Love an engineer they say, listen as she turns Math into poetry

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Karina slides a lowball on the kitchen counter as soon as she hears the oh-so-familiar footsteps of Winter, her dearest.

 

Marami akong naging pasyente ngayong linggo, dahil na rin siguro sa panahon na ng tag-ulan. Labas-pasok sa clinic ang mga baby na excited dinamitan ng kanilang mga nanay, batang ayaw na magpalit kaya nakapambahay, at mga estudyanteng naka-uniform pa.

 

Umuwi muna ako sa Fairview para magpalipas ng oras habang nasa biyahe pa si Winter.

 

Nasa elevator na ako paakyat sa unit nang mabasa ko ang message niya, malapit na raw siya. Apat na araw na rin kaming hindi nagkita dahil biglaan siyang pinauwi ni Tito sa Zambales. Ayaw raw kasing mang-abala ni kuya kaya si Tito na ang kumausap kay Winter.

 

Natawa tuloy ako nang maalala ko ang itsura niya pagbaba ni Tito sa tawag. Napasapo na lang kasi siya sa noo habang nakasandal kami sa headboard ng kama. “Four days, Rina,” naiiyak niyang sambit habang nakapout. Sinuklay ko ang buhok ni Winter gamit ang aking mga daliri, “It’s okay, baby. Minsan lang naman magrequest si kuya.”

 

Kaya sa bahay na lang din nina mommy ako nanatili habang nasa Zambales si Winter. Pareho kaming ngayon lang uuwi rito sa unit. Nang makapasok ako, ibinaba ko muna ang mga gamit ko sa island counter. Swinitch on ko na rin ang aircon bago magsalin ng tubig sa baso.

 

Pinagmasdan ko muna sandali ang itsura ng siyudad na ipinakikilala sa akin ng glass wall ng unit. Nang makuntento’y naglabas ng isang wine glass at lowball glass. Namili ako ng red wine mula sa wine rack.

 

Habang naglalagay ako ng yelo sa lowball para kay Winter, narinig ko na ang marahang pagbukas-sara ng pinto. Nang magtama na ang mga mata namin, pinadausdos ko na sa island counter ang lowball na yelo pa lang ang laman. Sakto namang nasalo ito ng kanang kamay ni Winter. “Which whisky would you like po Miss Kim?” nakangiti kong tanong sa kanya.

 

“You know which, Miss Yu,” kindat niya sa ‘kin habang inilalapag ang wallet niya at susi ng sasakyan sa tabi ng mga gamit ko. “Aww, you missed me?” ngisi ko habang inaabot ang bote ng paborito niyang inumin. Pagharap kong muli sa island counter, bahagya pa akong nagulat nang maramdaman ko ang braso niyang pumapaikot sa aking bewang.

 

“Hmm…” ramdam ko ang pagtango niya sa gilid ng aking leeg. Nang mabuksan ko ang bote ay agad niyang iniabot ang kanyang baso para aking masalinan. “Do you know why I like drinking a glass of this every after work, love?” nakayakap pa rin sa akin si Winter pagkaabot ko ng lowball sa kanya. “Kasi it’s smooth and fine like my Karina,” ngisi niya bago halikan ang bahagi ng aking balikat na hinahayaang masulyapan ng sleeveless top na aking suot.

 

“Ah, so this is what distance does to you pala. It makes you super lambing,” tapik ko sa kanyang pisngi bago magsip sa wine glass. Natatawa siyang bumitaw bago ako tangayin paupo sa bar stools ng island counter.

 

Magkatabi naming tinanaw ang lumalalim na gabi sa glass wall. “How’s your day, Rina?” tanong ni Winter bago ipatong ang kanyang ulo sa aking balikat.  “Fulfilling, baby,” ngiti ko sa kanya. “Why don’t we transfer sa couch, Win? You look uncomfy here,” tumayo na siya pero kinuha muna niya ang mga wallet namin bago dumiretso sa sala.

 

Sumunod ako, dala ang aming mga baso, “Sit ka, love.” Pagkaupo ko’y humiga naman siya sa lap ko kaya ipinatong ko na lang ang lowball sa coffee table, “You’re quite clingy, Win. Is there something na I should know?”

 

“Pilitin mo muna ako.”

 

Natatawa akong uminom bago siya kausapin, “One kiss per k’wento, okay ka na ba sa trade na ‘yan?” Na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh 20 streak #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
521 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan