All or nothing

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

“It’s Paskuhan tomorrow, should I ask her?” 

 

I cast a confused glance at Giselle who had spent the entire day debating whether or not to ask her girlfriend out on a date.

 

I scoffed.

 

Right, her girlfriend. Bakit ba kailangan pa niya tanungin? Hindi dapat ay given na ‘yon?

 

I’ve also spent the entire day convincing her that she should, kasi nga hindi naman ibang tao si Somi. Girlfriend naman niya ‘yon. 

 

But every time na sinasagot ko siya, she would say lots of reasons why she shouldn’t.

 

Stress…

 

Kapag ako nainis, ako na talaga mag tatanong kay Somi to be Giselle’s Paskuhan date bukas.

 

“Katarina Yu, why aren’t you answering? I’m so nervous right now, and you’re making me feel even worse!” she whined na agad kong inirapan bago ako tumikim sa binili niyang cake.

 

Nasa cafe kasi kami kanina pa. We’re currently waiting for Winter to finish her shift.

 

Bakit? Wala lang.

 

Joke!

 

I’d like to catch up with her kasi halos katatapos lang ng finals namin. Giselle kind of just wants to go along kaya kasama ko siya ngayon.

 

Napatigil ako sa pag-kain nang ilayo ni Giselle sa ‘kin yung cake.

 

“How mature of you!” I groaned at pilit na inabot yung platito pabalik sa side ng table ko pero mas nilayo lang ito ng kaibigan ko.

 

Inirapan ko ang kaibigan ko while she simply stuck her tongue out to tease me. Ang mature talaga, grabe.

 

“Remind me again why I agreed to let you accompany me.” I sighed at tumikim na lang sa iced coffee ko.

 

“Hmm… Maybe because I’m the best thing that’s ever happened to your sad and boring little life?” Giselle gave me a look. Mahina akong natawa dahil sa sinabi niya.

 

“No, that would be Winter.” I teased pabalik.

 

My best friend gasped dramatically dahil sa narinig. May pahawak pa ‘yan sa dibdib na mas kinatawa ko pa.

 

“Give me that cake back para sagutin na kita, dali.” pang-uuto ko sa kaibigan. Dahan-dahan niya itong binalik sa side ng table ko. 

 

I took another bite before putting the spoon down. “I really think you should ask her, G.” seryoso kong sambit.

 

“But what if she’s not into this kind of… thing?” maingat niyang tanong, na tinanong niya na kanina, na nasagot ko na rin kanina.

 

“Seriously? We’re back to square one?” I rolled my eyes. 

 

“Ano ka ba? It’s not easy! Bet you can’t even ask Winter to be your Paskuhan date!” 

 

I gave her a quizzical look nang sabihin niya ‘yon. I mean, that’s literally the main reason I’m here waiting for her…

 

Pinasadahan ko ng tingin si Giselle na halatang nag hihintay ng sasabihin ko pero nginitian ko lang siya bago lumingon sa gawi ni Winter.

 

“Minjeong!” tawag ko sa kanya na agad niyang nilingon. It didn’t take long for her to come over to our table dahil nga tinawag ko siya.

 

“Katarina, self service kaya dito, kung may order ka pumila ka sa counter—“

 

Winter’s sentence was cut short when I grabbed her wrist and forced her to sit next to me.

 

“A heads-up would be appreciated, ang sakit sa pwet eh…” she whispered the last part na kinatawa ko.

 

“Sa tingin mo ba, should G ask her girlfriend para sa Paskuhan?” tanong ko, may diin talaga sa ‘girlfriend’ part.

 

Tinapunan ko ng tingin si Giselle na parang naguguluhan lang sa nangyayari.

 

“Malamang!” sabi ni Winter, halatang gulat na kailangan ko pang itanong sa kanya. “Girlfriend mo ‘yon, and besides, who wouldn’t want to come sa Paskuhan? Paskuhan na ‘yan oh!” gigil na dagdag ni Winter. May pa hand gestures pa ‘yan.

 

“See? Even a child knew better.“ tumatango-tango kong sabi.

 

“Child?! You’re only a year older than me!” she argued. Amused na pinapanood lang kami ni Giselle habang nahigop sa iced coffee niya.

 

Nako, huwag siyang tutunga tunganga d’yan kung ayaw niyang maging alone bukas.

 

“Still a minor.” I mused na nakakuha ng hampas kay Winter. “I’m turning 18 soon! Malapit na kaya mag January 1!” she taunted na kinatawa naming dalawa ni Giselle.

 

“Oh, what’s that? Your way of reminding us na malapit na birthday mo?” naki sali na si Giselle. “Kapal naman yata ng mukha mong kalimutan birthday ko eh New Year na nga ‘yon.” Winter scoffed. Halatang iritado na sa pang-aasar naming dalawa sa kanya.

 

Hindi rin nag tagal at tumayo na ito sa kinauupuan niya, “D’yan na nga kayo, mga upperclassmen na bully!”

 

“2nd year pa lang kami though!” ganti ni Giselle.

 

“Winter!” tawag ko ulit sa kanya. Inis na humarap ito sa ‘kin, naka kunot na ang noo.

 

”Does being my Paskuhan date sounds nice?” I asked. I patiently waited for her answer, kita ko pang sumingkit ang mata niya na para bang nag-iisip.

 

“Oh, what’s that? Your way of asking me to be your date?” she mocked Giselle’s words na kinatawa naming dalawa.

 

“Yes.” sagot ko pa rin. “Would you like to be my date?” I asked, again. Mas seryoso na this time. She brought her hand up to her chin, resting her lower lip just between her index finger and thumb.

 

Now, I’m getting nervous…

 

I feel you, Giselle.

 

“It does sound nice.” she finally answered at tinalikuran na kami ni Giselle.

 

Kumunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya.

 

“Is that a yes?!” pasigaw kong tanong na naka kuha ng iilang tingin sa ibang customers sa loob.

 

Nag tama ang mga mata namin ni Winter, nginitian niya lang ako.

 

“Ang hirap intindihin ng mga babae.” I sighed at humigop na lang ulit sa kape ko. I heard my best friend laughed dahil sa sinabi ko.

 

“Babae ka rin kaya!”

 

 

 

 

I couldn’t sleep all night dahil sobrang excited ako for today. Excited to the point na pumunta ako ng UST ng 6 p.m. kahit na 9 p.m. pa naman start ng Paskuhan.

 

Ngayon, I’m on my way papunta Main building ng UST. Doon kasi located ang Department ni Winter.

 

Medyo marami na ring tao sa carpark, lalo sa mga kainan doon. Buti nga at naka hanap pa ako ng parking.

 

Natatanaw ko na rin ang Grandstand, may iilang tao na rin sa field kung saan gaganapin ang event mamaya. Kitang kita ang dami ng malalaking speaker sa buong area. Saglit na pinanood ko ang rehearsals sa Grandstand bago ako pumasok sa Main building.

 

Agad akong naka tanggap ng messages nang makapasok ako.

 

 

(Today 6:09 PM) Thomasian Cutie: Karina.

 

(Today 6:09 PM) Thomasian Cutie: Tingin sa likod.

 

 

Ginawa ko ang sinabi niya pero wala namang Winter na bumungad sa ‘kin.

 

Kumunot ang noo ko nang maka tanggap ulit ng message.

 

 

(Today 6:10 PM) Thomasian Cutie: Ang uto-uto! Nasa taas ako, Karina.

 

(Today 6:10 PM) Longganisa seller: ./.

 

(Today 6:11 PM) Thomasian Cutie: Huy, bad ‘yan!

 

 

Nag react ako ng ‘Haha’ sa huling message ni Winter bago ako tumingala.

 

Imbes na masilaw ako sa maliwanag na ilaw sa Main stairs, nandilim pa yata ang paningin ko nang makita ko si Winter, she’s descending the stairs habang may naka hawak sa isang braso niya. Hawak naman niya sa isang kamay ang cellphone niya.

 

Nginitian niya agad ako nang mag tama ang tingin namin. Naka hawak lang yung girl sa braso niya hanggang maka baba sila.

 

“Bye, Winter! Mamaya na lang!” paalam pa ng babae. Tinanguan niya pa ako at nginitian pero wala ako sa mood para ngitian siya pabalik.

 

Pinasadahan ko si Winter na ngayon ay nakapangamot na sa batok. “Ka block ko… Takot daw siya bumaba sa stairs eh.” paliwanag pa nito.

 

I rolled my eyes sa narinig.

 

“Sana dinala niya microscope niya galing laboratory para makita niya ‘yang stair railing.” giit ko pa. Takot bumaba ng stairs? Edi humawak siya sa railing.

 

I crossed my arms over my chest, tinalikuran ko na si Winter pero rinig ko namang sinusundan niya lang ako sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

 

“Huy, Karina…” mahinang tawag niya sa ‘kin kasabay ng pag hila sa palapulsuhan ko para maharap ko siya. 

 

Nasa stairs kami ngayon ng QPAV ngayon.

 

Nakakairita naman lahat ng stairs ngayon!

 

“Huwag ka na mag selos dun… Naka lagay naman 2x2 picture mo sa I.D ko.” sabi sa ‘kin ni Winter. Her thumb also brushed against my wrist.

 

Naka pout pa siya habang sinasabi ‘yon kaya natawa ako.

 

“Ewan sa ‘yo.” I giggled. “Hindi ba dapat sa wallet?” tanong ko pa sa kanya.

 

“Nasa Gcash pera ko eh.” sagot niya na mas kinalakas ng tawa ko.

 

Parang ewan talaga!

 

Napag desisyonan naming tumambay saglit sa stairs ng QPAV dahil surprisingly, walang tao dito.

 

Winter’s hand landed on my tight nang makaupo kami, muscle memory na yata dahil lagi na niyang ginagawa ‘to simula nang payagan ko siya.

 

As previously stated, lagi niyang ginagawa, so hindi ito yung unang beses but it never ceases to make me feel things.

 

“Karina?” tawag niya sa ‘kin bago marahang pinatong ang ulo niya sa balikat ko. I only hummed in response, hinihintay ang sasabihin niya.

 

“I like you.” out of nowhere niyang sabi. 

 

This is not the first time I’ve heard her say that, pero tangina.

 

“Wala lang, I just had a feeling I needed to tell you that.” dagdag pa niya. Ngumiti ako, nodding as I kissed the top of her head.

 

I like Winter so much.

 

 

 

“Yes, G. Malapit sa Grandstand. Are you with Somi na?” 

 

“Yeah, she’s with me. Si Winter?” sagot ni Giselle sa kabilang linya. Nag simula na kasi ang event, malapit sa mismong Grandstand ang pwesto namin.

 

Nandito na rin si Jeno, Yizhuo or Ningning, and Ryujin. Friends sila ni Winter, I think nasa Senior High School pa lang si Ning? Tapos parehas first year si Winter at Ryujin.

 

Si Giselle at Somi na lang ang wala.

 

Mahinang hinila ko si Winter gamit ang ribbon na naka tali sa wrist naming dalawa.

 

Siya ang nag tali ng sarili niya sa ‘kin dahil daw baka mawala siya sa dami ng tao. I like being close to her, so I don’t mind. Not at all.

 

Nilingon ako ni Winter na nakikipag-usap ngayon sa kaibigan niya. Tinaasan niya ako ng dalawang kilay, as if asking kung bakit ko siya hinila.

 

Umiling lang ako at nginitian siya.

 

Ngumiti

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
682 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
682 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
682 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2140 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh