The spring cries tears

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

“Finally done with my calculus homework, I’m so tired.” bungad ko kay Giselle. Kita ko pang napaawang ang labi niya sa gulat dahil sa narinig.

 

“Girl, go to bed. It’s 3 a.m.” she grunted. My brows furrowed sa sinabi niya. Siya ‘tong gustong mag paturo sa ‘kin. Kaya nga kami nag Facetime kaso may ginagawa naman siya kaya nauna na akong mag solve. 

 

“You go to bed, I’m not sleepy.” kita kong napakamot siya sa ulo. She cast a sidelong glance at me before continuing with her skincare routine. She’s putting on moisturizer, I think?

 

“Can’t you see? Busy ako magpaganda.” she arched a brow sa ‘kin.

 

“G, skincare won’t work kung mag pupuyat ka.” I chuckled, almost rolling my eyes bago nilagay ang cellphone sa phone stand holder sa ibabaw ng study table ko. Tahimik na pinapanood lang ang kaibigan ko sa kabilang linya.

 

“And how do you know that? Are you a Dermatologist?” sarcastic pa niyang tanong habang nag lalagay ng facial mask. I crossed my arms over my chest bago sumagot, “It’s basic logic, G.” natatawa kong sambit habang pinapanood pa rin ang kaibigan ko sa ginagawa niyang skincare routine. Ayaw naman niya yatang gumawa ng homework ngayon, gagawin ko na lang siyang entertainment. Entertaining naman siya eh.

 

I saw her roll her eyes na mas kinalakas ng tawa ko. Hindi na rin siya sumagot.

 

A few moments later, our friend Jeno joined us on Facetime. Nagulat nga ako, akala ko kasi tulog na siya. Or tulog na siya at nagising lang. Medyo madilim, hindi siya halos kita kahit naka on naman ang camera niya. 

 

“G, what the hell? Ring nang ring cellphone ko.” reklamo niya agad. Tama nga ako at kanina pa pala siya ni-riring ni Giselle. Kaya pala pindot siya nang pindot sa kanyang telepono habang may nilalagay siya na kung ano sa mukha niya. I heard a flick and then his lights . Halatang kagagaling nga lang niya sa tulog. Sumingkit lalo ang mga mata niya, nasilaw siguro sa biglang liwanag.

 

“Oh, gising ka na? Great, samahan mo ‘yang kaibigan mo.” madiin na saad ni Giselle, pinanlakihan niya pa ako ng mata bago siya tumalikod na sa camera. Saan na naman siya pupunta? 

 

“G, kaibigan mo rin ako.” I chuckled.

 

“What’s up, K?” curious na tanong ni Jeno while he’s fixing his camera sa table niya. 

 

“Nothing, really. Gumawa lang ako ng homeworks, J.” sabi ko na lang habang nag aayos ng study table. Sinilip ko sa Facetime si Giselle at Jeno, pumipili ng pajama si Giselle sa closet niya, kita ko namang humiga sa kama si Jeno habang nakikinig pa rin sa ‘kin.

 

“G also wants me to help her with our calculus homework but she’s too busy mag maganda.” 

 

“Magpaganda!” iyon lang yata ang tumatak sa utak ni Giselle sa rami ng sinabi ko.

 

“Calculus homework? Next week pa deadline niyan.” Jeno said while looking at his notes para i-double-check. “Next week pa nga.” he added.

 

“Yeah, well…” I trailed off. Ayaw ko kasing nag-aalala sa deadline kaya ginagawa ko agad kahit matagal pa ang pasahan. Hassle lang mag cram. Nagawa ko na ‘yon, isang beses. Never ko na uulitin! Sakit sa ulo! Sumpa!

 

Finally, naka balik na sa harap ng camera si Giselle. MacBook Air ang gamit niyang pang Facetime kaya kitang kita namin siyang nagamit ng cellphone niya. Ngingiti-ngiti pa sa kung ano man ang nakakangiti sa telepono niya.

 

“G, nakikita mo ‘tong T-square na hawak-hawak ko?” I asked, tinapunan naman niya ako ng tingin bago ibalik ang atensyon siya cellphone niya. I scoffed. “Yes, malinaw mata ko.” hindi nakatinging tugon niya.

 

“I’ll hit you with that sa ulo kapag hindi mo pa binitawan phone mo.” irap ko sa kaibigan habang kinukuha ang scratch paper ko na naka patong sa notebook ko.

 

I heard her groan. Mukhang mag re-reklamo pa.

 

“Do you want to pass your calculus class or what?” taas kilay kong tanong.

 

“Grabe ka naman, K! Hindi ko naman ibabagsak!” saad niya, nilapag niya na rin finally ang cellphone niya. Sinilip ko ang camera ni Jeno. Mukhang naka-place na sa side table ng bed niya ang phone, kita namin ang likod niya habang naka higa siya sa kama. Tulog na ulit siguro. Balot na balot pa siya sa kumot. Ewan ko rin sa kaibigan kong ‘yan, mabilis lamigin pero gustong gusto na nasa lowest temperature ang aircon niya lagi.

 

I went to bed to rest my eyes after teaching Giselle and woke up to the sound of my alarm. Hindi kami natapos ni Giselle sa homework niya. Ang dami niya kasing reklamo at inaantok na raw siya. Ituturo ko na lang ulit mamaya. Eh, hindi naman talaga kami mag tatagal kung inuna niya ‘to kesa mag maganda or magpaganda or whatever.

 

Saglit lang ang tulog ko pero okay na rin kesa naman pumasok ng walang tulog.

 

Pag baba ko galing kwarto, may naka ready na breakfast na sa table. 

 

I also saw my mother preparing our plates. Dali dali akong lumapit sa kanya para tulungan siya.

 

She gave me a smile bago siya bumalik sa kitchen. “Good morning, Rina.” bati niya sa ‘kin.

 

“Good morning po.” bati ko sa kanya pabalik, smiling.

 

It didn’t take long for my father and younger brother to join us sa dining table. Naka bihis na ang tatay ko sa office attire niya. Naka uniform na rin si Haruto at mukhang handa na sila parehas pumasok.

 

Salmon at brown rice ang breakfast namin. May blueberries din para kay sa kapatid kong si Haruto. Sakitin kasi kaya maraming bawal, ayaw naman namin na iba ang kinakain namin sa kanya.

 

I was reading ahead of time, taxation kasi unang klase ko ngayong araw. 

 

Seryoso nga ako sa pag babasa na minsan distracted dahil sinusubuan ako ni Mama.

 

“Ate, ang laki laki mo na sinusubuan ka pa rin ng Mama mo. Nakikita ka ni Haruto oh.” sabi ni Papa. Tumawa lang naman si Mama bago ako subuan ulit.

 

Ngumuya muna ako bago sumagot, “Haru, talikod ka nga para hindi mo makita.” 

 

Ramdam ko ang mahinang palo ni Mama sa balikat ko. Natawa naman ang kapatid ko.

 

“Inggit lang si Papa na hindi siya yung sinusubuan.” pang-asar pa niya sa tatay namin. 

 

“Anak, don’t expose me like that…” bulong pa ni Papa.

 

 

My father insisted on driving me to school pero humindi na rin ako. Maaga pa talaga para sa first class ko, but I intended to get a cup of coffee before going to my classes.

 

Ayaw kasi ni Mama na nag kakape ako tuwing umaga kaya hindi ako nag kakape sa bahay. 

 

Hey, I rarely break Mama’s rules. But I am not a perfect daughter. And caffeine to my system? Unquestionably necessary.

 

Sa Bean Belt Coffee sa Dapital ST. ako lagi. 3 minues away lang sa UST kung saan ako nag-aaral. I really enjoy the atmosphere here. Tahimik lang tapos hindi gaanong matao.

 

Iniwan ko na rin ang kotse ko sa carpark, dapat nga doon na lang ako sa Starbucks sa loob bibili ng kape ngunit punuan sa loob. Ayaw ko na ring makidagdag at kawawa naman ang workers, ang aga aga pa lang ay mapapagod na.

 

I was greeted by the aroma of freshly brewed coffee as I walked into the cafe. As expected, hindi matao dito. Wala ring pila kaya agad din akong nakapag order.

 

I ordered my usual, one cup of Americano. No milk, no sugar.

 

I paid for my order and stood there for a few minutes watching the barista combine freshly pulled espresso

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
682 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
682 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
682 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2140 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh