Ayaw kong natutulog ka na hindi tayo okay

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

The dismissal bell rang, and it didn’t take long for the Atty. Choi to dismiss us sa huling klase namin ngayong araw. Humabol pa nga ng tingin ito sa gawi ko habang inaayos ko ang gamit ko. Hindi lang pala sa gawi ko, ako pala talaga ang tinitignan niya.

 

“I think you are Attorney’s new favorite student to torment, thank you for saving me, K.” rinig kong sambit ni Jeno sa likod ko. Kita ko pa sa peripheral vision ko na inaayos niya na rin ang mga papers niya sa isang clear folder bago ito ilagay sa laptop bag niya.

 

“Oh, shut up, will you?” irap ko sa kaibigan habang patuloy lang sa pag aayos ng gamit.

 

Hindi rin nag tagal at natapos kaming dalawa ng kaibigan kong mag ayos ng kanya-kanya naming gamit, lahat nasa bag na at handa nang umalis.

 

Saktong pag tayo ko naman ay nag ring ang cellphone ko, napatingin din tuloy si Jeno sa ‘kin. “Hold on, it’s G.” maikli kong anunsyo bago sinagot ang tawag.

 

Wala na rin namang tao sa loob ng room kaya okay lang mag take ng calls. Lumapit na muli si Jeno para mahagip siya sa naka on kong front camera.

 

“What’s up, Atenean? How’s law school treating you?” tanong agad ni Giselle the moment she saw my face. “And you?” dagdag na tanong naman niya nang makita na si Jeno.

 

“Harsh.” si Jeno.

 

“Tormenting.” sarkastiko kong banggit na kinatawa ng katabi ko. Siniko ko siya kadahilanan para mas lumakas ang tawa niya, natawa na rin tuloy si Giselle kahit hindi niya alam ang context.

 

“I don’t know what’s so funny, but J’s laugh cracks me up more.” mangiyak-ngiyak na sabi ni Giselle sa kabilang linya.

 

Medyo tumagal pa kami sa loob ng room dahil kwinento ni Jeno ang nangyaring 1 hour recit ko kanina, dalawa na silang masaya ngayon kahit na kanina ko pa sila tinatarayan.

 

“Enough about me, how’s Stanford, G?” subok kong pag-iiba ng topic na mukhang gumana naman. 

 

“Stanford is wonderful! It’s so big that I get lost every time!” she exclaimed, lumabas na rin kami ng room ni Jeno bago pa kami abutan ng ibang staff na naka tambay pa doon kahit na tapos na ang classes namin.

 

“Oh, you two should have seen the library! Sobrang laki and I think nandon na lahat ng books na hinahanap ko for my research!” dagdag pa niya hanggang sa makarating na kami sa parking lot ng Ateneo.

 

“G…” mahinang tawag ko sa kanya, medyo nag aalangan pa dahil isang buong linggo rin kaming walang time para man lang makapag-kamustahan. “Going home already?” 

 

Tumango si Jeno. “Don’t look at me with those sad little puppy eyes, Uchinaga Aeri. I’ve got a stack of books to read.” Jeno chuckled habang nilalagay ang gamit niya sa passenger seat ng kotse niya.

 

Napatawa naman ako ng mahina nang ako na ang tignan niya through my phone screen. “That won’t work on me, G.” maikli kong tugon. 

 

“Dali na, Jeno Lee! Alam mo naman only Minjeong’s puppy eyes can work on Katarina. I have no one to talk to.“

 

“Uh, how about no? Go bother your girlfriend or something.” distracted na sagot ni Jeno, patuloy pa rin sa ginagawa niya sa shotgun. 

 

“They’re still on a fight.” ako na ang sumagot para sa kaibigan namin. “It’s been two weeks, make up already!” frustrated na sabi ni Jeno at kinuha sa ‘kin ang phone.

 

Nag away pa sila ng ilang minuto bago binalik sa ‘kin ni Jeno ang cellphone ko, nakapatay na rin ang tawag dahil mukhang napikon na naman si Giselle sa pangaral ng kaibigan namin.

 

Hindi rin nag tagal at nag paalam sa ‘kin s Jeno, hindi na rin ako tumambay sa parking lot at nag simula nang mag maneho papunta sa bahay nila Winter sa Katipunan.

 

It’s a long drive back papunta sa bahay ng girlfriend ko. Medyo traffic pa sa Makati dahil na rin rush hour na ngayon.

 

Hindi ko na talaga inasahang si Winter ang mag bubukas ng pinto para sa ‘kin. Hindi pa nga siya nakakapag reply sa messages ko kaninang dismissal ko.

 

Wednesday ngayon kaya mas maaga ang uwian niya kesa sa ‘kin. Naka lagay sa schedule niyang may 5 hours Biochemistry siya tsaka Neuroscience II na 2 hours naman ngayong araw. 

 

Kaninang alas dos pa ang uwian niya, nag message siya sa ‘kin na mag-aaral daw siya kaya naman given na hindi siya nakakapag-reply ngayon.

 

Okay lang naman sa ‘kin ang ganoon lalo na’t sinusubukan pa rin naman mag update ni Winter sa ‘kin sa bawat ginagawa niya. Hindi naman ako yung type na nag d-demand ng oras sa girlfriend ko, para naman sa career niya ‘to. 

 

Understandable naman na busy siya lalo na rin at graduating si Winter ngayong year, ilang buwan na lang nga.

 

Back when I was the one graduating, ganito rin ang set-up namin. Si Winter yung madalas mag punta sa bahay namin para dalawin ako. Winter never complains, so I’m doing the same sa kanya.

 

Ganoon naman dapat sa relasyon, give and take.

 

Si Kuya Mingyu ang nag bukas ng pinto sa ‘kin, naka suot ng specs at plain black tee. Agad naman din niya akong nginitian nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto.

 

“Rina, sakto. Aakyatan ko na sana ng pag-kain si Winter, kanina pa walang lunch ‘yon.” giit ng kapatid ng girlfriend ko bago gumilid upang makapasok na ako sa loob.

 

Katahimikan ang sumalubong sa ‘kin. Ang sabi kasi ni Kuya Mingyu, silang dalawa lang ni Winter ang tao ngayon sa bahay. May business trip ang Papa nila at next week pa ang balik kaya naman Mama nila ang nag h-handle sa law firm nila, hindi na nga raw halos umuuwi ito sa bahay. Kung umuuwi naman, hindi raw naaabutan ni Winter.

 

Sina Kuya Doyoung at Ate Jennie, busy sa kanya-kanyang cases lalo na’t high profiled case ang nakuha ni Ate Jennie, unang case niyang ib-broadcast sa news television kaya halos hindi na rin daw umuwi ng bahay kakaaral ng facts about the said case.

 

Si Kuya Mingyu naman nag-aaral din para sa bar exams, may ilang buwan pa naman siya para mag review pero tutok na tutok pa rin sa reviewers niya. 

 

Dala dala ko sa isang kamay ang tray na pinaabot ni Kuya Mingyu sa ‘kin paakyat sa kwarto ni Winter. Ngayon pa lang pala siya kakain ng lunch eh almost dinner na.

 

I knock twice on Winter’s door. Narinig ko naman ang mahina niyang ‘Come in!’ mula sa loob ng kanyang kwarto kaya pinag-buksan ko na ang sarili ko.

 

As expected, puno ng papel ang kwarto niya. May manila papers everywhere lalo na’t malapit na rin ang Final Examinations nila. Ang dami ring sticky notes na naka dikit sa taas monitor niya habang may binabasa siyang libro sa study table niya. 

 

Marahan kong nilapag ang tray ng pag-kain niya sa bed niya, sa sobrang busy ng girlfriend ko ay hindi man lang niya nilingon ang pumasok sa kwarto niya.

 

“Laloves, paano kung serial killer yung kumatok sa kwarto mo tapos sinabihan mong come in?” biro ko agad at nilapatan siya ng halik sa pisngi. She visibly flinches dahil sa ginawa ko na mahinang kinatawa ko naman.

 

I found it amusing how quickly she spun her office chair to face me, there’s a wide smile on her face nang makita niya ako sa harap niya. 

 

“Baby, serial killers don’t knock.” she chuckled still bago ako hilahin para makaupo sa lap niya. “That’s true.” banggit ko pa bago ako ikulong sa yakap ni Winter. 

 

We remained in that position for a few moments, tahimik na hinahaplos ko lang ang leeg ng girlfriend ko habang mahigpit ang kapit niya sa waist ko.

 

“Are you sleeping?”

 

“No, I’m resting lang saglit.” agad na sagot naman nito. “Ikaw ang pahinga ko, diba?” dagdag pa niya.

 

“So, sinong pumapagod sa ‘yo?” pabirong tinanggal ko ang braso niya sa waist ko para umaktong nag tatampo. 

 

Tumawa lang naman siya bago ibalik ang mga braso niya doon. “Itong lintek na passion na ‘to, hindi tayo mapapakain ng putanginang passion na ‘yan!” maloko pa niyang sabi bago niluwagan ang hawak niya sa katawan ko.

 

Marahang tiningala ako ni Winter habang nakaupo pa rin ako sa lap niya, ngiting ngiti ang girlfriend ko habang inaayos ang loose strands of hair sa mukha ko.

 

“Ang ganda mo palagi, baby.” sabi pa nito habang hinahaplos ang kaliwang pisngi ko. 

 

She gently drew me by the back of my neck to capture my lips. Neither of us are moving, she’s simply resting her lips against mine. She withdraws after a brief interval, I heard her sigh pa bago ako niyakap ulit.

 

Mukhang pagod na talaga si Winter.

 

“Take a break with me muna, love? Gusto mo sabayan kita kumain? Or gusto mo mag bubble bath? I-prepare ko yung tub.” sunod sunod na suhestyon ko sa girlfriend ko. 

 

“Kapag ba bubble bath yung pinili ko sasabayan mo pa rin ako?” maloko pang sabi nito na mahina kong kinatawa. 

 

“Minjeong, parang tanga.” mahina ko siyang tinulak bago umalis sa lap niya para mag tungo sa kama. Marahan kong kinuha ang tray ng food niya at nilapag sa bakanteng parte ng study table niya.

 

“Baby, hati na tayo dito. Ang daming nilagay ni Kuya eh.” sambit niya na pinayagan ko na lang.

 

Gaya ng sinabi ko, sinabayan kong kumain ang girlfriend ko. 

 

“Any chikas today, babe?” tanong ni Winter bago kumagat sa french toast niya. 

 

“Oh, my God, love. Law school is harsh, harsh.” reklamo ko agad. “Bakit naman? I mean, oo, mukhang harsh nga base sa kwento nila Ate at Kuya noon pero gusto ko pa ring marinig version mo.” she said, natatawa pa ito habang inaabutan ako ng tubig.

 

“Edi ayon nga, alam mo ba yung recit ko kanina? Sobrang sakit sa ulo.” paninimula ko. “It’s a typical recit day, natawag ako sa isang case. Mahal, you know me, I always study ahead of time.” pinasadahan ko ng tingin si Winter na tumango-tango naman. 

 

“So, alam ko yung case, yung case kasi it includes contract. Ang sabi sa nabasa ko it is valid but it is a subject for approval. Tapos si Attorney, tanong nang tanong if I’m sure na valid ‘yon. Kasi nga raw how come na it’s valid pero hindi pa approved.” I sighed bago nag patuloy. 

 

“Edi napa isip na rin ako, edi sabi ko na lang it’s not valid kasi ang tagal na talaga naming nag babatuhan ng facts about the case. Tapos ayan na naman si Attorney sa tanong niyang sure ba akong not valid, ang sarap na lang sagutin na sa ‘yo lang ako sure—“

 

“Mamaya ka na lumandi, continue.” tinawanan ko ang kumento ng girlfriend ko bago tumango. “It turns out na hindi siya valid or valid dahil it’s negotiable, pero seryoso kasi, hindi ayon ang sinabi sa case kahit na basahin mo pa yung libro ko, love.” I grumbled dahil naalala ko na naman bakit alam na alam ni Attorney yung case.

 

“The plot twist? Isa pala siya sa nag handle ng case na ‘yon kaya alam niya lahat pati yung current status. Love, malay ko bang iniba nila!” giit ko pa at inis na kumagat sa sinusubong toast ng girlfriend ko sa ‘kin. “Stress kay Attorney, 1 hour akong nakipag talo tapos wala naman palang tamang sagot sa libro.” 

 

“Nako, baby, don’t s it.” sabi ni Winter na naging dahilan ng pag kunot ng noo ko. “Sa tagalog, huwag mong dibdibin.” humagikgik siya sa sarili niyang joke. 

 

Mahinang kinurot ko tuloy siya sa braso, “Ayan na naman siya sa kapansanan niya.” asar ko sa kanya.

 

“Grabe ka naman!”

 

 

 

 

Final examinations were getting closer and closer, halos sa Facetime na lang kami nakakapag-usap ni Winter dahil na rin ayaw ko namang gambalain siya sa pag-aaral niya.

 

Sinasamahan ko pa rin siya mag study kahit sa free time ko, pinapaalalahan ko laging mag pahinga rin dahil ganoon naman talaga dapat. 

 

Hindi rin nag tagal, dumaan ang Final examinations. Sa loob ng tatlong examination days, wala kaming matinong usapan ng girlfriend ko.

 

Winter insisted that we go to UST’s Paskuhan kahit na kulang pa rin ang tulog niya. Ika niya, last paskuhan na niya ‘to sa UST bilang college student kaya hindi raw p’wede hindi niya ako madadala dito.

 

Winter spent all four Paskuhan date nights with me. The mere thought of it makes me want to cry.

 

Sobra ng wholesome ng gabing ‘yon.

 

Kung sa tatlong naka lipas na paskuhan, kasama namin ang mga kaibigan namin. Ngayon, kami lang dalawa.

 

It makes my heart happy.

 

Winter makes my heart happy.

 

“Ayaw mo talaga sumama?” she pouted habang hawak-hawak ang handle ng brown suitcase niya. 

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
683 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
683 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
683 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2141 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh