New Song on Repeat

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

The midnight was an ordinary one until Karina musters unfeigned words, and Winter engulfs her in a warm embrace.

 

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pag-ikot ni Winter sa kama. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata; sinasanay pa sila sa ilaw ng nag-iisang pinlight nan aka-on sa k’warto ni Winter.

 

Nakaharap na siya sa akin ngayon, nakapailalim ang isang kamay sa pisngi habang ang isa nama’y payapang nakapatong lamang sa kama. Agad akong napangiti sa tanawing bumungad sa ‘kin. Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko sa bedside table.

 

Tiningnan ko ang oras, “2:08,” tahimik kong basa rito. Pinindot ko ang camera app; siniguradong hindi naka-on ang flash para hindi ko maistorbo ang mahimbing na tulog ni Winter, “You look so peaceful when you sleep, Win. A baby indeed.”

 

Marahan kong sinuklay ang buhok ni Winter. May space pa rin naman sa pagitan namin. Napangisi ako nang maalala ko ang itsura niya noong sabihin ko sa kanyang dito ako sa condo niya matutulog ngayong gabi. Lumaki ang mata ni Winter, gulat na gulat. Nag-stutter pa nga siya habang nagtatanong kung bakit. 

 

Pero mas nakatatawa ang itsura niya nang sabihin ko sa kanyang tabihan na lang niya ako sa kama. 

 

“Come on, Winter. I’m your girlfriend, anong problema mo?” nakangisi kong tanong sa kanya. Humakbang siya patalikod para mag-allot ng mas malaking espasyo sa pagitan namin, “Karina, malikot ako matulog.”

 

“Oh? Then why sleep on the sofa? Malalaglag ka lang do’n kasi malikot ka pala,” napafinger-comb tuloy siya ng buhok nang wala sa oras. 

 

That’s one thing I learned today. I like teasing Winter. Gusto ko ‘yung pagsalubong ng kilay niya habang sinusubukang intindihin ng utak niya ang mga salitang bigla ko na lang sinasabi sa kanya.

 

Tinanggal ko na ang ngisi sa aking mga labi nang makita ko ang panic sa mga mata niya, “Hindi ka pa that comfortable to sleep beside me?” tanong ko habang tinatawid ang distansyang nilaan niya. “Baka bigla kang maturn off sa ‘kin ‘pag nakita mo ‘kong tulog,” nahihiyang kamot ni Winter sa batok niya.

 

Naalala ko tuloy ‘yung picture na tinake ko noong natulog siya sa bahay after their grad party. Oh, Winter, kung alam mo lang how I longed to finally be able to watch you sleep.

 

“Baby, I love everything that makes you,” hawak ko sa balikat niya, “you,” maluwag na ngiti ang binigay ko sa kanya. “Kaya please don’t be too careful when you’re with me. Be the Mapuan Rabbit I know, Ning’s maharot and kinda masungit blockmate. Be yourself lang, baby,” iginaya ko na siya papasok sa k’warto niya. “Don’t filter yourself. Let me love what makes Winter, Winter.”

 

Kaya heto kami ngayon, nasa iisang kama. Hinintay niya talagang una akong makatulog. Nasilip ko pa siyang nag-aalarm ng maaga kanina. “You should see yourself when you’re asleep, baby. I’ll show you the photos tomorrow para hindi ka na mahiya.”

 

Halos mag-iisang oras na, hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Nakatitig lang ako kay Winter habang nakasalpak ang isang piraso ng earpiece sa left ear ko. Marami na akong kantang napakinggan na dapat ay makapagpapatulog sa akin.

 

Pero grabe kasi talaga ang pintig ng puso ko.

 

Ang mesmerizing tingnan ni Winter. Mula sa malambot niyang buhok, sa noo niyang sumisilip sa akin, ilong niyang parang nakakaenjoy magslide. Pahawak na sana ako sa pisngi niya nang biglang may tumunog na alarm.

 

Napatawa na lang ako habang gulat na nagmulat ng mata si Winter. Bigla siyang bumangon para abutin ang phone sa side niya, “Karina? Nagising ka ba?” Nginisihan ko lang si Winter bago itukod ang braso ko sa kama para saluhin ang ulo ko habang nakatagilid ako paharap sa kanya. “Really, baby? An alarm at 3 am?” kin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
529 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan