AirDrop as Tinder alternative

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Mapúan Ning Yizhuo introduces her fellow Cardinal to her Eagle friends.

 

Ning

 

Unang pagkakataon ito na pinayagan kaming mamili ng magiging partner para sa isang case study kaya minabuti ko talagang higitin si Winter mula sa mga lalaki naming blockmate. Ito rin ang unang beses na makagrupo ko si Winter. Lagi kasing dinidistribute ang girls sa disciplines para daw mabalance ang bawat grupo. Nagtagumpay naman ako sa paghila kay Winter dahil agad rin siyang pumayag na ako ang maging partner niya.

 

Matapos naming pag-usapan ang napili naming paksa, which is ang sewage system sa Intramuros, niyaya ko siyang samahan akong maghanap ng parts para sa binibuild kong PC.

 

“Palitan mo ‘yung AVR ng UPS d’yan sa list mo. It’s safer for your PC to have that,” diba? May libreng advice pa galing kay Winter.

 

Sumang-ayon na lang ako at crinoss out na ang AVR na nakalista sa notes app ko. “Bakit nga pala sa Rockwell pa tayo pupunta? Marami namang resto malapit sa ‘tin?” tanong ni Winter bago lumiko papasok lugar.

 

“I’m meeting my friends,” tawa ko sa kanya. “Free ka naman diba? Wala naman masyadong workload this week,” kinuha ko na ang aking wallet mula sa bag. Tumango naman si Win.

 

“Wala yatang PC shops near dito?” pag-aalinlangan ni Winter habang nagrereverse parking.

 

“Hindi ko alam,” ngisi ko sa kanya. Inilingan ako ni Winter pagshift niya ng gear sa park. “Pasama na lang tayo sa friends ko if ever wala dito.”

 

“Lipat na lang tayo sa Fishermall after. May alam ako ro’n,” phone at wallet na lang din ang dinala ni Winter pagbaba namin ng sasakyan.

 

---

 

Karina

 

“Hey SEC-C,” ngising bati ko kay Giselle pagbaba niya sa building. Dito na kasi siya nagpasundo dahil huling klase naman na niya. “Pun mo na ‘yan?” ang KJ naman! Hinila na niya ako pabalik sa sasakyan.

 

“What’s with the hurry?” tanong ko sa kanya nang paupuin na niya ako sa driver’s seat. “I literally just parked, Gi.”

 

“Ning’s waiting na sa Grove. She’s with her blockmate raw,” sagot niya habang nagtatype ng message sa phone. Nagmaneho na rin ako palabas ng Ateneo dahil mainit pa naman ang makina.

 

“Where are we meeting them ba?”

 

“Nasa Gardens daw sila eh. Gusto mo eat na rin tayo?” Tiningnan ko ang oras sa dashboard ng sasakyan, “Okay,” lunch time na rin naman.

 

Pinababa ko na si Gi bago ako maghanap ng parking space. Nakakahiya naman kasi sa kasama ni Ning kung hihintayin niya kami pareho.

 

Pinarada ko ang sasakyan sa tabi ng isang puting Toyota Camry, buti may space pa malapit sa the Gardens.

 

Nang makapasok ako sa place ay agad kong natanaw si Ning na kumakaway na sa akin. May nakaupo na sa kanyang tabi; may plato na rin ng gambas sa gilid ni Giselle. “Is this mine?” tanong ko kay Gi habang hinihila ang upuan.

 

“Yeah, nag-order na si Ning for us.” Tiningnan ko si Ning, “Thank you, girlfriend,” ngiti ko sa kanya. Kita ko sa peripheral view ko ang gulat na pag-angat ng tingin ng kasama ni Ning.

 

“You should really stop calling us that, Rina,” tawa sa ‘kin ni Ning bago humarap sa katabi niya. “She calls us girlfriend,” turo niya sa sarili niya at kay Gi. “Hindi niya kinoconfirm why pero I have a hunch na it’s to lure her suitors away,” dagdag pa ni Gi. Bakit nila sinasabi ang mga impormasyong ito? Huling beses na nagkita-kita kami wala naman silang reklamo kapag tinatawag ko silang gir

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
saintisasinner
There's a link po sa dulo ng chapter. Hihi, morning!
No comments yet