City of Smiles

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Karina goes to Bacolod as a volunteer doctor

 

“Win,” abot sa ‘kin ni Ning ng mainit na tasa ng Americano. Sinuklian ko siya ng tahimik na thank you. Nasa labas kami ngayon, tapos na kumain kasama ng mga client at bosses. Umiba muna kami ng table ni Ning while they sit for a cup of coffee rin.

 

Tumingin ako sa aking relo. “Malapit na mag-seven ah, hindi pa ba nila tayo pauuwiin?” inip na tanong ko sa kanya. “Rina’s out of town diba? Bakit nagmamadali kang umuwi?” hawak niya ang kanyang phone para magpatay rin ng oras.

 

Nandito kasi kami sa Laguna para sa isang meeting at tingnan na rin kung paano makatutulong ang kumpanya para mapalago ang Bamboo industry dito.

 

“3 hours din kaya tayong magd-drive,” sagot ko sa kanya bago lumagok. “Ikaw lang,” angat niya ng tingin sa ‘kin, “may susundo sa ‘kin eh.” Nangisi naman ako sa balitang isiniwalat niya, “Alam na ba ‘yan ng bestfriends mo?” Binato ko sa kanya ang resibo namin, “Kaya pala sumabay ka sa ‘kin kaninang umaga! Timing talaga na wala sila sa city ha.”

 

“Hindi pa. Kaya ‘wag kang maingay,” naputol ang sasabihin ni Ning nang bigla siyang natawa. “Check your phone! May post na si Gi,” sumandal siya sa upuan at sinimulan nang magtype.

 

Sinunod ko naman ang sinabi ni Ning dahil nagtaka na rin ako kung bakit ganoon ang naging rekasyon niya.

 

---

 

“Hoy, Win!” tawa niya sa ‘kin bago siya sumakay sa sasakyan ng kanyang manliligaw. “’Wag ka ngang sumimangot,” binuksan ko na ang pintuan para makasakay na siya. Tinanguan ko ang lalaking nakaupo sa driver’s seat. “Alam ko namang naibalita mo na sa dalawa ‘yung reaction ko,” irap ko kay Ning.

 

“Talaga, sila bestfriends ko eh. Hindi naman ikaw,” pang-iinis niya pa sa ‘kin. “Ewan ko sa ‘yo,” kinausap ko pa saglit ang kasama ni Ning. Binalaan ko na rin siya sa ugali nitong kasamahan kong engineer.

 

“Anyway, it was just a heads up for Rina,” pagdadahilan pa ni Ning habang inaayos ang seatbelt niya. “Oo na,” sinaluduhan ko na ang manliligaw niya. “Ingat sa pagmamaneho, dude. Pakabait kayo, please.”

 

“Hindi kami gano’n,” salubong ang kilay ni Ning. “Isusumbong kita kay Rina!”

 

“Wala naman akong sinabi?” natatawa kong sagot bago panooring maglaho ang tail lights ng sasakyan nila.

 

---

 

Nagawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin bago ko ihiga ang aking katawan sa kama. Nai-setup ko na rin ang laptop sa aking tabi. Suot ko ang isa sa mga hoodie ni Karina; hindi ko pa kasi nadadala sa laundry shop ‘yung mga damit namin. Kinuha ko ang pocket journal sa bedside table para ilista na kailangan kong gawin ito bukas.

 

Lumiwanag ang screen ng aking phone.

 

Future Cat Mama

I’m done na, baby. I’ll call in a few.

 

Inayos ko ang upo ko sa kama, at sumandal sa headboard. Nilagay ko ang laptop sa aking kanlungan. Matapos ang limang minuto ay bumungad na sa ‘kin ang mukha ni Karina. Nakapatong siguro ang laptop niya sa dressing table ng kwarto nila.

 

“Hi!” bati nito sa ‘kin. Nginitian ko lang siya, “Katatapos n’yo lang?”

 

Natawa siya sa aking tinuran, “Is this what Ning was warning me about?” Nagkibit-balikat ako bago ilagay ang hood sa aking ulo.

 

“Win, look at me,” nag-angat din naman agad ako ng tingin pero sinigurado kong walang ekspresyong mababasa sa aking mukha. “Wait lang, baby. Someone’s knocking,” nang tumayo si Karina ay noon ko lang din napagtanto ang suot niya.

 

Wala naman akong inimpake na ganoong PJs sa maleta niya?

 

“It’s Gi. Dumiretso sa CR,” a ni Karina bago hilahin ang silya para muli siyang makaupo.

 

“Oh bakit parang mas bad na ang mood ng baby ko?” Humalukipkip ako, “Ewan.”

 

“Win, what happened to your good communication skills?”

 

Inalis ko ang laptop mula sa aking mga hita at ipinatong itong muli sa kama. Tumagilid ako ng higa; salo ng aking braso ang gilid ng aking ulo, “I don’t remember packing those tennis shorts. I was the one who packed your clothes, Karina. I don't remember buying it at all.”

 

Rinig ko ang pagtawa ni Giselle sa gilid bago niya t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
saintisasinner
There's a link po sa dulo ng chapter. Hihi, morning!
No comments yet