Lover’s lane

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

Winter Kim:

Good morning, Karina.

Reminder lang, may dalawang quiz ka ngayong araw. I hope you studied.

 

 

“Ate, pahiram ng iPad! Nakuha ko na, sinabi ko lang sa ‘yo.” 

 

Agad bumagsak ang ngiti ko at saglit na tinignan ang kapatid ko bago marahang tumango. Kita ko pang sumilip siya sa cellphone ko kaya dali dali ko itong pinatay pero mukhang nakita na niya kung sino ang nag message dahil may malokong ngiti sa mga labi niya.

 

“Si Ate Winter ba ‘yan? Kailan daw siya babalik dito?” sunod sunod na tanong ni Haruto at umupo sa kama ko, yakap yakap pa niya ang iPad ko. 

 

“Balik mo ‘yan mamaya, gagamitin ko.” sabi ko na lang at tinalikuran na siya’t inayos ang pag-kakaupo ko sa upuan tapat ng study table ko. 

 

“Ba’t iniiba mo topic? Sabihin mo naman sa kanya i-accept ako sa Facebook!” 

 

“Hindi naman ‘yon nagamit ng Facebook.”

 

“Pero mayroon siya!” inirapan ko lang ang kapatid ko at binuksan  ulit ang cellphone ko.

 

 

Katarina Yu:

Good morning din, Winter.

Yes, nag-aral ako. Thank you for reminding me.

Also, can you accept Haru’s friend request sa Facebook?

 

Winter Kim:

Ay, teka lang.

In-add niya pala ako.

Ayan, okay na.

 

 

Pinakita ko kay Haruto ang sinabi ni Winter. He then happily clapped his hands like a child, and finally, umalis na siya sa kwarto ko. 

 

Just two months ago, Winter and I became friends. Ilang visits sa cafe bago ko siya nakausap ulit after ng piano duo performance namin. Nakakahiya kasi siyang i-approach noon. 

 

At sa totoo lang, siya pa nga ang unang kumausap sa ‘kin.

 

Alam niyo yung tip na mag solve ka raw ng math problems sa harap ng crush mo para ma-impress sila? Ginawa ko ‘yon kay Winter pero siya pa ang nag solve nung problem para sa ‘kin.  Siguro napansin niya rin na puno na ng scratch papers ang table ko kaya naisipan niya na rin akong tulungan.

 

Nakakahiyang experience but, on the bright side, it brought us together.

 

As friends!

 

Don’t get me wrong, hindi ko crush si Winter!

 

Gusto ko lang magpapansin sa kanya. Papansin siguro ako. Ah, basta. Hindi ko siya crush.

 

Araw-araw kaming nag-uusap pero hindi ko siya crush.

 

Right…

 

 

Naka idlip pa pala ako kaninang umaga. Nalate kasi ako ng gising at wala raw prof na pumasok sa 3 hours subject namin kaya hindi na ako pumasok.

 

Naka pikit kong kinapa mula sa kama ang cellphone kong kanina pa tumutunog.

 

Alarm ko ba ‘yon?

 

Ah, may tumatawag pala.

 

“Hello?” sagot ko sa tawag, ni hindi ko nga nakita kung sino ang tumawag.

 

“Good morning, K. Nasa university ka na ba? I can’t reach G, baka lang alam mo kung nasaan siya?” agad kong nabosesan si Jeno sa kabilang linya.

 

Sumilip pa ako sa bintana at mukhang mataas na ang araw.

 

“J, actually kagigising ko lang…” antok na tugon ko at nilayo ang telepono sa tenga upang mag check ng notifications.

 

“Wala namang messages si G sa ‘kin…” dagdag ko pa bago humikab.

 

“Alright, ingat ka papuntang school. And please, sabihin mo kay Uchinaga Aeri na wala pa siyang ambag sa groupings namin!” damang dama ko ang diin sa bawat katagang sinasabi ng aking kaibigan kahit na half asleep pa ako. Natawa naman ako bago tumango as if nakikita niya ako.

 

Binaba rin ni Jeno ang call namin after ng ilang minuto.

 

Turns out, hindi rin pala pumasok si Giselle sa 3 hours subject namin dahil nga walang prof at wala ring nag sub. Wala rin daw iniwan na activity ayon kay Jeno.

 

I know I don’t have to worry about her because she’s probably still sleeping sa bahay nila.  

 

Pag pasok ko, may pa assessment test ang calculus professor namin. Parang review na rin daw ito para sa darating na preliminary examinations. Nag-alala pa nga kami ni Jeno dahil wala pa rin si Giselle. Pero sabi ng prof, hindi naman daw ito graded.

 

Sa totoo, hindi naman ako math genius. Pero madali lang yung assessment test.

 

Siguro dahil na rin sa tutor ko.

 

Tinuturuan kasi ako ni Winter kada vacant niya ng advance calculus. Favorite subject niya pala ito. Noong una nga ay hindi ako naniniwala. Kasi may tao pa lang may gusto sa math?

 

Pero magaling talaga mag solve si Winter ng math related problems. Minsan nga, sa utak lang siya nag s-solve at nakukuha na niya ang sagot.

 

Natapos ko agad ang assessment test ko.

 

Hinintay ko lang din matapos si Jeno bago tumayo at sabay na pinasa ang test papers namin sa prof.

 

Palihim kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag dahil naramdaman kong nag vibrate ito ng ilang beses.

 

 

Aeri:

Rina

RINA

RINA !!

 

Rina:

G, calm the down.

AND STOP BOTHERING ME.

 

Aeri:

Tara coffee?

 

Rina:

No.

 

Aeri:

Tara na, K!

 

Rina:

I’ve already told you no.

 

Aeri:

Dali naa

 

Rina:

May prof ako. 

May prof TAYO.

At risk ang pagiging DL ko dahil sa kaka-reply ko sa ‘yo. Goodbye, Giselle. <3

 

Aeri:

Nandito si Thomasian Cutie

And she’s finding you nga eh

 

Rina:

I’m on my way

 

Aeri:

HOY!!!

 

 

Parang gusto ko na lang sakalin si Giselle dahil wala namang Winter na humarap sa ‘kin sa cafe. No, scratch that! Gusto ko na talaga siya sakalin, walang parang parang!

 

“Uchinaga Aeri, why are you like this?” I grumbled at dramatic na pinatong ang ulo ko sa palm ko. “At least buy me my usual coffee as pang bawi sa pang gagamit mo kay Winter para mapapunta ako.” dagdag ko pa.

 

“Hindi crush my .” giit pa ng kaibigan ko bago tumayo at nag tungo sa counter para i-place ang order ko— or namin, whatever.

 

Sinundan ko lang ng tingin ang kaibigan ko hanggang maka balik ito sa table namin hawak-hawak ang mug ko sa isang kamay. Nag order din daw siya ng cake, dadalhin na lang daw dito.

 

Uninterested na tumango lang ako bago nilapit ang tasa sa harap ko.

 

“Are you ready to hear my chika na ba, Rina?” tanong ni Giselle na tinanguan ko na lang. Ano pa nga bang magagawa ko eh nandito na ako sa harap niya?

 

“So, I met this girl kanina…”

 

It turns out, may na-meet si Giselle na Katipunan girl kanina. Oh, no. Let me rephrase that, may nakabanggaan siyang Katipunan girl kanina. Imbes daw magalit siya, siya pa ang humingi ng pasensya kahit obvious naman daw na at fault si Katipunan girl. Kaya rin pala hindi pumasok si Giselle dahil kanina pa siya naka tambay dito sa cafe dahil baka raw bumalik.

 

“Ano ‘yan? Love at first sight?” kibit-balikat kong tanong sa kaibigan. Hindi maipinta ang mukha niya nang mag tama ang tingin namin.

 

“Ew, no. Nagandahan lang talaga.” kontra ni Giselle sa ideya ko bago niya tikman ang chocolate cake na kalalapag lamang sa table namin.

 

“Mind you, you missed our calculus assessment test dahil hinihintay mo siya bumalik… So, crush?” suhestyon ko ulit. Agad napangiwi si Giselle at umiling.

 

“No! Why would I like someone I might never see again?” she pointed out. I shrugged my shoulders at tumikip din sa cake.

 

“I don’t know, ask that to yourself.” tumahimik si Giselle sa sinabi ko at inirapan ako, halatang wala nang masabi.

 

Tahimik na kumakain lang ako ng isang roll ng chocolate cake habang pinapanood ang tapat ng cafe na napupuno na ng mga istudyante. Lunchtime na kasi kaya nagsisilabasan na ang mga students from our university. Mostly naman, college. Kita ko pa nga si Jeno na nag lalakad patungo sa cafe.

 

“I hate you with a burning passion, Uchinaga Aeri!” inis na umupo si Jeno sa tabi ko, he’s glaring kay Giselle. “That is not a very nice thing to say to your best friend, Jeno Lee.” maarteng tugon ni Giselle at sapilitang sinubuan si Jeno ng chocolate cake. 

 

Naiinis man, ngumuya pa rin ang kaibigan namin na kinatawa ko naman. 

 

Dumako rin ang ang mga mata ko sa maliit na grupo ng mga kababaihan sa gilid ng table namin na numanakaw ng tingin kay Jeno. Yung dalawa pa nga ay nag bubulungan.

 

Pansinin naman kasi ang kaibigan namin. Oblivious lang siya sa fact na pansinin siya, kapag naman sinasabi namin sa kanya ay nahihiya siya ng sobra.

 

Feeling ko kasi mas preferred ni Jeno ng private at lowkey lang, ganoon kasi siyang type ng tao. Acceptable naman kasi sino bang may ayaw sa peace?

 

Hindi rin kasi kadaldalan ang kaibigan naming ‘yan sa ibang tao, halos kami nga lang dalawa ni Giselle ang kinakausap niya sa block namin.

 

Bumalik din kami sa UST after ng lunchtime, may isang assessment test pa kasi kami which is sa finance kaya inagahan naming bumalik para makapag-aral at tanungan pa kami as review. May isang subject pa kami after ng finance, hapon na rin nang makauwi ako sa bahay.

 

Gamit na gamit ang utak ko, gustong gusto na yata nito mag pahinga. Hindi ko na pinuntahan sa kwarto si Haruto upang batiin dahil sa pagod, dumeretso na agad ako sa kwarto ko para mag palit ng damit at humiga sa kama.

 

Sadly, walang Winter na nangulit sa ‘kin buong araw. As in, kahit glimpse man lang niya ay wala. Ang alam ko kasi, halos lahat ng subjects niya for today ay mayroong summative tests. Siguro yung vacant niya, ginagamit niya na lang para mag review.

 

Saglit kong binuksan ang cellphone ko para man lang tignan kung may mahalaga bang messenges sa block group chat namin.

 

Wala naman bukod sa messages ni Winter.

 

Winter Kim:

Hello, kamusta mga test mo?

Hindi kita nakita buong araw.

Nakakapang hina, Karina.

:(

 

 

Malawak ang ngiti ko dahil sa nabasa.

 

 

 

Nagising ako sa malakas na ring ng alarm ko kaya I lazily rolled sa kama ko hanggang maabot ko ang bedside table ko kung nasaan naka lagay ang cellphone ko. Agad kong pinatay ang alarm ko, and just when I’m about to sleep again, nag ring ulit ang alarm ko.

 

Inis na um

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
685 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
685 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
685 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2143 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh