Glare to Scare

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Dr. Yu loves compliments. Engr. Kim knows just the right words.

 

Tatlong araw nang nasa Bacolod sina Winter at Ning, kasama rin nila si Sunghoon. Niyaya pa nga nila kami nina Gi na sumama sa kanila dahil may time naman sila to tour the city, kaso nga lang may appointments kaming tatlo sa hospital during their stay sa Bacolod.

 

Kaya heto ako ngayon, nakaupo lang sa clinic habang hinihintay matapos sina Giselle. Nang marinig ko ang biglaang pagbukas ng pinto ay nag-angat ako ng tingin, “Hyunjin, going na tayo for lunch?” Nginitian niya lang ako bago umupo sa silya sa harap ng aking desk, “Pinauna na ako ni Gi. May gagawin lang daw siya saglit.”

 

Tumango ako sa kanya at bumalik na sa paglalaro sa aking phone. Dinig ko ang pagpipigil niya ng tawa habang nakayuko.

 

“Karina!”

 

Gulat akong napatingin sa pinto, si Giselle. Pagbalik ko ng atensyon sa phone, patay na ang player ko. “Gi naman eh, p’wedeng buksan ‘yung pinto nang mahinahon,” lapag ko ng phone sa mesa.

 

“I got us tickets,” hindi niya pagpansin sa sinabi ko. Nakangiti niyang iniangat ang kanyang phone, “We’re bound to Bacolod tonight.”

 

Nagtataka akong sumandal sa swivel chair, “Ha?”

 

“The three of us are done for the day naman na,” lakad ni Gi paupo sa silyang katapat ni Hyunjin.

 

“They’ll be home in two days, Gi.”

 

“May option naman to extend,” tumayo na silang dalawa. Lumapit sa ‘kin si Giselle para hatakin ako patayo, “Let’s have lunch na.”

 

Pagkatapos naming maglunch ay hinatid na rin nila ako sa unit para makapagpack na raw ako ng gamit. Susunduin na lang nila ako mamaya para isang sasakyan na lang ang iiwan namin sa airport. Habang kumakain kami kanina, binilinan pa ako ni Giselle na ‘wag magbanggit ng kahit ano sa tatlo. Naiiling na lang ako na tumango.

 

Gi binds the group together talaga.

 

Nang matanaw na nila ako ni Hyunjin, agad na tumakbo palapit si Giselle. “Taas ng energy ha parang hindi galing sa work,” sita ko sa kanya. “Still loathe the idea of this spontaneous trip?”

 

“I mean, we could fly naman tomorrow.”

 

Inilagay ni Gi ang phone niya sa kamay ko. “Not after you read Ning’s message,” ngisi niya sa ‘kin bago balikan si Hyunjin sa pila. Binasa ko na rin naman habang naglalakad papunta sa kanila.

 

Youngest

We’re going out with our seniors huhu
Cozy raw ‘yung place pero ugh

 

Middle

Where?

 

Youngest

M02
Buti na lang Win and Sunghoon’s with me

 

Kunot-noo kong tiningnan si Gi, “You searched for the place?” Tumango siya, “She’s pissed kasi few lang silang 20 plus, the rest daw 30-ish na,” tawa pa niya bago hablutin ang phone sa kamay ko. Sakto namang pagdukot ko ng phone sa bulsa ay may message na galing kay Winter.

 

Winter the Pooh

Hi!
Lalabas ‘yung team with the seniors
Ayaw sumama ni Ning haha
Pero this is the first night na free kami to roam around

 

Hindi ko na lang siya nireplyan at tinago na ang phone. “Until when mo balak mag-extend, Gi?” diretso kong tanong sa kanya. Nginisihan niya lang ako, at nang mapagtanto ni Hyunjin ang mapang-inis na tingin ni Giselle ay siya na ang sumagot, “Nagmessage ako kay kuya na nagtour sa ‘tin last year, sakto raw ‘yung biyahe natin kasi by tomorrow may parade for the Masskara Fest.”

 

Isang oras lang naman ang biyahe at naiayos naman na Gi lahat ng kakailanganin namin paglapag. Kaya matapos naming maisettle ang gamit sa hotel rooms agad ko na silang niyayang magtungo sa restobar na pinuntahan nina Ning at Winter.

 

“Parang kanina lang ayaw mo pang tumuloy ha,” tawa ni Gi sa shotgun seat. Nagrent ng 6-seater SUV si Hyunjin para hindi na kami mahirapan pa pauwi. Nang magtama ang mata namin sa rearview mirror, inirapan ko siya.

 

Humagikgik naman sila ni Hyunjin bago magfist bump. Mga kalokohan talaga ng magkasintahang ‘to.

 

Pagpasok namin sa M02, agad hinanap ng mata ko ang kinaroroonan ng dalawa. Maraming tao pero may mga bakante pang upuan. “Wait, si Sunghoon na ang tatawagan ko,” pagpapaalam ni Hyunjin bago saglit na lumayo.

 

Kumapit si Giselle sa braso ko. “Chill po tayo, doktora,” mapang-inis niyang ngiti. “I am chill, Gi. When did I ever lose my temper?”

 

Napa-ooh ang reaksyon ni Giselle, “Maybe not that often pero malay natin, Winter being seated with someone who’s too maharot for your liking would be a trigger.”

 

Napasimangot tuloy ako bigla. Pumikit ako para hindi maisip pero nakasama pa yata.

 

“Isa sa mga front seats. Naexcuse na raw sila ni Sunghoon, p’wede na itakas,” tawa ni Hyunjin bago kami akbayan para mabilis makarating sa tatlo.

 

“Akala ko ba nakahiwalay na?” rinig kong bulong ni Giselle kay Hyunjin nang matanaw namin sina Ning. May babaeng katabi si Winter, at ang dikit-dikit niya sa girlfriend ko. ‘Yung pagkakalean niya, konti na lang dala na ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
527 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan