This is my starting line

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

Grabe lang ang pagod ko kahit first shift ko pa lang ‘to as first-year resident doctor, o mas kilala rin sa tawag na intern. 

 

48-hour akong nag tatakbo at nag a-assist sa ibang residents, minsan pa ay sa mga attendings, nasabak pa nga ako agad sa appendectomy kaninang hapon. Imagine kung kaano ako kinabahan na baka mag kamali. There are other interns there who are ready to judge dahil unang beses ko lang mag scrub in kaya dagdag pressure. May iilang naka dark blue scrubs din— sure akong attending ang mga ‘yon.

 

Ang haba ng unang shift ko, feeling ko ay bibigay na agad ang katawan ko. Hindi ko man lang maitulog ang mga mata ko kada breaks, adrenaline na rin siguro. Tsaka siyempre, unreal pa rin para sa ‘kin ‘to.

 

Para bang hindi pa sanay ang katawan ko sa puyatan noong nasa Med School pa ako. Sabagay, hindi pa nga naman ako Doctor noon. Puro aral, recit, at— nasabi ko na bang puro aral? Basta, puro aral.

 

Ang punto ko, noon, puro aral lang ang pumupuyat sa ‘kin. Ngayon kasi, I study and wait for orders to help save lives. Pinag-sabay na mas pinahirap, pero kakayanin naman ang hamon ng buhay. Ginusto ko naman ‘to, kaya ako dapat ang mag dusa.

 

Ayon nga, hindi na gaya dati. 

 

Parang last month lang, nag-aaral pa ako eh. Nakakapanibago naman.

 

Changes never go well for me.

 

Kailangan ko talaga ng maraming oras para makapag adjust.

 

Siguro naman ay makakasanayan ko rin ang ganito kapag nag tagal, unang shift ko pa lang naman at marami pa akong kailangang matutunan. 

 

Many doctors, especially interns, are plagued by fatigue because we work until we drop. 

 

But we save lives. That’s what we do.

 

Alam kong marami pa akong kailangang matutunan, and the mere thought of it excites me. 

 

After all those years of studying, I’m finally in the game. Yung pagod, yung iyak, yung gabi-gabing pangungulila. Worth it lahat.

 

This is my starting line— my arena. 

 

This is Dr. Kim, ready for duty.

 

 

“Congrats, Winter!” 

 

Dali-daling lumapit ang kaibigan kong si Ning at humalik sa pisngi ko. I smiled at her nang mag tama ang mga tingin namin. 

 

“Thank you, Ning.” ramdam ko ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking braso, squeezing it slightly. 

 

Nag tama muli ang mga mata namin, mukhang iiyak na siya.

 

“Winter…” mahina niyang sambit, naka takip na ng mukha. “Parang noon lang, hinihingian mo lang ako ng ulam kada lunch. Tapos ngayon, Doctor ka na.” sabi ni Ning, hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o hindi. Kasi naaasar ako.

 

“Parang ewan naman, Ning Yizhuo.” giit ko at tinulak papalayo ang kamay niya sa braso ko.

 

Bago pa maluha si Ning, napalingon na kami sa bagong dating naming kaibigan.

 

“Bakit ako walang flowers?” reklamo ni Ryujin nang makaupo siya sa tabi ko. 

 

“Mahal kasi isang bouquet, studyante lang naman ako!” inabutan siya ni Ning ng tempura, hindi ito tinanggap ni Ryujin at nag asal pa na nag tatampo. Bahagya namang hinawakan ni Ning ang pisngi ni Ryujin gamit ang isang kamay para isubo ng sapilitan ang tempurang binibigay niya.

 

“Grabe ka naman mag mahal, Ning.” giit ni Ryujin habang nanguya’t hawak-hawak ang pisnging kanina ay pinisil ni Ningning.

 

I laughed at them bago kumuha rin ng pag-kain. 

 

Ryujin and I were both accepted into the program as interns at Manila Doctors Hospital, and this dinner served as a congratulatory gift from Ning.

 

Lahat kami ay nag-aral ng med— si Ning, nag-aaral pa rin. Nasa Med School pa siya dahil nauna kaming grumaduate ni Ryujin sa kanya. Mas matanda kasi kami ng halos dalawang taon kay Ning.

 

“Sus, Ryujin, huwag ka namang masyadong kiligin sa ‘kin.” pag papatuloy na pang-aasar ni Ning noong sinubuan niya ulit si Ryujin. 

 

Pag tapos niyang subuan si Ryujin ng meat, nilahad niya sa harap ko ang chopsticks niyang may tempura. Naiiling kong sinubo ito at nag pasalamat sa kanya.

 

“Kapal ng mukha mo! Tagal tagal na noong naging crush kita!” giit ni Ryujin na kinatawa naming dalawa ni Ning. Naging crush nga ni Ryujin si Ningning dati, simula noong nalaman ‘yan ni Ning lagi na niyang inaasar si Ryujin whenever she gets the chance. Ganyan ‘yan ka-kupal.

 

“Kumusta naman first shift niyo?” hind naka tinging tanong ni Ning sa amin. “Okay naman, I was given the opportunity to scrub in to an appendectomy.” smug kong banggit habang naka tingin kay Ryujin. Siniko naman niya ako agad noong mag tama ang tingin namin.

 

“Ang daya! Gusto ko rin!” Ningning sighed as she sipped her soup, which she quickly regretted. Maanghang kasi.

 

“Hindi ka p’wede. Bakit, are you a Doctor din po?” pang-aasar ko kay Ning. Ning raised her middle finger at me, napatawa na lang si Ryujin sa amin habang kumakain.

 

Tuloy lang ang pag-kain naming tatlo habang nag-babangayan sa lamesa. Naka ilang order pa si Ryujin dahil ang kinain namin sa dalawang araw na shift namin ay puro sandwiches at kape lang. Parehas naming hindi gusto ang mga hospital foods, si Ning naman puro reklamo na dahil ang dami raw kumain ni Ryujin. 

 

“Minsan ka na lang nga mang libre, mang t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
697 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
697 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
697 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2155 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh