I do, too

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

Wala pang araw. 

 

Natatanaw ko mula sa bintana ng locker room na madilim pa sa labas, yakap-yakap pa rin ng kadiliman ang kalangitan. I mean, figured naman na rin dahil hindi pa naman talaga umaga. Madaling araw kasi plinanong mag hit ng road ng mga Lawyers, para na rin daw iwas traffic dahil nga malapit na rin ang pasko.

 

Antok na antok na nga ako, ginagaslight ko na lang yata ang sarili ko na kaya ko pang hindi matulog dahil sandali nalang din naman at darating na ang sundo namin.

 

Tsaka at least, tapos na yung shift ko. Apat na araw ding putol putol ang tulog ko. At ang masasabi ko lang sa gustong sumubok nito, huwag! Unless may lakad kayo kasama ang ex niyong maganda na 6-digits ang monthly sahod.

 

Joke lang! 

 

Pero seryoso yung 6-digits na paycheck.

 

Pati na rin yung maganda siya.

 

Grabe lang talaga, nagawa ko pang maging malandi kahit na hindi ko na maramdaman ang mga paa ko.

 

Humiga na lang ako sa bench katapat ng locker ko habang hinihintay matapos ang mga kaibigan ko sa shift nila. Si Ryujin talaga kanina pa ‘yon tapos, naligo pa yata ‘yon dahil naririnig kong nag r-run ang shower dahil sa sobrang katahimikan sa kwarto. 

 

Hinihintay pa namin si Jaemin at Yujin matapos, silang dalawa kasi ang iba ang resident dito. Tsaka si Soyeon, hindi talaga makakasama ang gaga dahil may dinner date raw sila ni Yuqi kasama families nila sa mismong pasko. Bawi na lang daw siya sa New Year na medyo birthday ko.

 

Kainis talaga ‘yon!

 

Pero grabe, malapit na naman pala ang kaarawan ko. Hindi pa ako ready tumanda na naman! I miss being young sometimes, I miss my youth. Yung mga panahon na ang pinoproblema ko pa ay kung ia-approve ba ng professor ko ang research title namin, o kaya kung ano pa ba ang p’wede kong iregalo kay Karina sa mga dadaan na monthsary namin, o kaya sa pasko, o kaya naman sa birthday niya.

 

I mean, yeah, hindi naman required na bigyan mo ng regalo ang partner mo kada may occasions, pero kasi part na siya ng routine at love language ko. 

 

I enjoy giving. So much. Lalo na kapag si Karina ang tumatanggap.

 

She deserves everything I have to offer.

 

Ano kayang ireregalo ko sa kanya sa pasko?

 

“Puta, ang lamig ng tubig sa shower.” bungad ni Ryujin na bihis na bihis, may naka pulupot na towel sa leeg niya habang nag susuot siya ng belt sa pantalon niya.

 

“What would be the ideal present for Karina?” basag ko naman ulit sa katahimikan. Umupo na ito ngayon sa pinaka dulo ng bench na kasalukuyan kong hinihigaan.

 

Ipinatong ko ang ulo ko sa binti ng kaibigan habang nag susuklay at nag papatuyo ito ng buhok.

 

“All of the sudden?” she chuckled habang patuloy pa rin sa ginagawa, “Alam ko na, sarili mo!” sabi nito na naging sanhi upang umupo ako sa pag kakahiga, I looked at her, shell-shocked.

 

“Ano? Suggestion lang naman.” dagdag pa nito bago sapilitang hiniga ako sa isang binti niya.

 

“What about the journal you’ve been keeping? Yung araw-araw mong sinusulatan?” sabi ng kaibigan, straight pa talaga ang face niya habang sinasabi ‘to na para bang wala siyang sinabing nakakagulat.

 

“How did you find that out?!” gulat na tugon ko at gulat muling napa upo. 

 

Natawa lang ang kaibigan bago ulit ako pinahiga sa legs niya. “I mean, it’s not like you’re particularly skilled at hiding it,” she said, may malokong ngiti pa rin sa mga labi. “Ilang beses na yata kitang nakitang nag susulat dun, I may or may not have read a couple sections.” natatawang dagdag pa nito na naging dahilan para kurutin ko siya.

 

“Of course you have!” I said, stunned. “Yes, at least a couple of times.” pag amin naman niya.

 

Tangina naman!

 

Seryoso, hindi ko naman talaga tinatago pero nahihiya pa rin ako na may iba palang nakakabasa nun, tsaka ba’t kaya napaka usisera ni Ryujin? Hindi naman para sa kanya pero nakikibasa siya!

 

Now that I think about it, ayon na lang kaya?

 

Ang tagal na rin pala ng sinimulan ko ‘yon. Ito na yung chance eh, sasayangin ko pa ba?

 

Tsaka mababasa at mababasa pa rin naman niya ‘yon, mas okay na sa ‘kin niya muna malaman. Ayon naman ang mas gusto ko.

 

Ang balitang nasagap ko sa haliparot kong kaibigan, may plano raw na Christmas Santa ang mga abogado naming kasama.

 

Sana naman palarin ako, sana mabunot ko siya.

 

Kasi kung hindi, ba’t ako papayag? Gagawa ako ng paraan!

 

Ning Yizhuo, tulungan mo ako!

 

 

 

 

 

“All set?” tanong ni Karina mula sa driver’s seat, she’s dressed casually in a dark fitting sweater and pants. Naka cap din ito, snapback.

 

“All goods, captain.” sumaludo si Jaemin na nasa pinaka likuran, katabi niya si Ryujin sa isang sa side, tsaka pina-gigitnaan naman nila ni Yujin si Jeno na tulog na sa likod.

 

Si Yujin, nag thumbs up lang, mukhang pagod na rin at susunod na kay Jeno.

 

Ala una pa lang ng madaling araw, madilim pa talaga ang daan, at karamihan sa amin ay katatapos pa lang ng trabaho.

 

“Kayo d’yan?” tanong ulit ni Karina sa nasa backseat— sina Yunjin, Chaewon, Ningning, at Giselle. May suot na eye mask sa ulo si Chaewon, mukhang ready na rin umidlip maya-maya, si Ning naman ay nakasuot na ng isang AirPods. Akala ko nga nawawalan na naman siya ng isa, pero nasa kabilang tenga lang pala ‘to ng katabi niyang si Giselle. 

 

“Ito, gutom.” wala sa topic na sagot ni Yunjin na tinawanan namin. “Ako rin, is there any way we could eat before we leave?” nagulat ako dahil biglang nag salita si Jeno sa likuran. Akala ko tulog?

 

“Go to sleep, Jeno Lee.” asar ni Jaemin na katabi nito.

 

Tumingin si Karina sa dashboard ng kotse bago muling binalik ang atensyon sa mga kaibigan namin, “We could… Although I doubt there’s much available at this hour.” sabi nito, nag simula nang mag ingay ang mga kasama namin sa kotse kung saan kami kakain.

 

“This is why I said we should eat first before coming here.” giit ng pinsan ko, ngayon ko lang napansin na wala siya sa gilid ng bintana kung saan lagi siyang umuupo. Halos sakalin na nga niya ako kapag inuunahan ko siya sa seat na gumigilid sa bintana tuwing may family outing kami.

 

Again, grabe talaga ang nagagawa ng kabaklaan sa isang tao, ‘no? Pasalamat siya suportado ako sa kalandian niya kay Yunjin, at pasalamat siyang Doktor ang pinsan niya.

 

May kinalkal pa ako sa pocket ng bag ko habang nag dedebate sila kung saan kami mag d-drive through. Ayon ang sabi nila, para raw hindi na kami matagalan.

 

“Ssamu, bonamine. Just in case.” sabi ko sa pinsan bago inabot na rin sa kanya ang bitbit kong bottled water. Nakita ko pa kung paano ngumiti si Yunjin sa narinig nitong nickname.

 

“Not that nickname again…” she sighed bago ito tinanggap at nag pasalamat. Narinig ko pang inuulit-ulit ito sa kanya ni Yunjin.

 

Natahimik na pala ang mga maiingay naming kasama, lahat ay nag agree na mag McDonald’s na lang dahil ayon ang may maraming options, tsaka ayon din ang pinaka malapit.

 

Chika ko lang, nag mahal na yung Mix&Match nila. 4 pesos din ang tinaas, dating 75 naging 79 na. Grabe na talaga ang inflation sa Pilipinas!

 

Anyway, buti naman at nakapili na sila ng kakainan, kanina pa kami nasa carpark ng Hospital eh.

 

“Why isn’t your friend, the Engineer, joining us?” tanong ni Karina bago hinatak ang handbrake pataas.

 

“Ah, may meeting pa raw kasi sila ng boards, susunod na lang daw siya mamaya.” I answered, ayon lang naman ang sinabi sa amin ni Wonyoung. Tsaka nakausap naman na namin yung owner ng Villa so wala na kaming problema ukol doon.

 

“You can say her name, you know?” bulong ni Giselle na hindi naman nag tunog bulong dahil narinig ko pa rin.

 

“Saying her name gives her power.” bulong pabalik ni Karina sa best friend niya na naging sanhi upang kumunot ang noo ko.

 

Huh? Do we have the same person in mind? Si Wonyoung pa ba pinag-uusapan namin? Lost ako ah.

 

Pero ayon nga, gaya ng plano, nag maneho si Karina patungo sa pinaka malapit na McDonald’s. Sa dami namin, 5 minutes bago kami nakapag order lahat. Nakakahiya talaga ang mga ‘to, si Karina pa ang pinag bayad nila eh halos 3K din yung bill namin.

 

Pinigilan ko pa nga si Karina na bayaran yung sa mga kaibigan ko, nag insist talaga ako na ako na ang mag babayad, pero ayaw naman niya pumayag!

 

Aba, ang mga makakapal kong kaibigan may side comments pa.

 

“Kung mapilit ka, ikaw na lang mag bayad ng pang gas natin.” si Jaemin.

 

“Oo na, sige na, ikaw na mag babayad sa next snacks natin.” si Ning.

 

“Para kayong mag asawa mag away.” si Chaewon.

 

Tangina lang!

 

Nag init tuloy ang mga tenga ko kahit na ang lamig lamig sa upuan ko. 

 

Hindi rin naman mahaba ang pila sa McDonald’s drive-through. Ta-tatlong kotse na lang yata kami rito, anong oras na rin kasi.

 

Hinayaan ko na si Karina ang mag order para sa ‘kin. Hindi naman ako ganoon kagutom dahil nag kape ako an hour ago, tsaka siya naman ang nag bayad, parang nakakahiya lang.

 

Tsaka hindi naman ako picky eater! Siya ‘yon!

 

“Winter, I ordered a cheeseburger, for sure may onions na naman. Could you please remove them for me?” pacute pa nitong sabi. Oh, hindi ba! Kakasabi ko lang!

 

“Sige lang.” sagot ko pa rin. Ngumiti ito sa ‘kin habang tinutulugan ko siya sa meals ng mga kaibigan namin. “Pati na rin ang pickle slices?” tumango ulit ako. “And mustard?” tango ulit.

 

“Really? You’re like a saint.” she beamed. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Ang OA ng saint ah! Sanay naman na ako sa paganyan-ganyan niya kahit noong kami pa. Lagi ako ang kumakain ng mga ayaw niyang kainin.

 

Gaya na lang ng onions sa cheeseburger, pickle slices, pati seasonings sa pancit canton pinipili pa niya!

 

“Minjeong was the only person who could tolerate your kaartehan.” kumento ni Giselle na binubuksan yung wrapper ng chicken sandwich ni Ning as if walang kamay ang kaibigan ko. “You should reward her.” dagdag pa nito.

 

Hala siya? Hindi naman kailangan! 

 

“I bought her a lot of happy meals, para palagi siyang masaya.” Karina joked, wait, joke ba ‘yon? Ba’t may hawak-hawak siyang supot ng McDonald’s? Saan galing ‘yon? Nag order kami nun?

 

Inabot niya sa ‘kin yung supot, at bakla ka! May dalawang happy meal na box dun. Tapos ang bigat parehas, pag bukas ko, bumungad sa ‘kin ang napaka raming set of toys ng Super Mario. May laruan na Mario Stacking Game, Peach Castle Race, Pop-Up Yoshi, Super Star Target Game, Super Mario Cube, mayroon ding Luigi.

 

Lahat yata ng available ay binili niya! 

 

Nakwento ko nga sa kanya na tuwing free time ko, nanonood ako ng Super Mario sa Tiktok, yung mga duets na may cartoons tapos may slime sa kabila. Gets ba? Basta ganoon!

 

Anong gagawin ko sa lahat ng ‘to? 

 

“Ang cute!” sambit ni Ning at hiniram pa yung isang toy, yung Pop-Up Yoshi. Ngiting-ngiti lang si Karina habang finifigure out ko kung saan ilalagay lahat ‘yon. 

 

“Wait, wait, wait.” Yunjin chimed, may pa-hand gesture pa siya. “I can make, like, a jumping Mario sound,” excited na sabi nito, “With my nose.” dagdag niya na naging dahilan upang mapa-hagikgik ako.

 

“Sample!” sigaw ni Jaemin sa likod. 

 

“Well, I have to warm it up though, I don’t know if my nose is ready.” she giggles then pinched her own nose.

 

She created a jumping Mario sound, just like she mentioned earlier. As in, gayang gaya talaga! Weird ng talent niya pero amusing din at the same time.

 

“Ssamu, can you do the jumping for me?”

 

Nung una, ayaw pumayag ni Chaewon dahil nahihiya raw siya, pero gumiba rin ang bangs niya nung nag pretty eyes ang katabi niya.

 

Gayang gaya ng pinsan ko yung talon sa Mario Cart! Sayang hindi ko na video-han. Sakto pa naman dahil naka pula siya ngayon. Ikakalat ko sana sa angkan namin. 

 

Buhay na buhay lang ang mga kasama namin sa kotse, sabagay, isang oras pa lang naman ang nakakalipas simula nang maka gayak kami sa Ermita.

 

Pina-connect na rin ako ni Karina sa car stereo, kung anu-ano lang naman ang nag p-play sa liked songs ko. Sorted kasi ang playlist ko, pero as of now, wala raw silang trip pakinggan so okay lang sila sa kahit anong genre.

 

Yung mga nag p-play tuloy ngayon, classics.

 

Zac Efron, High School Musical.

 

Na hype ang lahat sa instrumental pa lang ng kanta sa simula.

 

“Troy, listen!” sabay-sabay naming sabi. 

 

“I’ve got to move on and be who I am, I just don’t belong here, I hope you understand!” 

 

Pati si Karina ay nakiki sabay din sa biglaang karaoke session na ginaganap ngayon sa sasakyan. Ang i-ingay lang namin, akala mo ay hindi alas dos ng madaling araw ngayon dahil napaka rami naming energy.

 

Kabisadong kabisado nila ang lyrics, lalo na si Ning at Ryujin na High School Musical kids.

 

“But at least for now, I gotta go my own way!” hiyaw nila, natatawa na lang si Jeno at Jaemin ngayon. “Troy, pasok!” tinapik ni Giselle si Karina, mukhang nakuha naman ng katabi ko ang mensahe na gustong iparating ng kaibigan niya kaya she cleared .

 

“What about us? What about everything we’ve been through?” she sang, pinasadahan niya pa ako ng tingin, parang gusto pa niya yata akong gawing Gabriella ng Troy niya.

 

Challenge accepted.

 

“What about trust?” pag kanta ko, sinubukan ko talagang taasan kagaya ng boses ni Gabriella.

 

“You know I never wanted to hurt you.” bagay na bagay lang yung lalim ng boses ni Karina sa parts ni Zac Efron sa kanta.

 

Nag harmonize pa kaming lahat sa I gotta leave but I’ll miss you ni Vanessa bago namin tinapos ang kanta. The entire car burst out laughing and giggling. Si Chaewon at Ning nga ay nag hahampasan pa kakatawa. Parang naramdaman ko ngang umalog ang sasakyan kaya sinabihan sila ni Karina na kumalma muna.

 

“Ano pinaalam niyo sa mga nanay niyo?” tanong ni Yujin mula sa likod. Nakita ko sa rearview mirror na nilingon siya ni Yunjin.

 

“Seryoso, Dr. An? Bente singko ka na nag papaalam ka pa rin sa nanay mo?” asar agad ni Yunjin sa kanya. Hanga rin ako sa pagiging makulit ng potential love interest ng pinsan ko ah, para siyang si Ning pero sa side ng tropahan naman ni Karina. It’s great to see our friends getting along better.

 

“Grabe may pag reveal ng age…” natatawang saad ni Yujin dito. “Ang pababy naman, Yujin. Nag paalam ka pa sa Mama mo?” gatong pa ni Ryujin.

 

“Malamang! Only child kaya ako, hindi ka lang relate kasi hindi ka paborito eh.” Yujin argued, sinubukan tuloy siyang hampasin ni Ryujin pero si Jeno ang tinamaan niya.

 

“Paalam ko sa nanay ko, field trip.” si Ning.

 

“Field trip amputa, hindi ka naman High School.” si Yujin.

 

“Field trip tapos sa La Union? Iba ka, girl!” si Chaewon.

 

Pinag tutulungan na lang nila palagi yung isa, maaawa na sana ako pero madalas pala ako bigyan ng problema niyan.

 

“Dami niyo namang sinasabi eh kayo kaya nag tanong!” nag u-usok na ang ilong ni Ning dahil sa asaran nila.

 

Isang oras pa ulit ang lumipas, onti-onti nang nababawasan ang mga gising. So far, may apat na tulog na. Yung mga nasa last row ng SUV, bagsak na. Suot na naman ni Jaemin ang napaka laki niyang headphones habang naka pikit.

 

Yung mga tao sa second row, buhay na buhay pa ang kalandian sa katawan. Si Ning nga kanina ko pa naririnig na mag baby talk habang kausap si Giselle, tapos si Yunjin at Chaewon nag lalaro ng Uno sa cellphone.

 

Hininaan ko ang volume ng car stereo, mukhang mahimbing ang tulog ng mga tao sa last row. Tsaka nag lipat na rin ako sa playlist na chill lang, light sleeper kasi si Yujin kagaya ko, tsaka siya ang may pinaka maikling pahinga sa aming apat dahil may 14-hour surgery siya kanina lang. 

 

Si Ryujin naman kahit sumabog na ang kalan niya sa kusina, hindi pa rin nagigising ‘yan. Pasalamat talaga ‘yan kasi kasabay ko lagi kapag on-call kami, hindi niya kasi naririnig na nag r-ring na pala ang pager niya. Imbes tuloy na makakapag pahinga ako sa on-call room, ako pa yung nagiging taga gising niya.

 

Lumipas pa ang isa pang oras, malapit na kami sa Norte. Lahat sila tulog na rin, nag suot na nga ng specs si Karina dahil mukhang pagod na rin.

 

Kanina pa kami tahimik.

 

Safe naman kung kakausapin ko siya, hindi ba?

 

Harmless naman kung mag t-try ako makipag converse.

 

I mean, ayaw ko lang naman na antukin siya since marami kami rito, it is best to keep her entertained, ‘no?

 

Teka, wala kasi akong baon today. Ano bang p’wedeg i-chika ko? Wala namang ganap sa apat na araw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
681 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
681 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
681 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2139 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh