16- Jose Cuervo

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 


“‘Te, ano na namang pumasok sa utak mo at yan ang binabasa mo?” pag-usisa ni Jennie sa kaibigan habang nakikibasa sa cellphone ni Irene.


“The Ideal In Relationships.” singit ni Solar na nakibasa na rin.


“Mga ‘te, inaalam ko lang kung sa kasalan ba uwi namin ni Seulgi.” biro ni Irene.

 

“Pinagsasabi mo Irene? Kasalan agad eh di pa nga nagiging kayo.” sabat ulit ni Solar na may halong pangaasar.


“Darating din tayo dun. Nakwento ko naman sa inyo na we’re taking it slow, diba?”


“Oh eh ano ngang kinalaman ng ? Bakit? ilang taon na ba si Seulgi?” tanong ni Jennie habang palabas silang tatlo ng clinic.


“26.” tipid na sagot ni Irene. Inaabangan ang reaksyon ng mga kaibigan. Sa pusta niya ay magka-salungat na opinyon ang maririnig niya.


“Oh my gaaaaad, ‘te! Ang fresh!” excited na sigaw ni Jennie.


“Mahirap yan, Irene. Bata.” kalmadong tugon naman ni Solar.


“Jinudge mo naman agad, Solar. Akala mo naman fresh out of college yang jowa jowaan ni Ma. Irene. Adult na yan alam na niya ginagawa niya.” pagtatanggol ni Jennie sa manok niya.


“Eh mukhang itong si Irene di rin confident. May pag-search pang alam eh.” depensa ni Solar.


“Hindi naman sa pinagdududahan ko si Seulgi o ano. Never pa kasi akong napasok sa relasyon na ako yung mas matanda. Kilala niyo naman lahat ng ex ko, kung hindi matanda sa akin eh ka-age ko lang.” paliwanag ni Irene.


“Takot kang magkamali, ‘no?” nakangising tanong ni Jennie.


“Takot.” tumango si Irene. “Ayokong mauwi sa wala ‘tong sa amin kaya ngayon pa lang kung kailangan mag-adjust, mag-aadjust na ako.”


“Tange! Bakit ka mag-aadjust? Hayaan mong siya mag-adjust sa’yo. Wag mo nang ulitin yung pagkakamali mo sa ex mo sinasabi ko sa’yo, Medina.” paalala ni Solar.


“Ay parang tanga naman, Solar! Ano ba yang sinasabi mo? Pareho silang dapat mag-adjust sa isa’t isa. Dalawa silang papasok sa relasyon, ‘no. Hindi pwedeng isa lang ang mag-aajust, mauubos at mauubos yung si Seulgi kung siya lang.”sagot ni Jennie. “Tsaka ‘te, bakit feel ko ang alat mo kay Seulgi? Sabi mo pa nung nakaraan mas maraming option si Irene mas masaya. Di mo siya bet para sa friend natin?”dugtong niya.


“Di ko pa kasi nami-meet. Paano naman agad ako magbibigay ng boto kung di ko pa nakikilatis ng maigi? Hindi naman ako yung klase ng tao na basta basta na lang susuporta nang hindi nagre-research.”


“Ginawa mo pang eleksyon yung tao. Wag kang mag-alala, ‘te. Mamaya buong gabi mong kilatisin.” sagot ni Irene.

 

 

 

 

 


Nag-ikot muna sila Irene sa department store para magpalipas ng oras dahil masyado pang maaga para magpunta sa videokehan.


Nasa cosmetics section sila nang maisipan ni Irene na i-text si Seulgi. Nakakita siya ng bakanteng upuan sa tabi ng isang korean make-up brand kaya napaupo na lang siya doon. Pagbunot niya ng cellphone mula sa bulsa ng scrub suit niya ay siya namang lapit ng sales promodiser ng nasabing brand.


“Madam! Saktong sakto upo mo diyan, try natin sa’yo ‘tong bago naming product. Kaka-launch lang nito last week.” excited na alok ng empleyado.


“Hala sorry, girl. Okay na ako sa lipstick at kilay.” paghingi ng paumanhin ni Irene sabay tayo mula sa prenteng pagkakaupo.


“Sige na, madam. Di pa kasi ako naka-quota ngayon.” pakiusap nito.


“Teka, tatawagin ko mga friends ko baka sila gusto yan.”


“Make-upan kita ngayon, no charge na. Basta bili ka na sa’kin.” Pagpilit ng sales lady. Eksakto namang dating ni Jennie at Solar na narinig ang alok ng babae kay Irene.


“Ate girl, yan ba yung ‘no make-up look’ foundation na bagong labas?” Tanong ni Jennie.


“Yes, ma’am. Ta-try ko nga po sa friend niyo libre na pa-make-up basta bili lang kayo.” sagot ng sales lady na mabilis napansing sila Jennie ang tinutukoy na kaibigan ni Irene.


“Ay kahit di mo na ako make-upan amin na bibilhin ko na.” pagtanggi ni Irene. She wears make-up naman from time to time pero madalang kapag naka-uniform kaya todo tanggi siya sa alok ng babae.


“Sige na, ‘te. Para naman makita ni Seulgi face mo kapag may make-up.” sabat ni Jennie.


“Excuse me, nagli-lipstick ako bago kami magkita.” iritang sabi ni Irene.


“Ay naku, Marya. Isipin mo nga lipstick pa lang yun pero gandang ganda na sa’yo, paano pa kaya kung may pa-korean make-up. Baka alukin ka na ng kasal nun.”


“Ay weh? Tingin mo?” nakangiting sagot ni Irene.


“Gagang ‘to, papapilit rin pala. Umupo ka na dyan.” sabat ni Solar.


“Girl, wag mong masyadong bonggahan ah? Baka magmukha akong a-attend ng kasal niyan mamaya.” bilin niya sa sales lady.


“Madam, wag kang mag-alala parang bagong gising lang na Song Hye Kyo kalalabasan nito.” pagbida ng babae sa binebentang make-up.


“Ay oh pak! Sakto ate girl, koreana jowa niyan. Mag-shoot silang kdrama mamaya.” kwento ni Jennie sa kausap.

 

Biglang nag-vibrate ang hawak na cellphone ni Irene makalipas ang ilang minutong pag me-make-up sa kaniya. “Langya kayo nakalimutan ko nang i-message si Seulgi tuloy. Saglit lang, girl. Sagutin ko lang ‘to ah.” paalam niya.

 

 

 


“Reen? On the way na kami ni Lisa.” masayang bati ni Seulgi pagkasagot niya ng tawag. “You’re on speaker ah. I’m driving kasi.”


“Hi! Nandito pa kami nila Jennie sa department store pero papunta na rin kami maya-maya.” nakangiting sagot ni Irene. “Hi, Lisa! Ingat kayo ni Seulgi ah.”


“Oh. Daan na lang ako dyan to pick you up.” alok ni Seulgi.


“Hindi na. 5 minutes lang na jeep nandun na kami tsaka lalo lang kayong mata-traffic kapag dumaan pa kayo dito. Nakalagpas na ba kayo ng Fairview?”


“We’re actually stuck here sa may stoplight ng FCM.” Seulgi chuckled.


“Oh tamo? Kita na lang tayo dun. Send ko address ng videokehan. Sa may Visayas Ave. lang yun baka familiar si Lisa sa area.” sagot ni Irene.


“Okay, ingat din kayo. Uhm...Reen? Am I on speaker?”


“Ha? Hindi. Bakit?” takang tanong ni Irene.


“Wala lang...uhm... I can’t wait to see you. Miss na kita.” sabi ni Seulgi habang naka-antabay maging green ang ilaw sa stoplight.


Napalingon naman si Lisa sa kaibigan at kitang kita niya kung paano namula ang tenga at pisngi nito.


“Nakakainis ka! I miss you too! Babye na!” nagmamadaling ibinaba ni Irene ang tawag.

 

Natawa na lang sa kabilang linya si Seulgi dahil naiimagine na niya ang itsura ni Irene. Alam niyang mas malala pa sa pamumula niya ang nagaganap sa dalaga.


“Hayop na yan! Rain Madrigal! Bigyan mo naman ako ng heads up kung maglalandian kayo. Respeto naman sa single.” Sabi ni Lisa, feeling offended.


“Arte mo.” tipid na sagot ni Seulgi dahil abala pa siyang i-replay sa utak niya yung maikling paguusap nila ng dalagang gustong gusto na niyang makita.


“Sinong maarte sa’tin, sige nga? Sino yung may pa-miss na kita. Eh magkasama lang kayo kagabi!”


“Shut up, bud.”


“No, I won’t.” Lisa sniggered. “Alam mo bitin kwento mo sa’min ni Wen kanina eh.”


“Huh? I told you everything kaya. We ate shawarma last night, we talked about what happened to me in the past, tapos we agreed to exclusively date. That’s it.”


“May kulang.”


“Walang kulang, bud.”


“Meron, di mo nakwento kung naka-kuha ka ba ng birthday kiss.” nakangising sagot ni Lisa.


“Walang birthday kiss at kung meron man, I won’t tell you.” nilingon ni Seulgi ang kabigan.


“Boo! Birthday mo kahapon tapos walang kiss?”


“She doesn’t know na birthday ko kahapon. I didn’t tell her. Sa dami ng napagusapan namin last night di ko na naisingit.”


“Ano ba, Rain. She should know ‘no kahit di ka nagse-celebrate ng birthdays dapat alam pa rin niya.”


“Ang awkward kaya yung out of the blue sasabihin kong ‘hey, it’s my birthday.’”


“Hina mo talaga sa timing.”

 

 

 

 

 

 

 


“‘Te, preno preno naman minsan sa bibig. Rinig na rinig namin yung landian niyong dalawa. Na-trauma pa ata ‘tong si ate girl sa’yo eh.” turo ni Jennie sa sales lady sa harap ni Irene.


“Madam, parang di ko na kayo kailangan lagyan ng blush. Ang pula pula niyo na.” biro ng babae.


“Ay naku girl, lagay mo lahat yan sa mukha ko daliiii. Di na raw siya makaantay makita ako.” excited na sabi ni Irene. High na high pa sa kilig na hatid ni cutie sungit ng hapong yun.


“Ay bet! Bibilhin niyo rin po yung blush on?”sagot ng sales lady.


Bigla namang napahalakhak si Solar na kanina ay tahimik lang. “Galing mo magbenta dun!” puri niya sa babae.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Mag-iisang oras na sila Irene sa videokehan pero wala pa rin sila Seulgi. Expected naman na ni Irene na male-late ang dalaga dahil napakatraffic talaga sa Fairview lalo na pag weekend.


“Inom na kaya tayo? Mauunang maubos kay Jennie ‘tong mga pulutan kung di pa natin uumpisahan ‘to.” tanong ni Solar habang nagbubukas ng tigi-tigisang stallion nila.


“Red horse agad? Di man lang San Mig apple muna?” komento ni Irene.


“Tigilan mo ko, Ma. Irene. Ikaw pa nga ‘tong gustong mag-order ng Fundador kanina tapos gusto mong mag-inarte ngayon?” bwelta ni Solar.


“Joke lang kasi yung Fundador pero kung may Empi Lights baka yun inorder ko.” Natatawang sagot ni Irene.


“Alam ba ni Seulging lakas mo sa inuman?” Tanong ni Solar.


“Di ko alam. Ay naku dapat tanggap niyang hindi lahat ng magaganda, pabebe sa alak. Yung iba tomador.” sagot ulit niya sabay apir kay Solar.


“Very good! Hindi sa lahat ng oras ikaw ang mag-aadjust ah. Naku Irene sinasabi ko sa’yo talaga.”


“Sol, ‘te. Di na ako tanga promise. Mahal ko na sarili ko this time.” proud na sagot ni Irene.


“Siguraduhin mo lang ah kasi ako mismo kakalbo sa’yo pag umiyak iyak ka na naman.” seryosong tugon ni Solar.

 

 

Oh, you cut me open and I

Keep bleeding, keep, keep bleeding love

 


Mariing pagkanta ni Jennie sa huling lyrics ng kanta. Naririnig niya kasi ang pinaguusapan ng dalawang kaibigan kaya she purposely emphasized the lyrics by singing on top of her lungs.

 

 

 

 

 


Pangatlong bote na ni Irene nang makatanggap ng text mula kay Seulgi.


Ulan: Parking na po. Sorry ang traffic kasi. ):


Reen: come here na po. Room 23. (;


“Nandyan na raw sila. ‘Te, wag mo naman masyadong gisahin ah? Baka matakot sa’yo eh.” Paalala niya sa kaibigan.


Agad namang lumipat sa kabilang side ng leather sofa si Jennie para mabakante ang pwesto sa tabi ni Irene.


Ilang minuto pa ang nakalipas ay may narinig na silang katok sa kwartong inookupa nila. Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Irene nang si Lisa lang ang pumasok.


“Nasan si Seulgi?” tanong ni Irene.


“Irene naman, wala man lang bang ‘hello Lisa’ dyan? Akala ko friends na tayo?” pangaasar nito.


“Ay sorry. Hello friend, nasan si Seulgi?” nakangising sagot ni Irene.


“Matindi ka talaga, ‘te!” Pangaasar ni Jennie kay Irene. “Dito ka na umupo, Lisa!” aya niya kay Lisa.


“Nasa lobby siya kausap yung receptionist. Susunod na rin yun baka nagorder lang ng food.” 


“Ha? Eh ang dami na naming inorder.” singit ni Solar.


Nagkibit balikat lang si Lisa at tsaka umupo sa tabi ni Jennie. Sa lahat kasi ng kaibigan ni Irene ay kay Jennie pa lang siya kumportable dahil madalas niya itong makita sa clinic sa tuwing maghahatid siya ng pagkain.


“Uy Lisa, si Solar. Friend namin ni Jennie. Sarap na sarap yan sa mga luto mo.” pagpapakilala ni Irene sa dalawa.


“Ay oo lalo na yung pa-steak sobrang sarap.” sagot ni Solar sabay abot ng kamay kay Lisa for a handshake.


Sa gitna ng introduction ng dalawa ay siya namang pasok ni Seulgi sa kwarto.


Walang pagsidlan ang saya ni Irene pagkakita niya sa babaeng kanina niya pa iniintay. Bukod kasi sa presensya ni Seulgi ay inaabangan niya rin kung paano ito manamit sa mga ganitong mga casual na lakad.


White button down shirt na iilang butones lang ang nakasara (much to Irene’s liking syempre), ripped jeans, puting sneakers, at brown leather dress watch lang ang suot ni Seulgi pero sa paningin ni Irene, napaka-attractive nito.


‘Lord, madasalin po akong tao pero di ko po muna sasabihin sa inyo yung nasa isip ko ngayon kahit alam kong alam niyo na. Baka po kasi mabawasan yung chance kong makapunta dyan someday.’ dasal niya.

 

Di naman nabigo si Irene dahil sinalubong din siya ng pagkalaki-laking ngiti at nagmamadaling mga yabag ng paa ni Seulgi papunta sa kaniya.


“Hi.” nakangiting sabi ni Seulgi pag-upo niya sa tabi ni Irene. Parang magnet na kusang natagpuan ng kamay niya ang kamay ng dalagang sabik siyang makita.


Seulgi gently grabbed Irene’s hand and intertwined their fingers. Feeling every bit of warmth na na-miss nila mula noong unang beses silang maghawak ng kamay kagabi.


Hindi pa nakuntento si Seulgi at hinigit palapit sa kaniya ang katabi. “Are you wearing make-up? You look extra beautiful today.” Bulong niya.


Mahina, low tone whisper, pero rinig na rinig ni Irene yung mga salitang lumabas sa mga labi ni Seulgi. Di na ata sapat ang kilig para ilarawan ang pakiramdam niya ngayon. Ang init eh, dahil ba mahina yung buga ng aircon o dahil nakailang bote na siya ng beer? Siguro. Pero pwede ring dahil sa mainit na hanging nagmula sa pagbulong ni Seulgi o di kaya naman ay sa maikling pagdaplis ng labi ng kausap sa tenga niya.


‘Shet.’ tanging nasabi niya sa sarili. 


“Ehem!” Solar cleared to get the pair’s attention.


Bago pa man makatili maka-react si Irene sa pangyayari ay naunahan na siya ni Seulging ma-compose ang sarili.


“Oh sorry, I’m Seulgi.” inabot niya ang kamay sa kaibigan ni Irene. “Solar, right? I’ve seen you sa photos na pinapakita ni Reen.” napatingin naman siya sa gawi ni Jennie. “Hi, Jennie.”


Nginitian siya ni Jennie pabalik pero dahil busy na sila ni Lisa sa pagpili ng mga kakantahin ay di na ito nagsalita pa.


Gulat man dahil nakilala siya ni Seulgi ay hindi na ito pinahalata pa ni Solar. “Yes, ako nga. Nice to finally meet you.”


“Pasensya na I was swamped with work, d

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
880 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
338 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
34 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
338 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲