Umagang nasa langit pa ang araw

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

Mabagal ang buhay sa probinsya. Mahinang humahaplos ang malamig na hangin sa pisngi kapag ganito pa kaaga. Maingat pa sa balat ang tapik ng araw. Maya-mayang tanghali, sa katirikan niyan, maglalapot ka talaga na parang natutunaw na kandila. Maaga nang nag-umpisa ang trabaho sa bukid.

Pero hindi magsasaka si Tomas.

Ang umpisa ng umaga niya ay umagang nagmamasid mula sa veranda. Nakaupo siya sa pasimano. Hawak niya ang tasa ng kape. Nakatitig lang siya sa malawak nilang bakuran. Mugto ang mata niya. Walang-malay na napalamukos ng kumukunot na noo ang bente-singko anyos na binata. Nang maalalang binata pa rin siya ay lalong kumunot ang noo niyang lalo niyang nilamukos. Malalim ang kinuha niyang hininga. Payag ka nun? Wala na ngang masulat, wala pang jowa, isip niya.

“Kapos na naman sa tula ang makatang may asimetrikong pitik ang tambol sa dibdib, pati rin yata sa utak, may pitik din.” Pinaglaruan niya ang mga letra sa isip. Iniba-iba ang porma. Binuo, pinatay, inilibing, tapos ay binuhay ulit. ‘Yan ang trip.

“Napaka-baduy,” naiiling na saad ni Tomas sa kawalan.

Wala siyang maisip na magandang opening sa kwentong gusto niyang simulan, pero ni ayaw lumabas sa blankong Word document ng mga istorya. Kahit sa papel, hindi epektibo—kulang sa potency, ayon sa kanya, ‘yung mga letrang nag-aappear sa harap niya.

Ilang umaga na siyang ganito. Ilang gabi. Ilang madaling araw. Sa loob nitong nagdaang linggo. Ang huli niyang koleksyong nabuo, wala pa ring publisher na gustong kumana. ‘Yung koleksyong mas nauna pa doon, maganda ang naging run, lalo na nung nakaka-gig pa siya sa mga Open Mic nights at Spoken Word performances. Pero four years ago na ‘yun. At ngayon, gusto niya nang sumulat ng isang kompletong nobela. Isang ganap na libro.

“Saan ba ako huhugot ng plot?!” ungot ni Tomas.

Inum-om niya ang kape nang isang tunggaan. Nasamid, pero dahil sa pagkabugnot ay ininda niya na lang. Ibabalik na dapat niya sa kusina ang tasa pero may pumukaw sa kanyang atensyon. Sa langit, sa liwanag ng umaga, sa likod ng isang malaki at malusog na puting ulap, may kumislap. Mabilis lang, parang side mirror ng jeep na natamaan ng sinag ng araw. Pero malamang hindi side mirror ‘yun dahil una, wala siya sa highway at pangalawa, hindi naman bumabiyahe pa-himpapawid ang jeep. (#NoToJeepneyPhaseout! -author)

Sinipat niya ang layo. May kutob siyang kapag sinundan niya ang pinagmumulan ng ilaw, makakarating siya sa may bandang ilog. Malapit lang sa dati nilang tinatambayan noon ng mga pinsan niya nung bata pa sila. Sumilip siya sa loob ng bahay at tinanaw ang kusinang walang tao. Mag-isa na siya ngayon. Nilamon siya bigla ng kalakihan ng isang medium family-sized na bahay ngayong mag-isa na lang siya. Masyadong ganap ang mga puwang at espasyo. Na-miss niya bigla ang yumao niyang nanay. Isang linggo na rin pala ang nagdaan...

Pero bago pa man siya tuluyang lamunin ng lungkot, napukaw muli ng kakatwang liwanag ang atensyon niya. Kumislap na naman ito. At sa mangha niya, napansin niyang parang lumalaki ang kislap. Parang lumalapit.

“Sa ilog nga ‘yun.”

Wala nang pag-aatubili. Tinatawag talaga si Tomas ng sinag. Hindi na niya nga naihatid pa sa lababo ang tasa ng kape. Dali-dali siyang nagtungo at isinara ang gate. Tinahak ang mga bahayan hanggang sa makarating sa mga bukid. Lampas nito, ang highway na patungong bayan. Pero sa kaliwa ng daanan ang pakay niya, direktang palayo sa bayan, kundi papunta sa ilog.

7:23 AM ang nakasaad sa relo sa kaliwang pulsuhan ng kamay ni Tomas, na nakasalag sa sikat ng araw na tumatama sa mata niya. Sinipat niya ang asul na langit. Namataan niya ang malusog na ulap. Sapul sa retina si Tomas nang masaktuhan ang muling pagkindat ng dilaw na liwanag.

“Aray! Shet,” kinusot ni Tomas ang kanyang mata. “Curious lang naman ako, eh. May balak pang mambulag ‘to.”

Sa isip niya, baka—teka, ano nga bang inaakala niyang pinagmumulan ng ganitong klase ng liwanag? Naisip niyang baka something flying—like drones, o ‘di kaya ay jet na may reflector. Baka kidlat... Pero habang hinahalungkat niya ang utak sa kung ano ang posibleng pagmulan ng liwanag, bigla na lang nahati ang malusog at maputing ulap sa gitna.

Gumagalaw ito kahit na walang hanging nagpapagalaw dito. Sobrang tahimik ng paligid. Sa sobrang tahimik ay para na ngang huminto ang oras. Tumigil ang mundo.

Napaigtad si Tomas. Pakiramdam niya ay parang may humihila sa kanya para lalong lumapit sa mismong kinatitirikan nitong nahating ulap. Pinilit niyang huwag magpadala sa pwersa.

Dahan-dahang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet