Karina, sorry!

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

Winter Kim:

Hi, Karina!

Tulog na kasi si Winter, hindi yata siya makakauwi ngayon.

Si Ning pala ‘to :*

 

Katarina Yu:

Ah, alright.

I missed you, let’s catch up soon?

 

Winter Kim:

Ay, ako ba namiss mo o yung may-ari ng account?

Char! Sure, let’s do that! 

 

Katarina Yu:

Sira, hahaha. I’ll sleep na, Ning. 

You should sleep na rin.

 

 

“Ano raw? Patingin!” agaw ko kay Ning sa phone ko. Nakanguso ako habang nag babasa. Hindi pa naman ako tulog, hindi ko lang alam ang isasagot sa sinabi ni Karina. Nabilaukan pa nga ako sa sariling laway ko noong unang beses kong nabasa ‘yon. Bakit naman kasi may pa-ganoon?

 

“Huwag kang feelingera, hindi ikaw ang namiss.” Ning chuckled bago humiga sa tabi ko, katatapos lang niya mag hair dryer.

 

Sana all mag c-catch up.

 

“Sa tingin mo, okay lang sa kanyang nasa iisang unit kami?” wala sa wisyong tanong ko sa kaibigan. Ramdam ko ang pag iling niya. Para ba ‘yon sa ‘No’ o ‘Hindi ko alam’?

 

“The latter.” sagot ni Ning na para bang nabasa ang nasa utak ko, or maybe I said it out loud. Hindi ko na rin talaga alam. Dami kong iniisip ngayong gabi.

 

Kaya ko namang mag move out kung ayaw ni Karina ng ganoon ang setup namin. Medyo weird nga, ayaw ko namang uncomfortable siya lalo na ring nauna naman siyang mag stay doon kesa sa ‘kin.

 

Sa totoo, hindi naman ako bothered na nasa iisang unit kami ni Karina. This may sound weird, but we always sleep together noon.

 

Okay, that sounded so wrong.

 

Not in a ual way!

 

Magkatabi matulog, ganoon. 

 

As I was saying, ayos lang sa ‘kin na nasa iisang unit kami, kung ayos lang din sa kanya, hindi na ako mag m-move out.

 

Hirap na hirap kaya ako mag adjust sa new environment, tapos mag-iiba na naman? Head-.

 

Hay, sabi ko hindi ko ‘to iisipin ngayong gabi, eh.

 

 

 

 

 

Dr. Bae was lecturing us on what to do during pre-rounds while we were changing into our scrubs and white coats sa locker room. 

 

“I want pre-rounds done by 5:30, are we clear?” tanong ni Dr. Bae na sinagot naman ng ibang interns. Absentminded akong tumango, my mind was flying elsewhere.

 

Nakarinig ako ng mahinang tawa habang hinahanap ko ang spare kong scrubs sa locker ko, I turned my head to the side at bumungad si Soyeon na nakaupo sa may bench tapat ng lockers.

 

“Good morning, Dr. Pinaglihi sa sama ng loob.” halos hampasin ko siya sa ulo noong narinig ko ang bati niya, “Anong good sa morning kung mukha mo makikita ko?” tugon ko na agad niyang kinangisi. Parang expected na niya ang isasagot ko sa kanya.

 

Bumaba ang titig niya sa mula sa mata ko patungo sa ‘king exposed abdomen, naka sleeveless lang kasi ako na papatungan ng scrubs.

 

Tinutok niya sa gilid ng stomach ko ang hawak-hawak niyang penlight, “Nice tattoo.” 

 

Hindi ko alam kung totoong compliment ba ‘yon o ginagago na naman niya ako kaya hindi na ako sumagot at nag patuloy na lang sa pag bibihis, ganoon din naman ang ginawa ni Soyeon.

 

May iilang tattoos ako. Impluwesya ‘to ni Ning Yizhuo. Lahat yata ng tattoo ko ay ilang years na hirap akong itago sa mga magulang at kapatid ko. Pero nalaman din naman nila eventually. Muntik nga lang akong kasuhan ng nanay ko sa kagagahan ko pero ito ako, hindi pa rin naman nakukulong.

 

Mayroon akong Anchor Tattoo sa wrist ko na may ‘W’ sa taas for ‘Winter’. I’ve always liked delicate and one-of-a-kind things, I’m a big fan of the seaside and the ocean in general kaya ko pina-tattoo ‘to.

 

It also has a special meaning— my wonderlust. The symbol of my adventures.

 

Yung pangalawa kong tattoo is a constellation tattoo. Nasa gilid ng stomach ko pinalagay. Ito yung tinuro ni Soyeon kanina.

 

This tattoo always makes me feel like I’m one of the stars, like I’m capable of reaching infinity and beyond. Though, muntik na ako umiyak habang nilalagay ‘to kasi tumatama sa ribs ko.

 

Grabe, ang deep ko talaga!

 

Yung panghuli, nasa lower abdomen ko na laging natatakpan ng suot kong pants or kahit anong underpants.

 

Pangalan ni Karina ‘yon.

 

Katarina.

 

Ang ganda, hindi ba?

 

“Win, nabalitaan ko.” I snapped out of my trance noong narinig kong mag salita si Yujin. Agad akong lumingon to pay attention habang inaayos ang white coat ko.

 

“Ang ano?” clueless kong tanong. Anong nabalitaan niya? 

 

“About Madam K and you being roommates.” she shrugged at nilagay ang stethoscope niya sa leeg, underneath her white coat. 

 

Ah, ayon pala.

 

I’m not surprised she already knows, she’s on our group chat anyway. Chinika na ni Ning ‘yon sa kanila panigurado 

 

Tumango lang ako sa sinabi niya. Ano ba kasing isasagot ko doon? Alam ko rin?

 

Anu ba ‘yan! Ayaw ko na lang isipin ‘yon at baka hindi ako makauwi mamaya. Wala na akong damit na naiwan kay Ning, wala na rin akong scrubs sa locker.

 

 

 

 

 

Lunchtime namin at naka tambay kami sa hospital cafeteria, si Soyeon, Ryujin, Yujin at ako. 

 

“You scrubbed into Dr. Park’s surgery?” bungad na tanong ni Yujin at binaba ang tray niya sa table.

 

I only hummed in response, properly chewing my food.

 

“Hindi lang nag scrub in, Dr. Park even allowed her to use the clamp.” agad na napangiti ako sa sinabi ni Ryujin. 

 

I heard them groan. Bahala kayo mainggit d’yan!

 

“Hala, hoy, ano ba? Hindi naman big deal.” pang-aasar ko sa mga interns na hindi pa nakakapag scrub in sa kahit anong surgeries. Naka dalawa na ako simula nag umpisa kami dito. I‘d say mamatay kayo sa inggit.

 

“Yabang!” Soyeon shoved my shoulder because she was sitting next to me. Muntik pa nga akong mahulog kaya sinamaan ko ng tingin si Soyeon.

 

Bwiset talaga ‘to!

 

“P’wedeng mainggit pero bawal manakit!” tugon ko na kinatawa ng dalawa kong kaibigan.

 

Hindi ko pa cino-consider si Soyeon as kaibigan ko. Mag dadalawang linggo ko pa lang naman siyang kilala, I knew almost nothing about her. Alam ko lang favorite color niya ang yellow at mahilig siyang mag twerk.

 

Don’t ask me! Shinare niya lang sa ‘kin kahit hindi ko tinanong.

 

Siguro, semi-friend. 

 

Semi-friends kami ni Soyeon.

 

Minsan kasi sobrang nakakabwiset siya. Minsan araw-araw. Kung mamalasin, tuwing gabi rin.

 

Natapos ang shift ko ng walang gulo, bukod sa pananakit ng mga kaibigan ko at ang semi-friend kong si Soyeon dahil sa pag mamayabang ko.

 

Nauna na akong bumaba galing locker room at tumambay sa main lobby, hinihintay ang mga kaibigan ko. 

 

At si semi-friend.

 

Yayain ko kaya muna silang mag dinner? Kahit wolfgang ba ‘yan at libre ko. Para pag-uwi ko, tulog na si Karina, ganoon.

 

“Lalim ah.” hindi ko napansin na naka labas na pala ng elevator sila Ryujin. Umupo pa sa isang couch si Yujin at pumikit.

 

Kaso mukhang mga pagod na sila, nakakahiya naman na iistorbo pa ako sa pahinga nila.

 

“There’s a bar down the street.” hinatak ako patayo ni Soyeon, agad kong hinampas ‘to sa braso at umayos ng tayo. Nag-yayaya ba si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
682 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
682 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
682 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2140 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh