I-lugar ang kabaklaan, please

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

Alas dyes na ng umaga nung nagising ako. Hindi naman ako worried na baka malate sa aking trabaho dahil wala akong duty ngayon.

 

After kasi ng issue sa Hospital, biglang nag lapag ng 80 hour per week policy ang chief namin kung saan hindi kami p’wedeng lumagpas sa 80 hours sa isang linggo, self explanatory na siya actually. Kagabi lang din siya tinalaga, nagulat na lang ako nang sabihan ako ng resident ko tungkol dito. Ang biglaan naman kasi talaga.

 

Tinakot pa nga ako ni Dr. Bae na kapag pumasok daw ako, hindi niya raw ako papatapakin sa loob ng OR sa loob ng isang buwan. Sabi niya kasi naka 92 hours na ako ngayong linggo, mahigpit daw kasi ang chief sa bagong Hospital policy na binigay nito. Nag f-feeling main character tuloy ako at iniisip na baka sobrang ayaw talaga ako makita ng chief namin kaya niya nilapag ‘to, kung ano man tawag dito. 

 

Pero edi okay, ang haba tuloy ng tulog ko. Sino ba naman ako para tumanggi sa day off? Kahit naman may pagka-workaholic ako hindi ako tatanggi sa day off! Parang deserve ko rin naman ng pahinga after ng nangyari. Fresh pa rin kasi sa ‘kin.

 

Actually nga nagising na ako kaninang 4 a.m. dahil sanay na ang katawan ko na sa ganitong oras gumigising. Halos may araw na rin nang naka tulog ako ulit, nag paantok pa kasi ako habang nanonood ng Lucifer sa Netflix. Paano kasi nag tagal pa ako sa pag pili ng panonoorin kaya nag shuffle play na lang ako at Lucifer ang binigay sa ‘kin ng Netflix.

 

Chika ko lang ang chaka talaga ng last season, hindi ko bet yung ending! Pinatay na nga si Dan pinatay pa si Chloe. Ah, basta, for me hindi siya maganda. Respect my opinion or go argue with the wall na lang siguro ganoon.

 

Ano naman kayang gagawin ko sa dalawang araw na free time? Uwi na lang kaya ako sa Katipunan? Tagal na rin pala nung huling uwi ko. Feeling ko nag tatampo na mga kapatid ko, madalang din kami magsi-usap sa chat dahil busy. Buti nga hindi pa ako sinusugod ng Ate ko dito, baka atakihin naman ako bigla kahit pa wala naman akong kahit anong sakit or complications sa puso if ever man mangyari nga ‘yon.

 

Nag check muna ako ng notifications sa phone at nag ayos ng kama bago tuluyan nang bumangon. Wow, nawala yung sakit ng likod ko. Mahabang tulog lang pala ang gamot dito, ang dami dami ko pang nasayang na salonpas at pain killers galing sa free clinic ng Hospital para sa likod ko. 

 

Nag inat inat muna ako ng braso bago nag tungo na sa restroom, akay-akay ko pa sa isang braso ang towel ko.

 

I certainly took my time in the restroom. Tatlong beses yata ako nag sabon at dalawang beses nag toothbrush dahil wala lang, trip ko lang, ang gaan lang sa pakiramdam ng heater. Hindi ko kasi ito kadalasang nagagamit dahil ang tagal uminit ng tubig, alala ko lang na baka malate ako sa morning rounds namin kaya kahit labag sa loob ay cold water ang pinanliligo ko kada umaga. Tsaka mas okay din yung cold water sa ‘kin para naman mahimasmasan ako na kailangan kong kumayod para sa ‘king dalawang chikiting. Nag-aaral na si Junjun, tapos mag dadalawang taon na si Jobert.

 

Joke! Pero seryoso, mas nakakagising pa ang cold water na pang ligo kesa sa mainit na tasa ng kape.

 

Mabilisang bihis lang naman ang ginawa ko, I wore dark blue sweatpants and a plain white tee. Nasa bahay lang naman, hindi na kailangang mag dress up pa. Hindi naman ako kagaya ni Ning Yizhuo na akala mo runway model kung makapag damit sa bahay.

 

Saglit na napukaw ng wall clock sa kwarto ko ang paningin ko.

 

11 a.m. na pala.

 

May pasok kaya si Karina? For sure mayroon. Ang alam ko, Sunday ang day off niya. Sabado pa lang ngayon. Kadalasan, tuwing ganitong oras ay umaalis na siya ah?

 

Silipin ko kaya sa kwarto? Baka kasi she overslept, malate pa ‘yon sa trabaho. Concerned lang naman ako bilang isang mabait at maasikasong roommate.

 

Ayon nga ang ginawa ko, I entered her room quietly, almost tiptoeing to make as little noise as possible. 

 

Naka patay ang ilaw ni Karina at naka close ang blinds, sobrang dilim sa kwarto nito.

 

Agad ko naman siyang nakita sa kanyang kama, mahimbing pa rin ang tulog at balot na balot sa dinosaur print comforter niya.

 

Napangiti ako sa nadatnan ko, ang cute lang ni Karina kahit kalahati na lang ng mukha niya ang nakikita ko. Parang labag sa loob ko kung gigisingin ko siya, I mean, how could I when she’s this adorable?

 

Tsaka ko lang nilihis ang tingin ko sa kanya nang mag ring ang telepono niya sa side table, Karina stirred in her sleep but showed no signs of being awake. Tulog mantika talaga.

 

Nakita ko yung caller ID, ako na lang ang sumagot. 

 

“Rina, I just lost a bet against Yunjin and Jeno because you were late, what’s up? 500 pesos din ‘yon.” bungad ni Giselle sa kabilang linya na kinatawa ko, jusko naman pinag pustahan talaga nila si Karina?

 

Ganoon ka big deal ang pagiging late niya?

 

“Hello, Gigi! Si Winter ‘to, tulog pa si Karina. Paki sabi naman kung kailangan na siya d’yan para magising ko na.”

 

There was a long pause, followed by hushed whispering on the other end of the line. Hindi ko masyadong ma-comprehend yung mga sinasabi nila. Medyo may katagalan nga rin bago ulit nag salita ulit si Giselle.

 

“Oh, there’s no need! We’ve got Rina covered.” finally ay sagot ni Giselle, anong there’s no need? Huwag ko na gisingin ganoon? Hindi ba siya kailangan sa firm? “Enjoy kayo, Win!” pahabol pa nito na kinakunot ng noo ko.

 

Bago ko pa matanong kung ano ang ibig sabihin niya, binabaan na niya ako ng telepono. Bastos si Ate!

 

Enjoy naman saan kaya saan? Ang weird naman ng friends mo, Atty.

 

Lost na binalik ko sa side table ni Karina ang cellphone niya, I’ve been left debating whether or not to wake her up tuloy dahil sa sinabi ni Giselle sa ‘kin.

 

Tumingin muli ako sa orasan. 11:17 a.m.

 

Almost lunch time na pala, mag luto kaya ako ng lunch namin bago ko siya gisingin? Tagal ko na rin palang plano ‘yan na hindi matuloy tuloy. Hindi ko naman yata masusunog ang kusina. 

 

Hey, I’m not a bad cook. Si Karina lang naman ang nag sasabi noon dahil nagka-incident noon!

 

Okay, minsan nakakasunog pa rin ako ng pritong hotdogs pero lahat naman ng tao ay flawed.

 

Tahimik na lumabas muna ako sa kwarto ni Karina, balak ko sana mag patugtog habang nag luluto pero baka magising si Karina. Tahimik lang naman akong nag titingin ng lulutuin sa kitchen, hindi naman siguro magagalit si Karina kapag pinakielaman ko ang pinaka mamahal niyang kusina, siya rin naman ang kakain nito.

 

Okay, may baboy sa refrigerator. May vegetables din. May sinigang mix…

 

Alam ko na kung ano ang lulutuin ko!

 

Dinosaur nuggets at crab and corn soup.

 

Oh diba!

 

Pasensya ka na, Karina. Kumpleto nga ingredients mo pang sinigang, hindi naman ako marunong mag luto nun. Bawas point sa pagiging wifey material pero buti na lang talaga maganda ako at marunong ako mag prito ng nuggest. Alala ko lang na baka mag mukhang ibon yung dinosaur nuggest ni Karina at mapag desisyonan niyang palayasin ako.

 

Dinefrost ko muna yung dinosaur nuggets galing freezer bago ako nag salang ng wok ba ‘to o pressure cooker? Oh, my God ang taas taas ko sa TLE noon! Ah, basta sinalang ko ‘yon sa electric stove ni Karina.

 

Nag saing na rin ako tsaka madaling prinito yung nuggets. After ko lutuin ang nuggets, nilagyan ko ng tissue ang platong pag lalagyan nito para hindi mahirap hugasan dahil sa oil dito mamaya.

 

Mabilis din namang naluto ang crab and corn soup at kanin. Tapos it only took me 5 minutes to finish preparing our food sa table.

 

Tumingin ulit ako sa orasan.

 

11:49 a.m. na!

 

Tama lang siguro na gisingin ko na si Karina, mag tatanghali na pala.

 

Gaya nga ng napag desisyonan ko, nag tungo na agad ako sa kwarto ni Karina para gisingin siya. Kung paano ko siya iniwan kanina, ganoon pa rin ang ka-itsurahan ng kwarto niya. 

 

Ang himbing lang ng tulog ni Karina, hanggang sa kinatatayuan ko nga ay naririnig ko ang payapa niyang pag hinga.

 

I silently approached her bed gaya lang kanina tsaka marahang umupo sa tabi niya. 

 

Hindi naman ako indecisive na tao pero parang nag dadalawang isip ulit ako kung gigising ko ba talaga si Karina. Naguilty naman ako bigla kasi baka pagod din siya sa trabaho kahapon tapos pinag maneho pa niya ako papuntang Ermita at Pasay. May little parts of me na gusto na lang muna siyang hayaan mag pahinga pero nangingibabaw yung thought ko na kailangan ko na rin siyang gisingin. 

 

Nako, bahala na nga! Gigising din naman siya ngayong araw.

 

As soon as I made up my mind, I carefully placed my hands on her dinosaur print comforter bago ito mahinang hinila.

 

Karina groaned, kumunot din ang noo nito habang mahimbing pa rin ang tulog. 

 

Man, now I felt bad.

 

Pero tanghali na kasi, kailangan na niyang gumising or pangalawang meal na niya ‘tong mamimissed.

 

“Rina?” I gently called her name. Pero as expected wala akong nakuhang response mula rito. Naka sleeveless top si Karina, kulay white na spaghetti strap v-neck na shirt. Pinatay ko na muna ang aircon niya dahil baka lamigin naman siya sa suot niya.

 

“Karina?” I tried, again. This time ay pinatong ko ang palad ko sa pisngi niya.

 

At ang init niya.

 

What the hell?

 

Kunot noong nilipat ko ang palad ko sa kanyang leeg, I took her temperature with the back of my hand. At confirmed ngang may lagnat ito.

 

It took some effort on my part to finally wake her up. Ubo agad ang unang bati sa ‘kin nito nang tuluyan na nga siyang nagising.

 

“Winter…?” she mumbled hoarsely. Mas malalim ang boses niya than usual, siguro dahil kagigising lang or baka dahil sa ubo niya.

 

I could tell she was still half asleep. Hirap na hirap lang siyang imulat ang dalawang mata niya para man lang titigan ako.

 

“Good morning… Wala ka work?” she asked at marahang umupo sa kama, inalalayan ko naman ito tsaka tinabihan nang naka sandal na sa headboard ng kama ang ulo niya.

 

“Good afternoon na, Rina.” sagot ko naman, looking at her with concern. Sinabi ko rin sa kanya na wala akong duty sa Hospital dahil sa bagong policy na sinabi ng boss ko.

 

Chineck ko na rin properly ang temperature niya gamit ang thermometer sa medical kit ko. 

 

“Sabi sa ‘yo mag kakasakit ka eh…” paalala ko sa kanya sa sinabi ko kagabi habang pinupunasan siya ng maligamgam na tubig.

 

“Hey, it already happened. Don’t feel bad about it kasi wala ka namang kasalanan.” Karina tried na pagaanin ang loob ko, pero kasi, I could have prevented it.

 

Pag tapos ko siyang punasan ay lumabas muna ako ng kwarto niya para ibalik sa CR ang wet towel na ginamit ko. Pag balik ko sa kwarto niya, nakapag bihis na siya ng damit.

 

She’s sitting on the edge of the bed, and when she saw me by the doorway, she smiled— brightly at that.

 

“Rina, may masakit pa ba sa ‘yo?” I asked gently bago siya tuluyang nilapitan. Umiling lang naman ang kasama ko bago nag salubong ang mga kilay niya.

 

“I’m fine, Win. Baka mahawa pa kita.” sabi niya pa na kinakunot naman ng noo ko. “That is literally the least of my worries right now.” sagot ko naman to reassure her na okay lang sa ‘kin, okay lang na alagaan ko siya.

 

“Eh… Really, I’m okay.” patuloy na pangungumbinsi pa nito sa ‘kin.

 

Ang kulit naman nito, halos umikot na ang mata ko sa pag irap kaso naalala kong may sakit pala siya, bawal ako mag maldita.

 

“I don’t buy it.”

 

“Hindi naman kasi for sale.” she snickered sa sarili niyang joke, muntik na sana akong matawa sa kanal humor niya kung hindi lang siya umubo right after niya tumawa.

 

“Rina, good girls don’t lie, do they?” I asked sternly, na medyo hindi, muntik na kasi ako pumiyok. “I’ll ask again, may masakit pa po ba sa ‘yo?” tanong ko ulit.

 

Hindi agad naka sagot sa Karina. Medyo namumula na rin ang mga pisngi nito, dahil yata naiinitan na sa kwarto niya.

 

“J-Just my head, Win.” finally ay sagot nito sa kanina ko pa tinatanong, “Pero kaunti lang.” dagdag pa niya tsaka binigyan ulit ako ng ngiti. 

 

“Ihahanda ko lang meds mo, may food na sa table.” I said, ngayon naman ako na ang nakangiti sa kanya. “Kaya mo bang tumayo on your own?”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
682 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
682 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
682 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2140 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh