Katarina Yu

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

“Oh? Nakabalik na rin kayo— Teka, ba’t namumula ka?” 

 

Bahagyang lumaki ang mga mata ni Winter sa tanong ng kaibigan niya.

 

“S-Sira! Mainit kasi singaw ng frypan.” maikling sagot naman niya bago ko siya marahang hinila upang tumabi sa ‘kin. 

 

“Ulol! Ang tagal mo mag luto, siguro ilang batch din ang nasunog mong chicken tenders!” nakisali na si Yujin sa bangayan nina Winter at Ryujin.

 

Mabilis namang nabawi ni Winter ang sarili niya at tinitigan ng masama ang kaibigan, “Wow, ang grateful!” sarkastikong sabi nito sa kausap. 

 

Namimili na sila ng sunod na panonoorin sa Scream movies. Hindi naman namin kayang i-grind yung anim na movies dahil mayroon na lang kaming halos dalawang oras bago mag 11 p.m.

 

Nakikinig lang kami ni Winter sa mga fresh na fresh na side comments ng mga kaibigan namin sa unang Scream movie. 

 

“For me, Gale Weathers carried the entire movie.” sabi pa ni Wonyoung, I’m still cautious of her, pero I agree.

 

“Tama, chinannel niya ang inner-Monica niya.” dagdag ko naman sa unang sinabi niya. 

 

“Wait, you’re familiar sa sitcom na Friends? You’re cool!” amused na reply sa ‘kin ng Engineer. Napangiti naman ako, yung genuine at walang halong plastik.

 

Sa napansin ko lang sa ‘king mas enhanced na observation, mabait si Wonyoung. Siguro sobra lang akong nag overthink dahil natakot ako na someone would take my place sa buhay ni Winter, hindi naman sa pag mamayabang pero I really don’t see that happening. Gaya nga ng sinabi ko kanina, natakot lang ako kasi touchy siya kay Winter and all, pero it turns out na ganoon naman pala siya sa lahat!

 

Kanina kasi sa jetski, si Yujin ang kasama niya, at grabe rin siya makahawak sa isa. Siguro ganoon lang talaga siyang tao, Ryujin was occasionally the recipient of her affectionate displays. Halata namang sobrang close sila dahil business partners ang parents nila, kaya siguro sila naging close ni Winter ay dahil nga mag kaibigan yung dalawa.

 

Ganoon pala siya sa lahat, para lang akong nabaliw sa wala! Kapag iniisip ko tuloy, medyo natatawa ako kung paano siya subtly iniiwasan ni Winter kahit naman sinabi kong hindi ‘yon kailangan. 

 

Winter is a kind and decent person, kinakausap pa rin naman niya si Wonyoung when the latter speaks to her. Hindi naman siya rude, pero ewan ko, medyo dumidistansya siya kahit hindi naman necessary! Baka talaga sobrang windang si Winter nung iniiwasan ko siya, I shouldn’t do that again para sa ikabubuti namin. That’s not mature.

 

That’s not professional, that’s not ethical!

 

Pero ayon, kakausapin ko rin siya soon sa Wonyoung situation namin. Hindi naman talaga kailangan ng arrangement dahil wala namang malisya ang pagiging touchy ni Wonyoung, she’s just like that. Blinded lang siguro ako noon sa selos kaya hindi ko agad napansin. Never ko naman siyang ire-restrict na kausapin ang isa sa mga malapit niyang kaibigan, ayaw ko ng ganoon. 

 

Pwera na lang kung may certain situation na kailangan talaga naming mag lead d’yan, so far naman wala, sana mag stay na lang na ganoon.

 

Hindi naman din kalakihan ang circle of friends niya, mukha naman din silang mabubuting tao lahat. Makukulit, pero they’re good to her.

 

Thankful ako sa kanila para doon.

 

Okay, balik sa movie!

 

Skinip na namin yung Scream 2 at 3, hindi raw nila bet yung film synopsis eh pare-pareho lang naman ng plot ‘yan!

 

Just imagine how loud my just-released gasp was. Hindi ako tumatanggap ng Scream 3 slander! Kahit i-bash na lang nila nang i-bash ang Scream 2 dahil totoo namang boring ‘yan. Pero ang Scream 3? Think again! Ang galing kaya ng Ghostface ni Roman!

 

Tsaka kung wala siya, walang Ghostface nina Billy at Stu! He’s an icon, the original! Bawal siyang i-disrespect!

 

Hindi na ako naki-away, si Winter na ang gumawa nun para sa aming dalawa.

 

“Baliw ka ba? Hindi interesting para sa ‘yo si Roman? Eh yung Ghostface niya nga ang may pinaka maraming kill count!” pakikipag-talo niya sa pinsan niyang nag suhestyong panoorin na namin agad ang Scream 4.

 

“Okay naman si Roman, the best din yung motive niya tsaka nagulat din ako sa reveal. Pero kasi hindi niya naman pinatay si Sidney kahit ayon ang original niyang plano.” Chaewon argued, parang nag-uusok na yung ilong ni Winter dahil wala naman siyang marebut sa pinsan niya, tama naman kasi ang mga sinabi nito.

 

Nakasimangot na siniksik na lang ni Winter ang sarili niya sa leeg ko, napahagikgik naman ako kasi ang sudden pero hinayaan ko lang naman siya sa gusto niyang gawin.

 

Noon pa naman talaga clingy si Winter, she must have been restraining herself na hawakan ako or dikitan nung hindi pa kami nakakapag-usap about sa status namin. 

 

Parang bumalik lang kami sa dati.

 

Nag simula na pala yung movie.

 

Maganda yung opening scene dito, Saw 4 yung pinag-uusapan nila tapos sabi pa ng isang girl na nakalimutan ko ang pangalan, hindi raw nakakatakot ‘to.

 

Totoo naman! It’s not scary, it’s gross.

 

Ito lang yata ang movie franchise na hindi namin tinuloy ni Winter. I’m a horror enthusiast myself, so I don’t find it scary at all. Mabilis lang matakot si Winter, amusing nga na lagi pa rin niya ako sinasamahan manood ng horror kahit na hirap siyang makatulog after dahil sa takot.

 

Everyone cheered when we saw Dewey. Hindi na siya baby face! Nag mature na yung mga features niya completely, tapos Sheriff na rin siya dito sa timeline ng Scream 4.

 

Nag appear na rin si Jill and friends. Ang ganda niya talaga!

 

Everyone fell silent as the movie progressed. Invested na invested sila sa Ghostface killer/s ngayon pero hindi nawawala yung mga nag si-simp kay Jill Roberts dahil napaka ganda niya lang talaga!

 

Nako, kung alam lang talaga nila.

 

Dumating na kami doon sa scene na ginawa nila yung annual party para mag movie marathon ng Stab movies which is literally the remake of Scream pero sa reality naman nila. Ewan ko ba sa mga teenagers! Kitang may mass murderer on the loose pero inuuna pa nilang mag enjoy kahit naman marami pang oras para dun! Kaya sila namamatay eh sa movies eh, sobrang carefree kasi nila.

 

Ano bang magagawa ko? Bystander lang naman ako sa mga plano ni Direk.

 

Nandoon na kami sa scene na nasaksak ni Ghostface si Gale sa balikat, parang lagi na lang siyang may stab wounds sa bawat Scream movie. Pati na rin si Dewey at Sidney. Hindi pa ba sila nag sasawa masaktan? If I were in the movie, I doubt I’d make it through at least one. Ang intense kaya! Nakaka-hack yung killers sa phone numbers ng victims? Tapos nakakapasok sa loob ng bahay kahit na heavy ang security? Ang lala!

 

Nag patuloy lang naman kami sa panonood. Occasionally, sisigaw si Jaemin para gulatin kami, tapos ang may pinaka mataas na tili ang best friend kong si Giselle.

 

Hinampas pa nga niya si Jaemin, nakikita kong nagiging close na talaga ang circle ko sa circle ni Winter, and I’m here for it!

 

Hindi na kami nagkakahiyaan gaya kahapon, mas comfortable na rin kami dahil hindi naman ‘to ang unang beses na nag hang out kami. Pero tingin ko never pa kami nag gather lahat sa iisang place kagaya nito, ang daming sight lang na unusual gaya na lang ng landian ni in-law at ng kaibigan kong feeling natural blonde. 

 

O kaya yung sight na nag-uusap sina Ryujin at Giselle. Hindi naman unang beses ‘to nangyari, simula college ay magkakilala na silang dalawa, unusual lang for me… Hindi naman sila close nung nag-aaral pa kami.

 

It’s probably because they’re the most important people in Ning’s life right now. Okay lang kaya kay RJ na maging sila? Tingin ko naman approved kay Bff #2 si Giselle, which is si Winter. Alam kong alam na niya, napag-usapan na namin before, wala naman daw kaso sa kanya kung sino ang gustong i-date ni Ningning as long as magiging responsible pa rin ‘to sa studies niya.

 

Si Bff #1 kaya? Childhood best friends sina Ning at Ryujin. Parang never nakwento ni Winter sa ‘kin na nagkaroon ng special someone ang ni-isa sa kanilang dalawa. 

 

Not gonna lie, nung una kaming nag kita, akala ko mag jowa silang dalawa.

 

Assumera kasi ako back in college, binabago ko na talaga ‘yon, hindi magandang character trait.

 

Siguro naman hindi ako ang unang taong nag assume nun! Honest mistake lang, hindi ko naman na pinag-tuunan ng pansin.

 

To be honest, nagulat ako nung pinakilala siya sa ‘kin ni Giselle as someone na as special as that. Gustong gusto ng best friend ko si Ning.

 

Nang galing sa hindi masyadong magandang past relationship si Giselle, well, nung una naman ay okay sila. Pero nung nag try sila mag LDR, hindi rin nag work.

 

Feeling ko nga, partly doon ay kasalanan ko.

 

Kahit naman hindi sabihin sa ‘kin ng best friend ko, alam kong medyo bothered si Somi sa ‘kin noon. Lalo na siguro nung nag hiwalay kami ni Winter, umuwi pa si Giselle galing California para puntahan ako.

 

Gusto yata makipag kita sa kanya nun ni Somi, pero alam ko hiwalay na sila nun. Gusto siguro makipag-usap, hindi lang masingit ni Giselle sa schedule niya dahil inaasikaso ako, tapos inaasikaso pa niya ang pag transfer niya sa school ko.

 

Grabe, nasaan kaya ako kung wala si Giselle? She worked really hard to get me back on my feet. Ang dami niyang sacrifices para sa ‘kin, gagawin ko rin lahat within my power para maging masaya siya gaya ng ginawa niya sa ‘kin.

 

I never really thanked her enough. Matagal ko nang gustong bumawi sa best friend ko, so I worked really hard to attain my goals with her. Alam ko namang disappointed siya nung nalaman niya yung nangyari sa amin ni Winter, hindi rin naman niya masisisi si Winter for leaving.

 

I understand, I understand that the breakup has to happen.

 

Nawala na kasi yung focus namin sa goal.

 

Nasama na rin sa motivation kong sabayan grumaduate ng Law School sina Giselle at Jeno.

 

I sighed as I focused my attention on the movie. Dami ko na namang iniisip, dapat talaga mag inom na lang kami para naman mawala na ‘tong mga ‘to. Mamaya maging emotional pa ako kahit na horror naman ang pinapanood namin.

 

“Lalim ah, ano iniisip ng Attorney ko?” malambing na bulong ni Winter sa tabi ko. I giggled bago siya nilapatan ng halik sa top ng head niya.

 

“Wala naman… Realizations lang.” honest ko namang sagot. “Sa movie ba or ibang bagay?” tanong niya ulit habang marahang nilalaro ang rosary ring ko sa daliri.

 

“Sa movie… Tsaka sa iba na ring bagay.” narinig ko siyang nag hum sa sagot ko pero hindi na rin nag tanong pa ulit. Gusto lang talaga niya akong i-check kung okay pa ako, that’s something I’m used to her doing.

 

Natapos na namin ang pangalawang Scream movie namin ngayong gabi. Excited na naman ako sa raw comments ng mga kasabay namin manood.

 

“Anong medyo obvious?! Chiks kaya ni Jill Roberts kaya ‘di ko talaga inexpect na siya yung mastermind.” gulat na sabi ni Ryujin. “Pero ang cool ng Welcome to Act 3 niya, feeling ko nababading na naman ako sa isang fictional character.” dagdag pa niya na tinawanan ng iba.

 

“Bobo, bading ka naman talaga noon pa!” si Yujin.

 

“Ina-out mo ba ako without my permission?!” si Ryujin.

 

“Ay, totoo ba? Sabi ko na nga ba tama ang gaydar ko!” pakikisali ni Yunjin sa usapan nila.

 

Ang amusing lang talaga ng pair nina Ryujin at Yujin, tapos dagdag niyo pa si Yunjin. Ang chaotic nila kapag nag sama-sama… Mag kakatunog pa ang mga pangalan nila which made it much more amusing.

 

Natawa naman ako sa terminong ginamit ng kaibigan ko. Seryoso, gaydar? May thing palang ganoon? Bagets na bagets naman si Yunjin.

 

Saktong 11 p.m. nang lumabas kami sa Villa, maaga kaming tapos sa movie pero kinailangan pa namin mag ligpit sa loob which did not require as much time dahil hello?! 11 kaya kaming nakilos!

 

Tinulungan kami ng ibang staff upang i-set up na yung bonfire. Tuwang tuwa lang ang mga kaibigan namin sa laki ng apoy.

 

Kunwari pa ako, fascinated din naman!

 

“Ang laki! Tapos ang init!” amused kong sabi na kinatawa ng mga katabi ko.

 

“Malamang mainit! Apoy kaya ‘yan.” tugon agad ni Chaewon, nakipag high five naman ang katabi ko sa kabila sa pinsan niya, tumatawa na rin ngayon.

 

“Cute talaga, Kuya!” unbothered kong sabi. Dedma sa mga side comments d’yan, ang angas talaga kasi ng apoy! “P’wede ko i-touch, Kuya?” habol ko pa nang matapos si Kuya Staff na mag lagay ng kahoy.

 

Mahina siyang natawa at napahawak sa batok, “Baka mapaso ka, Ma’am.” I pouted dahil sa sagot nito.

 

“Pasensya na, Kuya…” rinig kong sabi ni Winter sa tabi ko, tumawa lang naman si Kuya Staff bago tumango at nag paalam na. Jeno made sure to give him a tip for helping us build up the bonfire before he left.

 

Naka paikot na kaming lahat ngayon at may kanya-kanyang pang latag na inuupuan.

 

We’re just a few meters away from the sea, keeping a safe distance in case lumakas ang alon. High tide pa naman na.

 

Madilim na sa dagat, ang tanging nag sisilbing ilaw sa amin ay ang bonfire sa harap namin at ang iba’t ibang kulay ng bluetooth speaker na dala ni Ningning.

 

Sineset-up pa nila ang dala ni Yunjin na laptop table na papatungan ng alak. Napahagikgik ako nung sinabi nila ‘to kanina. Ang unserious kasi! Ba’t naman mag dadala ng laptop table si Yunjin eh wala nga siyang dalang laptop?

 

Sabi lang ng kaibigan ko, dinala niya kasi baka magamit sa inuman.

 

At tama naman siya.

 

“Ano gusto niyong pakinggan as of the moment?” tanong ni Ning after kumonekta sa speaker. I shrugged my shoulders nang mag tama ang tingin namin. Wala naman akong specific na genre na gustong pakinggan ngayon.

 

“Anything cheerful, I guess?” sagot ni Giselle sa almost lover niya. Sumunod naman agad ni Ning at nakangiting nag shuffle sa playlist niya.

 

Familiar ako sa intro ng kanta. Rinig ko pang sabay na tumawa ang mag pinsan sa magkabila kong side kaya na-curious naman ako kung bakit ganoon ang reaction nila.

 

“Everybody, sabay-sabay!” sabi ni Ning, ginaya niya pa talaga yung accent ni Toni Gonzaga na naging sanhi para makisabay ako sa tawanan nila, pero hindi ko pa rin gets ang full context.

 

“Lagi nalang kitang inaaway, ‘di mo man lang ba ako papansinin? Lahat na nga ginagawa para lang mapuna, pero nauuwi lamang ang lahat sa alitan!” sabay-sabay na pag awit ng magt-tropang Doktor. Kahit nga si Chaewon at Yunjin ay nakikisabay. Si Jeno, nakikitawa lang. Si Giselle, inaawitan na ni Ning. Habang si Wonyoung, hindi na napigilan ang sarili at nag video na.

 

Natawa ako nang maalala yung kanta.

 

Na-LSS si Winter dati dito!

 

“Alam mo naman na love kita, cute mo ‘pag nagagalit ka! Halika nga ihahug kita, ‘wag ka nang magtatampo.” they kept singing in unison. Nakangiting nakikinig lang naman ako sa kanila hanggang sa nakaramdam ako ng kalabit mula sa kabila kong braso.

 

Lumingon agad ako kay Winter.

 

“Isa lang maman ang nais ko, oh-oh-oh. Lambingin mo naman ako.” she sang the verse while staring me down. Malaki ang ngiti nito sa labi nang tinawanan ko siya. 

 

She’s so silly!

 

Natapos din namin ang kanta, everyone burst out laughing tapos nasundan pa ng Stupid Love yung kanta.

 

Nakailang sigaw din kami ng, “Istuped!” 

 

After ng Stupid Love, hininaan na ni Ning ang kanina pa niyang naka full volume na speaker dahil sinabi ni Giselle. Naka settle na kasi yung alcohol beverage sa laptop table.

 

“What game are we gonna play?” tanong agad ni Yunjin. Minamata na agad yung tequila sa table namin.

 

“Required ba? Can’t we just get drunk until we forget how to get home?” Jaemin joked, a few agreed with him. 

 

“Tapos I’ll be the one to carry you into our room? Hard pass, bro!” pakikipag-talo agad ni Yujin na roommate ni Jaemin. 

 

“How sure are you that you won’t get wasted yourself?” nakisali na si Jeno na roommate rin nilang dalawa.

 

“How sure are you?” irap pa ni Yujin sa kaibigan ko.

 

Right… Lightweight drinker si Jeno. He’s a conservative type of guy, and because he’s the only child, his parents are very strict with him. He didn’t drink alcohol till he was 21 years old which is debut niya. Kahit nung umattend siya ng debut namin ni Giselle, hindi siya uminom. 

 

He became drunk on the first night he drank alcohol with 5 shots of tequila. Tequila is definitely not his bestest acquaintance. Baka the next thing na alam namin, nasuka na ‘to sa tabing dagat.

 

Hay nako! Ang laki laki pa naman niyang talo, buti na lang maraming tutulong if ever ngang malasing ang kaibigan namin.

 

“Plus games have a too-college vibe. Hindi na tayo bagets!” dagdag pa ni Yujin nang hindi siya sagutin ni Jeno.

 

Natawa naman si Wonyoung, “Grabe. Akala mo naman we’re that old, mid-twenties pa lang naman tayo.” she humbly stated.

 

Tumango naman si Yunjin, “Tama, tsaka bawal mag lasing agad! May Christmas Party pa.” paalala niya sa amin. Dala na namin ang mga nakabalot na naming regalo para sa mga nabunot namin.

 

Namention ko naman noon na si Yunjin ang nabunot ko. Limited time lang ang mayroon ako para mag hanap kaya ang binili ko…

 

Ballpen!

 

Funny lang dahil nasabi ko na noon na hindi ko siya bibilhan ng mamahaling ballpen dahil she frequently misplaces them tapos hindi na namin nahahanap, pero ang cute kasi!

 

Normal office pen lang naman siya, pero mabigat dahil high quality. Tapos may nakasabit na beaded keychain tapos pinalagay ko yung surname niya.

 

Ang cute kasi, yung nakalagay sa keychain ay HUH.

 

Napahagikgik ako sa ginawa ko. At least pangalan niya pa rin ‘to!

 

Tsaka 2.5K kaya ‘to, tapos ang mahal pa ng letters para sa keychain. 150 per letter, kaya imbes na Yunjin ay Huh na lang ang pinalagay ko. Let’s not be impractical, guys.

 

Mahal diba? Wala kasing mura sa La Union!

 

Mahal din ng alak nila, hindi naman ako malalasing dito.

 

Well… Tequila naman, so hindi ko pa rin sigurado. Pero wala rin naman akong planong malasing, cinoconsider ko pa rin dahil marami kaming kasamang gusto uminom ng marami. I have to be careful because who would bring them home kung malalasing kaming lahat? 

 

I heard Giselle clear kaya napatingin ako sa kanya, “Ganito na lang, we’ll have to tell a random fact about ourselves before we take the shot.”

 

“That’s so basic.” ungot agad ni Jeno na nakapangamot na sa leeg. “Basic ka d’yan, sige, 2 shots ng tequila sa hindi makakasagot.” Giselle rolled her eyes pero tinuloy pa rin ang sasabihin, “The twist? Dapat connected sa sinabi ng katabi mo yung sasabihin mo.” dagdag niya pa.

 

“Paano naging random ‘yon?” Winter joined them. Oo nga naman, akala ko ba random fact about yourself?

 

Giselle could only shrug her shoulders, “Random pa rin naman pero may twist? Theme? Basta! Besides, it allows us to get to know each other better.” sabi pa ng best friend ko na tinanguan ng almost lover niya.

 

“Sample nga.” medyo lost pa rin na sambit ni Ryujin. Gets ko naman yung sinasabi ni Giselle. Naguguluhan lang siguro yung iba sa amin dahil downtime na, mga sabog na sila.

 

“Kunwari, Yunjin mentioned na she used to perform opera, which is classical diba? Edi Winter next to her could say that she can play the piano, and Karina might follow it up by saying something like she likes Chopin, who was a piano composer, and so on.” Giselle emphasized sa bawat word para hindi na sila malito.

 

“So, titigil lang tayo sa certain topic kapag wala nang nasabi yung katabi mo? Tapos bawal ulitin yung nasabi na?” tanong ni Yujin na tinanguan ni Giselle.

 

Mukhang wala namang angal ang lahat, at just like that, nag simula ang ikot.

 

Inabot ni Jeno sa katabi niyang si Jaemin yung shot glass. Sakto lang yung tagay niya, hindi gaanong nakakawindang sa taas, pero hindi rin naman sobrang baba.

 

May iba’t ibang way ng pag shot ng tequila, wala naman silang paki kung paano namin ‘to gagawin. Si Jaemin, he just clings to the classic. Yung nasa gilid na ng shot glass yung asin, tapos nasa gilid na rin yung lemon— naka sabit lang.

 

“Mahilig ako sa kape. I could easily consume 5 or more cups of hot coffee every day, tapos may 8 shots of espresso.” napangiwi ako sa sinabi niyang 8 shots of espresso. Suki siguro ng palpitations ‘to. Grabe naman kasi, 8 shots?!

 

“8 shots?! Buong cup na yata ng espresso ‘yan.” gulat na giit ni Chaewon bago namin lahat pinanood si Jaemin na i-down ang tequila shot niya.

 

“Natikman ko na kape niya noon, lasang kamatayan ko na.” Yujin implored na tinawanan naming lahat. 

 

“616 mg is contained in 8 shots of espresso. Caffeine is a stimulant. A dose of 250-500mg could cause some of the following mild to moderate symptoms, especially in people who have no tolerance. Caffeine intoxication is a state of over-stimulation of the central nervous system caused by a caffeine overdose. Nag alala si Mama sa health ko kaya ni-limit ko ang sarili sa dalawang cup ng coffee na lang a day.” Jaemin tried to elaborate. Tango-tango naman ako sa biglaang pag lesson niya about caffeine overdose.

 

Pag tapos marefill ang shot glass, pinasa agad ‘to kay Winter na kasalukuyan kong katabi.

 

“In relation to that, I actually used to work in a coffee shop nung college ako. Nag tampo kasi si Mama sa ‘kin dahil hindi ako nag take ng pre-law course kaya hindi niya ako binibigyan ng allowance, I had to work part-time.” Winter admitted nang mahawakan niya yung shot glass.

 

“What? Hindi ko ‘to alam!” reklamo agad ni Yujin. Natawa lang naman si Ning at RJ na college friends ni Winter dahil sa sinabi niya.

 

“Hindi ka rin binibigyan ng father mo?” karagdagang tanong ni Yunjin. Mukhang invested na rin. 

 

“Under ‘yon kay Mama kaya kahit labag sa loob niya, hindi niya ako binibigyan.” Winter said nonchalantly. Hindi naman na sensitive topic ‘tong issue dahil matagal nang resolved.

 

“Nag offer naman ang mga kapatid niyang hatian siya sa monthly allowance nila, pero tumanggi si Winter dahil isa rin siyang matigas ang ulo.” dagdag ni Chaewon. Tama naman siya, sobrang stubborn ni Winter. Nagpapataas lang sila ng pride ni Tita. “Actually nga, sa sobrang stubborn niya, ginusto niyang lumayas ng bahay nila tapos sa amin muna raw siya. Sabi ko nga hindi naman pag lalayas ‘yon dahil mag kapit-bahay lang kami, kumabilang street lang siya.” pang lalaglag ni Chaewon sa pinsan niya.

 

Nakakuha ito ng hagikgikan sa aming nakapaikot ngayon, yung iba, hindi inexpect na may ganoong side pala si Winter.

 

Madilim na, pero nakikita ko pa rin na medyo namumula na ngayon ang mga pisngi ni Winter kahit hindi pa niya iniinom ang shot niya.

 

“We’re not supposed to discuss that…” nahihiya pa niyang sambit.

 

Inabot na sa kanya ni Jeno ang bowl kung saan naka lagay ang asin. It’s up to her how she drinks the tequila shot.

 

“Karina.” tawag niya sa pangalan ko.

 

“Yeah?” mahina kong sagot, pinapanood lang siyang lumapit sa ‘kin. My eyes slightly widened, and I could feel the tip of my ears burning when she held my jaw so I could stay still— She took an ice cube and softly pushed it against my right jaw for a few seconds. Hindi ko nga maramdaman ang lamig nun, naramdaman ko na lang na pinahiran niya ‘to ng asin.

 

I could feel a couple of eyes on us, but Winter paid no attention to them.

 

Dinown niya agad ang tequila shot niya, nakita ko kung paano siya ngumiwi, dahil siguro sa tapang ng alak.

 

“Okay lang?” she gestured for the salt she applied to my jaw, unconsciously na lang akong napatango.

 

What she did was quick, she just the salt she had placed on my jaw until it was gone. Tapos kumagat na siya sa lemon niya.

 

Grabe, ang init ng bonfire, ‘no?

 

Tumuloy ang ikot. Kung ang mundo nga hindi titigil kahit ano pang problema ang dumating sa ‘kin, tapos ikot sa inuman kaya titigil dahil sa pagiging bakla ko?

 

Ang dami ko ngang tawa dahil after ni Winter, wala na kaming masabing related sa kape. 

 

“Favorite kong coffee shop ang Tim Hortons.”

 

“Akin naman, Starbucks.”

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
685 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
685 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
685 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2143 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh