mong si Tomas, masyadong cautious,” sabi ni Mo. “Gusto ko ‘yang ganyan. Palaban.”

Paano ba sasabihin ni Jao dito, na hindi sa hindi ito nag-iingat, at hindi dahil sa kanyang pagiging palaban kung bakit hindi siya nagtatanong. Hindi lang talaga alam ni Jao kung saan magsisimula.

“Nagi-guilty ako, actually. Kasi hindi ako agad naniwala kay Kuya nung una niyang sinabi ‘tong lahat sa’kin. Akala ko nag-iimbento lang siya eh,” amin ni Jao.

Natawa si Mo. “Oh, eh ngayon. Naniniwala ka na?”

Bumukas ang mga mata ni Jao, na akala mo ay sasang-ayon, pero bigla itong binawi sa kanyang pag-iling. “Hindi. Pero nagi-guilty lang ako na hindi ko pinaniwalaan si Kuya.”

Nauwi na sa halakhak ang tawa ni Mo. May paghampas-hampas pa ito sa sariling hita, at pagtakip ng nakasaradong kamao sa nakangangang bibig. “Nakakatawa ‘yon ah,” mahika-hikang saad nito.

“Ano na palang mangyayari kina Kuya?” hinayaan ni Jao na humupa ang mga ngiti ni Mo, at pinanatili nang ilan pang mga segundo ang tanong sa isip nila, bago ito nagpatuloy. “Magiging okay na ba sila?”

“Sana,” seryosong saad ni Mo.

“Gaano katagal sila dyan?” itinuro ni Jao ang baso sa tabihan ng kasama.

Pagkainom nila Tomas at Mariya sa likido, parang hindi nabawasan ang tubig, at puno pa rin ito, kahit na nawala na silang bigla. Iyon pala ay sila ang pumalit na laman ng malaking baso. Puno ito nang hanggang kalahating pulgada mula sa mismong bibig ng inuminan.

“Hanggang sa matapos sila, o hanggang sa maubos ‘yung tubig,” tinapunan ni Mo ng tingin ang baso sa kanyang tabi. “Mas maigi kung natapos sila. Kasi kapag naubos ‘tong tubig, mahihirapan na sila makahanap ng daan pabalik. Kaya kailangan nating ingatan na ‘wag matapon ‘to.”

“Ganun? Eh ‘di bakit hindi na lang isang balde ng tubig ang ginamit mo, para mas maraming tubig? Para hindi agad maubos?”

“Maiinom ba naman nila ang isang baldeng tubig?” pilosopong tugon ni Mo. “Tsaka isa pa, kahit naman marami silang oras na pwedeng gamitin, hindi naman pwedeng tumagal sila nang sobra dun. Kailangan din nilang bumalik agad, kasi dadating pa si Taneo, tsaka ‘yung hukbo niya.”

“Teka, ano? Sino naman si Taneo? Tsaka anong hukbo? What’s hukbo, even?”

“Hukbo—army. Magpapadala ng army dito si Taneo para mag-deklara ng giyera dito sa mundo niyo,” kaswal na sagot ni Mo.

“What?? But that’s preposterous. Bakit naman siya mag-dedeklara ng war dito? What for?” namimilog na ang mga mata ni Jao sa kalituhan.

“Sana tinanong mo na si Tomas tungkol dyan noon pa,” naiiling na tugon ni Mo. “Pero alam mo, naiintindihan ko rin na baka siya na mismo ang may away magsabi sa’yo. Bukod naman sa mahirap paniwalaan, eh mahirap na ring manghatak pa ng kung sino para humarap sa problemang ‘to. Baka ayaw ka lang niyang madamay. Sarili niya nga mismo, pilit na inaalis sa gulong ‘to. Ikaw pa?”

“This is gulo? For real?” bumigat ang balikat ni Jao, at lumungkot ang kanyang mukha. Bakas sa kanyang magkasalubong na blond na kilay ang pagkabalisa.

Nagkibit-balikat lang si Mo. “Gusto mong malaman kung ano talaga ang tingin ko?”

Sa unang pagkakataon ay tumingin nang diretso si Jao sa kanyang kasama. Sabi na nga ba eh, may mga masasabi talaga iyon sa kanya na hindi dapat gustong malaman ni Jao. “Ano?” tanong nito kay Mo, para pahintulutan ang sarili na pumasok sa malayong mundong ginagalawan ng lalaki sa kanyang tabi.

“Tingin ko, sinadya itong lahat ni Tomas na mangyari,” makahulugan ang marahang salita ni Mo.

“Ha?” napaismid si Jao, muntik nang malaglag sa kanyang kinauupuan, kung posible lang iyon na mangyari. “What does that even mean? Pa’no naman sasadyain ni Kuya Tomas lahat ng ‘to?”

“Ewan ko,” bumalik na muli ang kapilyuhan sa tono ng kanyang kausap, na panandalian lang nawala. “Tingin ko lang nama

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet