6-Cheese Bread

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

Sabay sa beat ng kantang pinapatugtog ng barker ang pagkabog ng dibdib ni lrene. Ngayon na lang ulit ito tumibok ng ganun kabilis simula ng bumalik siya sa Pilipinas galing New York.


'Ma. Irene Medina, isa kang marupok na nilikha. Nginitian ka lang pota ka!' pagalit niya sa sarili.


"Hey, Irene. Are you okay?" tanong ni Seulgi sa katabi.


"Hmmm? Oo n-naman."


"You spaced out kasi. Sure ka, okay ka lang?" nagaalalang tanong ni Seulgi.


"Okay ako. Okay na okay." sagot ni Irene na may malaking ngiti sa labi.


Tumango si Seulgi bilang tugon. "Okay...uhm...baka you're getting bored na? Sorry, wala akong masyadong ma-kwento."


"Uy hindi ah, may na-realize lang kasi ako kaya natulala ako." nakangising sagot ni Irene.


"Care to share?"


"Ha? Sh-share?" panic na tanong niya.


'Hoy Ma. Irene, subukan mong amining crush mo siya makukurot ka sa singit ng nanay mo!' pagalit niya sa sarili.


"Ah...ano kasi..."


Ilang segundo ring kinakalkal ni Irene ang frontal lobe ng utak niya para maghanap ng tamang sagot sa napaka-simpleng tanong ng kaharap. Hangga't maari ayaw niyang magsinungaling pero sa pagkakataong ito mukhang siya mismo ang babali sa prinsipyong matagal niyang iningatan.


"Na-realize ko kasing...ano..."

 

 


"Hoy, Irene!" napalingon si Irene sa direksyon kung saan nanggaling ang sigaw.


"Jennie!" sabay tayo niya mula sa prenteng pagkakaupo sa tabi ni Seulgi. 


"Ginagawa mo dito?" takang tanong ni Jennie.


"Tambay lang. Sinasamahan ko siyang mag-antay ng grab." tinuro ni Irene ang katabi. "Seulgi, si Jennie. Friend slash ka-work ko. Jennie, si Seulgi. New found friend ko." pagpapakilala ni Irene sa dalawa. 


"Hi! I'm Seulgi. Irene's... new friend." tumayo si Seulgi para magpakilala. Inabot niya ang kamay kay Jennie for a handshake.


'Pota naman, Jennielyn. Naunahan mo pa kong makahawak ng matagal sa kamay eh.' sabi ni Irene sa sarili.


"Jennie. Friend ni Irene." bahagyang itinaas ni Jennie ang kilay sa kausap. "Saan kayo nagkakilala nitong si Marya?"


"Sa elevator."


"Diyan sa ground floor."


Sabay na sagot ng dalawa.


"Yung totoo, saan talaga?" pag-kwestyon ng kaibigan ni Irene.


"Ngiti naman diyan, Jennielyn. Parang mali bangon mo kanina ah." saway ni Irene.


Flat affect. Tinitigan lang ni Jennie ang kaibigan kaya si Seulgi na ang nag-explain. 


"I accidentally spilled coffee on her paglabas namin ng elevator diyan sa may ground floor." sagot ni Seulgi.


Sa narinig na paliwanag ni Jennie, biglang nagliwanag ang mukha nito.


"Ah siya yung kinwento mo. Yung sabi mong magagalit ka sana kaya lang..." excited na sabi ni Jennie pero mas mabilis ang bibig ni Irene sa kaniya.


"Oo, siya yun!" hinawakan ni Irene ang kamay ng kaibigan at mariing pinisil para lang mapatahimik niya ito.


"Were you mad at me that day, Irene?" nakangusong tanong ni Seulgi. 


'Lord, naman. Paano naman ako magagalit dito? Eh kahit hindi nagpapa-cute, sobrang cute pa rin.' dasal ni Irene.


"Hindi yan galit sa'yo. In fact, na-kyu..." nakangising sabat ni Jennie. 


"Jennie!" sigaw ni Irene sa pangalawang attempt niyang pigilan ang kaibigan sa kadaldalan nito.


"Te, masyado pang maaga para manigaw. Ano ba yun?"


"May almusal ka na? Tara sa Mang Tinapay?" pag-iiba ng usapan ni Irene.


"Ay, wala pa nga." sagot ni Jennie. "Uy Seulgi, parating na ba grab mo? Sama ka muna sa'min? Dun lang yun sa dulo oh."


"Hoy ano ka ba, palalayuin mo pa si Seulgi."


"No, it's okay." kinuha ni Seulgi yung phone para i-check yung grab booking niya. "The driver cancelled the ride pala."


"Ayun naman pala eh. Tara na dun." aya ni Jennie na mas naunang maglakad kaysa sa dalawa.

 

"Irene? You were angry kasi I spilled coffee on you?" mahinang tanong ni Seulgi.


"Uy hindi no, mali lang pagka-kwento niyang si Jennie. Okay lang talaga yun."


"Oh okay pero sorry pa rin ulit. I should have bought you a new shirt talaga that time eh."


"Ano ka ba, kalimutan mo na yun. At tsaka mukhang nagmamadali ka noon eh."


"Actually, oo. I was kind of rude to you pa that time kasi I remembered you were about to say something but I cut you off. May imi-meet kasi akong client that day kaya I was in a hurry."


"Ah kaya pala." sagot ni Irene na nagnanakaw pa rin ng tingin sa katabi. Habang si Jennie naman ay nakapila na sa tapat ng bakery kiosk para makabili ng almusal. "Buti na lang pala di na kita inabala nung time na yun. Importante pala yung lakad mo."


"Pero still, dapat di ako naging rude sa'yo." 


"Nakabawi ka naman na." nakangiting sagot ni Irene habang inaalog yung paper bag na binigay ni Seulgi na may lamang ham sandwich.


"Pero I gave you food na allergic ka pala. May kasalanan na naman ako."


"Di naman ako napano. Yaan mo na yun." sagot ni Irene. Nagtaka siya dahil nakatitig lang sa kaniya si Seulgi na para bang may gustong sabihin.


"Irene, I know I'm still a stranger to you. I understand kung hindi mo ibibigay." biglang sabi ni Seulgi.


"Hindi ibibigay ang alin?"


"Yung ano...uh...Can I get your nu..."


"Te, ikaw?! May almusal ka na?!" sigaw ni Jennie. Napalingon si Irene sa kaibigan para sumagot. "Meron na, 'te!"


Pagkatapos noon ay ibinaling ulit ni Irene ang atensyon kay Seulgi. "Sorry, ano nga ulit yun?"


Ngumiti si Seulgi kay Irene. "Can I get your..."


"Oh edi bilhan mo na lang si Seulgi, oy!" sigaw pabalik ni Jennie.


'Kung pwede lang akong magtapon ng kaibigan sa Manila Bay matagal ko ng tinapon 'tong si Jennielyn.' sabi ni Irene sa sarili.


"Oo na! Teka lang." sagot ni Irene sa kaibigan. 


"Seulgi, kumakain ka ba ng cheese bread? Masarap yung tinda nila dito. Para may makain ka sa biyahe." tanong ni Irene. Nawala na sa loob niyang may gustong sabihin sa kaniya si Seulgi. 


"No, no. I have a sandwich din diba?" pagtanggi ni Seulgi. 


"Edi dagdagan pa natin yan. Tara bili tayo."


Hinawakan ni Irene si Seulgi sa braso para hatakin papunta sa bakery kiosk.


"Cheese bread nga po tatlo. Yung bagong deliver po sana para di pa nilalangaw." biro ni Irene sa tindera.


"Huy nurse ganda, baka may makarinig mawalan ako ng customer niyan ah." sagot ng tindera pagkaabot niya ng isang balot ng tinapay kay Irene.


"Irene oh." tawag ni Seulgi sa kaniya at nagabot ng pera pambayad.


"Libre ko na 'to." nakangiting sagot ni Irene. Hindi naman nag-protesta si Seulgi na lalong ikinatuwa ng marupok na nurse.


"Thank you, Irene." nagpamalas na naman ng split-second smile si Seulgi na siyang ikinabog ng dibdib ni Irene.

 

 

 

 

 


Pagtapos noon ay dumeretso na sila Irene at Jennie papuntang employees' entrance samantalang si Seulgi naman ay napilitan na lang pumara ng taxi.


"Hoy Ma. Irene, kaya ka naman pala hindi nagalit kasi ganun mga type mo eh." paguusisa ni Jennie habang papasok sila sa amoy pusaling elevator.


"Che, manahimik ka nga. Muntik mo pa kong ilaglag kaninang na-kyutan ako sa kaniya noon."


"Naku ka, kahit di kita ilaglag napaka-obvious na bet na bet mo yung tao."


"Sinasabi mo diyan? Hindi kaya." pagtanggi ni Irene pero hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya.


"Sus! Kaya pala nags-sparkle yung mata mo kanina nung naabutan ko kayong magkausap. Kung di pa ko dumating baka nakurot mo na pisngi nun eh."


"Eeeh keshe naman eh!" pa-cute na sabi ni Irene. 


"Wag mo kong artehan ng keshe naman dyan, wala kang braces. Ano nga?" 


"Kasi naman nginitian ako! Tapos ang fluffy pa ng cheeks niya!"


"Kilig ka na niyan? Tapos sasabihin mong di mo type. Teka paano pala kayo nagkita ulit?" tanong ni Jennie. Wala naman kasing nakwento si Irene na may ilang beses na silang nagkita ni Seulgi pagkatapos siyang matapunan ng kape.


"Nakakamangha nga, girl. Taga Fairview din pala siya. Nagkakasabay kami sa pila ng van papasok."


"Ay destiny! For sure kinilig ka gusto mo yang mga ganyan eh." komento ni Jennie.


"Gaga! Hindi naman masyado. Slight lang." nakangising tugon ni Irene.


"Pero nyeta naman, Marya. Bakit naman sa may pila ng van kayo nagde-date kanina?"


"Yiiee hindi naman date yun eh. Nakakainis 'to." napahawak si Irene sa mukha niyang unti-unting namumula.

 

 

"Hoy, tigilan mo yan mukha kang bulate."

 

 

"Alam mo kanina mo pa ko binabasag. Pangit talaga gising mo kanina, ano?" nakasimangot na tanong ni Irene.

 

 

"Tignan mo kasi yang kilos mo para kang bulate, ang harot."

 

 

"Kinikilig nga kasi ako! Pagbigyan mo na tagal na rin nung huli akong kinilig 'no."

 

 

"Tagal na nga rin, ano? So ano, jojowain mo na?"

 

 

"Ang advance mo mag-isip, Jennielyn. Hindi ba pwedeng happy crush lang, ganun?"

 

 

"Mukha mo happy crush. Hoy Marya, papaalala ko lang sa'yo next month, trenta ka na. Anong happy crush sinasabi mo diyan." sagot ni Jennie na may nakakalokong ngisi.

 

 

"Basher ka. Sige paalala mo pang tagal na akong single."

 

 

"Ayan na si Seulgi oh. Mukha namang interested din siya sa'yo eh."

 

 

"Nakikipag-kaibigan lang yung tao. Malisyosa mo." depensa ni Irene.

 

 

"Iba tingin ko eh. Iba rin amoy ko."

 

 

"Ay, 'te. May sched today yung Ophtha at ENT natin pa-check ka na."

 

 

"Gaga! Haha!" natatawang sagot ni Jennie. "Amoy may gusto sa'yo yang si Seulgi."

 

 

"Kung ano-ano na naman iniisip mo diyan. Wala yun, jusko."

 

 

"Te, maniwala ka sa'kin. Iba talaga amoy ko eh. Nakuha mo na ba number niya?" tanong ni Jennie habang palabas sila ng elevator.

 

 

"Number? H-hindi. Dapat ba?"

 

 

"Ay gagang 'to. Alangang iasa niyo sa tadhana yung mga susunod na pagkikita niyo?"

 

 

"Pota oo nga, ano? Shet. Paano ba magtanong ng number?" tanong ni Irene nang na-realize niyang tama si Jennie.

 

 

"Sa lahat ng maharot ikaw yung walang alam paano mangharot, no?"

 

 

"Malay ko ba? Ako naman laging hinihingan ng number. Di ko pa nasubukan na ako yung manghingi." proud na sagot ni Irene.

 

 

"Ganda ka kasi, ano?" 

 

 

"Naman! Maganda pagkakahulma nila Mama sa'kin."

 

 

"Maganda ka nga wala ka namang number niya. Balewala rin." pangaasar ni Jennie.

 

 

"Oo na, Jennielyn. Kukunin ko na number sa Monday."

 

 

"Oh sige paano? Eh closing ka na sa Monday. Di na kayo sabay ng oras ng pasok."

 

 

"Ay pota oo nga!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naunang pumasok si Jennie sa clinic habang si Irene naman ay nag-iisip ng paraan paano sila magkikita ulit ni Seulgi. 

 

 

Masaya naman siyang sinalubong ng ka-relyebong guard ni Kuya Poy.

 

 

"Good morning, Kuya. Rest day ni Kuya Poy?" bati ni Irene.

 

 

"Opo, Ma'am." sagot ng guard sa kaniya.

 

 

Nang mailapag na ni Irene ang gamit sa locker ay agad siyang nagtungo sa pantry para makapag-almusal. Inabutan niya si Joy na nagtitimpla ng kape kasama si Jennie.

 

 

"Mamsh, may jowa ka na daw? Bakit wala akong alam?" tanong ni Joy.

 

 

"Te, kung may jowa ako edi sana nagpalit na ako ng status sa facebook. Agad agad yun, in a rel

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Kumusta? Mainit init na chapter 15 para sa inyo.


Care to share your thoughts?
No comments yet