Hang on, Little Tomato

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Hang On Little Tomato | Pink Martini

 

Engr. Ning and Dr. Uchinaga show Winter how to handle a feisty jealous Karina.
 

 

Giselle

 

Nasa Tagaytay kami ngayon dahil birthday ni Winter. Usually, our January 1 celebrations ay biglaang yayaan lang, but this year ang sabi ni birthday girl sina Sunghoon at Hyunjin daw ang ginawa niyang punong abala.

 

“Who suggested Tags?” natatawang tanong ni Ning sa ‘min after magwalk out ni Karina na agad namang sinundan ni Winter. Ever since they became a thing naging careful na kami ni Ning sa pagpili ng lugar kung saan namin dadalhin ang dalawa.

 

Lalo na sa mga okasyong dumarayo pa ang tao sa ibang lugar para makidiwang o kaya naman peak season talaga nung province kaya hitik sa turista. Basta, something’s bound to happen whenever either one of them is working sa isa sa mga tourist-heavy places in the country. Daragdag pa yata sa list ang Tagaytay tonight.

 

Nagtaas ng kamay si Hyunjin, “Ako,” kinakabahan niyang sagot kay Ning. “Hindi ka nagconsult kay Gi?” pigil tawa niyang tanong. Tumingin sa ‘kin si Hyunjin, “Why look at me?” ngisi ko sa kanya.

 

“Saluhin mo ‘ko.”

 

“I can’t, babe. I reminded you to inform me muna before deciding,” tawa ko sa kanya with my arms crossed bago sumandal sa upuan. Evidently, hindi rin sinabihan ni Sunghoon si Ning na dito nila kami dadalhin.

 

Nginitian ko si Sunghoon nang matanaw ko siyang pabalik na sa table namin. “Sa’n ‘yung dalawa?” malambing niyang tanong pagkaupo sa tabi ni Ning. “Karina was fuming,” sagot ni Ning pagkaabot sa kanya ni Sughoon ng susi ng sasakyan nito. “Agad? We haven’t even ordered yet,” hinanap ng mata niya si Hyunjin, “or nakaorder na kayo?”

 

Nagthumbs lang ang partner ko bago bumaling sa ‘kin, “Ano ba kasing problem nila dito?” moving his chair closer. “None naman, babe,” ngisi ko bago ipatong ang kamay ko sa braso niyang nakahalukipkip rin. “Napansin lang namin ni Ning na whenever we’re somewhere flocked by tourists, one of them gets a little bugnutin,” dinig ko ang paghalakhak ni Ning sa harap ko.

 

“It’s Rina’s turn na naman,” she adds bago takpan ang bibig. Namilog ang mga mata niya, signalling na nakalabas na sa powder room ang dalawa naming kaibigan. Lumingon si Hyunjin sa likod, glancing at the couple bago bumulong sa ‘kin, “Parang hindi naman ‘a little bugnutin’ lang, Gi. P’wede bang ‘wag mo na lang sabihin na ako ‘yung dahilan kung bakit dito tayo?”

 

Tinawanan ko lang siya bago sundan ang line of sight niya. Nagtama ang mga mata namin ni Winter; it’s a cry for help. Hang on, Win. Ning and I got you.

 

I giggled, mouthing, “Say please muna.” Then the Mapuan rabbit glares.

 

Winter

 

Nakatitig lang ako kay Karina habang nag-aayos siya sa harap ng salamin. Buti nga’t mabilis akong nakapasok bago pa niya maisara ang pintuan kanina. Kada magtatagpo kami ng tingin ay tatapatan ni Karina ng mapanghamong titig ang akin, dahilan para mapalihis na lang ako.

 

“Love,” maingat kong tawag sa kanya nang simulan niya nang itago ang mga gamit niya. “What?” walang emosyon niyang sagot bago ako tingnan mula sa salamin. Umiling na lang ako dahil nakataas na ang isang kilay niya. Nauna na ako sa may pinto para buksan ito para sa kanya.

 

Tanaw ko ang pagtawa ni Ning at si Sunghoon na nag-alis ng tingin sa phone niya. Si Hyunjin na mukhang handa ng humingi ng tawad; kay Giselle ako nagfocus, “Help.”

 

Humagikgik siya, “Say please muna.” Birthday ko kaya ngayon?

 

Bago pa man kami makarating ni Karina sa table namin ay may pumukaw sa atensyon ko. “Miss, two shots po ng espresso, right?” pasagot na sana ako nang maramdaman ko ang kamay ni Karina sa aking bewang, pulling me closer.

 

Nakita ko ang pagbaba ng tingin nung staff sa paghawak ni Karina sa ‘kin kaya’t sinundan ko rin ito. Hindi ko dama na mahigpit ang pagkakayapos niya pero kita ko ang pagbakat ng buto at ugat niya sa kamay. Tiningala ko siya; nakaigting na ang kanyang panga. Ang kanang kilay niya’y bahagya nang nakaangat, “One.” Sagot niya bago muling simulang maglakad; nananatili ang kamay niya sa aking tagiliran.

 

Hindi ko na nilingon ang kausap namin. Nagpatangay na lamang ako kay Karina.

 

Kita ko sa mata ng apat naming kaibigan ang pagpipigil nila ng tawa nang makaupo na kami. “May chance pa to lift your mood, Rina. The food here’s good,” bilib rin ako sa tapang ni Sunghoon na kausapin ‘tong katabi ko.

 

Sa Napa kami dinala nina Hyunjin; hindi naman na gaanong matao pero pansin ko rin ang panaka-nakang tingin nila sa mesa namin. Dito kami sa labas ng restaurant kakain; maganda ang tanawin, presko ang simoy ng hangin dahil sa mga pine trees.

 

Mas okay sana kung kinikibo ako nitong isa.

 

Nagsimula na silang magpatugtog ng dinner blues, sakto sa pagdating ng mga food na inorder namin. Tuloy lang sa pagku-k’wentuhan habang kumakain kami. “Which wine did you get?” bulong sa ‘kin ni Giselle. Bilog naman ang mesa kaya hindi kami hirap, “Llebre.”

 

Sinubukan kong hawakan ang kamay ni Karina sa ilalim ng mesa. Nilingon niya ako nang maramdaman niya ang pagpatong ng kamay ko sa kanya. Nginitian ko lang siya bago tuluyang pagsalikupin ang mga ito; hindi naman na siya pumiglas pa.

 

Nang masalinan na ang mga wine glass namin, si Sunghoon na ang nagpasimuno ng toast. “Celebrate small Wins daw eh. Happy birthday, Winter!” panlilisikan ko sana siya ng mata pero nahuli ko ang pagkagat ni Karina sa labi niya para magpigil ng tawa bago iangat ang baso niya.

 

“’Wag kang papaconsult ng project sa ‘kin,” tawa ko kay Sunghoon bago itaas ang wine glass ko. “Ang collective wish namin ay pansinin ka na nawa ni Karina bago matapos ang gabi,” ngisi ni Hyunjin.

 

Pambihira, parang nadoble sina Giselle at Ning.

 

10:30 nang magpasama sa ‘kin si Ning sa sasakyan ni Sunghoon. Isang sasakyan na lang ang dinala namin dito sa Napa dahil sa loob lang din naman siya ng Crosswinds, at naturingang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
527 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan