13- Gatorade

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Unpredictable life events—ito yung mga pangyayari sa buhay ng isang tao na bigla na lang ang pagbulaga dahil wala silang kaalam-alam na posible pala itong maganap, dahil hindi naman ito pinlano.

 

 

Isang halimbawa ay yung magdamag kang nag-review para sa pinakakinakatakutan mong subject only to find out sa araw ng pagsusulit na open notes naman pala ito. O di kaya naman sa case ni Ma. Irene Medina ngayon na sobra ang kabog ng dibdib sa eksenang nagaganap sa kaniyang harapan. Ni sa panaganip ay hindi sumagi sa isip ni Irene na makakasalubong niya si Seulgi while she’s on her way to meet her patient’s apo.

 

 

Natigilan si Irene sa paglalakad nang magtagpo ang kanilang mga mata. Sinalubong siya ni Seulgi ng isang malaking ngiti paglapit sa kaniya.

 

 

 

‘Lord! Please lang, bakit pakiramdam ko ako yung kalbong bida sa No Other Woman?!’ dasal ni Irene.

 

 

Bigla kasing nag-flash sa isip niya yung iconic scene sa pelikulang iyon. Yung pagpasok ni Derek sa bahay ay naabutan niyang magkasama ang asawa niyang si Cristine at ang kabit niyang si Anne.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Hi!” Bati ni Seulgi sa dalagang tila nakulam ng mga kaaway ni Harry gamit ang Petrificus Totalus, a body freezing spell sa mundo ng Hogwarts.

 

 

“Irene? Are you okay?” Mapang-asar na tanong ni Seulgi dahil she’s fully aware kung bakit nagkakaganito si Irene.

 

 

“S-Seulgi? Mamayang 4 pa tayo magkikita d-diba?" nauutal na tanong ni Irene habang nakatitig sa kaharap. Siya namang dating ni Yeri at ng greatest match-maker of all time, si Mrs. Constancia.

 

 

“Apo!” sigaw ng matanda paglapit nito.

 

 

“A-apo?” hindi pa kayang iproseso ni Irene ang bagong impormasyong narinig dahil hanggang ngayon ay naiwan pa siya sa unang sorpresang natanggap niya kanina.

 

 

“Mimi, are you done with your check up?” sagot ni Seulgi sa kaniyang lola.

 

 

“Ate Rain, akala ko ba dun na lang tayo sa restau magkikita? Bakit nandito ka?” sabat naman ni Yeri.

 

 

“I got bored.”

 

 

“Tapos na. Apo, si Nurse Ganda. Siya yung sinasabi ko sa’yo.” sabi ng lola ni Seulgi na ngayon ay naka-angkla na ang braso sa tuod na si Irene.

 

 

 

“We know each other, Mimi.” mahinanong sagot ni Seulgi. “Yeri, una na kayo doon. I reserved a table for us.”

 

 

Tumango lang si Yeri and gave her cousin a knowing look. Nagpakawala pa ito ng mahinang tawa bago tuluyang akayin ang matanda palayo.

 

 

 

 

 

 

 

“Hey, di ka na nagsalita dyan? Are you okay?” malambing na sabi ni Seulgi para makuha ang atensyon ng dalagang kaharap.

 

 

“Paki-explain lahat ng ‘to, Miss Seulgi Madrigal. Kasi pag hindi makukurot na talaga kita sa singit.” Irene said.

 

 

Seulgi chuckled at dahan-dahang binuksan ang hawak na inumin para kay Irene. “Gatorade?” Alok nito.

 

 

Walang patumpik-tumpik na nilagok ni Irene ang malamig na sports drink hanggang sa makalahati niya ito.

 

 

“Sorry, gusto ko lang i-surprise ka.”

 

 

“Apology accepted pero please paki-kumpleto yung kwento.”

 

 

Tumango si Seulgi at nag-umpisang ikwento ang bawat detalye kay Irene.

 

 

“So, ibig mong sabihin last week mo lang nalaman na ako at yung nirereto ni mommy sa’yo ay iisa? Tapos itong lunch date, ikaw nagplano?” Tanong ni Irene.

 

 

“Daaaate? You consider having lunch with a stranger date?” naka-pout na tanong ni Seulgi. 

 

 

“Wag kang nagpapa-cute sa’kin, Seulgi. Mag-paliwanag ka. Tsaka anong stranger eh ikaw rin naman yung apo na imi-meet ko ngayon.” sagot ni Irene na nagpipigil mangiti dahil sa itsura ng kausap niya ngayon.

 

 

“Kahit na di mo pa naman alam na ako yun. And to answer your question. Yes, I planned this to surprise you.” Nakayukong sagot ni Seulgi.

 

 

“Tiingin ka sa’kin dali.” Tinapik ni Irene ng bahagya ang pisngi ng kausap para masuyo itong tignan siya. “Eh bakit ang lungkot mo diyan? Selos ka sa lunch date?” Irene bravely asked bago niya na-realize yung mga salitang lumabas sa bibig niya.

 

 

 

 

 

‘Lord, wala pong CTRL + Z ang life, no? Di ko na pwedeng bawiin yung tanong ko? Medyo pang-malandi po eh hehe.’ Dasal ni Irene, nagbabakasaling mabawi niya pa yung tanong niya.

 

 

 

 

 

 

 

“Slight?” Seulgi answered with a mischievous grin on her face.

 

 

“Nakakainis ka! Wag kang nagpapa-cute kasi! Nakakalimutan ko tuloy na may kasalanan ka.” Sagot ni Irene sabay hampas sa braso ng kausap.

 

 

“O-ouch! Masakit!”

 

 

“Ay sorry, sorry napalakas. Wag ka kasing ngingiti ng ganyan!” sagot ni Irene habang hinahaplos ang brasong nahampas niya.

 

 

“Reen, let’s go? Baka maubos ni Yeri yung food.” namumulang sagot ni Seulgi. Naeenjoy niya pa ang flirty exchange nila ng dalaga pero dahil biglang uminit ang paligid nang haplusin ni Irena ang braso niya, nag-aya na lang siyang umalis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Apo, ang ibig mong sabihin magkakilala na kayo ni Nurse Ganda?” naguumapaw ang tuwa’t galak ng matanda sa narinig. Napa-palakpak pa ito nang kumpirmahin ni Seulgi ang tanong ng lola.

 

 

“Yes, Mimi.” Nakangiting sagot ni Seulgi.

 

 

“Nurse Irene, sure ka na kay Ate Rain? Napakasungit niyan eh.” pangaasar ni Yeri sa mga kausap.

 

 

 

“Ate Irene na lang, Yeri. Wala naman tayo sa clinic. Alam mo sinungitan nga ako talaga niyan nung unang kita namin.”

 

 

“See? Naku sa bahay laging salubong kilay niyang si Ate.” dagdag ni Yeri.

 

 

“Hey, I apologized naman na diba?” malungkot na sagot ni Seulgi kay Irene. “And you, kid. I’m not always masungit.” Turo niya sa pinsan.

 

 

“Sige na nga kunyari na lang hindi. Madalas ka na kasing mag-smile ngayon eh. Si Ate Irene ba dahilan?” Yeri asked, smirking.

 

 

Sabay namang namula ang pisngi ni Irene at Seulgi pagka-rinig ng tanong ni Yeri.

 

 

“Hahaha in sync yang blush niyo ah. Sige na di na ako magiintay ng sagot. Alam ko na.”

 

 

“Tigilan mo na nga yang pang-aasar sa mga ate mo. Kumain na ka na lang diyan.” pag-pigil ng lola ni Seulgi sa isa pa niyang apo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
878 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
335 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
32 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
335 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲