Anime Movie Date

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Engineer Winter | Med School Student Karina

 

Sa bahay pa lang nagtatalo na kami ni Karina. Hindi naman siya seryosong pagtatalo pero nagdedebate kasi kami kung ano ang mas magandang panooring palabas sa sinehan. Sa last full show na nga lang kami aabot dahil hindi kami magkasundo.

 

Biglaan lang din kasi. Sabado ngayon, at pareho kaming walang pasok. Nabuburyo na raw siya sa bahay dahil hindi siya masyadong kumikilos. Kaya inaya ko siya sa labas; partida, alas-nueve pa lang ng umaga noong alukin ko siya.

 

Kapaparada ko pa lang ng sasakyan nang muli niya akong harapin, “Settled na, Win ha. We’ll watch Orange, okay?” Malambing na ang tono ng boses niya. Madaya.

 

Binunot ko na ang susi, “Ano pa nga ba, doc? Anong laban ko sa pacute na ‘yan?”

 

Pagbaba niya sa sasakyan ay nakahalukipkip na siya. Hindi rin pinansin ang nag-aabang kong kamay, “Rina, may problem pa ba? Orange na nga ang papanoorin natin eh.” May pagmamadali sa aking lakad. Ang tangkad kasi nitong kasama ko, ang lawak rin ng kanyang hakbang.

 

“I told you. Don’t call me doc pa nga diba? ‘Di pa ako tapos sa studies ko, Winter,” masama ang titig niya sa akin.

 

Mangangatwiran pa sana ako ngunit mukhang konti na lang ay iiwan na niya akong mag-isa rito. Sa susunod na nga lang, “Understood na po.” Hinawakan ko na ang kamay niya para mabilis na naming marating ang cinema house.

 

Nang makita ko ang poster ng Kuroko’s Basketball: Winter’s Cup, grabe ‘yung panghihinayang ko. Nakita yata ni Karina ‘yung pagbagsak ng balikat ko kaya nakurot ako sa tagiliran, “You don’t have to sacrifice naman.”  Pangiti na sana ako eh, “Hiwalay na lang tayong manood.”

 

Agad akong umiling at inunahan na siya sa pila. Sabi ko nga, Orange: Mirai.

 

“Two tix po for Orange,” nakangising tinanggap ni kuya ang bayad ko. Hindi ko na katabi si Karina, medyo malayo siya. May kausap yatang blockmate sa phone. “Paubaya siya eh,” biro pa nito. Kung nandito si Karina, kuya, napagtaasan ka na ng kilay no’n. Tumawa na lang ako nang bahagya para 'di siya mapahiya bago bumalik sa tabi ni Karina.

 

“Tapos ka na?” tanong ko sa kanya. Ibinulsa na niya ang kanyang phone habang tumatango, “Gusto mong food? I’ll buy,” alok niya bago hawakan ang aking kamay. “OJ na lang, baby. Tapos pizza,” nakangiti kong hiling sa kanya. Ramdam ko ang pagsingkit ng aking mga mata. “Okay,” hila niya sa ‘kin.

 

Tinapik niya ang kamay ko nang bumunot ako ng maraming tissue sa lalagyanan, “What for?” Ayan, gustong manood ng Orange pero ‘di binasa ‘yung synopsis ng film. “Uh for us?” pagmamaang-maangan ko. “Pamunas ng fingers tsaka mouth,” ngiti ko sa kanya. Bahala siya, choice niya ‘yan eh. “That’s too much, Win,” saway niya sa ‘kin pagkatapos kong ibulsa sa hoodie ‘yung kinuha ko.

 

“Nakuha ko na eh,” ngiti ko sa kanya.

 

Pagkaupo sa leather love seat, inayos ko muna ang pagkain namin. “Napanood mo na ‘yung series nito, Rina?” tinanguan niya lang ako habang nagta-type siya sa phone. “Sorry, baby,” malambing a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
saintisasinner
There's a link po sa dulo ng chapter. Hihi, morning!
No comments yet