10- Matcha Green Tea Frappuccino

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

Lumipas ang isang linggong may kapuyatan na ulit si Irene. May mga pagkakataong halos abutin na sila ng madaling-araw ni Seulgi kakausap sa chat. Kaya wala siyang choice kung hindi ang pumasok kahit na parang papel sa gaan ang pakiramdam ng ulo niya dahil sa kakulangan ng tulog.

 

 

 

“Mamsh, closing naman shift mo pero bakit napakalala niyang eyebags mo. Parang di ka natutulog ah.” bungad na tanong sa kaniya ni Joy pagdaan niya sa nurse station.

 

 

“Ha? Ah...hirap lang akong makatulog nitong nakaraan kasi ano...si kuya kasi lagi nakikipag-videoke sa mga kainuman niya. Ang iingay.” pagsisinungaling ni Irene.

 

 

“Rest day mo naman bukas bumawi ka na lang ng tulog.” sabat ni Solar.

 

 

Sasagot pa sana si Irene kaya lang biglang tumunog ang cellphone niya signaling an incoming message. Napangiti siya nang buksan ang message.

 

 

Kitang kita naman ng mga kaibigan niya kung paano nabuo ang mga ngiti sa labi ni Irene just by mere looking at her device.

 

 

“Ay parang hindi pagvivideoke ni Kuya Henry dahilan ng eyebags ni mamsh. Sino yang ka-chat mo, ha?”pagusisa ni Joy.

 

 

Busy pa rin si Irene sa pagtype sa cellphone niya kaya hindi niya nasagot ang tanong ni Joy. At dahil nananalaytay ang dugong Marites sa mga kaibigan niya, hindi na namalayan ni Irene na nakasilip na pala ang mga ito sa kaniyang cellphone.

 

 

“Ah sabi ko na eh! May kapuyatan na si Mamsh!” excited na sabi ni Joy!

 

 

Nakuha naman nito ang atensyon ni Irene kaya napalingon siya sa mga nakangising kaibigan.

 

 

“Sino yang ‘Ulan’ na yan, Ma. Irene? Hindi ka na nagku-kwento sa amin ah?” tanong ni Solar.

 

 

“Wala, bago kong friend." napakagat labing sagot ni Irene. Istorbo naman kasi itong dalawang usisera sa harap niya dahil hindi pa siya tapos kiligin ay naputol na ito dahil sa pagtatanong nila Joy.

 

 

Paano ba naman niya mapipigilang hindi kiligin eh ilang araw na silang magkausap ni Seulgi. Normal conversation lang naman sa totoo lang, kumustahan, getting to know each other, ‘what’s your favorite color’ type of questions. Pero dahil self-confessed marupok si Irene, enjoy na enjoy niya ang paguusap nila. 

 

 

May isang beses pa nga na dahil sa sobrang random ng batuhan nila ng questions ni Seulgi, tinanong niya ito ng ‘Anong favorite number mo sa electricfan.’ At hinding hindi niya makakalimutan yung halakhak na napakawalan niya nang madaling-araw na iyon dahil sa na-receive niyang seryosong sagot ni Seulgi sa napak-absurd niyang tanong.

 

 

'Honestly?  I don’t know. Mas madalas akong nasa airconditioned area kasi. But for the sake of answering your question, maybe 2?’

 

 

Habang inaalala niya ito bigla na namang nagsalita si Joy. “Mamsh, malala ka na. Ngumingiti ka na mag-isa. Sino ba yang Ulan na yan at ganyan katindi tama mo?”

 

 

“Kaibigan ko nga. Diyan na nga muna kayo.” paalam ni Irene bago magtungo sa entrance ng clinic nila.

 

 

Nagtext kasi si Seulgi na kung pwede siyang sumaglit sa labas para kunin yung ipinaabot niya kay Lisa.

 

 

“Nurse Irene!” masayang bati ng chef.

 

 

“Lisa! Uy sabi ko sa’yo Irene na lang eh. Kumusta sugat mo?”

 

 

“Okay naman, pagaling na.” Nakangiting sagot ni Lisa. “This is from Rain.”

 

 

Inabot ni Lisa ang isang malaking brown paper bag kay Irene na siyang ikinagulat ni Irene. Paghawak niya ay mainit-init pa ito. “Ano ‘to, Lisa?”

 

 

“Lunch niyo ng friends mo. Treat daw niya for accommodating us nung nasugatan ako.” malokong sagot ni Lisa habang wini-wiggle ang kilay niya.

 

 

“Seryoso? Di naman kailangan may paganito pa.” Nahihiyang sagot ni Irene.

 

 

“Wala yun tsaka masanay ka na mahilig mag-bigay ng kung ano-ano yang si Rain. I’ll go ahead na ah? Kailangan na ko sa kitchen eh.”

 

 

Napangiti na lang si Irene dahil hindi niya inasahang may ganitong paandar yung babaeng dahilan ng mga ngiti niya lately. Kaya agad niyang kinuha ang cellphone para i-text ito.

 

 

‘Pssst...salamat sa ayuda. :)’ text niya kay Seulgi. 

 

 

Para bang nakaabang ang dalaga sa cellphone dahil wala pang ilang segundo ay nakatanggap na agad ng reply si Irene.

 

 

‘You’re welcome. I hope you enjoy your lunch, Irene. Kainin mo agad yung steak habang mainit pa.’

 

 

Pagbukas ni Irene ng paper bag ay nagulat siya nang mapansing mayroon ding naka-pack para kay Kuya Poy. May nakalagay kasing ‘Sir Guard’ sa ibabaw ng food container.

 

 

“Kuya, lunch mo oh.” sabi ni Irene nang iabot kay kuya Poy ang pagkain.

 

 

“Ma’am Ganda! Ang dami naman nito tsaka ang bango!” Sagot ng guard matapos niyang excited na amuyin yung packed lunch.

 

 

“Galing yan sa patient natin tsaka sa friend ko nung isang linggo, tanda mo kuya?”

 

 

“Ah oo! Yung chinitang nagbigay ng siomai! Ang bait talaga nun Ma’am Ganda.”

 

 

Matapos maibot kay Kuya Poy ay dumeretso naman si Irene sa cashier para iabot ang pack lunch. ‘Miss Cashier’ naman ang nakasulat dito at inassume ni Irene na para ito doon sa cashier na ka-duty niya ng gabing dalhin si Lisa sa clinic.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagdating ni Irene sa nurse station ay tinawag niya sila Joy at Solar at inaya sa may locker area.

 

 

“Oh lunch niyo. Sabihin niyo thank you, Madam!” biro ni Irene sa mga kaibigan.

 

 

“Hoy, pota ka Irene! Saan galing ‘to? Mukhang mamahalin! May pa-garnish pa!” gulat na tanong ni Solar.

 

 

“Don’t tell me, may sugar mommy ka? Yan ba yung Ulan na ka-chat mo?” pagusisa ni Joy.

 

 

“Anong uunahin? Chismis o masarap na lunch? Kasi kung ayaw niyo bibigay ko ‘to sa lab.” pagiwas ni Irene sa tanong.

 

 

“Ito naman ang kj eh. Siyempre dun tayo sa masarap na lunch.” agad na kinuha ni Joy ang malaking food container mula kay Irene.

 

 

“Te, pwede tayong mag-mukbang sa dami nito. Swerte naman natin.” komento ni Joy.

 

 

“Irene’s friends.” Binasa ni Solar yung label sa ibabaw ng lagayan ng pagkain na hawak ni Joy. “Te, mas maswerte ‘tong kaibigan natin mukhang nakatagpo nga talaga ng sugar mommy.” sabay hatak kay Joy pabalik sa nurse station para hindi na makaalma pa si Irene.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kumalam na ang sikmura ni Irene dahil kanina pa niya naaamoy yung pagkaing hawak niya. Excited niyang tinignan kung ano ba yung laman ng lunch na para sa kaniya pero mas na-excite siya nang mabasa ang note na nakasulat sa ibabaw nito.

 

 

‘Hope your day is full of smiles. Pwede ba kitang makita later? See you after work?’

 

 

 

Parang maiihi si Irene. Kung pwede lang mamilipit sa kilig kanina pa siya naging bulateng nag-bebelly dancing kaya lang may mga labas-pasok sa locker area nila kaya nag-settle na lang siya sa silent scream na pinawalan niya habang tinutupi ang note at iniipit sa likod ng cellphone case niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Rain, what do you think? Agree ka ba?” Tanong ni Wendy sa kaibigan.

 

 

“Huh? What is it again?” sagot ni Rain. Itinago na niya ang cellphone para makapag-focus sa paguusap nila ni Wendy.

 

 

“Ang sabi ko kung agree ka ba?”

 

 

“Uhm...Wen. Sorry hindi ko narinig.” Pag-amin ni Rain.

 

 

“I know. Kanina ka pa tulala. Sino yan?”

 

 

“Huh? What do you mean?”

 

 

“Sino yang inaantay mong magchat? You’ve been fidgeting with your phone kanina pa.

 

 

“Si Irene. I’m waiting to be rejected.” malungkot na sabi ni Rain.

 

 

“Rejected? Rejection from what?” takang tanong ni Wendy.

 

 

“I kinda asked Irene if I can visit her later? Hindi pa siya nagrereply. Kinakabahan ako.” ikinwento ni Rain sa kaibigan kung paano niya kinontsaba si Lisa para magdala ng pagkain pati na rin yung note na sapilitan niyang ipinasulat sa kaibigan.

 

 

Pagtapos magkwento ni Rain ay malakas na tawa ang natanggap niyang tugon.

 

 

“Bud! Are you asking her out on a date or what? Kasi if oo, that’s so lame!” sagot ni Wendy. “Pwede ba kitang makita later, pffff!” Dugtong niya na may halong pangaalaska sa kaibigan.

 

 

“Hindi date yun! I just want to see her.” sagot ni Rain feeling dejected.

 

 

“Okay, okay. Baka naman she’s still eating her lunch pa. Give her some time.”

 

 

“What if ayaw niya pala akong makita?”

 

 

“Paano mo naman nasabing ayaw ka niya makita?” pagusisa ni Wendy.

 

 

“I don’t know but it’s possible.” 

 

 

“Nag-ooverthink ka na naman. Antayin mo lang. Per

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
879 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
337 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
33 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
337 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲