11- Poqui Poqui

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“You told her what?” tanong ni Wendy mula sa kabilang linya ng telepono.

 

 

“I told her wala akong pasok ngayon.” sagot ni Rain.

 

 

“No, no. The exact words you told her? You filed for a leave?” seryosong tanong ni Wendy sa kaibigan. “Rain, are you serious? You and I own this, di mo kailangang mag-file ng leave.”

 

 

“I told you I’m not coming to work today in case she agrees to spend time with me, diba? It’s kinda the same.”

 

 

“Magkaiba yun.” sagot ni Wendy with a flat tone.

 

 

“Okay, I’m sorry nagpanic ako, Wen. Words in my head came out jumbled. Takot akong ma-reject.”

 

 

“Kaka-overthink mo yan, bud. Just tell her the truth. Importante yun kung gusto mo talagang ma-gain yung trust niya.”

 

 

“Paano ko yun sasabihin without being cocky? ‘Hey, Irene. Mali pala nasabi ko kagabi na nag-file ako ng leave kasi I own the business, I can skip work whenever I want.’”

 

 

“Sige, ganyan mo sabihin para first and last date niyo na ngayon. Casually tell her, insert mo lang sa conversation niyo.”

 

 

“I will tell her pero hahanap muna ako ng right timing.” tipid na sagot ni Rain.

 

 

“Good. I have to go na enjoy your date.” biro ni Wendy na nagbago na ng kaunti ang tono, di gaya ng mood kanina.

 

 

“For the nth time, bud. Hindi kami magde-date.”

 

 

“Sure, sure. Hindi yan date. Convince yourself more, Rain.”

 

 

Binaba na ni Wendy ang tawag habang si Rain naman ay abala sa pagsilip sa gawing kanan niya kung nasaan ang gate ng bahay nila Irene.

 

 

Napagkasunduan kasi nilang dalawa na susunduin na lang niya si Irene para sabay na silang magpunta sa grocery.

 

 

Pagdungaw niya sa bintana ng kotse ay siya ring katok naman ng lalaking kalalabas lang mula sa bahay ni Irene.  Agad na bumaba si Rain para humarap sa lalaki.

 

 

“Ikaw yung bisita ni bunso? Pasok ka daw muna di pa siya tapos mag-ayos.”

 

 

“Good morning. Opo, I’m Irene’s friend.” bati niya sa lalaking namukhaan niya. Yung kuya ni Irene na halos matumba na sa kalasingan noong nakaraan eh ito’t matindig na ang tayo na para bang hindi nakalagok ng kahit isang patak ng alak.

 

 

“Dun ka na lang mag-antay sa loob. Sayang gas mo kanina pa ata bukas yang auto mo.”

nakangiting sagot ng lalaki. “Henry nga pala. The kuya.”

 

 

“Seulgi po.” sagot niya habang inaabot ang kamay para makipag-handshake. She assumed na walang naalala sa mga nangyari noong nakaraang gabi ang kuya ni Irene kaya hindi na lang niya binanggit na nagkita na sila.

 

 

Pagpasok nila sa gate ay naabutan nila ang isa pang lalaki na nagbubutingting sa ilalim ng isang van. Halata sa mga gasgas sa gilid-gilid na niluma na ito ng panahon.

 

 

“Pa, bisita ni bunso.” sabi ng kuya ni Irene. Di naman nagtagal at nag-slide palabas ang matandang lalaki gamit ang equally worn out mechanic undercar creeper niya.

 

 

Tumango at tumitig lang ito kay Seulgi kaya awkward siyang nagpakilala. “Seulgi po, good morning po.”

 

 

“Pasok ka nasa loob pa siya.” sagot ng matanda at tsaka nag-slide ulit pailalim sa kinukumpuning sasakyan.

 

 

Pagpasok nila sa loob ng bahay ay agad silang sinalubong ng isang matandang babae. Hindi nakalagpas sa observation ni Seulgi ang uncanny resemblance ng nasabing babae kay Irene. Pansin na ang naguumpisang kulubot sa  mukha nito pero kita pa rin ang bakas ng kagandahan noong kabataan niya.

 

 

Kumbinsido siyang pagtanda ni Irene ay ganito ang magiging itsura ng dalaga. If not, baka mas maganda pa.

 

 

“Upo ka, iha. Pasensya ka na ah magulo ang bahay. Di naman kasi nagsabi si Ireneang may bisita pala siya.” Excited na sabi ng nanay ni Irene. “Gusto mo ng juice, sopdrinks, kape?” Alok nito.

 

 

“Good morning po, Seulgi po.” sabi niya sabay ngiti. 

 

 

Genuine smile. Taos pusong ngiti dahil kanina pa siya fascinated sa itsura ng nanay ni Irene. Di na matanggal sa isip niya yung magiging future ng dalagang pinunta niya doon.

 

 

“Ay! Napakaganda naman ng ngiti mo! Patay na patay anak ko diyan. Bilis ma-inlab nun sa singkit eh, pasado ka na agad.” komento ng matanda na medyo napalakas ng kaunti kaya rinig na rinig ito ni Irene pagbaba ng hagdan.

 

 

“Maaa! Ano ba yang sinasabi mo kay Seulgi?!”

 

 

“Aba’y totoo naman!” Buwelta ng nanay ni Irene.

 

 

“Good morning, Seulgi.” Malambing na bati ni Irene paglapit sa kaniya.

 

 

Sa tatlong taong binati ni Seulgi ng good morning sa bahay na ito ni isa walang nag-good morning back pero bawing bawi naman sa pagbating natanggap niya mula sa dalagang kaharap.

 

 

“Good morning, Irene. Ready ka na?” mahinang tanong niya dahil ayaw na niyang makakuha ng atensyon mula sa nanay ni Irene.

 

 

“Yes, tara na?”

 

 

“Let’s go.” tugon ni Seulgi.

 

 

“Ma, alis na po kami.” paalam ni Irene sa nanay.

 

 

“Teka, nak. Hindi ba muna kayo kakain? Malapit na maluto yun pinapakulo ko na lang.”

 

 

Napatingin si Irene kay Seulgi. “Nag-breakfast ka ba? Gusto mo munang kumain?”

 

 

“Kakakain ko lang, Irene. Maybe later paghatid ko sa’yo?”

 

 

“Sure ka ah? Pwede naman makapag-antay yung paggo-grocery eh.”

 

 

“Sure po. Let’s go?” aya ni Seulgi.

 

 

“Sige paalam lang ulit ako kay Mama.” pumasok si Irene sa likod-bahay pero paglabas niya ay may dala-dala na siyang timpladong powdered orange juice.

 

 

“Inom ka raw muna sabi ni Mama. Pasensya ka na mapilit talaga yun eh.”

 

 

“Okay lang.” pagkaubos ni Seulgi ng juice ay nagsalita ulit siya. “Samahan mo ako kay...Tita? Magte-thank you lang ako.”

 

 

“Tita?” Napangiti si Irene sa narinig.

 

 

 

 

 

 

‘Tita now, Mama later. Lord, kilig ako slight lang po.’ dasal ni Irene.

 

 

 

 

 

Iba ata yung tama na dala ng kape na ininom ni Irene kaninang umaga dahil may energy siyang pigilan yung kilig na namumuo sa kaloob-looban niya ngayon.

 

 

 

 

“Yes, kay Tita. Your mom.” Pagkompirma ni Seulgi. “Why are you smiling?”

 

 

“Ha? Wala naman. Naku mamaya ka na lang magpaalam kay Mama kasi pag chinika mo yun ngayon di ka na papaalisin.” hinawakan niya si Seulgi sa braso at tsaka hinila palabas ng bahay.

 

 

“But...but I don’t want to be rude.”

 

 

“Hindi yun rude, promise.”

 

 

 

 

 

Bago lumabas ng gate ay nagpaalam na rin si Irene sa kaniyang tatay. “Pa, alis muna ako. Mag-grocery lang kasama ko si Seulgi.”

 

 

“Ingat nak! Tsaka Seulgi? Seulgi ba pangalan?” sagot ng tatay ni Irene habang nagkumupuni pa rin sa ilalim ng sasakyan.

 

 

“Opo. Seulgi po.”

 

 

“Oh ingatan mo yang anak ko ah? Wag mong iiwan yan, iyakin pa naman yan pag naiiwan.” bilin ng tatay ni Irene.

 

 

“Papa! Ano ba yang sinasabi mo kay Seulgi?” pagpigil ni Irene.

 

 

Natatawang nag-slide palabas ng kotse ang tatay ni Irene at tsaka sumagot. “Wag ka kakong iiwan sa grocery at baka umiyak ka sa dami ng bitbitin pauwi.”

 

 

“Don’t worry, Sir. Di ko po iiwan si Irene. I won’t go anywhere without her.” seryosong sagot ni Seulgi.

 

 

Nabaling ang atensyon ni Irene sa kakatapos lang magsalitang si Seulgi at di na niya napigilan ang unt

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
878 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
336 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
32 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
336 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲