Isang pabor para sa pusong nakalimot

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

Inihatid sila ng balangay sa dalampasigan. Pagkatapak na pagkatapak nila sa buhanginan, ay nalusaw ang paligid na mistulang larawan na idinarang sa apoy. Naghalo ang mga kulay at linya hanggang sa mawalan ng porma ang lahat, bago tuluyang nawala. Paglipas ng isang segundo ay muling nagbalik ang mga imahe, at sa pagkakataong iyon ay nasa siyudad na sila.

Napapaligiran sila ng mga gusali at kalsada, konkretong kalye, mga kable ng kuryente, at kaliwa’t kanang mga nagkikislapang neon na ilaw na iba’t iba ang kulay at disenyo. Pinapaspasan sila ng mga taong nagmamadali, pero hindi sila nakikita ng mga ito. Gabi na. At bagama’t abala ang buong paligid, wala silang naririnig na anumang ingay at tunog, maliban sa isa’t isa.

Parang nakalutang ang wala sa lugar na hitsura ni Bakunawa, na nakasuot ng makalumang salakot, kamiseta, pantalon, at tsinelas. Nakatayo ito sa tapat ng isang cafe kasama nila Tomas at Mariya.

Alam ni Tomas na hindi niya pwedeng kausapin si Bakunawa nang silang dalawa lang. Wala sa itinuro ni Mo na basta-basta na lang niyang maihihiwalay ang sarili niyang kamalayan sa kamalayan ni Mariya. Kung anuman ang sasabihin niya sa ito, ay maririnig din ng dalaga. Sabay silang nagpunta sa lugar na ito, sa kaibuturan ng mga alaala nila, kaya sabay din nilang kakaharapin kung ano ang malalaman nila dito.

“Alam na ni Rajah Taneo,” anunsyo ni Tomas na kinakausap si Bakunawa. Tahimik lang si Mariya na nakikinig sa kanilang tabi.

“Magmula sa mga Bathalang Libulan at Apolaki. Sinabi nilang dalawa ang lahat ng ito kay Rajah Taneo. Alam nila, maliban sa magkapatid,” sagot ni Bakunawa.

“’Yun ba ‘yung kasunduan nila Ama at Rajah Taneo? Ibig sabihin, ang totoong dahilan kung bakit sila magpapadala ng mga Aldaw sa Kalupaan...ay para pigilang makalaya ang Bakunawa?” mabilis na napagtanto ni Mariya ang katotohanan sa likod ng kanilang sitwasyon. Sa wakas, kahit papaano, ay unti-unti nang lumilinaw sa kanya ang lahat. “Paano mo nalaman?” patuloy na usisa ng dalaga.

“Totoong minahal kita, Mariya,” wala sa lugar na sagot ni Bakunawa. Natigilan ang binibini, pero hindi nito inalis ang tingin sa lalaki. Nagpatuloy ito. “At naunawaan ko na, gaya ng dati, ay may posibilidad na hindi na naman sumang-ayon ang mga bathala. Lalo pa noong panahon na iyon, na isa na akong halimaw. At ikaw, isang prinsesa.”

Walang isip-isip na isiningit ni Tomas ang kanyang pagkukwento, sa kabila ng paglalahad ni Bakunawa sa damdamin nito. “Pagkatapos kainin ng naging dragon na si Datu Sinukuan si Dayang Mayari, nag-umpisa na siyang kumain ng mga kalag. Hanggang sa palagi na niyang pinagbabantaan ang kaharian ni Bathalang Libulan. Hanggang sa, eventually, tuluyan na siyang nakilala bilang ang Bakunawa. Tapos, kasunod na noon ang pagtupad niya ng mga hiling, na talagang nakakagulo sa kaayusan ng Kalangitan.”

Pinutol naman ni Bakunawa ang pagpapaliwanag niya nang sabihin nitong, “Iyan ay ayon lang naman sa mga bathala. Nakakatulong ang pagtupad ng hiling ng Bakunawa sa mga humihiling nito.”

“Hindi naman niya ‘yun tinutupad nang walang kapalit,” giit ni Tomas. Muli siyang bumaling kay Mariya at ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi. “Kinulong nila ang Bakunawa sa ilalim ng karagatan. Matagal din bago siya nakahanap ng paraan para makatakas.”

“Paano?” naka-abang na tanong ni Mariya. Puno ng antisipasyon ang mga mata ng dalaga na nakatuon kay Tomas.

“Huling hiling na tinupad ng Bakunawa ang hiling ni Mama,” mabagal na saad niya.

“Itinanim ng Bakunawa ang kanyang puso sa batang isinilang ni Inay. Sa akin,” dagdag na paliwanag ni Bakuna. “Ginamit niya ang huling pagkakataon na iyon upang magkaroon ng katauhan sa Kalupaan. Isa na lang ang kailangang mangyari pagkatapos noon.”

Tumango si Tomas, bagama’t mabigat ang mga balikat habang nagpapatuloy sa pagkukwento. “’Yung gabing nakita natin si R-Ji sa dagat na nakasakay sa gintong bangka...‘yung itim na usok na bumalot sa kanya, at ginamit ang Linlang para makatawid sa mundo ng mga tao...”

Nanlaki ang mga mata ni Mariya sa napagtanto. Ang Bakunawa ang may gawa ng usok na iyon.

“Simula pa lang, doomed to fail na ang love story na ‘to,” naiiling na saad ni Tomas.

“Ngunit kaya nga ako nandito,” pagkontra ni Bakunawa. “Para bigyan ang pag-ibig na ito ng isa pang pagkakataon.”

Naguguluhang tumingin si Mariya kay Bakunawa, tapos ay inilipat iyon kay Tomas.

“Ewan,” nagkibit-balikat si Tomas. “Pero kapag wala pa ring nagbago, mauulit lang itong lahat. Kaya nga tinanong kita, ‘di ba? Kung mahal mo pa ba siya.”

“Ang tunay na tanong ay kaya mo bang mahalin si Tomas?” pagtatama ni Bakunawa.

“Teka, bakit mo naman nasabi na mauulit lang ‘to?” iniwasan ni Mariya ang naunang tanong sa kanya ni Bakunawa, sa pamamagitan ng pagtatanong din kay Tomas. Itinuon ng dalaga ang buong atensyon nito sa binata, nakataas pa ang isang kilay.

“Mariya, makinig ka,” bumuntong-hininga si Tomas, bago nagpatuloy. “Kung papalayain natin ang bathalang dragon, makakayanan nitong tapatan ang hukbo ni Rajah Taneo. Pero sigurado ako, na kapag nangyari ‘to, ay mawawala na nang tuluyan ang anyong tao niya—mawawala ako. Mawawala rin pati itong si Bakunawa.”

“Kung hindi niyo naman siya palalayain ngayon, magkikita at magkikita pa rin kayo sa mga susunod ninyong buhay,” puno ng kabalintunaan na sabi ni Bakunawa.

“What if patayin ka na lang namin, ha?” pagbabanta ni Mariya dito.

“Ngunit mamamatay rin si Tomas,” hamon ni Bakunawa sa dalaga. “Ano, nais mo bang mamatay si Tomas?”

Sinamaan ng tingin ni Tomas ang lalaki. Walang habas nitong iniharap sa kanyang muli ang sarili niyang kamortalan. Dala ng inis, tahimik siyang napailing sa sarili. Pag-isipan man niya nang paulit-ulit ay wala talagang tama sa kahit ano mang magiging desisyon nila. “Hindi naman natin pwedeng pilitin si Mariya,” katuwiran niya. “Aabutin tayo ng umaga dito eh.”

Oo nga pala. ‘Yun pa. Malapit nang mangyari ang isa sa dalawang bagay na kinatatakutan nila: ang magsara ang lagusan ng Ibayong Banua, o ang maunang makarating ang mga Aldaw sa Kalupaan.

“Ano bang kailangan kong gawin?” kinakabahang tanong ni Mariya.

Lumapit si Bakunawa sa prinsesa at sinubukang hawakan ang kamay nito. Nalukot ang mukha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet