17- Flower-shaped Chocolate

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 


Life is a never ending waiting game. Iyan yung yung nakasanayang gawi ng mga tao na nagpasalin-salin na mula pa sa mga unang henerasyon. Noong bata ka nag-umpisa lang naman yan sa pag-aantay mong mag-ring yung bell sa school na hudyat ng pinakaaasam na uwian. Kung long term naman ang usapan, does the phrase ‘I can’t wait to graduate and earn my own money’ ring a bell? Nang tumanda ka naman ay nabago lamang ito ng kaunti at naging ‘Thank God It’s Friday’, senyales na natapos mo na ang isang nakakapagod na linggo at maari ka nang makapahinga.


Sa madaling salita, masyado tayong invested kakaantay matapos ang isang bagay dahil doon tayo humuhugot ng lakas ng loob at pag-asa. Pag-asang nangangako ng ‘new beginning’. Madalas, we tend to look forward na mag-end yung mga bagay-bagay sa buhay natin para lang makaranas ng bagong panimula.


Bakit nga ba? Siguro kasi reassuring pakinggan yung may chance ka ulit mag-restart kung may failure ka mang nagawa noong nakaraan. O pwede rin namang ang sarap lang talagang namnamin yung tsansang  ibinigay sa’yo ng universe para huwag nang ulitin pa yung mga kamaliang naganap sa nakaraan.


Kaso ano bang downside ng constant waiting na ito? Siguro ang pinaka-malala eh yung nakalimutan na nating mag-focus sa present kasi masyado tayong nakatutok sa ending. Di na natin na-enjoy yung kasalukuyan kasi walang ibang nasa utak natin kung hindi yung oras na makarating tayo sa dulo.


Ang saya siguro kung mababago natin yung laro ng buhay na ito, ‘no? Yung imbes na ma-stress ka kakaantay ng future mas naka-focus na lang tayo sa kung anong nangyayari ngayon. Mas may pagkakataon tayong ma-appreciate at mapasalamatan yung mga ganap sa buhay natin kasi di natin inaalala masyado yung nakaabang sa bukas.


Live the moment, seize the day, Carpe Diem o kung nocturnal ka Carpe Noctem, lagay na rin natin yung YOLO para sa mga ka-millenial ni Irene. 


Ito yung sinusubukan ngayong gawin ni Medina. Iwasan ang mag-alala at enjoyin ng bongga kung ano mang mayroon siya ngayon.

 

Tatlong araw pa lang makalipas yung videoke trip nila natagpuan na ni Irene yung sarili niyang inaabangang matapos ang suspension niya at magsimula ulit. Inip na inip na kasi siya sa bahay. Hindi siya sanay na walang ginagawa. Mula kasi noong makapasa siya sa board exam at nai-release ang lisensya niya hindi na siya tumigil sa pagta-trabaho. Tapos ngayon pitong araw siyang tinanggalan ng gagawin, isama pa yung dalawang araw na mandatory rest day niya.


‘9 days. Grabe anong gagawin ko sa loob ng siyam na araw.’ tanong niya sa sarili.


Nagpaalam siya sa mga magulang na may papasukang raket. May nag-alok kasi sa kaniyang maging part time vaccinator sa health center malapit sa kanila. Pero isang ‘Nak, wag na. Magpahinga ka na lang. Minsan lang ‘tong napipirmi ka sa bahay’ ang natanggap niya.


Bored siya.


Di naman din makagala kasi yung mga kaibigan niya may mga pasok. Si Seulgi naman hindi rin niya magawang kulitin kasi nakwento nitong maraming kailangang asikasuhin sa opisina. Pero nangako naman itong magkikita sila sa biyernes. Pag natapos na niya ang mga dapat ayusin. 


Kaso miyerkules pa lang ngayon at bagot na bagot na siya. Miss na miss na rin ni Irene yung crease between Seulgi’s eyebrows pag nakasimangot ito.


Hindi naman nakakalimot si cutie sungit na mag-text sa dalaga sa tuwing magkaka-spare time siya. Nandiyan yung sweet good morning messages at mangilan-ngilang life updates. Wala nga lang calls kasi busy talaga. Humahanap lang si Seulgi ng tyempo makamusta si Irene.


Magrereklamo pa ba si Ma. Irene eh kung tutuusin hindi naman obligasyon ng ka-exclusive date niya yung mga ginagawa nito ngayon.


Kahapon nga gulat siya nang sagutin niya ang tawag mula sa isang unknown number.


‘Good morning, Ate Irene! Si Yeri ‘to!  On the way na diyan yung food delivery ah? Inutusan ako ni Ate Rain mag-book eh.’

 

Pero sa lahat ng mga sari-saring paandar na pinadala ni Seulgi sa kaniya, itong kaka-open lang na picture sa messenger ang pinaka-nagustuhan niya.


Selfie ni Seulging nakasimangot and it appears na nasa loob siya ng isang conference room kasi kita ni Irene yung wooden table at mga stack of papers sa paligid.


‘Good morning! Sorry, salubong eyebrows. I can’t smile kasi i’m in the middle of a meeting. Weird yun for them to see me smiling na walang reason. Hehe’ sabi sa chat kasunod ng litrato.

 


‘Good morning, Ulan! Ang cute mo. Pwede kong i-save yung pic?’ 


Mabilis pa kay The Flash yung pagpindot niya sa send button. Worried na baka pag tinagalan niya ang pag-send ng reply ay di na mabasa ito ng kausap.


Isang tipid na ‘Sure, Reen.’ at laughing emoji ang natanggap ni Irene a few minutes later. Gets niyang busy talaga si Seulgi kaya hindi na siya nag-reply pa at pinusuan na lang ang message ng dalaga.


Yung inip sa katawan niya bahagyang nabawasan ng kaunti dahil sa maikling exchange of good mornings na iyon. Sa totoo lang, na-excite pa nga siya. Cliché na talaga at gasgas na pero di niya maitangging nabigyan siya ng energy ng picture na yun. Kaya bumangon siya para maghanap ng gagawin.

 

 

 

 

 

“Irenea! Kakalinis mo lang ng cr kahapon, aba! Baka naman mabutas na yang tiles kakakuskos mo.” komento ng nanay niya na nakasilip sa may pintuan ng banyo.


“Mama, inip na inip na ko sa kwarto. Yaan niyo na ko dito.” tamad na sagot niya. 


“Ang sabi magpahinga ka pero kulkol ka pa rin ng kulkol. Tigas ng ulo ng batang ‘to.” sagot ng nanay niya bago ito dumeretso sa kusina para mag-handa ng almusal.

 

 

 

 

“Bunso! Bulaga!” Panggugulat ng kuya ni Irene.


“Kuya! Ano ba?!”


“Gusto mo ng gagawin? Tulungan mo ‘kong maglaba.” nakangising alok ni Henry sa kapatid.


“Tulungan ka? Parang ako lang gagawa niyan eh.”


Napakamot sa batok si Henry. “Sige na, bunso. May bago kasi akong game na pinasok eh laki ng kitaan sayang naman kung di ako mag-concentrate dun. Dali na pag yumaman tayo dito kahit di ka na magtrabaho habang buhay.”

 

“Oo na. Lagay mo na lang yan sa may labahan tapos pakibaba na rin mga damit namin nila Mama. Isasabay ko na.” pag-sangayon ni Irene.


“Yown! Ayos!” dali-daling umalis si Henry dahil baka magbago pa ang isip ng kapatid niya.


Napaisip na lang si Irene pag-alis ng kuya niya. Sobrang opposite kasi ng personality nilang dalawa. Kung siya mas nakatuon ang isip sa future at sa conventional ways of life, kabaliktaran naman si Henry.


Mas pinapahalagahaan nito kung ano man ang mayroon ngayon. Mahilig rin itong sumubok ng mga bagay na napakalaki ng risk at stake.


Gaya nang mag-resign ito sa trabaho noong nakaraang taon at nag-focus na lang sa paglalaro ng online games. Nakatanggap ng pagkahaba-habang sermon ang kuya niya nang sabihin nito sa kanilang mga magulang ang naging desisyon.


‘Hindi kita pinag-aral sa magandang eskwelahan para lang mag-aksaya ng oras sa paglalaro, Henry!’ tandang tanda pa ni Irene yung linya ng nanay nila na yun.


‘Mama, hindi lang naman basta bastang laro ito. May kikitain ako dito. Abang lang kayo.’ depensa ng kuya niya.


Mahirap nga naman kasing ipaliwanag sa mga matatanda ang kalakaran ng pinasok na buhay ng kuya niya. Ilang buwan ring pangaral at sermon ang inabot ni Henry bago nagbago ang ihip ng hangin.


Tsaka lang naniwala ang mga magulang nila nang mag-abot na ng malaking halaga ang kuya niya.


‘Henry, nak. Hindi ka naman pumasok sa iligal, ‘no?’ tanong ng tatay nila.

<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
880 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
338 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
34 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
338 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲