Small piece of a larger whole

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

1    INT. HONDA CIVIC – NIGHT (3RD PERSON’S)

    

Nang makaupo si Karina sa sasakyan ng ate niya ay agad siyang nagsuot ng seatbelt. Matapos nito ay tsaka lamang siya bumati, at humalik sa pisngi nito.

 

Mapait ang ngiting nasilayan niya nang bahagya siyang lumayo. “Nakalimutan mo ‘no?” tanong ng kanyang kapatid. Agad na umiling si Karina, “No. I’d never forget about today. I just… I lost track of time kasi we were busy sa isang task. I…”

 

Unti-unting humina ang kanyang boses nang mapansin niya ang tingin sa kanya ni Rosé. Nag-igting ang kanyang mga panga, lunok niya ang pangangatwirang hindi sapat.

 

“I know she messaged you to drive me straight home but—” nagsimula nang magmaneho ang ate niya, tinanguan na lamang ang hiling ni Karina.

 

“Anong mali mo?”

 

“I promised… tapos hindi ko nagawa. I should have been more mindful sa time. Or nagsabi man lang sana ako para hindi siya mukhang tangang nag-aalala, naghihintay,” hindi magawang sumandal ni Karina sa upuan ng sasakyan. Para bang ilang segundo lang ay pahihintuin niya ang ate niya at susubukang pumara na lamang ng motor nang mabilis niyang mapuntahan si Winter.

 

“Hay nako. Kung nakita mo lang how excited she was noong nagpapaalam siya kina daddy.”

 

Tsaka lamang sumandal si Karina, kanang kamay niya’y nakasapo sa kanyang noo. Malalim ang pinakawalang buntong hininga ni Rosé nang matanaw niya ang tinutumbok nilang traffic jam.

 

“Hindi naman sa pinapagalitan kita, Kars,” lingon niya rito. “Though, ang sabi ni mommy ako na raw ang bahalang magsermon sa ‘yo. Ayaw ko nga, feeling ko tatanda ako agad,” subok niyang pagpapagaan sa loob ng kapatid.

 

Pareho silang napatawa nang magtagpo ang kanilang mga mata.

 

“It’s just that ako na mismo ang nakakakita kung paano mo na-neneglect ‘yang relationship ‘nyo.”

 

 

INSERT: INT. CONDO UNIT – DUSK. EARLY EVENING

 

Dapithapon na, at mapapansing aligagang nagluluto si Winter sa kusina. Mababatid ang pag-aalala niya habang nag-gigisa. Kinuha niya ang kanyang phone mula sa mesa para tingnan kung may reply na ba sina Karina at Giselle; wala pa rin.

 

Kagat niya ang isang daliri habang nagta-type ng mensahe para kay Rosé nang matalsikan siya ng mantika sa kamay. Agad napasinghap si Winter, “.” Dumiretso siya sa lababo para patuluan ang natalsikang bahagi ng tubig.

 

Bumuntong hininga lamang siya nang makaupo siya sa bar stool; nakapatong ang kanyang siko sa island counter habang ang mga kamay niya’y nakatakip sa kanyang mukha.

 

Mula sa pintuan ng unit ay tanaw ang kulay kahel na ipinakikilala ng takipsilim, at ang anino ni Winter na hindi nito malupig.

 

 

BACK TO HONDA CIVIC

 

Inalis na ni Karina ang kanyang seatbelt. Ang ate naman niya’y nakahawak na sa telepono nito habang hinihinaan ang volume ng car speakers. Tunog lang ng hazard lights ang maririnig nang magsalita si Rosé, “Mommy’s asking kung saan ka magstay.”

 

Bagsak-balikat siyang tinitigan ni Karina, unti-unting nagpout. Tinawanan lang ito ng nakatatanda. Pinindot ni Rosé ang door lock button, “Pahatid ka na lang siguro kay Winter kapag ayaw niyang dito ka matulog. Ihahatid ka naman no’n.”

 

Karina mouths a profanity na ikinahalakhak ng ate niya.

 

“Isusumbong talaga kita,” banta ni Rosé gamit ang kaliwang hintuturo niya.

 

“You won’t. Mas marami akong p’wedeng isumbong,” sticking her tongue out sa kanyang ate. Mabilis siyang lumabas sa sasakyan bago pa siya mahawakan ng kapatid niya.

 

 

2    EXT. CONDO BUILDING – FAÇADE. NIGHT

 

Pagkasara sa pinto ay yumuko ang bunso, silip-silip ang ate niya mula sa nakababang bintana, “Thank you, ate. Drive safely, message ka once you get home.”

 

Rosé chuckles, “Call ko na rin ba all saints para makapasok ka sa unit ni Win?”

 

Pinag-ikutan siya ng mata ni Karina. Natatawang kumaway ang ate niya bago magmaneho paalis. Hinintay niyang maglaho ang ilaw ng tail lights ng Civic sa kanto bago i-smoothen out ang uniform niya. Patakbong humakbang si Karina paakyat sa perron.

 

 

3    EXT. CONDO UNIT – HALLWAY. NIGHT

 

Katahimikan ang bumabalot sa hallway ng floor ni Winter. May isang middle-aged na babae ang lumabas sa kanyang silid, nakapambahay na ito. Tanaw niya sa hindi kalayuan si Karina, isang 3rd year medical student na nagmamadaling naglalakad. Suot pa rin nito ang puti niyang uniform.

 

Bahagyang natawa ang babae, nakangiting sinalubong si Karina. “You’re late,” pabirong sita nito sa dalaga. Karina apologetically smiles, himas ang kanyang batok, “Oo nga po eh. Sana papasukin pa ako.”

 

Naglalaro ang ngiti sa labi ng ginang, “May susi ka naman.”

 

Pareho silang natawa. Bahagya silang yumuko, in acknowledgement of their short exchange. Kilala nila ni Winter ang ginang; madalas nila itong makasabay sa elevator tuwing sinusundo siya ng inhinyero mula sa USTe.

 

Huminga nang malalim si Karina bago niya harapin ang pinto ng unit ng kanyang kasintahan. Dalawang beses siyang kumatok, tucking her lips dahil sa kaba.

 

Wala siyang narinig na mga yabag. Minabuti niya nang halungkatin ang bag niya para kunin ang susi ng unit. Pumikit siya, saglit na nag-alinlangan bago tuluyang i-unlock ang pinto.

 

 

4    INT. CONDO UNIT – CONTINUOUS

 

Dinig ni Winter ang langitngit ng pagbukas ng pinto. Paglingon niya’y agad nagtama ang mga mata nila ni Karina. Marahan siyang tumayo, tapik ang kanyang mga hita. Napansin ni Karina ang nakapanghihinang distansya sa pagitan nila. Sinubukan niya itong tawirin, naunang humakbang ang kanang paa niya.

 

Ngunit nahinto siya nang ituro ni Winter ang island counter. Agad itong nilingon ni Karina; heart aching a little more nang makita niya ang pagkaing inihanda ng engineer. Tanaw ng kanyang mga mata maging ang mga dew drops sa surface ng champagne bottle.

 

“Evening,” wika ni Winter matapos basain ang kanyang mga labi.

 

Hindi makasagot si Karina. Winter timidly smiles, “Nauna na akong kumain. Akala ko kasi hindi ka na darating. Eat ka na lang d’yan, masarap naman siya.” Kagat niya ang ilalim niyang labi habang pinaglalaruan ang hem ng kanyang pullover jacket. Sinubukan niyang magbiro, “Wala naman akong nilagay d’yan. 100% safe.”

 

Nginitian niya si Karina bago maglakad

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
532 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan