I think it’s cute

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

I was quickly scanning my book, trying to memorize each word bago kami sunduin ng resident namin for morning rounds. Medyo maaga akong pumasok ngayon dahil mahaba ang tulog ko kagabi.

 

Hindi ko rin alam kung pa-paano ko nakakayang mag-aral at mag memorize habang nag dadaldalan si Ryujin at Yujin. Buti na lang at wala pa si Soyeon, isa pa ‘yon eh.

 

Paano pa kaya kapag nandito si Ning?

 

Wala naman akong kaso sa mga maiingay na tao, lalo na sa mga kaibigan ko. Pero minsan, gusto ko na lang i-duct tape ang mga bibig nila. Hindi kasi sila nauubusan ng sasabihin! ang bibilis pa mag salita, lalo na ‘yan si Soyeon. Main rapper yata ‘to, si Ning naman, ang taas tumawa. Para siyang angry birds— yung tunog na ginagawa nila kapag ihahagis na sila gamit yung wooden thingy. Nakalimutan ko ang tawag.

 

Napailing na lang ako, distracted na tuloy ako. 

 

Tinuloy ko na lang ang pag babasa sa librong hawak-hawak ko.

 

What organs stop during cardiac arrest?

 

Mabilis kong tinakpan ang sagot sa baba ng question para i-recite sa utak ko ang sagot.

 

Blood flow to the brain and other vital organs is cut off during cardiac arrest which happens when the heart stops beating suddenly and unexpectedly. Cardiac bading— bading?!

 

Ito na nga problema ko eh, nawawala ako sa focus kapag may nag sasalita habang may kinakabisado ako. Nahahalo na yung usapan nila Ryujin at thoughts ko!

 

Inis na sinara ko na lang ang libro at padabog na kinuha ang stethoscope ko mula sa locker. 

 

I also shut my locker door rather loudly, gulat na tinitigan tuloy ako ng dalawa kong kaibigan.

 

“Hala, grabe! Ang aga mo mag-wala, Win.” Yujin said na kinatawa ni Ryujin. I just ignored them.

 

Nag bukas din si Ryujin ng bibig niya at mukhang may ihahabol pa sa sinabi ni Yujin kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

 

“Ito naman… gusto mo cover kita sa pit ngayon?” tanong niya pa. My eyes squinted sa narinig. 

 

Si Yujin ang nag cover sa ‘kin kahapon dahil on-call ako sa trauma room, tulog ako sa locker room niyan kasi dalawang oras lang ang natulog ko dahil sa kanilang apat noong nag DTD kami.

 

12:45 a.m. na kasi kaming natapos, tapos 1:00 a.m. na noong makauwi kami. Inasikaso pa namin silang apat, then gumising ako ng 3:00 a.m. para kumilos na’t gisingin sila. Wow, parang less than 2 hours pa pala ang tulog ko.

 

Ang walang hiya lang ni Soyeon at nag request pa ng hangover soup. Ayon, nilutuan ko sila ng Lucky me noodles na chicken flavored. Aba, okay na ‘yon! pasalamat nga sila’t hindi ko sila pinalayas agad, ang dami nilang reklamo!

 

“Turn on niyo nga yung TV, baka umulan bigla tapos suspended klase namin.” si Ning.

 

“Bakit walang itlog yung noodles?” si Soyeon.

 

“Wala kayong kape? ano ba ‘yan!” si Ryujin.

 

“Ayaw ko na ngang malasing! ka-cuddle ko si Ryujin sa kama!” si Yujin.

 

Ayon na talaga ang huling beses na makakatapak sila sa unit, ang gugulo nila. Nakakahiya kay Karina.

 

Ang haba pa ng pila sa CR, pinauna na nga namin si Ning at maaga pala ang klase ni gaga pero walang hiyang sumama pa sa inuman kagabi. Depensa pa niya, hindi naman niya raw alam na malalasing siya. Sabagay nga naman, sanay si Ning sa hard drinks. Pero kasi naka ubos sila ng tatlong Jose Cuervo tapos nag Alfonso pa sila.

 

Muntik pa kaming ma-late kahapon kasi pina-laundry pa namin mga white coats nila. Ang gagaling lang at wala pala silang spare sa locker nila. Alangan naman ipahiram ko yung akin eh may nakalagay na Dr. Kim doon. Ano ‘yon, apat kaming Dr. Kim?

 

Gusto pa nga nilang gisingin si Karina para mag pasalamat at humingi ng sorry, pinigilan ko lang kasi kulang din sa tulog ‘yon. Ang sabi ko na lang, i-message nila. Mabait naman si Karina, pero isa kasi sa ayaw niya ay ang naiistorbo ang tulog niya.

 

Nakakatakot kaya ‘yan tuwing umaga!

 

Ayon, gumawa sila ng group chat na hindi ako kasama.

 

The ing audacity!

 

Nakuha ko na rin pala yung motorcycle ko mula sa bar, actually, si Ning ang kumuha at hinatid niya na lang sa hospital pero ganoon na rin naman ‘yon.

 

“Huwag na.” sagot ko sa kaninang tanong ni Ryujin.

 

“Nag iinarte si Ning sa ‘kin kahapon, nakita niya raw si St. Thomas Aquinas na kumakaway sa kanya habang nag lalakad siya papuntang Faculty of Medicine sa sobrang kalasingan.” natatawang kwento ni Ryujin nang makarating si Soyeon.

 

Rinig ko pa ang hagikgik ng dalawa kong kaibigan sa kwento ni Ryujin. 

 

Maya maya pa ay sinundo na rin kami ng resident namin mula sa locker room at sinimulan ang morning rounds namin.

 

I was even asked to recite several times, mabuti na lang at nag advance reading ako kanina kaya nasasagot ko pati follow-ups ni Dr. Bae.

 

 

Mag-isa akong nag lunch ngayon dahil sobrang busy ng mga kaibigan ko, medyo maluwag naman ang shift ko ngayong araw dahil sa pit lang ako kailangan. Staffed din naman ‘yon kaya hinayaan muna nila akong mag lunch, nag paalam naman din ako sa resident na nasa pit.

 

Kapag mag-isa talaga ako, ang dami kong nare-realize na bagay or naiisip.

 

Noong bata ako, gustong gusto kong mag adult agad. Madaling madali ako to the point na yung mga bagay na winoworry ko dapat ay hindi naka ayon sa edad ko.

 

Siguro mga 5 years old ako noong una akong pinag piano lesson ng nanay ko. Biggest worry ko pa nito ay kung reregaluhan ba ako ng bike sa 6th birthday ko kung mapanalunan ko man yung piano recital na a-attendan ko after ng limang lessons.

 

Tapos noong nag 6 years old naman ako, doon na nag simula.

 

I was never raised like other children kasi.

 

Imbes na pang costume sa Halloween ang winoworry ko, winoworry ko kung magiging proud ba nanay ko sa grades ko or awards ko sa mga piano recitals.

 

Amusing pa na she never made it to all of them— piano recitals, elementary graduation, buwan ng wika at iba pa.

 

Wala raw siyang oras para sa ganoon, eh.

 

Noon, iiyak ako kapag hindi siya nakakapunta. Nangangako kasi siya, hindi naman makakadating.

 

Tapos laging sasabihin ni Papa na maiintindan ko rin si Mama kapag malaki na ako.

 

Edi lagi kong hinihiling bago ako matulog na sana pag gising ko, 25 na ako. Na malaki na ako.

 

I’d take it back if I could.

 

Because being an adult? totally overrated.

 

Ang daming responsibilities, nakaka-overwhelm lahat.

 

“Care to share?” tahimik na sinundan ko ang bawat galaw ni Ryujin habang nilalapag niya sa table ang dala niyang food tray. Hindi ko man lang namalayang pumasok na pala siya ng cafeteria kahit naka tapat naman ako sa entrance ng mismong cafeteria.

 

Umiling naman ako bago ngumiti, “Wala, hirap lang maging adult.” sabi ko na lang at nag patuloy kumain.

 

I heard Ryujin chuckle but nodded anyway. “Sinabi mo pa.” 

 

“What was the best experience you had as a child?” random na tanong ko before biting into my tuna sandwich. Yes, tuna sandwich. Alam kong maraming may ayaw sa tuna sandwich at mga tasteless sila. 

 

“Hmm… tuwing Halloween! Lalo na Trick-or-treating kasi marami akong nauuwi laging candies. Cute ako noong bata eh!”

 

Natuwa naman ako sa pag k-kwento ni Ryujin na may pa hand gestures pa.

 

“Naalala ko pa noong first time ko, umiyak ako kasi natakot ako sa sarili kong costume.” naka ngiting dagdag niya. 

 

Tumango tango lang naman ako habang nakikinig, ewan ko but it truly warms my heart tuwing nakakarinig ako ng kwentong childhood sa kahit sino.

 

“Ikaw ba?” kunot noo akong tumingin sa kaibigan dahil sa tanong niya. “Your first time?” dagdag na tanong pa niya.

 

“I’ve never gone trick-or-treating before.” I shrugged and just grabbed the glass of water na nasa harapan ko at uminom dito.

 

“What?” gulat na tanong ni Ryujin.

 

“Yeah, my parents never made it home in time to take me or any of my siblings.” sambit ko. 

 

I don’t like to share too much pero mukhang invested si Ryujin sa boring childhood ko. 

 

“Plus my mother said it was rude to knock on people’s doors and beg for food.” I gave her a sweet smile kasi naka simangot na siya. 

 

“Winter…” bulong ng kaibigan ko. I only hummed, tinuloy ko na ang pag-kain habang hinihintay ang sasabihin ni Ryujin. 

 

“It’s never too late to have a happy childhood.” tinapik niya ang braso ko.

 

I chuckled, “I’m 25 years old, I won’t wear a costume for Halloween, masyado na akong matanda para doon.” pinag tabi ko ang kutsara at tinidor ko pag tapos kumain, hinintay ko pang matapos kuman si Ryujin bago kami bumalik sa trabaho. Labs siya ngayon habang sa pit naman ako.

 

There’s a consult in the pit kaya agad din ako pinabalik doon ng resident ko.

 

Girl with a fever and abdominal pain. Is it surgical? I guess I’ll have to find out.

 

Sinimulan ko agad ang trabaho ko by checking if normal ba pulse niya. Tumatango tango na rin ako sa sinasabi ng mother niya. 

 

Sabi niya baka raw kagat ng bug mula sa Mexico trip ng anak niya.

 

“I told her not to go to a Third-World country, but does she ever listen?” my patient’s mother stated, I look at the mother because of the last line she said. I mean, is that really necessary?

 

“She’s been weak simula noong maka balik siya, and she’s lost weight.” saad ng father niya. “Tapos kaninang umaga, she passed out.” dagdag pa niya.

 

“When was the trip?” maingat na tanong ko sa pasyente ko. “A couple weeks ago, I’m really fine. Lagnat lang ‘to.” she was panicking base sa nakikita ko sa mata niya.

 

“Okay, well, will you lie back for an exam for me?” 

 

I heard her sighed bago umiling, “Please, I don’t need an exam.” aniya. “Antibiotics na lang and send me home.” dagdag pa niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
681 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
681 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
681 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2139 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh