Dr. Yu, a Winter connoisseur

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Karina handles Winter the best, especially when the engineer feels less of the woman that she is. | The duo works like this: Karina knows what to do when Winter doesn’t know what to say.

 

Mag-isa lang ako sa sasakyan ngayon, nagmamaneho pa-Pampanga. Sa Clark kasi namin susunduin sina Karina na galing Bacolod; doon na rin kami magtatanghalian kasama sina Giselle at Hyunjin. Si Ning, nasa kotse ng manliligaw niya.

 

Nang makaparada kami, kinulit na ako ni Ning. Tinatawanan lang naman namin siya ni Sunghoon, “Wala nga akong binanggit kay Rina!” Tinuro ko si Sunghoon na nakaupo sa trunk ng kanyang sasakyan. “Tinag ka niya sa post, Ning. Bakit sa ‘kin ka galit?” natatawang tanong ko sa kanya.

 

“Bakit mo kasi ako tinag? Akala ko sa stories mo lang ipopost,” padyak ni Ning. “Wala lang. I wanted to post it lang,” nakangising sagot naman nito habang pinaglalaruan ang susi sa kanyang kamay.

 

“You have to be our wingman, Winter.”

 

Nag-angat ako ng tingin matapos i-check kung may message na ba si Karina, “Bakit ako? Tsaka hindi naman na need ah. Mabait naman si Sunghoon.”

 

“You don’t understand,” kapit nito sa aking braso. Naiiling na lang si Sunghoon sa inaakto nito.

 

“Bakit kasi hindi mo sinabi sa kanila na may ine-entertain ka?”

 

Nasimangutan pa nga ako ni Karina nang malaman niyang alam kong lumalabas sina Ning at Sunghoon. Naintindihan din naman niya na wala ako sa lugar para sabihin sa kanila ni Gi ‘yon pero kahit na raw, at least man lang daw nagbigay ako ng hint. Napakamot na lang ako sa batok no’n bago tumango.

 

“Basta! Saluhin mo na lang kami whenever they ask questions,” binaling ko ang atensyon ko kay Sunghoon na nakapraying position na ang kamay. Tinanguan ko na lang sila pareho, “Okay, okay!” Lumayo muna ako sa kanila nang magring ang phone ko.

 

“Love, palabas na kayo?”

 

“Love, palabas na kayo?” mapang-inis na gaya ni Giselle. “Punta na kayo. Rina’s doing something lang.”

 

“P’wede naman kasing phone mo na lang ‘yung ginamit mo,” bulong ko habang sinesenyasan sina Ning bago magtungo sa aking sasakyan.

 

“Rina called na bago pa siya hilahin ‘no!”  baba ni Giselle sa tawag.

 

Tanaw ko na sina Gi at Hyunjin na nag-aabang habang si Karina naman ay may kausap sa tabi ni Giselle. Pagbaba ko’y nakita ko pa ang pagtaas ng isang kilay ni Gi nang mapagtanto niya kung sino ang kasama ni Ning.

 

Si Jaemin. Si Jaemin ang kausap ni Karina.

 

Tinanguan ko muna sina Gi at Hyunjin bago dumiretso sa girlfriend ko.

 

“Hi,” paghapit ko sa bewang ni Karina. Nang lingunin niya ako’y agad kong nilapatan ng halik ang kanyang mga labi. Rinig ko ang pigil na hagikgikan ng apat naming kasamahan.

 

Nginitian ako ni Karina bago pormal na ipakilala si Jaemin, “Winter, this is Jaemin—” pero bago pa man matapos ni Karina ang sasabihin niya’y nakangiti nang inabot ng med student ang kamay ko. “Hi, Winter! I’d really love to have a chat with you pero my brother’s here na,” pagbitaw nito sa kamay ko’y bumaling ulit siya kay Karina.

 

“See you sa internship year ko, doc,” beso nito sa girlfriend ko. Bumeso rin naman siya kay Gi. Tinanguan lang siya ni Hyunjin bago magthumbs up sa ‘kin, tinatanong kung ayos lang ba ako.

 

Hinila ko na ang luggage ni Karina, at inilagay sa trunk ng X-Trail.

 

“Kanino kayo sasabay, Gi?” tanong ni Karina bago hilahin ang pinto ng shotgun seat.

 

“Kina Ning. Para walang sasalong Winter sa questions ko,” nilingon ko sina Hyunjin at Sunghoon na nag-aayos ng gamit sa likod ng sasakyan.

 

Tutuksuhin ko pa sana si Ning nang dumaan ang isang SUV sa gilid namin. “Ingat po!” nakababa ang salamin nito habang kumakaway si Jaemin. Burado na ang ngisi sa labi ko bago tuluyang maupo sa driver’s seat.

 

Sinusundan ko lang ang sasakyan ni Sunghoon. Taga Pampanga kasi siya, at para good shot siya kina Gi ay tinanong niya si Ning kung p’wedeng sumamang sumundo. Siya na rin daw ang bahala sa lunch namin.

 

“Baby,” tawag sa ‘kin ni Rina habang nakahinto kami sa intersection.

 

“Hmm?”

 

“Is something wrong?” Nilingon ko siya para ngitian habang napadiin yata ang kapit ko sa manibela, “Nothing is.”

 

Muling nag-ayos ng upo si Karina, humarap sa kalsada. “How’s Sunghoon? Since when have they been hanging out?”

 

“For a month na rin pero nagkakasama na kaming tatlo since last year. Mabait naman si Sunghoon, Rina. Urban architect ‘yon, workmate ni Ning sa isang project nila ngayon sa QC,” mabilis kong sagot.

 

“He does seem to be a good guy,” titig ni Karina sa kotse sa ‘ming harapan. “May road discipline din siya,” a niya bago muling pumihit sa upuan.

 

“Okay, enough of him. How’s my baby?”

 

“Good naman,” nagsignal light ako nang gawin ito ni Sunghoon. Malapit na yata kami sa restaurant. “Naayos ko na ‘yung papers para sa masters ko,” kinuha ni Karina ang kanang kamay kong nakapatong sa gear stick. “When does your schooling start?” pumasok na kami sa mabatong parking.

 

“Sa October,” bitaw ko sa kamay niya para magmaneuver. Sa panaka-naka kong lingon sa likod, kita ng peripheral view ko ang pagtataka sa kanyang mukha. “Baby,” bumaling ako sa kanya saglit bago maglihis ng tingin.

 

“Hmm? Kahit phone na lang dalhin mo, Rina,” angat ko sa handbrake.

 

“Strike two ka na sa Rina mo ha,” tanggal ni Karina sa seatbelt niya. Lumapit siya para ikapit ang kanyang braso sa akin, at ipatong ang kanyang baba sa balikat ko. “Forgot mo na ba how to pronounce love? Ganito baby oh,” buka niya sa kanyang bibig. Nanghahalinang sabayan ko ang kanyang pagbigkas. Hinawakan ko siya sa baba para ipirmi ang kanyang mukha bago siya bigyan ng agresibong halik.

 

Tulak ko ang kanyang katawan pasandal sa upuan habang yapos niya ang akin. Nang bumitaw ako sa halik, tinitigan ko muna siya habang hinahaplos niya ang aking mukha, “I missed you.” Binukas ko na ang kanyang pintuan, “They’re waiting.”

 

“I’ll get my phone lang sa backpack, baby,” inabot ko na sa kanya ang susi. “Mauna na akong magCR ha,” bumaba lang ako nang tumango siya. Halfway na ako papasok nang maalala ko kung anong nasa backseat.

 

---

 

Paglabas ko, agad akong kinawayan ni Hyunjin. Mukhang kinakausap na nina Gi si Sunghoon. Hinila ko ang upuan sa tabi ni Karina bago ipatong ang gamit ko sa mesa. Pagkaupo ko nama’y hinila ni Karina ang silya palapit sa kanya. “Thank you, baby,” bulong niya sa ‘kin habang inilalagay ang kamay sa aking tagiliran. Iaabot ko dapat ‘yung flowers eh.

 

“I ordered

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
533 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan