Tired Tiger

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Engineer Ning and Winter enter the Tigers’ lair ft. UST-FMS Type A uniform

 

Kakatok pa lang ako sa office ni Ning nang bigla siyang mag-angat ng ulo. Ipinakita niya sa ‘kin ang palad niya, senyas na ‘wag na akong pumasok. Kinuha niya lang ang wallet niya bago maglakad palabas, “Sakto, ikaw ang magdrive.”’

 

“Drive? Ang daming kainan dito?” Sinimangutan ako ni Ning, “Hindi talaga nagsasabi si Rina sa ‘yo ‘no?” Kunot-noo kong dinukot ang phone sa bulsa; tiningnan ko kung may message ba si Karina, “Wala naman siyang message,” lingon ko kay Ning habang naglalakad kami palabas ng building. “Pero, oo, hindi nga siya nagku-k’wento sa ‘kin lately. Busy yata sila ni Gi eh,” pindot ko sa susi ng sasakyan nang matapatan na namin ito.

 

“She doesn’t like bothering people kasi,” sakay ni Ning sa shotgun seat. Pinainit ko na ang makina habang nagsasalita siya, “Let’s eat with them na lang.” Hinintay ko munang makapagdecide si Ning nang dadalhin naming pagkain sa dalawa bago ako magmaneho pa-España.

 

Habang nasa biyahe kami ni Ning, sinabi niya sa ‘kin ‘yung mga rants nung dalawa kanina. Hindi na nga rin daw siya masyadong nakakausap nina Gi for the past two weeks dahil sa schedules nila. “Buti hindi ka nakukulangan sa time ni Rina for you?” tanong ni Ning matapos kong iabot ‘yung bayad. Nagdrive thru na lang din kami sa McDo para hindi na maipit sa traffic. “She makes up for it naman whenever she has time,” lagay ko ng paper bags sa backseat.

 

“Tsaka ako ‘yung mas may free hours sa ‘ming dalawa eh. I think tama lang na ako ‘yung mag-adjust sa schedule niya.”

 

“Galing ah, parang hindi first girlfriend si Rina. Parang natrain ka na ah?” Natawa ako sa sinabi ni Ning, “Hindi, when you want to make it work talaga you’ll learn how to compromise.”

 

“Ah, you should tell her that. Baka worry na rin niya ‘yan,” kumakain na siya ng fries.

 

“Hmm,” tango ko habang nagmamaneho papasok sa UST. “Saan pala sila?” Sakto naman ang pagtunog ng phone ni Ning, “Nasa Q. Square daw.”

Habang naglalakad kami ni Ning, natanaw ko na si Gi na nakaharap sa ‘min, katapat niya si Karina na likod lang ang kita ko. Ah, Type A pala sila ngayon. Nag-angat ng tingin si Gi mula sa binabasa niyang handouts nang mapansin niyang papalapit kami. Medyo napahinga pa nga siya nang maluwag nang makita niya ang bitbit namin ni Ning.

 

“At last! Something cold!” tanggap niya sa inabot na drink ni Ning. Napapikit pa siyang uminom; hindi naman gano’n kainit, baka need lang talaga niya ng refreshments. Si Ning ang umupo sa tabi niya. Hinalikan ko sa pisngi si Karina nang lingunin niya ako. “Hi, love,” ngiti ko sa kanya.

 

Dinistribute ko na ang food pack sa ‘ming apat bago umupo sa tabi ni Karina habang nililigpit niya ang mga gamit niya. “Thank you,” halik niya sa likod ng palad ko. “Hindi ba namin kayo naistorbo?” tanong ni Gi habang finofold ‘yung cover ng rice.

 

Agad na umiling si Ning, “No, lunch time na rin naman namin.”

 

“You asked them to go here?” tanong ni Karina kay Giselle matapos niyang uminom ng tubig.

 

“No kaya. Nagsend lang ako ng message kay Ning na gusto ko na umuwi,” tawa niya bago sumubo ng serving.

 

“Hanggang anong oras class ‘nyo?”

 

“4 pa, baby,” bagsak ang balikat ni Karina. “Balik kayo sa office after this?” baling ni Gi sa ‘kin. “Yup,” tango ko.

 

Habang kumakain kami, inaliw na sila ni Ning. Wari ba’y inaalis muna sandali ang stress nung dalawa sa inaaral nila. Bago raw kasi matapos ang araw ay may assessment sila. Nag-excuse ako para itapon ang pinagkainan namin habang nag-uusap silang tatlo.

 

Pagbalik ko, nasa mesa na ulit ang mga handouts nila maging mga iPads. This time, chineck ko ‘yung relo ko bago pa tuluyang makalapit; may 25 mins pa bago magstart ang klase nila. Tumayo ako sa likod ni Karina para i-massage ang balikat niya. Napaliyad siya at napayuko, “Oh God, thank you, baby.”

 

Nakangusong kinalabit ni Gi si Ning, “Gusto ko rin no’n Ning. Massage mo rin ako.” Napakamot na lang tuloy siya sa batok bago gawin ang request ni Gi, “Pakita mo score mo sa ‘kin mamaya ha? Pasalamat ka mabait ako today.” ‘Yung tawa ni Gi napa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
528 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan