Isang silip sa nakalipas

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

Lumilipad ang isip ni Tomas habang naglalakad pabalik sa kanilang condo unit. Pilit niyang itinutuon ang atensyon sa mga pasulong na hakbang, kahit parang napupunit ang paningin niya. Hindi mabatid ni Tomas kung ano ang iniinda niya ngayon.

Tumatakbo pa rin sa isip niya ang mga isiniwalat ni Mariya. Ang pagbunyag nito sa mga katotohanan tungkol sa nawawalang kaluluwa ng Mama niya. Hindi pa rin kapani-paniwala. May kulang pa rin. At saka, seryoso ba ‘yun? Ang diyahe lang isipin na kailangan pa talaga ng divine intervention ng Mama niya para lang siya magka-love life. Sobrang mundane na sobrang absurd kung dito pa hahantong ang lahat. 

Papasara sa harapan niya ang pinto ng elevator, mag-isa lang siya sa loob nito, nang biglang bumukas-sindi ang ilaw sa ulunan niya. Sa loob ng isang maikling segundo, bago manumbalik ang liwanag, ay may itim na aninong mabilis na lumitaw. Animo ay isa itong makapal na usok na nagbabadyang lumamon sa espasyong namamagitan dito at kay Tomas. Sumara ang pinto ng elevator sa tamang pagkakataon, kasabay ng muling pagsindi ng ilaw. Ngunit napansin niya na parang may mga usok—na mistulang maliliit na galamay o mahahabang daliri—na sinubukan pa ring kumapit sa mga siwang ng pinto. Bigla itong nawala nang maramdaman niya ang paggalaw ng elevator.

Hindi na maalala ni Tomas kung napindot niya ba ang floor sa kanilang unit. Pero patuloy sa pag-angat ang elevator. Ramdam sa buong katawan niya ang pagyanig nito. Nahihilo na naman siya, pero inisip na lang niya na dahil ito sa paghila sa kanya ng gravity. Lumuluwag ang koneksyon ni Tomas sa kanyang pagkatao. Lumiliit ang espasyo sa elevator. Nakatingin na lang siya sa sariling repleksyon na nanonood sa kanya mula sa baliktad na imahe sa metal na kahon. Sumisikip na sa loob nito.

“Nananaginip na naman ba ‘ko?” tanong ni Tomas sa kawalan. Kung nananaginip man siya ay hindi pa rin siya nawawalan ng malay. 

Habang sinisiksik siya sa sinasakyang elevator ay nanumbalik sa kanya ang mga sigaw; ang mga ingay; ang mga pananaboy... Sa pag-ikot ng kanyang mundo ay unti-unti siyang napupuno ng matinding galit. Hinahaluan ng lason ng poot ang sumasabay ditong hindi-maipaliwanag na hapis.

Bumibigat ang bitbit niyang puso sa gitna ng kanyang dibdib. Para itong nagiging umaapaw na timba ng tubig na naka-balanse sa sentro ng grabitasyon ng kanyang katawan. Nagbabanta itong matumba anumang oras.

Tumunog ang bell ng elevator pero hindi bumukas ang pintuan. Nangangamba si Tomas na baka makulong siya rito, kaya halos madunggol siya sa pinto nang palundag itong dinambahan. Desperado niyang kinapkap ang linya sa pagitan para sapilitan itong buksan.

Nagbigay-daan ang pinto ng elevator. Pero ang sumalubong sa kanya sa kabilang dulo ng bukana ay hindi ang floor ng kanilang condo unit, kundi isang mundong hindi nabibilang sa mundong kinagisnan ni Tomas.

“Anak ng—”

Pinilit ni Tomas na panghawakan ang sariling boses, ang tanging bagay na kabisado niya pa.

Iniluwa siya ng pintuan kung saan siya nanggaling. Kinuha niya ang unang hakbang papunta sa lugar na nasa harapan niya. Isang mahabang dalampasigan sa gitna ng mainit na umaga ang kanyang sinalubong.

Lumakad sa buhanginan siya habang nililibot ng tingin ang lugar. Maaliwalas ang langit sa ibabaw at kalmado ang mga alon sa dagat. Napupuno ang kanyang diwa ng mahihinang hampas ng mga ito sa baybayin.

Sa ‘di kalayuan ay may namataan siyang lalaki. Nakasuot ito ng baro na gawa sa itim na sutlang seda, bukas sa dibdib at may mga manggas na kalahati ng lagpas sa siko. Ang pang-ibaba ay yari sa parehong itim na materyal, nakabalot ito hanggang sa hita. Nililinyahan ng kulay-gintong disenyo ang kabuuan ng mga kasuotan. Nakababa ang maikling buhok ng lalaki na sumusunod sa mahinang ihip ng hangin. Yari sa parehong tela ng kanyang suot ang bandana sa noo nitong maingat ang naka-istilong pagkakapalupot. Kumpleto ng mga alahas na pilak ang lalaki mula leeg, kamay, baywang, at bukong-bukong. Pilak din ang suot nitong sapatos. Sa tabi nito ay isang malaking bangka na animo ay gawa sa ginto dahil sa kung paano ito kumislap kapag tinatamaan ng sikat ng araw. Mistulang gawa sa manipis na manipis na puting tela—na aakalain mong makapal na usok—ang layag ng sasakyan. Nakatingin ang lalaki sa direksyon ng laot.

Nang lapitan ito ni Tomas, dito na niya napagtanto na ito pala si R-Ji, ang baristang bigla na lang nawawala at kung saan-saan sumusulpot; ang baristang nagpakilala bilang Datu ng Tawid-dagat.

“Tomas?” laking-gulat nito nang makilala siya.

“R-Ji...” 

“Paano ka napunta dito?”

Sinakop ng mga mata ni Tomas ang buong lugar, hanggang sa abot ng makikita niya. Kanyang inalala ang mga batuhan sa aplaya; pinakiramdaman ang malinis na puting buhangin sa talampakan nila; pinagmasdan niya ang malinaw at malawak na alapaap sa itaas; nilanghap ang amoy ng alat sa hangin; dinama ang init ng araw sa kanyang balat; dininig ang huni ng humahampas na alon sa tabing-dagat...

“...Ito ba ang Kalangitan?”

Tumango ang kausap niya. Nang malaman ito ay naging tanong na rin ni Tomas ang itinanong sa kanya ni R-Ji. “Paano ako napunta dito?”

Bumilog ang mga mata ni R-Ji sa pagkabigla. Kung tignan nito si Tomas ay parang may iba itong nakikita bukod sa kanya.

“R-Ji?”

“Tomas, anong nangyari sa’yo?...”

Anong, “anong nangyari?” Hindi pa rin nga humuhupa ang sakit ng ulo ni Tomas at ang paglalahok-lahok ng iba’t ibang klase ng pakiramdam sa katawan niya, ay may panibago na naman siyang iisipin. Nararamdaman niya pa rin na parang patuloy na gumagalaw ang lupang kinatatayuan niya. Tila nag-uumpukan ang mga piraso ng buhangin, pero alam niyang sa loob lang iyon ng kanyang isip, at hindi talaga nangyayari sa pisikal na mundo. Pero nang ibaba ni Tomas ang tingin, hindi dumiretso ang mga mata niya sa kanyang talampakan at sa puting buhanginan, kung hindi sa kaliwang kamay niyang nangangapal at nangingitim ang balat. Nakausli ang matatalas at mahahabang kuko sa kanyang daliri. Tila naging kamay ng isang dragon ang kaliwang kamay niya.

Tumakas ang malakas na sigaw sa nakangangang bibig ni Tomas. Napaurong siya na akala mo ay makakatakas mula sa sariling kamay na nakakabit sa kanyang katawan. Tumingin siya kay R-Ji para walang-salitang humingi ng tulong.

“Tomas, ang mukha mo...”

Kinapa niya ang sariling mukha pagkabanggit sa kanya ni R-Ji dito. Walang bago sa pisngi. Wala rin sa baba. Sa buhok, pareho pa rin. Pero nang kapain niya, gamit ang normal na kanang kamay, an

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet