Help, I'm at the Eagle's nest

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

It is Rosé who first greets Winter Kim, now Karina’s girlfriend, good morning. 

Never Stop

 

Karina

 

Maaga kaming gumising ni ate para maabutan sina mommy bago sila umalis patungong Japan. Anniversary gift sa kanila ‘to ni ate, at ang napagkasunduan namin ay ‘wag na lang sumama. Dalubhasa naman si daddy sa pag-amo kay mommy kapag sinusumpong na ito dahil sa pagod, kaya nga sila nagtagal eh.

 

Ngayon, tinutulungan ko si ate na magluto ng breakfast namin. “What time ka nakauwi kagabi?” tanong niya habang tintimplahan ang sinangag. “Around 2 am,” sagot ko sa kanya bago magsalin ng tubig sa kettle. “Saan mo like magbreakfast, ate? Here or sa veranda?” ala-singko na ng umaga, unang araw ng weekend—Sabado.

 

“Veranda, Kars. It’s a slow moring tapos ikukulong mo ‘ko rito sa loob,” pamewang niya sa ‘kin bago icheck ang pan na pinaglulutuan niya ng tocino. “Bili ka muna ng pandesal before ka magset up ng plates sa labas,” lingon niya sa ‘kin.

 

“Got it, attorney!” sagot ko sa kanya bago umakyat sa second floor. Chineck ko muna ang tinutulugang kwarto ni Winter. Pagpasok, umupo ako sa kaliwang side ng kama kung saan siya nakaharap. Inayos ko ang loose strands ng buhok na tumatabing sa mukha ni Winter. Hindi na ako nagdalawang isip pa na dampian ng halik ang noo niya; wala eh, I can do it na without worrying about what this kind of action would mean to her.

 

God, I wanted to do that na rin for the longest time.

 

Nagmessage na rin ako sa phone ni Winter para if ever magising siya habang bumibili ako, hindi siya mabigla sa makikita niyang nilalang sa baba. Bago lumabas, I took the chance na rin to take a photo of this cute Winter—my sleeping girlfriend.

 

Buti na lang busy si ate na magluto kaya hindi niya ako maiinis paglabas ko sa silid. ‘Yung ngiti ko ngayong umaga, feel ko magtatagal hanggang sa susunod na buwan.

 

Kinuha ko na ang wallet ko sa kwarto bago muling isuot ang plaid shirt ni Winter.

 

Pagbalik ko sa bahay, iniwan ko na ang pandesal sa veranda. Paglapit ko kay ate, bacon na ang niluluto niya sa pan. Nasa mesa na rin ang sinangag na niluto niya. “Hinatid mo pa ba ‘yung sinundo mo kagabi or she’s sleeping sa taas?” tanong niya sa ‘kin habang nagtitimpla ako ng kape sa kanyang tabi.

 

Oo nga pala.

 

Nahihiya akong ngumiti kay ate bago kumuha ng isa pang tasa mula sa cupboards, “She’s asleep pa sa taas.” Natawa siya sa inakto ko bago humalukipkip. “You’re blushing,” turo niya sa ‘kin. “Sino ba ‘tong Winter na ‘to ha?”

 

“Alam mo naman eh,” panlilisik ng mata ko sa kanya. “Sabi mo pa nga last night, ‘the other Mapúan friend.’ You saw her na nung grad ko.”

 

“I mean, sino si Winter without describing her as your Mapúan friend?”

 

Sinimangutan ko siya, “May clue ka na eh!” Tuluyan na rin naman siyang tumawa, “Mahirap maniwala without evidence 'no.” Nilagay niya na sa kamay ko ang dalawang tasa ng kape, “Sige na, bring these outside na. Buti na lang Saturday, I have all day to pester the two of you.”

 

“No, you don't. We're hanging out with Gi and Ning today!” tawa  ko sa kanya bago pa ako makalagpas sa wooden sliding door. "So? I can always join the four of you!" pahabol niya pa.

 

 Winter

 

Nasanay na siguro ang katawan ko sa maagang paggising kaya kahit na late na ako natulog kagabi ay ‘matic na nag-inat ang mga kamay ko. Kinapa ko ang phone ko sa kama; gamit ang isang mata ay sinilip ko kung anong oras na.

 

Napabalikwas ako nang mabasa ko ang message ni Karina. Gago, totoo nga ‘yung kagabi.

 

Love

Morning baby! Once you wake up, diretso ka sa room ko. Your things are ready na there. My sister’s cooking sa baba pala. Mabait naman ‘yon, she won’t bite haha!

 

Mga sampung beses ko sigurong paulit-ulit na binasa ‘yung message niya bago tumayo.

 

Habang naghihilamos at sipilyo, inayos ko na sa isip ko ang mga sagot sa posibleng mga tanong ng ate ni Karina. Ang alam ko kasi lawyer ‘yon; pareho sila ni Karina na sa Ateneo nag-aral. Huminga na lang din ako nang malalim bago lumabas sa kwarto ni Karina.

 

Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng bahay ng mga Yu habang naglalakad ako pababa ng hagdan. Hindi ko naman masyadong nabigyan ng pansin ‘to kagabi dahil mabigat na ang talukap ng mga mata ko no’n. Well-maintained ang old house nila, ang ganda rin ng details—maaliwalas. Spanish Colonial architecture style.

 

Pagtapak ko sa kusina nila, sakto naman ang paglingon ng ate ni Karina. Napaangat pa nga ang kilay nito nang makita ako. Tinitigan niya ako bago ngitian. “Good morning, Mapúan friend!” masiglang bati niya sa ‘kin.

 

Ninenerbyos man, nagawa ko namang suklian din siya ng ngiti bago lumapit para iabot ang aking kamay. “Good morning po, ate Rosé,” buti na lang naaalala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
526 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan