Didn’t you hear me? I said out

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Frustrated Med School student, Karina Yu, asks her girlfriend to leave her alone.

 

Kanina pa ako tinatawagan ni Giselle pero ni isa hindi ko nagawang masagot dahil nasa field ako kanina. Hindi naman p’wedeng bigla na lang ako mawala sa paningin ng seniors ko dahil sigurado akong marami silang tanong pagkatapos naming mag-observe sa site. Kaya ngayon ko lang nabuklat rito sa sasakyan ang mga message niya tungkol sa nangyari sa kanila.

 

Giselle
Winter, free ka ba?
I’ll call ha.
Winter? Busy?
Exam results ☹
Nvm, Ning’s here na. Follow ka pag oks lang.
Sa house nina Rina.

 

Winter
May gusto ba kayo ni Ning? Daan ako sa mall.

 

Giselle
Nagawa na namin ‘yan.
Pinauwi niya rin kami.
Patience talaga ang need mo, Win.
Ingat!

 

Pumikit muna ako at huminga nang malalim habang inii-start ang makina ng sasakyan. Nag-inat ako saglit para kahit papaano’y matanggal ang tensyong nararamdaman ng aking katawan. Pagod rin ako mula sa trabaho ngayon. Bago ako magmaneho pa-Fairview ay nagpaalam na ako sa magulang ni Karina na daraan ako sa bahay nila ngayong gabi.

 

“Winter,” bungad sa ‘kin ng ate ni Karina. “Hi,” alanganing ngiti ko sa kanya. Tiningnan niya ang oras sa kanyang phone, “Late na. Hinihintay ka nina mommy pero time na for them to sleep eh.”

 

Pinapasok na niya ako sa pinto, “Sorry, ate. Heavy traffic.”

 

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Hinila niya ako papunta sa kanilang kusina, “Uminom ka muna. You look tired, Winter. Sure ka bang kaya mo ‘yon tonight?”

 

Napangisi ako kaya ibinaba ko na ang baso, “Any tips, ate?”

 

“Hay nako! Kinausap ko na ‘yan. Trio pa kami nina Gi kanina. She knows what to do naman. Mahirap lang talagang kalaban ang self-disappointment, alam mo ‘yan.”

 

Mukhang patience din ang tip ng ate ni Karina.

 

“Kumain ka na ba?” umiling ako.

 

“Siya rin, hindi pa kumakain,” turo niya sa nakaayos na tray sa mesa. “Good for two na ‘yan. Inayos ni mommy nung mareceive niya ‘yung message mo.”

 

Tinangay ko na ang tray pataas ng hagdanan. Nakabuntot lang si ate sa ‘kin. Nang matapatan na namin ang pinto ng silid ni Karina ay minasahe nito ang aking balikat, “Inhale. Exhale. Kaya mo ‘yan, Win!” Siya na rin ang pumihit ng doorknob.

 

Hatinggabi na ngunit bukas pa rin ang ilaw sa kwarto ni Karina. Inilapag ko ang tray sa bakanteng coffee table. Tahimik akong naglakad patungo sa kanyang likuran, dinungaw ko muna kung may matatabig ba ako. Mukhang wala naman dahil nagbabasa lang siya kaya niyakap ko na siya habang marahang hinahaplos ang kanyang braso, “Hi, baby.”

 

“Dapat nagrest ka na lang,” a ni Karina. Nang maramdaman ko ang pagtapik niya, hudyat na ito para bumitaw ako. Humalik ako sa gilid ng kanyang kanang kilay bago maupo sa sofabed na katapat ng coffee table.

 

“Eat muna tayo, baby,” subok kong pagyaya sa kanya. Nawa’y kayanin kong ‘wag magbanggit ng kahit anong konektado sa exam niya kanina.

 

Hayaan ko na muna. Magku-k’wento naman ‘yan ‘pag ready na siya.

 

“Hindi ako gutom, Win. Kung kakain ka, please eat outside. Ayaw ko ng maingay,” sagot niya nang hindi lumilingon sa ‘kin.

 

Tahimik akong tumango, at kumportableng sumandal sa sofabed. Nasuri ko nang mabuti ang kwarto niya. Ilang beses na rin akong tumingin sa relo, halos mag-iisang oras na rin kaming binibingi ng katahimikan.

 

Itinuon ko na ang atensyon ko kay Karina. Nak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
529 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan