I’ll never go far away from yu

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

For whatever reason, hindi ko naabutan si Karina ngayong umaga. 

 

I feel as if I woke up on the wrong side of the bed dahil bad trip agad ako pag labas ng kwarto. 

 

Mayroon ba ako? Pati kasi yung kulay ng coffee mug ko, nakakairita. Pati yung pusa na design, mahilig kaya ako sa mga pusa! 

 

For whatever reason din, nakakairita ang lasa ng toast bread ko ngayon.

 

Ano bang mayroon ngayong araw at nakakairita ang lahat?

 

Kasalanan ‘to ni Karina dahil hindi niya ako sinabayang mag umagahan.

 

Biro lang, pero seryoso. Nasaan ba ‘yon? Wala naman siyang pasok tuwing Saturday.

 

Naiiritang bumalik ako sa kwarto. Nasaktuhan ko pang tumunog ang alarm clock ko. Sumabay pa sa ingay ang tunog ng telepono kong nag r-ring katabi nito.

 

It’s 6 a.m.

 

Tinapunan ko ng tingin ang telepono ko bago patayin ang ingay ng alarm clock.

 

Si Ningning pala.

 

“Winter?” tawag agad ni Ning sa pangalan ko nang sagutin ko ang tawag niya. “Wala akong pasok, mag e-early lunch tayo mamaya. Bawal humindi, pinaalam ko lang sa ‘yo!”

 

“Okay, Ning…” I managed to say, groaning. Medyo sabog pa ako para sa phone calls. Basta naka rinig ako ng early lunch at bawal humindi.

 

“Saan mo gusto? Nono’s? St. Louis? Denny’s?”

 

“Sa ano na lang…” pumikit ako, scratching my nose. Bakit puro breakfast places around BGC ang binabanggit ni Ning?

 

Again, sabog pa ako kaya hindi ko rin talaga alam kung saan ko gustong mag lunch.

 

I heard Ning’s loud footsteps sa kabilang linya.

 

Nasa bahay nila siguro siya. Wala namang hagdan ang condo niya, pwera na lang kung nag stairs niya pababa instead of using the elevator.

 

“Ikaw na lang ang bahala, Ning.” I finally said. 

 

Nag rant pa si Ning dahil nga maaga raw siyang nagigising kahit na walang pasok. Sanay na sanay na raw ang katawan niya sa puyatan at parang ayaw na matulog.

 

Tama nga akong nasa bahay nila siya, sa BGC lang ‘yon. Kaya pala puro around the area lang ang binabanggit niyang places, ako pa talaga ang mag a-adjust para sa kanya, siya na nga ang nag-yaya.

 

Gulat nga akong umuwi siya sa kanila. Napaka tamad kaya niya. Usually, kapag wala kaming Saturday classes noon ay nag-yayaya lang ‘yan ng walwalan sa condo niya. Minsan, mag-yayaya naman ng sleepover. Reklamo nga nang reklamo si Ryujin kasi raw, matutulog na lang siya sa ibang kwarto pa. Ano ba raw ang mayroon sa kwarto ni Ningning na wala sa kwarto niya?

 

Sagot naman ni Ning, siya raw.

 

Grabe lang ang tawa namin ni Yujin d’yan.

 

Pag baba ng tawag ni Ning, agad akong nag message sa kanya dahil hindi ko natanong kung anong oras kami mamaya.

 

 

Winwin:

Anong oras pala mamaya, Ning?

 

 

Ryushin:

Ang ano?

 

 

Winwin: 

Wrong sent.

 

 

Soyeon:

Sino nag-iba ng nickname mo? @Winwin

 

 

Winwin:

Mama mo.

 

 

Luningning:

10 AM, Win!

 

 

Ryushin:

Saan? Sama ako!

 

 

Yujin bilog:

Sana all walang duty.

 

 

Soyeon: 

Hahaha! Iba ang resident!

 

 

Tinawanan ko lang ang huling chat ni Soyeon at Yujin bago patayin na ulit ang telepono ko.

 

I tossed my phone onto my bed and my air conditioner.

 

Ano kayang p’wedeng gawin? May apat na oras pa ako bago kitain si Ning. That’s a lot of time. 

 

Wala sa sarili na humiga na lang ako ulit sa kama at nag bukas ng laptop. Binuksan ko ang Netflix app habang nag hahanap ng panonoorin. Sigurado naman kasi akong hindi na ako makakatulog kaya manonood na lang ako.

 

After reading each film’s synopsis for several minutes, I finally decided on one.

 

The call.

 

It’s about two women talking on the phone but 20 years apart sabi ng film synopsis. I think connected sila dahil naka tira sila sa iisang bahay. 

 

Thriller at mystery ‘to. Maaga pa naman kaya safe pang manood ako ng nakakatakot.

 

Kapag sobrang natakot ako, aagahan ko na lang makipag kita kay Ning.

 

Oh, si Park Shin-Hye ang bida. I’m already enjoying this.

 

 

A short while has passed since I finished watching the film… Kanina ko pa rin tinititigan ang screen at nag babaka sakaling may post-credits scene. Palagi kasing may ganoon sa Marvel Movies!

 

Wala, walang post-credits scene. 

 

Ang masasabi ko lang ay what the actual ! Ang brutal ng movie, sobrang brutal ng movie!

 

The ending is such a cliffhanger.

 

Kaya rin nag hintay ako kung may post-credits scene dahil hindi ko sigurado kung namatay ba talaga yung nanay ni Seo-yeon. Bigla na lang kasi siyang nag laho habang nag lalakad silang dalawa ni Seo-yeon.

 

Grabe ang inis ko kay Young-sook! Sana pala, hinayaan na lang siya ni Seo-yeon noong may binabalak na masama ang mama niya sa kanya kasi deserve!

 

Overall, the film was entertaining naman. Grabe ang gagaling ng cast eh. Well, as expected! Kasama ba si Park Shin-Hye. 

 

Ma-recommend nga ito sa mga kaibigan ko.

 

 

Winwin:

Napanood niyo na “The call”?

 

 

Soyeon:

Hindi pa, plano ko nga eh

 

 

Ryushin:

Hindi pa rin pero hindi ba’t ayan yung thriller movie na nag-uusap sila through telephone tapos 20 years apart sila? Like nasa past yung ni Girl 1 tapos tumulong siya para ma-prevent yung sunog at maligtas yung papa ni Girl 2 pero noong wala na sa kanya ang atensyon ni Girl 2, pinatay niya tatay ni Girl 2 sa past? Hindi ba ayan ‘yon?

 

 

Winwin:

Amputa.

 

 

Soyeon:

Kwento mo na lang kaya lahat? Nahiya ka pang tangina ka

 

 

Ryushin:

Ay, gago! Sorry!

 

 

Luningning: 

Kaya ayaw ko kasama nanonood ‘yang hinayupak na ‘yan eh. 

 

 

Ryushin:

:((

 

 

Yujin bilog:

Ano meron?

 

 

Hindi na ako nag reply sa group chat namin. Sinilip ko rin ang oras.

 

8 a.m. pa lang? Akala ko ang tagal tagal kong nanonood. Dalawang oras lang pala ang naka lipas.

 

Ayaw ko pa ring maligo, mamaya na bago umalis para isahang bihis na lang. Nakakatamad kayang mag palit-palit ng damit. Nakakatamad ding mag laba!

 

Joke, nag papa-laundry pala ako dahil hindi ako marunong gumamit ng washing machine.

 

I should gather my dirty clothes now that I’ve been reminded of this. Para mapa-dry cleaners ko na bago pa ako mauubusan ng malinis na susuotin.

 

I finally made the decision to clean my room after wasting time na makipag-talo sa sarili kung ano ang gagawin.

 

I groaned bago muling tumayo para i-unat ang mga braso ko. 

 

Tinapunan ko ng tingin ang kama ko. Medyo naiirita ako sa kulay ng bedsheet ko kaya wala sa sariling nag tungo ako sa closet ko kung saan naka tabi ang mga malinis sheets.

 

Wala na rin naman akong ibang maisip na gawin, might as well use my remaining time to change my sheets now para man lang mabawasan ang pagiging iritado ko.

 

Hindi rin naman ako nag tagal sa pag aayos ng bedsheet ko. May maliit na ngiti pa sa labi ko nang matapos ko at mukhang presko tignan ang kama. Ang sarap sarap tulugan. Kung inaantok lang talaga ako ngayon eh!

 

Feeling ko tuloy nag level up na naman ang pagiging independent ko.

 

I stared blankly at my newly covered bedsheet, and I must say, my mood is gradually returning to normal. Sabi na nga ba’t makakatulong ito sa pagiging iritado ko eh!

 

Hindi rin nag tagal nang tumunog ang doorbell kaya dali dali akong nag tungo sa labas ng kwarto para pag buksan si Karina.

 

“Saan ka nang galing— Ning?”

 

I groaned.

 

Akala ko si Karina na.

 

“Win, galing akong bahay. Saan pa ba?” she patted my cheeks a couple of times bago walang hiyang pumasok sa unit namin. 

 

I shut the door rather loudly, causing Ningning to flinch. Sinamaan niya tuloy ako ng tingin.

 

“Wow, huwag mo naman ipahalata na you’re expecting someone else! Busy ang ex mo!” she quickly said. Bahagyang napataas ang kilay ko sa narinig.

 

“Paano mo alam?” patay malisyang tanong ko pa sa kanya.

 

“Source: trust me, bro.” natatawa niyang banggit. May meme reference kasi ‘yon.

 

Naiiling na nilagpasan ko na lang ang kaibigan at nag tungo sa kwarto ko. Ramdam ko namang naka sunod lang siya sa likod ko.

 

Umupo agad ako sa kama nang maka pasok ako sa loob, Ningning’s gaze wandered through the plain walls of my room as if it were her first time here.

 

Akala mo hindi niya muntik sukahan ang kama ko noong lasing siya.

 

I became more upset nang makitang hindi pala sinara ni Ning ang pinto.

 

“Ning, lalabas ang aircon!” I scowled. 

 

Mahina pang tumawa si Ning dahil sa sinabi ko bago sinara ang pinto.

 

Nahagip din ng mga mata ko ang oras, wala pa namang 9 a.m. at hindi naman ito ang plano namin!

 

“Bakit ka nandito?”

 

“Bawal?” she grinned sheepishly bago umupo sa tabi ko.

 

“Hindi naman, pero bakit nga?” subok ko ulit bago binuksan ang cellphone ko para tignan ang chats namin. Baka kasi may sinabi siya.

 

Wala naman.

 

Lalo lang kumunot ang noo ko when I remember that she doesn’t communicate with me via private message. Sa group chat lang talaga dahil ayaw niya raw mag first move lalo na sa ‘kin.

 

Sumilip pa si Ning sa ginagawa ko sa telepono kaya agad ko siyang tinulak palayo gamit ang palad ko sa noo niya.

 

“Aray!” maarte niyang sigaw, pinatay ko na rin ang cellphone ko nang makitang may 789 unread messages ako sa group chat. Hinding hindi ko babasahin ‘yan, ang haba!

 

“Bakit ka ba nandito? Maaga pa kaya.” 

 

Dinedma lang ako ng kaibigan at nilabas ang cellphone niya. She tapped on it for a few minutes bago ipatong ito sa lap niya.

 

Ah, mag papatugtog pala siya.

 

The intro sounds very familiar.

 

 

Nilibot ang tahanan

Tagpuan, wala ka

Pa’no hihilom ang sugat

Na gawa sa pagmamahalan?

Pagmamahalan

 

 

Aray, broken ba kaibigan ko? Kaya ba niya gusto makipag kita sa ‘kin? Kanino naman siya broken? Sinong sasapakin ko?

 

“Actually, kaya talaga kita niyayang nag lunch kasi may itatanong ako…”

 

Kumunot lang ang noo ko sa narinig. “P’wede ka namang mag tanong anytime?”

 

 

Magbabalik ang nakaraan

Ibabalik ang pinagmulan

Umaasa

Umaasa

Magbabalik ang nakaraan

Ibababalik ang pinagmulan

Umaasa

Umaasa

 

 

“Dapat talaga mamaya pa ‘to, kaso gusto sumama nila RJ kaya baka hindi ko naman ma-open mamaya…” dagdag niya pa. 

 

Tahimik na naka tingin lang naman ako sa kanya. Nakikinig sa gusto niyang sabihin.

 

Halatang bothered si Ning dahil ang tagal niya bago mag salita, medyo kinakabahan naman ako sa gusto niyang i-tanong.

 

“Paano kung mag ka gusto ako sa ex—“

 

“Ex ko?”

 

Pinalo niya ako sa braso.

 

“Patapusin mo ako!” reklamo pa niya na agad kong tinanguan bago pa man ako maka kuha ng isa pang palo mula sa kaibigan ko.

 

“Paano kung ano… mag ka gusto ako sa tropa ko?”

 

“Sorry, friends lang talaga tayo.” gatong ko pa. Agad akong naka tanggap muli ng mas malakas na hampas galing kay Ning. Natawa naman ako.

 

“Si RJ ba? Bagay kayo—“ agad na tinikom ko ang bibig nang samaan niya ako ng tingin, halatang nauubos na ang pasensya sa ‘kin.

 

“Okay, let me rephrase it. Paano kung mag ka gusto ako sa tropa ng ex ng kaibigan ko? Kunwari, kunwari ano! Kunwari kaibigan ni Rina.” she exclaimed, muntik na ako matawa kasi ang specific naman. Kaibigan talaga ni Karina?

 

“Edi nag ka gusto ka, anong gusto mong gawin ko?” I said, smiling teasingly.

 

Tinapunan ako ng tingin ni Ning kaya umayos ako ng upo.

 

“Pero seryoso, wala namang kaso sa ‘kin ‘yan, Ning. You are free to like whoever you want.” bukod sa ex ko. Joke! Joke na hindi joke!

 

Mukhang namang kumalma na si Ningning sa narinig galing sa ‘kin. Akala niya ba magagalit ako? Hindi na kami bata para sa mga ganyan! 

 

Wala naman talagang kaso sa ‘kin kahit na jowain pa niya ang isa sa mga kaibigan ni Karina. Wala naman akong isyu sa kanila, hindi naman ako siguro siniraan ni Karina sa mga kaibigan niya kahit noong hindi kami nag-uusap. Kilala ko si Karina at hindi naman siya ganoong tao.

 

“Si Jeno ba?” natatawa kong asar sa kaibigan. Inirapan niya lang ako bago paluin ng unan sa mukha.

 

Pero grabe, may pa music talaga? OA naman!

 

 

I took a quick shower after that conversation with Ning so that we could meet our friends on time. Extended ang invitation dahil nga wala ring pasok sil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
655 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
655 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
655 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2113 streak #6
rereadingg
Eybrelros 253 streak #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh