The Kiss of Venus

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter in her Seulgi Zip clothing | Karina in her Harper’s Bazaar outfit

The magic of Intramuros a night before Christmas.

 

Taon-taon na kaming nagdidinner nina Gi at Ning tuwing December 24 para maagang i-celebrate ang Christmas. Lagi kasing wala sa city ang mga pamilya namin tuwing pasko hanggang matapos ang holiday vacation.

 

This year, si Ning ang nakatokang mag-pareserve sa isang restaurant sa loob lang ng siyudad. Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit nasa vicinity ng Intramuros ang sinend niyang location sa ‘min ni Giselle kaninang umaga.

 

Sinundo ako ni Gi sa bahay dahil siya na rin ang maghahatid sa ‘kin sa airport after ng dinner namin. Habang finafasten ko ang seatbelt ay nagsimula na siyang magmaneho. “You never disappoint,” pasada niya ng tingin sa aking kasuotan.

 

“Oh God!” hampas ko sa braso ni Gi, “This is your influence, Gi.” Kunwari niyang pinaypayan ang kanyang sarili bago muling humarurot nang mag-green light na, “I like that we’re matching. Sana the two wore black din.”

 

Nakasuot kasi ng black crop top si Gi, paired with a high waisted vintage flare trousers. Knowing how this woman walks, siguradong hahabulin ng mga mata ‘yan mamaya.

 

“Two? May kasama si Ning?” nagtataka kong tanong bago i-connect ang phone ko sa sasakyan niya.

 

“Uh-huh,” saglit niyang lingon sa ‘kin. “See for yourself na lang,” ngisi niya pa.

 

4:30 nang makarating kami sa The Bayleaf. Nakasabay pa namin si Ning paakyat sa Sky Deck, “Gi said may kasama ka?” hila ko sa kanya paupo sa ‘king tabi. “Yup,” tawa niya. “Nagconfirm siya last minute kaya hindi ko na nasabi sa ‘yo.”

 

“Pero kay Gi, oo?” tumawa lang sila sa sinabi ko. Bakit ba ayaw na lang kasi nilang sabihin kung sino? “You’re always in contrast sa color namin ni Rina,” pag-iiba ni Giselle sa usapan. “It’s fine. Ako naman talaga ang tanging burst of color dito. Ako ang bubuhat sa monochrome fashion ‘nyo,” natawa na rin ako sa pambabara ni Ning kay Giselle.

 

Lumapit ang isang waiter kay Ning, nagtatanong kung p’wede na bang i-serve ang food sa table namin. “Gusto ‘nyo na ba mag-eat or wait na natin siya?” tanong niya sa ‘min bago yumuko para i-check ang kanyang phone. Pasagot na sana ako nang kausapin na ni Giselle ang waiter, “Only the appetizers, and a bottle of champagne po.”

 

“Kung sino man ‘yung ininvite mo, sobrang close ba niya sa ‘tin kaya even sa Christmas dinner na usually tayong tatlo lang ay sinama mo siya?” paglean ko kay Ning bago magsip mula sa champagne glass.

 

“Close siya with us—” hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang may magpatong ng kamay sa kanyang balikat. “Ah,” habol nito sa kanyang hininga. “Sorry I was late. I didn’t expect na magtatagal ako to get this,” si Giselle ang tinitingnan ko. At base sa ekspresyon sa kanyang mukha, nagulat siya sa pinakita ng bisita ni Ning. “Gosh, Winter! Is that an X-T4?”

 

Dahan-dahan akong lumingon. Napasinghap pa nga yata ako nang magtama ang mga mata namin dahil narinig ko ang pagtawa ni Ning. “Hi,” nahihiya niyang ngiti sa ‘kin. “You pala,” tumango siya bago umikot para makaupo na sa tabi ni Giselle. Katapat ko si Winter. Tumagilid si Gi para kausapin si Winter habang tinawag naman na ni Ning ang waiter para i-serve ang meals namin.

 

“Paano ba ‘yan Ning? You’re not the only burst of color na,” tukso ni Gi. Pinag-ikutan naman siya ng mata nito, “At least, we’re balanced na.”

 

Hindi ko napansing nakatitig pala ako kay Winter. Nanumbalik lang ang wisyo ko nang tanungin niya kung ayos lang ba ako, “Yeah. I’m sorry. I just didn’t expect na you wear bright colors pala. You look good in it, very bagay.”

 

N

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
533 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan