Light Rail Transit

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Swerte siguro ako ngayong araw. Sabagay, kaarawan ko naman ngayon. Nagpakawala ako ng medyo may kahabaang buntong-hininga habang nakatakip sa aking bibig ang panyo. Ang haba ng araw na ‘to; binaling-baling ko ang aking leeg upang lumuwag ang tensyong nararamdaman ko rito.

 

Ikalabing-isang araw ng Abril, ganoon pa rin naman ang Pilipinas; wala pa ring masyadong pagbabago. Marahan akong luminga para tanawin ang bintana na sinasandalan ng aking ulo.

 

Estudyante pa lang ako, matatayog na mga gusali na ang araw-araw na bumabati sa akin ng magandang umaga pagpasok ko sa pamantasan. Ang kinaibahan lang siguro ngayon, binabati na rin nila ako ng magandang gabi. At saka ano, lalo silang dumarami.

 

Napailing na lang ako nang madungaw ko ang mahabang pila ng pulang mga ilaw sa kalsada. Buti na lang hindi ako nagmaneho ngayong gabi. Buti na lang din at nakaupo ako ngayon, pauwi. Kung maayos kasing naipapatupad ng mga administrasyon ang bawat sistema, batas, at panuntunan edi lahat sana ng Pilipino uuwing nakangiti.

 

Napalingon ako nang biglang may kumausap sa akin.

 

“Nakakunot na naman ‘yang noo mo,” ramdam ko ang pagdampi ng kanyang palad sa aking noo. Pilit pinapatag ang mga linyang namuo rito. Sa lalim ng pamomroblema ko sa isyung transportasyon ng Pilipinas, hindi ko na namalayang huminto pala ang tren at nakasakay na ‘tong taong ‘to.

 

“Paano mo ‘ko nahanap? Tsaka bakit ka nag-LRT?” parang sira kasi siya. May sasakyan naman siya, pinili niya pang sumabay sa dagsa ng tao tuwing ganitong oras.

 

“Standout ka kaya sa lahat, baby,” halik nito sa aking noo. Pansin kong wala siyang bitbit na kahit ano. Nakasuot lamang siya ng puting polo, slacks, terno naming relo, at ang pinili kong salamin para sa kanya. “Hindi mo dinala ‘yung car mo kaya naisip kong sumabay na lang din sa ‘yo pauwi,” dagdag pa nito bago kumapit sa hawakan.

 

University student ang katabi ko, nakapikit siya; halatang pagod. “Bigat?” tanong ng taong nakatayo sa aking harapan. Nakasandal kasi ito sa aking balikat. Umiling ako at kinuwest’yon siyang muli, “Hindi ka rin nagdrive papasok ngayon?” ngumiti lang siya bago pagsalikupin ang bakante naming mga kamay.

 

“Nagustuhan mo ‘yung sermon ng pari kanina, love?” maaga kaming gumising kanina para magsimba kasi nga birthday ko ngayon. Tinanguan ko lang siya. Ayaw kong magk’wento ng kung ano-ano rito, sa condo ko na lang siguro siya sasagutin nang maayos.

 

“Kung nagdrive siguro ako tapos sinundo kita sa hospital, mas malalim ‘yang kunot ng noo mo. Ang ingay sa labas kanina, babe. Puro sila busina. Akala mo naman uusad kung sunod-sunod ‘yung pagbusina nila. Dagdag noise pollution lang naman sila,” litanya niya habang minamasahe ang kanang kamay ko.

 

Gawain niya rin ito tuwing nakaupo ako sa tabi niya kapag nagmamaneho siya. Itong gawi niyang ito ay bunga ng mabigat na lagay ng trapiko tuwing sabay kaming uuwi. Salitan niyang minamasahe ang aking mga kamay habang nakikinig kami ng balita, podcast o mga kanta sa sasakyan.

 

Opinyonadong tao si Winter. Dala na rin siguro ng trabaho niya. Kailangan niyang sabayan ang soberanong mamamayang Pilipino. Sa totoo lang, mas gumaganda siya sa paningin ko tuwing isinasalaysay n’ya na ang naging araw niya. Bagay siyang professor; kung naging instructor ko siguro ‘to nung college, highest grade ko ay ang subject niya.

 

Nang maalimpungatan ang estudyanteng katabi ko ay agad ko itong nginitian bago pa man siya makahingi ng paumanhin. “Sarap tulog? Ingat pauwi,” biro pa ni Winter dito bago ito tuluyang makababa.

 

Hindi niya ako tinabihan, inalok niya ang upuan sa isang buntis. “Ilang months na po ‘yan?” nangiti kami ng ginang sa tanong ni Winter. Pareho kaming mahilig sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
528 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan