Okay, uuwi ako sa ‘yo

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

“Nice choice of outfit.” I blurted out as I sipped my steaming hot cup of coffee. Ilang segundo rin ang lumipas bago ako bigyan ng matalas na tingin ni Winter habang hawak pa rin gamit ang dalawang kamay ang baso ng kape niya.

 

Nasa nearby coffee shop kami around Makati, dadalhin ko sana siya sa go-to coffee shop ko na malapit sa workplace ko pero sarado na raw ayon sa Google.

 

“Stop trying to seduce me.” walang prenong sinabi ito ni Winter tsaka nilapag sa lamesa namin ang cup ng coffee niya, “I’m drunk.” dagdag pa nito, looking at me intently.

 

I laughed as I turned to face her, I gave her an amused-filled look bago sumagot, “I’m not trying to seduce you.” 

 

She just rolled her eyes at me tsaka muling binaling ang atensyon sa cup niya. I suddenly had a thought, I debated whether or not to say it, but intrusive thoughts won me over.

 

“Would you like me to seduce you?” I asked in the lowest voice I could muster, which caused Winter to snap her head in my direction.

 

“Rina, shut up, please!” she whined na agad kong tinawanan. Nilapag niya ulit ang cup of coffee niya sa table in attempt to cover her face with her hands, pero huli na dahil nakita ko na ang pamumula niya.

 

It could be that her face reacted because the coffee was too hot, or it could be because of me.

 

I sincerely hoped it was the latter.

 

We sat in silence like that for about a half hour or so, nag order pa ng isang tasang kape si Winter, habang ako naman, nag settle na lang sa isang slice ng chocolate cake. 

 

Hindi naman uncomfortable yung katahimikan, it was the one I was familiar with. 

 

Kalsadang maingay, katahimikan kasama si Winter.

 

“How has life been treating you lately?” mahinang tanong ko, naka titig at nag hihintay lang ng sagot niya. Hindi rin naman ako nag expect ng matinong sagot sa kasama ko dahil na rin sa naka inom nga siya. Matagal-tagal din kasi bago humupa ang kalasingan nito kapag nakaka-inom eh.

 

“Life has been much easier nitong mga nakaraang buwan.” she sighed, malayo ang tingin sa labas ng glass wall ng café. Sinundan ko ang tingin niya, marami pa ring sasakyan ang dumadaan sa kalsada ng lungsod ng Makati. May i-ilang nag lalakad din mula sa sidewalk, nakakatuwa lang isipin na lahat sila ay may iba’t-ibang kwento sa buhay.

 

“Yeah? Tell me about it.” I encouraged her to share more. She let out a soft chuckle bago ako titigan, Winter gave me a small smile na agad kong binalik sa kanya.

 

“It’s been a while since I heard that from… from you.” she said honestly. Tumango naman ako, agreeing with her.

 

“As you can see, I’ve moved out of my parents’ house.” pag-sisimula niya. “Tapos tangina, naging roommate pa kita.” dagdag nito tsaka mahinang tumawa. I didn’t take her words seriously kasi playful naman ang tono niya kaya sinabayan ko na lang siyang tumawa.

 

“It must be a huge step for you.” sabi ko naman habang naka tingin na ulit sa daan. “Moving out, I mean.” pag-klaro ko pa na naka kuha ng tango kay Winter, nakita ko ‘to mula sa reflection niya sa glass wall.

 

“Yup! It was challenging at first, alam mo namang never akong nahiwalay sa pamilya ko lalo na sa mga kapatid ko.” she said, may maliit na ngiti sa kanyang labi. Winter does like telling stories, particularly ones about her family. “Pahirapan i-convince sila Ate Jennie, pero para rin naman kasi ‘to sa ‘kin kaya pinayagan din nila ako.” 

 

Lumingon ako sa kanya para i-paalam na nakikinig ako.

 

“You know, changes never sits well with me, but I like this type of change.” she pursed her lips and looked down. “Because it led me to you.” bulong pa niya na naging dahilan ng pag ngiti ko.

 

“Ah, yes. Having a pretty roommate is such a game changer, ‘no?” biro ko pa na tinawanan niya.

 

“Ang hangin amputa.” tugon nito, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

 

“Is it okay if I ask you a personal question?”

 

“Shoot.”

 

Pinanood ko muna siyang sumimsim doon sa kape niya hanggang sa ilapag niya ulit ito sa lamesa. I took a deep breath before looking into her eyes. Her eyes were so warm and intense, it’s almost as if I’m mirroring the moonlight itself. Every thought, every answer— everything was written in her pupils.

 

“How did you react to having me as your roommate?” I finally asked.

 

Her gaze was quickly drawn to me, “How did you?”

 

I was slightly surprised nang bumalik sa ‘kin ang tanong ko, but really, I half expected it to happen.

 

“To be honest? I didn’t take it well at first.” pag amin ko sa kanya. “Ang alam ko lang may bagong tenant sa kwartong pinakiusapan kong paupahan din ng landlord para hindi masyadong lonely sa unit. Ang kaso nga lang, lagi rin wala sa unit yung isa pang tenant.” I chuckled upon remembering the memory, ang dami-dami ko pang guesses sa bagong tenant, hindi man lang nag cross sa isip ko kahit isang beses na siya ‘yon.

 

“Actually, before that incident when I accidentally woke you up, nakita na talaga kitang umalis galing sa unit nang isang beses. I caught sight of your white coat and stethoscope, edi biglang nag cross sa isip ko na ‘What if si Winter ‘yon?’”

 

“Then I saw your white coat sa sofa, doon na talaga ako nagka-hunch na baka ikaw ‘yon.” I added tsaka nilingon agad ang kasama ko. 

 

“And what was your reaction?” tanong naman niya, halatang curious din kung bakit ako nag walk out noon. 

 

“I was completely overwhelmed nang nakita kita, kaya nag walk out ako.” mahina akong natawa noong maalala ko. “It was such a huge plot twist, I never expected it to be you. I had my hunches, yes, but I never expected them to be true.” sinalubong niya agad ako ng ngiti nang mag tama ang mga tingin namin.

 

“Ikaw ba? Turn mo naman para sagutin yung tanong ko.” 

 

She took a moment to recall, naka patong pa ang pisngi sa palad na para bang sobrang lalim ng iniisip.

 

“Unlike you, I had no hunches.” she stated, “Kaya laking gulat ko na lang nang makita kitang hawak yung white coat ko sa doorstep, you could say I was also overwhelmed. Tapos nag walk out ka pa, ano na lang iisipin ko nun.” dagdag pa niya. 

 

She stated that she did considered moving out if hindi raw ako comfortable near her, I’m just glad we handled things maturely at walang kinailangang mag move out. Una sa lahat, big step na nga para sa kanya ang mag move out sa bahay ng parents niya tapos lilipat na naman siya ulit. Hassle lang, head-.

 

I would have told her to stay regardless. Hindi naman na kami bata para mag talo pa sa ganitong mga bagay. As I said, I’m really glad na we handle things maturely.

 

“Ikaw ba, how has life been treating you lately?” it’s now her turn to ask. Napa-isip din tuloy ako.

 

“Honestly?” tumango naman ito sa ‘kin, like an eager puppy waiting for my answer.

 

“For the first time in a long time, life has been quite colorful.” I smiled.

 

Malawak din ang ngiti ni Winter nang marinig ang sagot ko. “Alam mo ‘yang ngiti mo? Parang sakit na nakakahawa.” sabi pa nito. 

 

This has been the longest conversation Winter and I have had in years. Sure, nag-uusap kami tuwing breakfast pero, I don’t know, this one’s different— more decent siguro? Salamat vodka, I guess?

 

Ewan ko lang, tonight, she felt more connected to me than ever before. Siguro dahil na rin ‘to sa ilang taon din kaming hindi nakita. I missed a lot of important events in her life, and hearing her talk about it soothes me, it’s as if I’m not missing anything at all. Parang nandoon din ako.

 

“Muntik ko na makalimutan.” I snapped out of my trance nang marinig ang boses ni Winter. My eyes darting back and forth between the familiar box of my perfume and Winter’s eyes. 

 

“Congratulations on your victory, Atty. Yu!” she was beaming as she said this, and with each second that went by, I could feel my heartbeat accelerating, parang race car lang sa bilis.

 

“Thank you.” I shyly replied, bakas na siguro sa mukha ko ang pamilyar na pamumula dahil sa kanya. 

 

“You make me proud with everything you do, Rina, I hope you know that.”

 

Hay, Winter. 

 

Dahan-dahan naman.

 

 

 

Quarter to 12 na nang mapag-desisyonan naming bumalik na sa bar, hinahanap na kasi ako ni G, siya naman, ni Ning. 

 

It was about a 5-minute drive back to the bar where my friends were waiting. Pag pasok namin sa loob, halatang mas kumonti ang tao kumpara kanina. Late na rin kasi at weekday, hindi ko na sila masisisi.

 

“Bakla, akala ko naman nag round 1 na kayo.” rinig kong banggit ni Ning kay Winter nang makarating kami sa table. Pulang pula na ang buong mukha ni Ning at halatang naka rami na.

 

“Ning, ano bang sinasabi mo d’yan? Kailangan pa ako naging boksingero?” naguguluhang tanong naman ni Winter sa kaibigan.

 

I chuckled. Kahit ako nga ay na-gets ‘yon.

 

Hindi na rin kami nag tagal sa bar, kinailangan lang talaga naming bumalik para may mag hatid sa mga kaibigan namin. Kaming dalawa lang kasi ang sober ngayon.

 

Si Jeno na ang inupo ko sa shotgun dahil siya ang pinaka tahimik kapag naka inom, nasa backseat naman si Winter kasama sina RJ, Ning, at Giselle.

 

Bakas sa mukha nito ang pag-aalala lalo na’t nasa kabilang dulo siya, naririnig niya yatang nauuntog ang ulo ni Giselle sa bintana.

 

“Dapat pala sa gitna na ako umupo.” giit nito at pilit pang inayos ang upo ni Giselle bago ito kabitan ng seatbelt. 

 

“Hayaan mo ‘yan, sabing drink responsibly eh.” tugon ko naman in attempt para pagaanin ang loob niya. Sinabihan ko naman talaga ang kaibigan na huwag magpaka-wasted ngayong gabi, she even emphasized na chillnuman lang daw. Pero tignan niyo nga siya ngayon, I doubt nga na alam niyang nasa kotse na kami. 

 

“Winterrrr.” Ningning whined, naka suksok na ang kalahati ng mukha niya sa leeg ni Winter. “Nasusuka ako–” 

 

“Ning Yizhuo, sinasabi ko talaga sa ‘yo!” agad na lumayo agad si Winter sa kaibigan, mahina pa niya itong tinulak tsaka nag tama ang tingin namin sa rear-view mirror. Her eyes were wide with fear. Parang nang hihingi na siya ng tulong sa ‘kin and I can’t help but only laugh.

 

Hindi ko naman mapipigilan ang takbo ng tiyan ni Ning, kung nasusuka siya, kawawa naman siya.

 

“Rina, do something! Ikaw ang kawawa kapag nag kalat ‘to!” nag pa-panic na sabi ni Winter. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
680 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
680 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
680 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2137 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh